Chapter 12 Casiana Kagura
"I see, now, I'm happy."-A.
Asphere Tiu
Papunta ako ngayong hospital matapos makatanggap ng tawag mula sa isang pulis. Ayon dito nagising na daw si Ms. Kagura mga bandang alas kwatro ng madaling araw.
Kasalukuyang mahimbing ang tulog ni Dame nang mga oras na 'yun kaya naman hindi ko na siya inabalang gisingin pa.
Alas kwatro trenta na ako nakarating. At nadatnan ko din sa hospital si Daewon may kasama itong lalaking singkit ang mga kulay asul niyang mata. Nakapantulog pa ang dalawa na para bang dahil sa impormasyong natanggap ay hindi na nagabala pang magpalit.
"Attorney Tiu, nasa loob po ang pasyente." tawag sa akin ni PO3 Madrigal.
Siya 'yung tumawag sa akin para ibalita na gising na si Ms. Kagura. Naagaw ko naman ang attensyon ni Daewon at ng kasama nito kasalukuyan silang nakatayo sa labas ng pinto at kausap ang isang pulis nang makita nila akong palapit.
"Mr. Daewon, I told you already that you don't need to--"
"I'm just doing what someone asked me to! You don't need to worry about it!"
"And who's that someone?" Tanong ko ngunit bago pa man siya sumagot ay nabaling ang atensiyon namin sa pagbukas ng pinto at paglabas mula roon ng isang Doctor.
"The patient is doing fine, just give her some time to rest, before doing some questionings." sabi nito.
"Wala bang ibang nagbabantay sa pasyente maliban sa mga pulis?" Takang tanong ko ng makapasok sa kwarto nito at makitang walang ibang nagbabantay maliban sa pulis, wala ba siyang pamilya? Mga anak o asawa?
"She doesn't have a family, her parents died in a car accident years ago. She's living on her own alone!" Daewon spoke nang mapansin ata ang pagtatakang nakarehistro sa aking mukha.
"It was tough for her!" Tanging nasagot ko.
Lumipas pa ang ilang minuto,
"Dame, where is Dame Alferza!" Narinig kong tawag ni Ms. Kagura. Naagaw niya ang attensyon naming lahat na nandoon sa loob ng silid niya.
"Ms. Kagura ako si PO3 Madrigal nais ko pong malaman kung bakit hinahanap n'yo ang babaeng nagngangalang Dame Alferza, siya po ba ang--" hindi na nito natapos ang sasabihin ng magsalita muli si Ms. Kagura.
"Gusto ko siyang makita!"
"Hindi po pinahihintulutang makalapit siya sa inyo. Dahil siya po ang naturang salarin sa pananaksak sa inyo!" Sabi muli ni Madrigal. Gulat naman ang rumehistro sa mukha ng guro.
"At bakit n'yo nasabing siya? Dahil kung tutuusin siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon!" Dipensa nito na para bang ano mang oras ay may tutulo ng luha sa mga mata niya.
Nabigla naman ang ibang nasa loob kasama na ako pati nadin si Daewon at ang kasama nito.
"Maari niyo po bang isalaysay kung anong nangyari bago ang pananaksak?" Tanong muli ng pulis, napahinga naman ng malalim si Ms. Kagura bago napagpasyahang magsalita.
Araw ng huwebes, ala-una ng tanghali. Nasa loob ako ng opisina ko at kasalukuyang nagsusulat ng pumasok mula sa silid ko si Alferza, nagulat ako sa pagdating niya, dahil sino nga ba ang magaakalang papasok sa loob ng opisina ko ang estudyanteng kinamumuhian ko? Puno din ng pagkagulat at pagtataka ang expresyon ng kanyang mga mata.
"Kagura! Kailangan mong umalis." walang modo nitong utos. Kahit kailan talaga'y hindi ko kayang lunukin ang pagka-walang modo nito.
"At bakit naman ako aalis dito, kung meron mang dapat umalis ay hindi ako 'yun!"
"Simula palang nang pagtapak ko sa pintong iyan" turo niya sa pinto" alam kung may mangyayaring hindi maganda sayo. " tuloy niya hindi ko siya pinakinggan sa halip ay ipinagtabuyan ko siya.
"Umalis kana! Ngayon din!"
"Kahit ngayon lang pagkatiwalaan mo ako, Kagura naman eh!"
"Ms. Alferza, LEAVE!" pagmamatigas ko. Lumapit siya sa lamesa ko at may hinanap na kung ano.
"Kung ayaw mong umalis pahiram ako nito." sabi niya saka ipinakita ang padlock na nilalagay ko sa pinto ng opisina ko sa tuwing lilisanin ko ito.
Umalis na siya pagkatapos no'n. Ilang minuto pa ang lumipas nang makaramdam ako ng matinding kaba.
Lumapit ako sa pintuan para sana buksan at lumabas ng hindi ko ito mabuksan, sinubukan kong buksan ito gamit ang ballpeng hawak ko, nagbabakasakaling mabuksan ito.
Labis na ang kabang nararamdaman ko na para bang ano mang oras ay may mangyayaring hindi magugustuhang masilayan ng mga mata ko.
Inilabas ko ang cellphone ko at sisubukang humingi ng tulong. Ngunit hindi ko pa man lubusang nabubuksan ito ng may hindi rehistradong numero ang tumawag, sinagot ko naman.
"Hello?"
"Die! Die! Die!" ang tanging salitang sinasambit nito! Sa sobrang takot na nararamdaman ko ay naihagis ko sa lapag ang cellphone, sinubukan ko naman ang laptop ko sakaling doon ay makahingi ako ng tulong! Nang pagbukas ko'y litrato ng katawan ng taong duguan ang sumalubong sa akin kaya naman pati ito'y inihulog ko na din.
Litong lito na ako kung anong dapat kung gawin. Hanggang sa maramdaman kong para bang may nagbubukas ng pinto, pagkaraa'y huminto din ito.
Kaya naman kahit papaano'y nakahinga ako ng maluwag. lumipas pa ang ilang segundo hanggang sa biglang bumukas ng sobrang rahas ang pinto at pumasok mula roon ang taong halos ang suot ay purong itim.
Noong una'y ang buong akala ko ay si Alferza ang taong iyon dahil sa hugis ng pangangatawan at maging ang hanggang balikat nitong buhok at height nitong 5'8. ngunit ng ngumisi ang taong iyon ay alam ko ng hindi siya si Alferza.
"Pinagsasaksak niya ako, sumisigaw ako ng tulong at huminhingi ng awa ngunit hindi parin siya natinag patuloy parin siya sa pagbaon ng kutsilyo sa aking katawan--" umiiyak na siya at nanginginig puno ng takot ang kanyang mga mata.
"Kung hindi niyo na-'" pipigilan sana siya ng pulis na magsalita pa dahil narin sa lagay niya ng hindi parin ito nagpapigil.
"Pagkatapos no'n, humalakhak pa ito na para bang sayang saya sa kanyang ginawa sa akin. Pagkatapos makontento'y tuluyan na itong lumabas. Hirap na hirap ako, pati paghinga'y nahihirapan din ako. Mahapdi masakit, sobrang sakit ang naramdaman ko sa kaliwang bahagi ng katawan ko. Ngunit ilang minuto lang ay tumatakbong pumasok si Alferza sa silid ko. Tagaktak ang pawis sa kanyang noo, at hindi maipinta ang expresyon ng mukha niya ng makita akong nakaupong duguan. Napamura pa nga ito bago mabilis na pinunit niya ang laylayan ng damit niya saka lumapit sa akin at gamit ang kapirasong tela na galing sa damit niya ay sinubukan niyang takpan ang paglabas ng dugo sa aking katawan."
"Wag kang mag alala malayo sa puso, mabubuhay kapa kung gugustuhin mo."
"Nang matapos ay tumayo ito saka inilabas ang cellphone niya para humingi ng tulong."
"Bakit mo ginagawa ito? Bakit mo 'ko tinutulungan, hindi ba dapat iwanan mo nalang ako ng sa gayon mamatay na ako, hindi maganda ang pakikitungo ko sayo, dinedetention kita't ibinabagsak, ngunit bakit ganito ang ipinapakita mo?"
"Para sa bingit ng kamatayan? Ibang iba ka talaga! Sa lahat ng pwede mong sabihin iyon pa talaga ang naisip mo?"
"Bakit ko naman gagawin 'yun? Bakit naman kita hahayaang mamatay kung alam kung may pag-asa pa para mabuhay ka?Atsaka astig kaya sa detention nakakatulog ako ng maayos, tsaka ayos kaya para sa akin yung mga pagkontra mo sawa na kasi akong maging matalino nakakasawa! Kaya wag kang papadala diyan sa mga natamo mong sugat magpahinga kalang ngunit gumising ka 'pag sa tingin mong kaya na ng katawan mo, aantayin kita sa loob ng classroom, tatalakan mo ko, tatalakan kita pagkatapos ipapadetensyon mo 'ko at ang masaklap ibabagsak mo pa ako ng wala nanamang batayan! "
"Nagiisa nalang ako sa buhay, ngunit nang marinig ko ang mga salitang iyon, ay para bang nagkaroon muli ako ng dahilan para mabuhay hindi lang dahil gusto kong magturo kundi dahil mahal ko ang pagtuturo, tinulungan niya ako, binigyan niya ako ng napakalaking pagkakataon para mabuhay ng naayon sa kagustuhan ng puso ko.
"Mauuna na akong aalis may hahanapin pa ako 'wag kang magalala parating na ang magdadala sayo sa hospital, babantayan kita sa hospital hanggang sa magising ka hindi ko hahayaang makalapit pa ang sino mang may dalang panganib sayo, 20 meters away palang putol na ang mga kamay nilang mananaksak sayo. Just rest for now, Ms. Casiana Kagura."
"Iyon ang unang pagkakataong binanggit niya ang ngalan ko, bago pa dumating ang tulong ay nawalan na ako ng malay."
Tahimik lang kaming lahat matapos niyang magkwento, 'yung mga pulis parang tuod na natuktukan lalo na si Madrigal 'yung kumausap kay Dame no'n? Napayuko si Daewon at titig na titig naman ang kasama nito sa umiiyak na si Ms. Kagura.
Habang ako naman, ay nakangiti.
Ano kayang ulam ang lulutuin ko mamaya?
Should I cook her, Spicy Adobo?
Dame Alferza
Narinig ko lahat, tama nandito lang ako sa may labas ng bintana. Kailan ba ako natulog ng mahimbing? S'yempre sinundan ko si Asp.
Mabuti naman at nagkamalay na siya, hassle din ang mag stay dito sa bintana ng ilang araw!
Dahil gising na si Kagura ibig sabihin nito may pasok na ako? Makakapasok na ako?
Nang maramdaman kung wala ng tao sa loob ay pumasok na ako. Nagulat si Kagura nang makita niya ako.
"Salamat naman at nagising ka na, sabi ko magpahinga ka lang! Inabot naman ng isang linggo 'yung pahinga mo!" ngumiti ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito, hindi porke't tinulungan mo 'ko ay may karapatan ka ng pumasok ng walang pahintulot ko!" Sagot niya. Napatawa nalang ako.
"'Di ba gusto mo kong makita? Sabi mo pa--"
"Narinig mo?" takang tanong nito na para bang hiyang hiya sa mga nasabi niya.
"Di ba sabi ko babantayan kita hanggang sa magising ka? Hindi ako nagbibitaw ng mga salitang kakainin ko lang din!"
Nang hindi na siya nakasagot ay nagpaalam na ako kasi naman baka madatnan nanaman ni Asp na wala doon.
Pagkarating ko sa unit niya ilang minuto lang ay dumating na din ito.
"Matulog ka nalang kaya habambuhay Dame," gusto kong imulat 'yung mga mata ko saka batukan siya dahil sa sinabi niya.
Baka nakakalimutan niya kung sino ako? At kung anong kaya kung gawin? Nagtatalo parin ang isipan ko kong anong gagawin ko sa kanya ng magsalita muli siya.
"You look like an angel when you're asleep, a lovely angel."
"WHAT?" Nagulat naman siya ng bumangon ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"Kailan ka pa nagising?" Balik tanong nito. Gulat parin ang expresyong makikita sa mga mata niyang nanlalaki.
"Ha? What are you saying? Nagising lang ako kasi hindi maganda 'yung panaginip ko," nagunat-unat pa ako para naman effective ano kayang magandang palusot?"Nanaginip daw ako na natalo tayo tapos nakulong daw ako tapos.... tapos.. Uwahhhhh!" Damn him for pushing my acting skills! Agad naman siyang lumapit sa akin at saka niya ako ikinulong sa mga bisig niya.
Takte! Ba't niya ko niyayakap?
"Wag kang mag-alala hindi 'yun mangyayari, hindi ko 'yun hahayaang mangyari." s'yempre malinis na 'yung pangalan ko! Gusto ko sanang sabihin 'yan eh.
"Talaga?" Tanong ko. Tumayo naman siya saka...
"Ang panget mo!" Ang gago pinunasan 'yung luha ko gamit 'yung laylayan ng damit niya, ano ako bata? Pwede namang 'yung kamay nalang niya ah!
"Tutal gising ka naman na, ano gusto mong lutuin ko?"
"TINOLANG MANOK!" sagot ko agad saka hinila siya palabas papuntang kusina. Binuksan niya 'yung Fridge, buti nalang pala madami talagang siyang stock ng pagkain!
"Maligo ka nga muna, nag-padeliver akong pizza." inamoy ko naman 'yung damit ko pati na din 'yung kilikili ko sama mo na din 'yung hininga ko.
Napangiti nalang ako, tama kailangan ko na ngang maligo. Nakakahiya naman sa kanya.
Ilang minuto lang akong naligo pagbalik ko sa kusina wala parin 'yung pizza.
"Kala ko ba nagpadeliver kang pizza? Binilisan ko pa man ding maligo!" pagmamaktol ko. Nang biglang tumunog 'yung doorbell.
"Ayan na siguro 'yun! Oh pambayad, balik mo sakin 'yung sukli." sabi niya saka inabot 'yung isang libo. Ba't ko pa ibabalik kung mabuti naman ang palad ko diba? Garantisadong nasa mabuting kamay ito.
Pagbukas ko ng pinto sumalubong sakin si Abo. Hmmm...May kasalanan sa akin 'to! Ibinulsa ko 'yung isang libo sa likod ng shorts ko.
Hahablutin ko 'yung pizza tapos isasara ko 'yung pinto ng hindi pa nagbabayad.
"Abo long time no see--"
Hahablutin ko na sana 'yung pizza gamit 'yung kaliwang kamay ko ng mabilis siyang lumihis saka marahas na tinapik ito.
Aray!
Tinitigan niya ako. Magaling!
Lumapit naman ako sa kanya saka sinipa 'yung kaliwang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang pizza'ng hawak nito ngunit bago pa man ito bumagsak ay mabilis siyang nagbend pa kaliwa para masalo ang pizza.
Tumayo siya ng matuwid pagkatapos no'n nahawi ng kaunti 'yung buhok niyang tumatakip sa mga mata niya dahilan para makita ko ang kabuuan ng kanyang mga kulay abong mata at medyo makapal na kilay.
Tangina!
Halos manlambot ang mga binti ko nang itinuon nito sa akin ang kanyang mga tingin. Wala paring emosyon ang kanyang mukha, nakipagtitigan lang ito sa akin.
Para akong hinihipnotismo ng mga abo niyang mata. Ilang sandali pa ang lumipas at nagulat nalang ako ng bigla ako nitong yakapin. Dahilan para maestatwa ako. Bukod kasi kay Asp ay wala ng ibang nakayakap pa sa akin.
Mabilis din naman siyang humiwalay saka inabot sa akin 'yung pizza. Hindi parin ako nakarecover kaya naman kinuha niya 'yung kanang kamay ko saka ipinahawak ang taling nakatali sa pizza. Pagkatapos no'n ngumisi siya saka walang paalam na umalis.
"Mabigat ba 'yung pizza at antagal mo?" Napabalik lang ako sa huwisyo ng marinig at tapikin ako ni Asp sa balikat.
Tanginaaa ba't niya 'ko niyakap?
Pagkarating namin sa sala ay iniwan na muli ako nito at tumungo siyang kusina dahil nagluluto pa siya, abala lang daw ako kung do'n ako mag i-stay. Ilang minuto pa ang lumipas at narito na siya ngayon sa sala.
"Barya ko?" Napatigil ako sa pagsubo sana ng pizza nang maalala kong hindi pala ako nakabayad.
Napatawa naman ako ng malakas. Natigil lang ako nang tapikin ni Asp 'yung bibig ko. "Aray ko! Ano bang problema mo?" Tinitigan ko siya ng masama.
"Barya ko D akin na!" Sabi nito kinapa ko naman 'yung bulsa ko ng nakangiti nagulat nalang ako nang....
"FUCK SHIT KANG ABO KAAAAAAAA!" Tinakpan agad ni Asp 'yung bibig ko, preventing my shout.
Ninakaw niya 'yung Isang libo koooo.....
Itutuloy~~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro