Chapter 14 Curiousity kills the Cat
"I'm bleeding, with no wounds at all?"-S.
Dame Alferza
Ilang araw na lang kaarawan na ni Lee. At hanggang ngayon hindi parin ako pinapansin ni Dae Dae. Lagi siyang ilang sa akin. Hindi din nakikisabay sa pagkain tuwing lunch lagi siyang nahuhuli o hindi naman kaya'y nauuna. At kung hindi nahuhuli o nauuna ay hindi na ito kumakain pa.
"I'm still full Juz!" 'yan 'yung lagi niyang linyahan.
Nababahala na nga ako eh, kasi naman yung one year food supply ko kay Lee na nakatoka. Napapansin ko ding hindi sila masyadong nagpapansinan ni Abo. Sa akin ba siya may problema o baka naman kay Abo?
Si Abong wala ng ibang ginawa kundi matulog sa klase, makisabay kumain, inisin ako gamit ang tahimik niyang ngisi. At magpahagikgik at hiyaw ng mga Chuckie dolls, nang wala siyang ginagawa kundi maglakad lang na parang bangkay na walang buhay o 'di naman kaya'y sumagot sa mga tanong ni Snape.
Napapansin kung ng mga nakaraang araw para bang may favoratism na umiiral sa sistema ng paaralang ito sa pagitan ni Snape at Abo! Balik naman kami sa dati ni Chua. At si Kagura nakalabas na din siya at kasalukyan ng nagtuturo sa amin ngayon.
"Ms. Alferza, may I have your attention?" Mukhang nagsisisi na ako ah! Balik nanaman siya sa terror beast mode niya!
Tinanguan ko lang siya. Napatingin naman ako kay Dae. Sinundot ko siya sa tagiliran, gawain ko na 'to simula ng araw na hindi niya ako pinansin. Tuwing sinusundot ko siya titignan lang niya ako ng masama o 'di naman kaya'y " It's not funny!" "Tsk!" "Fuck it!" "Stop!" Yan, halos kabisado ko na lahat.
Ibinaling ko nalang 'yung attensyon ko kay Lee nakita ko kasing parang nag improve 'yung ginagawa niya hindi na pugad ng ibon at dahil nasa pagitan namin si Dae hindi ko iyon masiyadong makita.
Kaya naman...
"Lee Ang saklap parin, mas maganda yung pugad." bulong ko itinulak naman ako ni Dae dahil sa posisyon namin. Lumapit kasi ako tapos dumungaw sa ginagawa ni Lee sa harap mismo ni Dae.
"Ms. Alferza you're not paying any attention!" Kagura naman eh! Nakikisali pa. Tinanguan ko lang ulet.
Umayos ako ng upo. Hands on the desk, eyes on the screen and ears on her. Pagkaraan lang ng ilang minuto nalingat nanaman ang attensyon ko. Ang hirap mag focus takte.
Nilabas ko yung phone ko saka earphones, sinalpak ko na 'yung earphones sa tenga ko at namili ng magandang music. Dua lipa IDGAF
~~𝕐𝕠𝕦 𝕤𝕒𝕪 𝕪𝕠𝕦'𝕣𝕖 𝕤𝕠𝕣𝕣𝕪
𝔹𝕦𝕥 𝕚𝕥'𝕤 𝕥𝕠𝕠 𝕝𝕒𝕥𝕖 𝕟𝕠𝕨
𝕊𝕠 𝕤𝕒𝕧𝕖 𝕚𝕥, 𝕘𝕖𝕥 𝕘𝕠𝕟𝕖, 𝕤𝕙𝕦𝕥 𝕦𝕡
'ℂ𝕒𝕦𝕤𝕖 𝕚𝕗 𝕪𝕠𝕦 𝕥𝕙𝕚𝕟𝕜 𝕀 𝕔𝕒𝕣𝕖 𝕒𝕓𝕠𝕦𝕥 𝕪𝕠𝕦 𝕟𝕠𝕨
𝕎𝕖𝕝𝕝, 𝕓𝕠𝕪, 𝕀 𝕕𝕠𝕟'𝕥 𝕘𝕚𝕧𝕖 𝕒 𝕗𝕦𝕔𝕜~~~
"Ms. Alferza! Why the hell! Were currently in discussion!"
Takte! Hindi ko pala nasalpak sa phone kaya naman umalinagwngaw ang musika sa apat na sulok ng aming silid!
"Stupid!" Narinig kung bulong ni Dae tinignan ko ito at nginitian. Balik na siya sa dati. Napatingin naman ako sa kaliwa ko ng hablutin ni Abo 'yung phone ko at patayin 'yung music. Nakaligtaan ko palang i-stop.
Tangina kahiya!
Nakita ko ang aburidong mukha niya na para bang nalugi, magulo ang buhok nito gawa ng kakatulog! Mapungay pungay naman ang mga mata niya gawa din ng kakatulog!
Natapos ang klase ng dismayado at galit ang expresyong makikita sa mukha ni Kagura.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon patungo sa cafeteria. Tatlo lang kami full nanaman daw si Dae. Buti pa 'yung tiyan niya laging full gusto ko din ng gano'n! Gawa ba sa bakal 'yung stomach niya? O 'di naman kaya ay d-batery?
"Ako na o-order!" pagboluntaryo ni Lee.
Kaya naman naiwan kaming dalawa ni Abo. Nakita kong tutok siya sa cellphone niya may kung ano ata siyang nilalaro. Ako naman si dakilang curious.
"Pssst!" tawag ko rito pero hindi niya ako pinapansin.
Kaya naman lumapit ako rito, umupo ako sa tabi niya pilit tinatanaw kung anong ganap ng cellphone niya pero lagi naman niyang iniiwas. Saka sinamaan ako ng tingin. Umupo nalang ako ng maayos.
At siya naman balik nanaman ang attensyon niya sa cellphone niyang para namang ginto ang halaga kung ipagkait. Nakita ko kung gaano siya katutok sa tinitignan. Hindi ko alam kung naglalaro siya o ano!
At dahil sadyang curious talaga ako ay hinablot ko 'yung phone niya. Himala ata at hindi niya nilihis kasi ng nakaraang araw na nakasama ko siya ay nakita ko kung gaano siya kabilis kumilos. Kaninang hinablot ko 'yung phone niya parang ipinamigay niya lang ito.
Inopen ko naman, namatay kasi. Walang password mabait na bata. 'Di tulad ni Asp halos lahat ng apps may passwords.
Pag swiped ko nanlaki ang mga mata ko, nalunok ko din ata 'yung dila ko nabitawan ko din 'yung phone, nakangisi namang sinalo iyon ni Abo.
Nang makarecover ako sa pagkagulat ay--
"WAHHH! MY VIRGIN EY--" may tumakip sa bibig ko kaya hindi ko na natapos 'yung sigaw ko. Tangina batrip talaga 'tong Abong 'to. Yuck! Halos maiyak naman ako ng marecall kung ano 'yung nakita ko.
"You are indeed stupid!" sambit ng taong tumakip sa bibig ko at laking gulat ko nalang ng makita ang kunot-noong si Dae dae. Akala ko ba full siya?
Hinila niya ako palapit sa kanya saka pinaupo sa dati kung upuan at saka siya umupo do'n sa inupuan ko kanina katabi si Abo.
Sakto namang dumating na din si Lee. Umupo ito sa tabi ko kaharap si Abo. Bakit apat 'yung inorder niya? Alam niya bang sasabay ngayon si Dae?
Nawalan naman ako ng ganang kumain. Halos manlaki ang mata at nagtaka naman si Lee at Dae dahil tinanggihan ko lang naman ang grasya.
Si Abo naman nginisian lang ako, saka kinuha 'yung pagkaing nakahain sa harapan ko. Buraot siya kung kumain! Walang man lang siyang konsensiya sa ginawa sa akin?
My virgin eyes! Hindi na ako virgin! Tangna!
Nabasa ko sa isang libro sabi doon. Depression is when you stop loving the things you love. Depress na ba ako nito? Kailangan ko si Asp!
Pinanuod ko lang bawat subo nila. Kung paano nila kainin at nguyain ang mga pagkaing kay sarap sanang kainin. Tinext ko naman si Asp.
"Future Dr. Asphere Tiu I think I'm suffering from depression, I badly need your help!"
Nakatira na ako ngayon sa apartment ko. Pinalayas na ako ni Asp sa condo niya. Madami namang dahilan hindi ko lang lubos maisip na magagawa niya akong ipagtabuyan!
Una, sinubukan kong magluto ng hapunan at muntik ng masunog ang condo niya kasi naman naligo lang ako saglit kasi antagal namang kumulo no'ng pinapakuluan kong karne.
Pangalawa, kahit pinagbawalan niya na akong makialam sa kusina ay nakialam na naman ako. Nagpakulo ulit ako ng karne hanggang sa mabagot ako at 'di namalayang nakatulog na.
Nagising lang ako sa sigaw ni Asp nakabalik na pala ito galing sa school. Pagtingin ko sa kanya nakita ko nanamang masama ang tingin nito sa akin pagtingin ko naman sa niluluto ko halos magkulay itim na ang kaldero.
At pangatlo, kahit pinagbawalan na ako at laging pinapagalitan ay nakialam na naman ako sa kusina. Nagpakulo ulit ako ng karne and this time sinandya ko na talagang hindi ito pakealaman habang nakasalang.
Naamaze kasi ako kung paanong nagkulay itim 'yung kaldero. Tutok na tutok ako sa kaldero habang nakafull 'yung apoy. Nagsimula na itong umusok at naglalabasan na din 'yung tubig ngunit hindi naman nangingitim 'yung kaldero hindi kaya naparami 'yung tubig na nailagay ko? Hindi ko parin ito nilapitan para patayin. Pinanuod ko lang ito hanggang sa dumating nanaman si Asp at nagmamadaling pinatay ang apoy.
At 'yun ang alamat ng Pinakuluang Karne!
Hindi ko na namalayang tapos na pala 'yung tatlong kumain, dumiretso na kami sa room agad agad. Atsaka nga pala nakalimutan kong sabihing madami na pala akong bashers at haters na Chuckie dolls.
Hindi ko alam kung bakit, lagi ko kasi silang nahuhuling masama ang tingin sa akin o 'di naman kaya ay pinaguusapan ako't pinagtitsismisan ng sobrang lakas na para bang sinasadya talaga nilang lakasan 'yung boses nila para marinig ko!
Ikaw ba naman ang magkaroon ng tatlong naggagwapuhang kalalakihang laging nakapalibot at may gusto sayo! Biro lang 'yung nahuli!
Natahimik nanaman ang buong klase ng pumasok na si Ms. Chua. Nakaramdam naman ako ng gutom. Nagiingay na 'yung tiyan ko.
"What's that noise?" Tanong ni Dae. Nginitian ko siya.
"You're hungry?" Tanong nito, tumango naman ako bilang sagot. Akala ko bibigyan niya ako ng pagkain 'yun pala tinanong lang ako, kasi naman ibinalik na niya agad 'yung attensyon niya kay Chua!
Binato ko naman si Lee ng papel na krinampol ko.
"What?" Sabi nito sa mahinang boses. Sumenyas naman ako na parang kumakain.
May kinuha naman siya sa bag niya, akala ko kung ano inabot niya sa akin 'yung notebook niyang may sketch na pugad ng ibon pala tapos ang title. Doughnut.
Tangina!
Hindi ko alam kung maiinis ako o kung matatawa kasi naman ibang klase pala 'yung interpretation ng pugad para sa kanya. Doughtnut pala 'yun!
Ibinato ko 'yung notebook niya sa kanya. Napatawa naman ang loko. Napunta naman kay Abo 'yung atensyon ko. At nakitang tutok ito sa pakikinig himala at hindi ito natulog? Interesado ba siya sa English?
Tumunog nanaman 'yung tiyan ko. Wala din naman na akong ibang magagawa kundi tiisin kaya naman binagsak ko nalang 'yung ulo ko sa desk saka dinaan na lamang sa tulog ang gutom ko.
Nagising lang ako ng may tumapik sa balikat ko. Hindi ko naman na nagawang magreklamo o sigawan 'yung taong tumapik sa akin. Wala kasi talaga akong lakas. Lalo na't may dinaramdam 'yung tiyan ko.
Si Dae nanaman pala 'yung tumapik sa akin. Kasalukuyan paring nagdidiscuss si Chua. Hindi parin matahimik ang tiyan ko. Nilingon ko si Dae at nagulat nalang ako ng hilain niya ako hawak ang kanang kamay ko. Teka nagdidiscuss pa si Chua ah!
"Uy! Anong ginagawa mo?" Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot kundi patuloy parin siya sa paghila sa akin. Nagtataka namang napatingin ang lahat sa amin pati na si Chua.
"Ms. Alferza and Mr. Al--" hindi ko narin narinig pa ang huling sinabi ni Chua ng makalabas na talaga kami ni Dae.
Hindi parin niya binibitawan 'yung kamay ko. Hanggang sa makarating na kami sa Cafeteria. Takte! na touch naman daw ako. This time pinagbukas na niya ako ng pinto.
Pinaupo niya ako sa usual spot namin dito sa caferia pagkatapos iniwan niya ako at dumiretso siya doon sa counter.
Inantay ko lang siya ng ilang minuto pagdating niya madami na siyang dalang pagkain inilapag niya lahat 'yun sa lamesa sa harap ko mismo.
"Ubusin mo lahat yan!" Sabi nito saka umupo sa kaharap na upuan ko at inilabas ang cellphone atsaka kung ano nang ginawa niya, how I wish 'di siya tulad ni Abo.
Kumain lang ako. Napakarami nito magkakasya kaya lahat ng ito sa tiyan ko? Iuwi ko nalang kaya 'yung iba? take out?
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain, dumaan pa ang ilang minuto at natapos na ako. Hindi ko lubos akalaing nakaya kong ubusin lahat lahat ng pagkaing nakahain sa lamesa eh kung tatantyain pang dalawang tao 'yung inorder niya.
"Burrppp!" napatakip naman ako ng bibig.
Naagaw ko naman ang attensiyon ni Dae at kung itatanung niyo kung may mga ibang tao pa dito ay gusto ko lang namang ipaalam na kami lang dalawa ang customers mag a-alas tres na din kasi kaya naman wala ng katao-tao rito ang lahat ay kasalukuyang nasa kani-kanilang silid na.
Pagbalik namin ay tapos na ang klase at kasalukuyang nagaayos na ng mga gamit niya si Lee 'yung notebook niyang madaming pugad.
Pagtingin ko naman sa direksyon ni Abo ay nakitang bakante na ang upuan nito. Tatanungin ko sana kung nasaan siya ng sinabi na ni Lee ang sagot sa tanong ko na para bang nabasa niya ang katanungan ng isipan ko.
"Nagmamadali siyang umalis!" Sabi nito. At ano namang dahilan o ganap kung bakit nagmamadali siya?
Wala na kong pake do'n!
"Uy! Dame sa saturday na 'yung birthday ko, punta ka!" Ay oo nga pala. Yun lang sinabi nito saka nagmartiya palabas.
"Shall we go?" Tanong ko matapos makuha ang bag kong nakalapag sa sahig kalapit ng upuan ko.
Hindi naman siya sumagot sa halip ay nauna pa itong maglakad sa akin. Hinabol ko naman siya at sumabay sa paglalakad. Tahimik lang kaming naglalakad dinaramdam ang lamig ng ihip ng hangin at katahimikang dala ng buong lugar matapos lisanin ng mga nauna nang umuwing estudyante.
Nagvibrate naman ang cellphone ko hudyat na may mensahe akong kailangang basahin. Inilabas ko ito at laking gulat ko nalang ng makatanggap ng mensahe mula kay Tay Pandong.
"Iha kaarawan ngayon ng Nanay Carmelita mo nakaligtaan niyo yata ni Asphere, magtatampo panigurado ang nanay niyo niyan!"
Napangiti naman ako ng mabasa ito. Akala ko kung ano ng nangyari. Tinawagan ko naman si Asp ngunit hindi nito sinasagot. Napatingin naman ako sa katabi ko at nakita itong nakatingin lang din sa akin na para bang nagtatanong.
Hinawakan ko ang kanang kamay niya gaya ng paghawak niya sa akin kaninang hinila ako nito patungo sa cafeteria at saka tumakbo!
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro