Chapter 10 Unwind
"I'm tired, Should I rest?"-N.
Dame Alferza
"Asking can sometimes unconciously kill someone, will you still insist?"Ani ng lalaki sa pinakamalamig na tinig.
"Of course! I've been searching death for how many years now." Biro ko sa kanya.
Hindi naman na siya sumagot pagkatapos no'n, matapos niyang maitali ang kanyang panyo sa natamo kong sugat ay tumayo na siya at dumiretso sa nakaparadang motor niya.
Sumunod naman ako agad ng paikaika kung maglakad, baka iwanan pa ako nito mahirap nang maglakad sa ganitong sitwasyon.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na kami sa destinasyon ko ilang minuto nalang 'din baka magising na si Asp paubos na ang isang oras. Sa tagal na naming magkasama at magkakilala ni Asp masasabi kung isa na ang paraan ng pagtulog niya ang nakilatis ko nang masinsinan.
Kahit idlip lang ay tumatagal siya ng isang oras at malapit ng matapos ang isang oras na 'yun kailangan ko ng bumalik. Bago ako bumaba ay lumapit ako sa kanya upang marinig niya ng maliwanag ang sasabihin ko.
"You asked me if I'm still going to insist questioning who you are? Despite the consequence, my answer is definitely a big yes! Not because, I don't fear death, but because death despise me itself." I whispered.
Saka tuluyang bumaba sa pagkakaangkas sa motor niya "Hindi ko alam kung kakampi ka o kaaway, pero gayon pa man, mag-ingat ka!" Paalam ko saka tuluyan ng pumasok.
Pagkarating ko sa unit ni Asp agad akong tumakbo papuntang kwarto niya sakto namang nag-alarm ang cellphone ko hudyat na tapos na ang isang oras. Iyon pala ang dahilan kung bakit cellphone at hindi baril ang dala ko kanina. Timer ang puta.
Nakahinga ako nang maluwag ng makapasok na saka tumalon papuntang kama. Ipinikit ko ang aking mga mata ng makarinig ng ingay galing sa baba.
Palapit ito ng palapit sa kwarto kung kaya'y umasta nanaman akong himbing na himbing sa pagtulog. Bumukas ang pinto at lumapit ang mga yabag saka naramdaman kung tuluyan ng tumabi si Asp sa akin.
Nakahinga ako muli ng maluwag. Naglagay muna siya ng unan sa pagitan namin saka tuluyan na ding natulog.
Kinabukasan, nakaramdam na ako ng kirot mula sa kaliwang binti kong nadaplisan ng bala kagabi. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at laking gulat ko na lamang ng makita ko si Asp na nakatayo mula sa paanan ng kama, nakahalukipkip habang nakataas ang kaliwang kilay.
"Good morning Attorney, how was your sleep?" Nakangiti kong bati sa kanya lumapit siya sa akin at saka mabilis na pinisil ang kaliwang paa ko dahilan para mapasigaw ako.
" TANGINA ASPPP!"
Binitawan naman niya agad. Saka tinitigan akong muli ng napakatalim.
Hindi parin siya umiimik. Nagiintay sa sasabihin ko, sabihin ko kayang nahulog ako sa hagdan tapos nabitawan ko 'yung basong hawak ko pagkatapos nabasag iyon at saka nadali ako ng bubog?
"Wala akong narinig na pagkabasag ng baso at pagkahulog ng kung ano man sa hagdan kagabi!" Nakataas kilay parin niyang sagot. Na tila ba nabasa niya ang naiisip ko. Paano kaya niya naisip na 'yun ang ipapalusot ko?
"Kung nagtataka ka kung bakit ko nahulaan, makinig ka. Nang mga nakaraang taon at buwan sa tuwing nakikitaan kita ng galos sa binti, sa kamay maging sa ilong, noo, " sabay tulak sa noo ko "at pisngi palaging nahulog sa hagdan o di naman kaya'y nadali ng bubog galing sa nabasag na baso o pinggan, kung noon pinaniniwalaan ko pa ang mga iyon." Umiling siya.
"Ngayon hindi na, kung gusto mong pagkatiwalaan kita, pagkatiwalaan mo din ako!" Tuloy pa niya saka tumalikod at naglakad palabas.
Napakamot naman ako sa batok ko. "Akalain mong pinaniwalaan niya pala ang mga palusot ko, wala nga naman talagang magagawa ang katotohan kung magaling akong manlinlang . bumangon nadin ako saka dumiretso sa Cr.
Nagsipilyo muna ako saka naisipang maligo muna. Nang dahil sa kasong nakasampa ngayon sa akin ay hindi muna ako hinayaang makapasok kaya naman makakaligo ako ng mainam. Mabuti na din 'yun, ayokong makita ang mukha ni Chua mainit parin ang dugo ko sa kanya.
Matapos kung tanggalin lahat ng suot ko ay napansin ko ang panyong nakatali sa kaliwang binti ko. Kinalas ko iyon mula sa mahigpit na pagkakatali at nakita ang pamumula ng sugat ko.
Purong puti ang kulay ng panyo kung kaya naman ay makikita ang mantya ng pulang likido mula rito. May nakaburdang maliit na pangalan mula sa kaliwang bahagi ng panyo.
Rukh
"Rukh? Who are you?"
"Asking can sometimes unconciously kill , will you still insist?"
I've been searching death for how many years now. And I can say that death really good at hiding, death despise me so much that it doesn't want to take me. Tsk tsk!
Makikilala rin kita.
"DAME! Bilisan mo diyan, you still have to enlighten me!" sigaw ni Asp.
Wala na din naman akong magagawa kundi magtiwala gaya nga ng sabi niya magtitiwala lang siya sa akin kung pagkakatiwalaan ko din siya.
Pagkatapos kung maligo at makapagbihis lumabas nadin ako ng silid at saka bumaba papuntang kusina, naamoy ko na mula rito ang niluluto ni Asp. Nagsasaya nanaman ang tiyan ko.
Sumilip ako para tignan ang kung anong niluluto niya.
"My favorite!" Masiglang sambit ko habang pumapalakpak pa. Tinignan naman niya ako ng masama saka sinenyasan akong maupo. Nakangiti naman akong sumunod.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na niyang lutuin ang Spicy Adobong manok. Yah! I like spicy foods, inihain na niya ito sa lamesa.
Pero nagulat lamang ako ng isang pinggan lang ang nilapag niya sa lamesa at ang masaklap sa harap niya mismo iyon ipinuwesto.
Tinignan ko siya ng matalim kasing talim ng bagong hasang kutsilyo. Patay malisya naman siya. Na para bang hindi ako nag-eexist sa harap niya. Matapos niyang masalinan ng kanin ang pinggan niya ay kumuha na siya ng ulam niya.
Umuusok pa 'yung ulam pati 'yung kanin. Nalalanghap ko din pati 'yung amoy ng anghang na nanunuot sa ulam. So ganito? Ganito ang paraan niya para pa aminin ako?
Tsk! Aagawin ko sana 'yung tinidor niya ng ilihis niya ito. At tignan muli ako ng masama.
"Andami kaya niyan, mauubos mo ba lahat yan ha?"
Hindi siya sumagot.
Nakailang subo pa siya bago tumingin sa akin.
"Nabasag ko 'yung salamin sa cr at tumalsik 'yung bubog sa binti ko!" tinitigan ko siya sa mata bago banggitin ang mga salitang iyan para kunwaring makatotohanan.
Nagbaba lang siya ng tingin saka muling kumain. Kainis naman oh!
"Ang totoo niyan," tumingin siya sa akin." Sinusubukan kung magtattoo kaya lang nasobrahan kaya ganito ang kinalabasan." umiling lang siya saka muling sumubo ng isang hiwa ng karne. Napalunok ako do'n. Napatingin ako sa Ulam. Shit! paubus na ilang hiwa nalang 'yung natira!
Habang nagdedebate ang aking isipan kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi ay hindi ko na namalayang iisang hiwa nalang ang natitira at nakalagay na din iyon sa kutsara niya sa ibabaw ng kanin. Napayuko akong nanlulumo.
"Umalis ako kagabi nang makatulog ka pero isang oras lang naman! Naglagay ako ng traker sa babaeng pinalaya ko kaya nalaman ko kung saan naglalagi ang mga kasamahan nito. Pumupunta ako do'n gabi gabi naglagay na din ako ng mga hidden cameras para malaman kung nando'n na si Tanda, ang pinuno nila at 'yung na hire kung bwisit na private investigator ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya! Binayaran ko pa man din siya ng buo at pagkalaki laking halaga! Kung alam ko lang kung anong itsura't pagmumuka no'n sisingilin ko ng triple! Kagabi ng makita mo akong may kausap 'yung punyetang gagong investigator 'yun! Matapos niyang sabihin ang nakalap niyang balita ay umatras na ito. At sinabing tapos na ang misyon niya. Kaya ako ang pumunta doon. Nakita ko ang pinaka pinuno nila matanda na iyon kinuhanan ko siya ng litrato kaya lang nakalimutan kung nakaflash pala 'yung putang cellphone ko kaya 'yun nahuli nila ako tumakbo ako palayo. Pina........" sabihin ko kayang pinagbabato ako ng bato? Ay hindi masyadong makatotohanan.
"Pinaulanan ako ng bala nailagan ko naman kaya lang may nakadaling isa. Daplis lang naman. Tapos 'yun nakauwi na ako bago ka pa magising." may nakalimutan ba akong detalye? Ang haba niyan ah.
Pag angat ko ng tingin sa kanya ay nakangiti na ito sa akin. Magsasalita pa sana ako ng isinubo niya sa akin 'yung huling natitirang hiwa ng Adobong karne. Halos maiyak ako sa pagnguya. Akala ko hindi ko na matitikman!
Tumayo siya sandali. Pagbalik niya may dala na siyang ulam! Syete nag tabi pala siya ng para sa akin? Umupo na siya pagkatapos saka inilapag sa harap ko 'yung ulam saka 'yung pinggan niyang gamit na? Tumingin ako sa kanya.
"Wag ka ng umangal hindi ikaw ang naghuhugas!"
"Sabi ko nga." tanging sagot ko saka nilantakan 'yung pagkain.
SPICY!!!
Pinapanuod lang niya bawat subo ko.
Well, bati na kami.
Won Alvarez
~Are you ready kids? Ohhhhhh~~~~~~
Pinatay ko agad ang alarm ko at napabangon, it's already 6 in the morning. Around 10 pm nadin ng makauwi ako dito sa condo unit ko.
"Aye aye captain!"
Nagulat ako sa nagsalita, kaya naman naihampas ko ang unan ko sa kanan ko.
"Tangina Won! Is that your new way of greeting me a Good morning?" hinampas din niya ako."Goodmorning too." sambit niya ng nakangiti saka nagtungo sa Cr. 'Di ako nakaiwas dun ah!
Dahil daw pumunta kami sa crime scene kung saan pinagsasaksak si Ms. Kagura ay natakot ang mokong, ang sabi para daw may nakatingin sa kanya kaya naman dito siya nakitulog.
Ilang beses ko siyang tinulak paalis sa kama ko cause there's no way I m gonna sleep at the couch, pero mahirap siyang itulak bukod sa parang unggoy kung kumapit eh blinakmail ako ng loko na ikakalat daw niya 'yung--basta madami siyang hawak laban sa akin.
Kaya naman we ended up laying in the same bed. Sharing the same blanket kadiri!
"Won! Pahiram akong Boxer ha!" Sigaw niya.
"DON'T YOU DARE! YOU BASTARD!"
"NAISUOT KO NA TATANGGALIN KO PA BA?" Sigaw niya saka lumabas suot ang--"FAVORITE MO TO DIBA? " tuloy niya saka umikot pa.
"HOW DARE YOU!" lumapit ako sa kanya saka pinipilit hilain yung Boxer shorts ko na suot niya.
Tanginaaaa bakit si Spongebob pa???
"I can't hear you, ohhhhhh who lives in the pineapple under the sea!"
"FUCK! TAKE IT OFF NOW!!!"
"Spongebob squarepants, absorbant and yellow and porous is he, Spongebob squarepants."
"UGHHH!"
"HAHAHAHA COME ON WON, SI PATRICK NALANG ISUOT MO--" Ayaw mo ah! Tignan natin kung sino ang liamado at dehado ngayon.
Lumapit ako sa may side table kung saan nakalapag ang bag niya laman noon ang pinakamamahal niya.
"FUCK IT! WON, NOT THAT MAN!" sigaw niya saka lumapit pero bago pa siya makalapit.
"STAY! Stay there plankton!" Utos ko saka inilabas mula sa bag ang cellphone niya mabigat pag 'yung laptop.
"No Won, no, not my beloved phone!" Pagsusumamo niya. Lalapit pa sana siya ng itaas ko ang cellphone niya, ambang ibabagsak. "Wahhhh Won naman eh tatanggalin ko na 'tong boxer mo." sagot niya.
Kinuha ko naman 'yung cellphone ko. Fuck it I can't stop myself from smiling. What a good morning.
"Take it off then," sagot ko tumalikod naman siya at naglakad papuntang Cr.
"Not in there! Plankton!" tumingin naman siya ng nagtataka sa akin. Itinuro ko ang pwesto kung saan siya kanina nakatayo. Nanlaki naman 'yung mga singkit niyang mata.
"Are you kidding me?"
"Am I?" Inamba kung ilalaglag ulit 'yung phone niya ng mabilis pa sa alas kwatro siyang bumalik sa pwesto niya.
"Sabi ko nga." sagot niya. Inihanda ko naman na ang camera ng phone ko.
Hinawakan na niya 'yung boxer.
"Are you really not joking?" Umiling ako bilang sagot.
"Are you dead serious?" Tumango ako.
Hinawakan na niya uli 'yung boxer kasabay ng pagbaba niya rito ay ang pagbagsak ko sa "Casing" ng Cellphone niya.
/Click/
Now were even!
Napatingin ako sa kuha kong shot.
Fuck!
Naka-underwear pa pala ang loko.
Itutuloy~~~
Thank you so much!
Hope you like it!!! Let me know your thoughts about it!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro