Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13 DaeWON

"Watch out! You're falling!"-Y.

Dame Alferza

Dalawang minuto nalang mahuhuli na naman ako sa klase. Dahil malinis na ang pangalan ko at ang mismong biktima na ang nakapagsabing inosente ako ay nadismissed na ang kasong nakapatong sa akin.

Nagmamadali kong i-pinark 'yung sasakyan ko sa dati nitong pwesto saka lumabas at tumakbo patungo sa unang subject namin ngayong umaga ang subject ni Mr. Snape. Hindi na din pala ako nakasali sa kompetisyon ng pakikipagtalastasan ng talino patungkol sa historya kasi naman suspended ako.

Kasalukuyan paring nasa hospital si Kagura. Binabantayan parin siya ng mga pulis lalo na't hindi pa nahuhuli ang taong salarin sa pananaksak.

I fully know that they were after an attention at nakuha naman nila ang attensyon ko, siguraduhin lang nilang handa sila 'pag ako naman ang umatake. Dahil ipinapangako kong pati kuko nila may latay!

They want attetion? Well, I can give them all of it!

Guaranteed!

Pagpasok ko sa silid aralan namin. Lahat ng mata'y nakapukol sa akin mga matang mapanghusga, mga bibig na purong hangin ang bawat salitang pinapakawalan, walang basehan at ebidensyang mapanghahawakan!

"Wahhh! Dame Wellcome back!" Nagulat nalang ako nang may biglang sumigaw at yumakap sa akin.

"Uy! Namiss niya ako, ikaw ah Lee isang linggo lang akong nawala." biro ko kumalas naman agad siya sa pagkakayakap sa akin saka hinila ako pataas papunta sa upuan namin.

Nang magtama ang mga mata namin ni Dae nginitian ko ito.

"Wahhh! Dae Dae ikaw na miss mo ba 'ko?"

Tumitig lang siya sa akin.

"Naku nahiya kapa!" I opened my arms motioning him to come and embrace me"yakapin mo na ako! " deadma parin! 'Di wag.

"Good morning class!"

Shit! Wrong timing talaga 'tong Snape na 'to!

Tumayo ang buong klase pati narin ako. Saka binati din siya ng magandang umaga pagkatapos no'n ay pinaupo naman na kami.

Mauupo na sana ako ng mapansing dalawa ang bakanteng upuan, isa sa tabi ng bintana kung saan ako laging nauupo at ang isa naman ay ang katabi nitong upuan na pinapagitnaan ng upuan ko at upuan ni Dae.

Mauupo na sana ako sa upuan ko nang biglang magtilian 'yung mga Chukie dolls na may buhay.

Napatingin naman ako sa gawing tinitignan nila, para makita kung sino ang naging dahilan ng pagkabuhay ng mga Chuckie dolls. Halos mandilim ang mga abo kong mata ng makita ang taong kumuha ng isang libo ko naglakad ito palapit sa akin.

Hindi maayos ang suot nitong uniporme, nakabukas ang isang butones ng polo niya may suot din siyang coat ng kagaya sa mga suot ng estudyanteng lalaki sa paaralang ito.

Hindi maayos ang pagkakaayos ng necktie niya na para bang nagmamadali ito dahilan para hindi na niya naayos pa. Bagsak ang basang buhok niyang kulay itim na laging tumatakip sa mga mata niya dahilan para hindi ito makita ng buo.

"Aray!"

Dahil sa paglalayag ng utak ko ay hindi ko na namalayang nakalapit na pala ito sa akin at ang walang modo ay binangga ako saka umupo do'n sa upuan ko! Teka!

"Abo! That's my chair!" tinignan lang niya ako saka ibinalik ang attensyon sa pagayos ng necktie niya.

"Ah! Dame diyan na siya nakaupo simula pa noong nakaraang linggo, transferee siya." napatingin naman ako kay Lee sa sinabi nito. Ano naman ngayon eh, ako naman ang legal na nakaupo diyan. Sampid lang siya!

"Ms. Alferza, would you mind to take your sit? You've been disturbing the class for exactly 3 minutes now?By the way, it's nice to see you." Tsk! Umupo nalang ako sa bakanteng upuan.

At saka nagsimula na ngang magturo si Snape.

Nakababagot!

Pabagsak na ang ulo ko sa desk nang...

"Ms. Alferza, would you mind to explain the meaning of the saying flash in the screen?" Touch screen 'yung board namin walang panama 'yung board niyo sa board namin. Tinignan ko naman 'yung sinabi niya.

"When you are in the light, everything follows you, but when you enter in the dark, even your own shadow doesn't follow you" Anonymous?

Bakit anonymous? Tumayo ako.

"The saying shows, how significant choice is. It was just like choosing over left or right which way will you go? To the left where nothing is right or to the right where nothing is left? As simple as that!"sagot ko saka umupo. Natahimik ang buong klase sa naging sagot ko.

"Very good Ms. Alferza how about you Mr. Mihu?" Muling naghagikgikan ang mga Chukie dolls na 'di talaga kagandahan. Nagtaka naman ako ng tumayo si Abo. ano daw Miyu? Tsk!

"First I just wanna say it was hitler's quotes. In my opinion, It does not show how significant choice is? It shows how cruel choice is. Whether it's right or wrong, good or bad, you will still--"

"How do you say so, that it was cruel?" Singit ko.

Tumingin siya sa akin nasa aming dalawa na ngayon ang attensyon ng lahat. Si Kagura lang ang pinahihintulutan kong komontra sa akin.

"Well Ms. It was like you didn't get it--"

"Yeah that's why I'm asking you."

"You could have just let me finish my answer so th--"

"Just answer my damn question!" Lumapit sa akin si Lee"hey! Dame relax." nakakainis na 'tong Abong to ah ninakawan na niya ako tapos sasabihing mali pa ang sagot ko? Tinitigan ko siya tapos nakita ko ang pagngisi niya.

"What I'm--"

"It's like you're saying that I was wrong, well, just to remind you. Choice trully matters. It's like choosing whether to steal a money or not. Right?" Lalo siyang napangisi sa sinabi ko. Tahimik naman ang buong klase.

"Ms. Alferza right?" Tanong niya.

"Yes Mr. Miyu?"

"What I'm trying to say is, choice by far is cruel rather than significant why? Cause we as human always have choices, whether to do good deeds or bad. But then we are being over powered by the consequences--"

"ENOUGH! Take your sit the two of you, let's move on. You have wasted enough time. Ms. Alferza next time let others finish their answer before you interfere." sabi ni Snape.

Pagkaupo ko nakita ko pang ngumisi si Abo kaya naman binagsak ko nalang 'yung ulo ko sa desk at natulog.

Nagising lang ako nang may tumapik sa ulo ko. Tangina kailangan 'yung ulo pa tapikin pwede naman 'yung balikat ko nalang ah. Siguradong si Abo nanaman 'to.

"ANO BANG PROBLEMA MONG ABO KA AH?" Sigaw ko nang makitang wala na siya do'n. Napatingin naman ako sa gawing kanan ko. At nakita ko ang kunot noong si Dae. Napatingin naman ako sa buong silid at nakitang kami nalang ang natitira.

"Let's go bago pa sila matapos kumain!" sabi nito. Teka inantay niya ako? Inantay ako ni Dae?

"Sila? May kasama pa tayong iba maliban kay Lee?" Takang tanong ko.

"You will see when we get there." sagot lang niya saka nagtuloy sa paglalakad.

Sumunod lang din naman ako. Natural! nang makarating na kami hindi man lang niya ako pinagbukas ng pintuan. Si Daewon Alvarez nga pala siya!

Nakayuko ko siyang sinundan hanggang sa tumigil ito dahilan para mauntog ako sa likod niya. Napatingin na naman siya sa akin.

"Tsk!" Tanging sambit nito saka umupo. Pagtingin ko sa hinintuan namin nakita kong nakahanda na doon 'yung mga pagkain umupo naman na ako agad sa tabi ni Lee, saka nagsimulang sumubo.

"Hey! Dame hinay hinay lang tsaka nga pala si Ark, bagong friend natin." napatingin naman ako sa sinabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Abong kumakain, nginisian naman ako nito na para bang wala ng bukas. Napaubo naman ako kaya inabutan agad ako ni Lee ng tubig.

"I know na hindi maganda ang unang niyong pagkikita kay--"

"Nope, I'm used to it!" sagot ko habang pinapatay ko na siya ng matalim kong titig. Tinotorture ko na nga din siya sa isipan ko eh! Napatingin ako kay Dae ng mapansing nakatitig ito sa akin.

"What do you mean?" Tanong muli ni Lee

"Nothing!" sagot ko nalang saka nagtuloy kumain.

Napunta lahat 'yung attensyon ko sa pagkain ng makaramdam ako na para bang may sumisipa sa paa ko kaya naman napatingin ako kay Dae kasi siya 'yung kaharap ko.

Magkatabi si Dae at Abo tapos kami naman ni Lee, at si Dae ang kaharap ko. Kaya naman tinitigan ko siya ng masama ngunit patuloy parin siya sa pagkain na para bang wala siyang masamang ginawa. Mabulunan ka sana! Napatingin naman ako kay Abo at nasilayan ang pagngisi muli nito.

Kung ganon siya at hindi si Dae ang sumipa sa akin? Tinignan ko muli si Abo, malunok mo sana pati 'yang kutsara mo, napaiwas lang ako ng tingin ng maramdaman ko nanaman ang mga titig ni Dae.

Kanina pa ako tinitignan nito ah! Napatingin nalang ako sa nagiisang steak na natitira tutusukin ko na sana ng naunahan naman ako ni Dae. Agad niyang kinain 'yun.

"Ughhhh!" hindi ko na napigilan pang sumigaw. Kasi naman kanina pa ako naiinis. Nagulat naman silang tatlo sa naging reaksyon ko. Natigil lahat ng ingay.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinungo ang daan palabas. Nakakainis talaga!

Dinial ko yung numero ni Asp. Agad naman niyang sinagot.

"I treat mo ko ng lunch nagugutom na ako!" bungad ko.

"'Di ba sabi mo 'wag na ako mag-cut? Sorry I'm currently inside the operating room, bye D!"

"'Pag hindi ka dumating dito--"

"tooot...tooot...toooo" tangina talaga.

Isang tao nalang ang alam kong makakapagpakain sa akin. Agad kong tinungo ang daan papunta roon.

Pagdating ko'y binuksan ko na agad ang pinto ng hindi kumakatok. Nadatnan ko siyang kasalukuyang kumakain, gulat ang reaksyon ng kanyang mukha.

Umupo ako kaharap niya at nakita sa lamesa ang nakahaing bucket ng KFC. Kumuha ako ng isa napatingin naman ako sa kanya at nakitang napatigil ito sa pagkain.

"May kasalanan ka pa sa akin! Nagutom lang ako kaya napilitan akong dumiretso dito." pagbibigay diin ko sa salitang napilitan saka kumuha pa ng isa bale dalawa na ang hawak ko pagkatapos ay tumayo na ako at naglakad palabas sana nang magsalita si Chua.

"Forgive me, for doubting you." sambit nito sa pinakamahinang boses niyang narinig ko. Tumingin naman ako sa kanya.

"Appology Accepted!" sabi ko saka siya nginitian at lumabas.

Pagkatapos na pagkatapos kung kainin 'yung dalawang fried chicken sa ilalim ng puno ay dumiretso na ako sa susunod naming klase ngayong araw.

Pagkarating ko do'n nakita kong nakaupo at nagdadaldalan 'yung tatlong mokong sobrang close nila sa isat isa ah nawala lang ako ng ilang araw. Natigil naman sila ng naupo ako sa upuan ko.

"Oh last question. Tutal nandito naman na si Dame, tatlo na kayong pwedeng sumagot." saad ni Lee gusto kong sabihing ba't ako nasali kayo na lang.

"Anong mas malapit, ang lugar ng manila O ang araw?" Sabi nito ng nakangiti. Buong buo ang loob na walang makakasagot ng tama sa tanong niya. Sinali pa kasi ako. Unang naglakas loob na sumagot si Dae.

"What a nonsense question, coming from a nonsense person syempre manila, it takes a billion years to reach the sun, hindi ka pa nga lubusang nakakalapit patay ka na!" sagot nito muntik naman akong humagalpak sa naging sagot niya.

May pa nonsense question coming from a nonsense person pa siyang nalalaman. What a nonsense answer!

"Ikaw Ark?" Pagmamalaki ni Lee. Tutal kasali naman na daw ako. Syempre makikikantyaw na din ako. Napangiti akong parang aso sa labis na kasiyahang nararamdaman ng puso't isipan ko.

Makakabawi na ako.

"Oo nga Abo, 'di ba magaling ka? Ipakita mo ngayon kung hanggang saan an--"

"It was a trap!" Laking gulat ko sa sinagot niya. Teka! Alam niya? "When I'll answer Manila, you'll point me wrong and say that it was the sun why? Look at the sun above, it was just right there. And when I answer Sun you'll say it was manila because you can meet a person around you from manila. By the way It wasn't a nonsense question. It was indeed a wise one if you want to deceive an opponent." sabi nito ng walang reaksyon ang mukha.

"Andaya mo naman 'di kana sali!" Reklamo ni Lee. Napakunot noo naman si Dae at ako, eto dismayado.

Hanggang sa dumating na 'yung teacher namin. Si Dae para bang napakasipag na estudyante tutok na tutok sa harapan na para bang nakikinig talaga ngunit kakikitaan ng pagka-dismayado ang kanyang mukha napapansin ko kanina pa siyang ganyan.

Tapos si Lee ayun kung ano ano nanamang pinaggagagawa sa notebook niya buti sana kung may talent talaga siya sa pag i-sketch, nasasayang lang kasi 'yung pages ng notebook niya at etong katabi kong si Abo naman ay kanina pa tulog! Sino kayang tutularan ko?

Mukhang sa pagtulog lang kami magkakasundo ni Abo ah? Makatulog na nga lang.

Natapos ang klase at paalis na ako. Nauna nang umalis si Abo kasi daw may trabaho pa siya. Si Lee naman nauna na din mag paplano daw siya ng para sa gaganaping birthday niya para naman siyang babaeng mag dedebut.

Si Dae naman paggising ko wala na. Hindi ko alam kung nasaan siya. May problema nga ba talaga iyon? tinanong ko si Lee at alam niyo kung anong sinagot niya.

"Dame 'wag kang magulo matatapos ko na 'tong masterpiece ko." nonsense pa'nong masterpiece 'yun eh para namang pugad ng ibon 'yung ginawa niya. Pati ang salitang Abstract mahihiya sa masterpeice niya.

Tapos tinanong ko naman si Abo. Mas malala ang sagot nito.

"Determine Y before solving for X." sagot nito tanginaa! May saltik din pala siya!

Kasalukuyan na ako ngayong naglalakad papuntang parking lot uuwi nalang ako. Nang makarating na ako ay nakita ko naman ang taong kanina ko pa hinahanap na nakatayo habang nakasandal sa sasakyan ko.

"Where have you been?" Tanong ko. Hindi ito sumagot naglakad ako palapit sa kanya. Nang nasa harapan na niya ako ay tinanong ko siyang muli.

"Kanina pa kita hinahanap, nakatanggap pa tuloy ako ng nonsense na sagot kay Abo, 'yung Abo talagang 'yun, alam mo bang ninakawan ako no'n ng isang libo? May payakap yakap pa siya sa akin 'yun pala ang habol niya 'yung pera kong nakabulsa. At dahil sa Abong 'yun hindi ako nilutuan ni Asp ng tinola. Kaya kanina ng makita ko si Abo naiinis talaga ako, hindi bagay 'yung pangalan niyang Ark sa kanya kasi 'yung Ab--"

Bigla niya akong niyakap! Niyakap ako ni Dae! Kakalas sana ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Halos hindi na ako makahinga. Ano bang problema ng mga tao ngayon at bigla bigla nalang nangyayakap?

"Nagaway ba kayo ni Abo kaya--"

"Shut up!" Una si Abo tapos ngayon Si Dae naman.

"Will you stop saying his name?" Teka nasabi ko ba ng malakas 'yun? Akala ko sa isip ko lang?

"Won kasi--" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Won? You called me Won ? diba ayaw mo ng Won? " napangisi siya. "What am I thinking!" Sambit nito saka umalis sa harap ko at dumiretso sa sasakyan niya and drove off.

Napasuntok naman ako sa hangin. Ano bang nangyayari?

"PIPPP~~~"

Halos mapasigaw naman ako sa gulat ng may bumusinang motor ang dumaan sa pagitan ko at ng sasakyan ko.

Tangina muntik ng mahagip 'yung side mirror ng sasakyan ko at pati nadin pala ako muntik na!

Napatingin naman ako sa driver ng motor, huminto naman ito saka lumingon sa akin dahilan para masilayan ko ang mukha niyang nakangisi.

"FUCK YOU KANG ABOOOO KA!" sigaw ko.

Hindi ko inaasahan ang pag tawa niya na umalingawngaw sa buong parking lot. Tawang hindi nakakainis kundi nakakahawa!

Baliw kang Abo ka!

Itutuloy~~~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro