Chapter 1 Pilot
Note: Raw!
"All those times, that I was blaming life for all the sufferings and difficulties. I had forgotten things that trully matters." - S.
"Ipinatawag mo raw ako, what do you need this time?"
Nababagot nitong tanong mula sa lalaking prenteng nakaupo sa swivel chair habang nakapangalumbaba sa lamesa at mayro'ng isang nakababaliw na ngiting naglalaro sa mga labi.
"Tinalikuran na ni Melecio ang familia!" panimulang sagot nito.
"Tapos?" Pabalang na tugon nito na para bang ka-edad lang niya ang kausap.
"Matalas parin kung sumagot ang dila m.."
"May importante pa 'kong pupuntahan kung ano mang binabalak mo, ay hindi ako interesado. " Saad niya rito saka tumalikod at nagsimulang maglakad, nakakatatlong hakbang palang siya ng bumunot ng baril ang lalaki at paulanan siya nito.
Umalingawngaw sa buong silid ang putok ng baril. Ngunit bago pa man siya matamaan ay maagap siyang nakailag mula rito. Pagkaraa'y sunod sunod na kinalabit ng lalaki ang gatilyo ng baril at walang habas siyang pagbabarilin nito.
Dahil sa sadyang alisto at magaling ito ay walang hirap niyang nailagan ang mga nagraragasang bala ng baril na sa kaunting pagkakamali lang ay maaari siyang bumulagta sa sahig ano mang oras.
"Pinapahanga mo ako sa mga galaw mo." nangingiting sambit ng lalaki. "Limang milyon," dagdag pa nito "limang milyon para sa buhay ng taksil na 'yun. " hindi na siya nagulat pa sa kanyang nadinig.
Hindi na bago iyon para sa kanya. Buhay, kapalit ay pera.
Sa pagkakataong ito ay naglakad na muli siyang palayo na para bang wala siyang narinig.
"Sampung milyon." sigaw muli ng lalaki na tila ba hindi nito hahayaang makaalis ang kausap ng hindi nagiging ayon sa kagustuhan niya ang sagot nito.
Napangisi ito nang mapansing natigilan ang kausap. Ngunit napawi lamang ng madinig ang tugon nito.
"Sayo na ang salapi mo, hindi na ako interesado."
"Hindi ka parin talaga nagbabago! magkano ang gusto mo?" Nang gagalaiti nitong sigaw. Walang pag-aatubili namang napalingon siya.
"Bente, dalawampung milyon. Okay na 'ko sa twenty million." nakangisi nitong sagot.
Tango lang naman ang naging sagot nito, na para bang kung magdesisyon ay tila ba barya lang ang halaga ng salapi na hinihiling ng kausap.
"Sandali, may nakalimutan ako. lately, natitipuhan ko iyong bago mong sasakyan. Latest model 'yun diba? bumili ka nalang ng bago mo akin na 'yun luma na iyong sasakyan ko. "dagdag pa nito ng may nakakalokong ngiting naglalaro sa mga labi.
"Dalawampung milyon na nga ang hiningi mo tapos kukunin mo p..." sinenyasan niya itong tumahimik. Lumapit siya rito at Inilahad niya ang kamay na para bang batang nanghihingi ng tsokolate.
"Hand me the key." asar niya rito. Wala namang ibang nagawa ang lalaki kundi ibigay ang gusto niya.
"Alas otso ng umaga, saktong alas otso ng umaga bukas!" Banta nito.
"Aye aye Master! " pamimikon namang naging tugon nito habang nakasaludo. Saka pumihit patalikod at naglakad palabas nang sumisipol pa habang nilalaro sa mga daliri ang susi ng bago niyang sasakyan.
Ang buhay ay isang mapaglarong laro, kung nanatili ka lang na tahimik sa isang tabi at walang ano mang ginagawa upang isalba ang buhay na meron ka. Isa lang ang resulta, at iyon ay hindi maganda.
Kaya marapat lamang na paglaruan mo ang buhay sa sarili nitong laro.
Kinabukasan, nakatayo lang siya sa may poste. Nakaparada na ang sasakyan niya sa may kanto kung saan madali siyang makakaalis matapos magawa ang kinakailangan niyang gawin.
Wala ng kaso ang pagpatay para sa kanya dahil halos daan-daang tao na ang dumanas ng kamatayan sa mga kamay niya. Walang mintis ni kahit isa,
para lahat sa pera.
Daladala ang suppressed ragant revolver na nakalagay sa kahon na hawak niya sa kaliwang kamay habang pinagmamasdan ang oras sa kanyang relo. "Seven fifty, It's time to hide Melecio. Galingan mong magtago." bulong n'ya sa sarili ng simulan na niyang maglakad patungo sa bahay ng taong para sa kanya ay nakatadhana ng mamatay habang sumisipol.
Pagdating niya sa harap ng napakalaking gate ng bahay ng pamilya Melecio ay nag doorbell pa siya rito. Well-secured ang mansyon. May monitor na nakakabit sa gate, mga nagkalat na cctv maging mga tauhang mababatak ang katawan ay meron din. Ngunit ganoon pa ma'y malakas ang loob niyang pasukin iyon.
Suot ang isang unipormeng pangdelivery ng isang kilalang fastfood chain na nakuha niya pa sa hinarang na delivery boy, hawak hawak sa kaliwang kamay ang box ng pizza na ngayo'y naglalaman na ng baril ay muli nitong pinindot ang doorbell button.
Agad namang binuksan ng gwardya ang pinto ng walang kaalamalam kung anong klase ng tao ang kanyang pinagbubuksan.
At dahil sa mahigpit na ipinagbabawal ng amo niya ang pagpapapasok ng kung sinuman ay pinatigil niya ang tangkang pagpasok nito at aabutin nalang sana ang kahon na naglalaman ng pagkain ng naging alisto ang taong pinagbuksan niya.
In just one-smooth move ay walang hirap nyang tinamaan ang gwardya sa batok nito kung saan madali itong nawalan ng malay at hindi na siya nag abalang itago pa ang katawan nito.
"Just one more move, and you're dead!"
Napakamot siya't napangiwi ng marinig ang sambit ng isa pang lalaki. Napatungo siya, nakatutok na ngayon ang bukana ng mga baril, mahigit sampu ang mga ito na hawak ng mga naglalakihang lalaking nakasuot ng itim na suit.
Napakamot nalang muli siya sa kanyang batok at napamura. Itataas na sana niya ang mga kamay niya bilang pagsuko dahil siguradong wala siyang laban sa mga ito nang tumunog ang telepono nito.
"Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he!"
Hindi na nito pinatapos pa ang ringtone niya at saka inis na sinagot ang tawag ng 'di rehistradong numero ngunit lubos niyang kabisado.
"Kinalimutan kung sabihing sinabi ko kay Melecio na may bibisita sa kanya. Nang sa ganoo'y masabi nating patas ang naging kasunduan natin. Bente milyon at sasakyan laban sa mga iyan. Exciting isn't it?" Bungad sa kanya ng lalaki, 'di nga naman ito papalamang. Napangisi nalang siya.
"Mas masaya sana kung pati ikaw ay nakisali pa." nanghahamong tugon naman niya rito. Saka niya binabaan ang lalaki at ibinalik ang cellphone sa bulsa.
Itinuon niya na lamang ang tingin sa mga naglalakihang lalaking kaharap niya. Tumingin siya saglit sa relos niya para tignan ang oras. Walong minuto nalang ang natitira. 'Sige ilalaan ko sa inyo ang tatlo' bulong nito sa sarili.
"Kung ako sa inyo kanina ko pa kinalabit ang gatilyo." simula niya saka mabilis na umatake.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang mga itong paulanan siya ng mga putok. matalino niyang nailagan ang ilan at saka umatake, nang mahawakan niya ang kamay ng taong pinakamalapit sa kanya na may hawak na baril ay sinikmuraan niya ito.
Halos sunod sunod ang pagpapaputok ng mga ito ng baril at gamit ang katawan ng taong hawak niya ay iniharang niya ito sa mga balang rumaragasa patungo sa kanya. Saglit pa'y may biglang sumulpot sa likod niya't paputukan nanaman siya.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya nailagan pa ang bala nang mainam kung kaya nadaplisan siya sa kaliwang bahagi ng balikat. Ngunit agad din siyang nakabawi.
"Rule number 4, kung magpapaputok ka keep distance!" singhal niya rito, saka mabilis na sinipa sa mukha ang lalaki."lalo na't alam mong may potensyal ang kalaban." panapos nito. Nakakadalawa palang siya at malapit ng matapos ang oras.
" Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants"
Nang biglang isang pamilyar na musika ang tumugtog sa kawalan. Awtomatiko siyang napapikit at naglakad patungo sa mga kalaban niya na walang habas siyang pinagbababaril ngunit walang mintis at hirap niya itong naiilagan.
Para siyang naglalakad sa red carpet na napakaraming flash ng camera ang sumalubong sa kanya ngunit gano'n pa man ay tuloy tuloy parin siya sa paglalakad.
Talas ng pandinig ang bagay na ngayon ay kanyang ipinapakita. Alisto sa lahat ng bagay ay kinakailangan upang 'di sumablay. Iyan ang itinuro sa kanya...
"Tumayo ka! Hanggang diyan lang ba ang kaya mo? Sinasabi ko na hinding hindi ka mananalo sa gan'yang akto! "
Pagod na pagod na siya tagaktak ang pawis na nagmumula sa kanyang noo, kasama na ang mga luhang naguunahan dahil sa sugat na natamo niya sa kaliwang paa.
Walong taong gulang palang siya ng mga panahong iyon ngunit para bang labing walong taon na siya kung ituring ng lalaki. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at umataki muli.
"Sige pa! Suntok pa! Napakahina mo naman." sigaw nanaman ng lalaki sa kanya!
If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob Squarepants" READY?
Napatulala na lang ang mga kalaban niya sa kung paano niya naiilagan ang mga bala gayong nakapikit naman siya. Sa pagmulat ng mata niya ay agad niyang inagaw ang baril ng taong nasa harap lang niya at walang habas na pagbabarilin ang mga ito na agad namang bumubulagta sa sahig .
Sa tagal na niyang humahawak ng baril alam na niya kung saan ang mga pinaka-sensitibong parte ng katawan na 'pag tinamaan ay paniguradong paglalamayan.
At kung susuriin ang mga bumulagtang katawan na ngayo'y nagkalat sa sahig makikita mo rito ang kahusayan niya sa pagkalabit ng gatilyo.
Pinahid niya ang dugong nagmula sa kanyang noo, halos himatayin na siya sa labis na sakit mula sa sugat na kanyang natamo ngunit hindi siya pwedeng magpadala rito. Kailangan niyang lumaban, kung hindi baka mawala ang pakinabang niya mula rito at baka tuluyan na siyang paalisin o hindi naman kaya'y patayin.
Ngunit napaluhod lang siyang muli nang bigla na naman siyang tamaan ng lalaki sa kaliwang paa kung saan siya kanina tinamaan. Napaluhod siya sa labis na sakit na kanyang tinamo.
" Masterrrr! A-ayoko na po p-parang awa niyo!" Pagmamakaawa niya rito"Parang awa niyo na po ayoko na po."
" Anong ayaw mo na ha!" Sabay palo nanaman ng lalaki sa kaliwang paa niya, halos kapusin siya sa hangin sa paghinga sa sakit ng paa niya. Namuo na ng dugo ang kaliwang paa niya at halos mag kulay itim na ang kulay nito.
" Tumayo ka!"
Namulat siyang walang ina ni amang nasa tabi niya. Puro mga nilalang na tao ngunit asal hayop ang kanyang kinamulatan.
Pagkatapos ng araw na iyon halos hindi siya makatayo, naglalagi lang siya sa kwarto niyang walang ni anong kagamitan. Sa sahig lang siya nahihiga't nauupo. napakadumi ng buong silid na para bang hawla ng isang ibong gustong gustong kumawala ngunit hindi magawa dahil sa takot na lumulukob sa damdamin niya, takot na naghihintay sa kanya sa labas sakaling kumawala siya sa sariling hawla.
Kung ang mundo sa loob ng hawla ay mapanganib na, ano pa kaya kung sakaling makawala siya. Kaya naman nakikipagsapalaran nalamang ito sa loob ng hawla kahit pa man alam na nito ang daan palabas.
Naagaw ng atensyon niya ang biglang pagbukas ng pinto sa kanyang silid at pumasok mula roon ang isang matandang lalaki, kilala niya sa mukha ang matandang lalaki ngunit hindi sa pangalan nito napaupo siya mula sa pagkakahiga.
"Ano pong maipaglilingkod ko at naparito kayo?" Tanong niya rito. Hindi pinansin ng lalaki ang naging tanong niya.
"Kamusta ka na? Masakit parin ba ang paa mo, maayos na ba ang lagay nito?" Lumapit ang lalaki sa kanya.
"Sino po kayo? Nandito po ba kayo para lumpuhin nang tuluyan ang kaliwang paa ko?" Sambit niya na muling nagpaluha sa kanyang mga mata, pinahid ng matanda ang mga luha niya.
"Hindi ko gagawin iyon, nandito ako dahil kaarawan ng isang batang kilala ko ngayong araw. Alam kung hindi niya alam na ngayong araw ang kanyang kaarawan kaya maaari ko bang ipaalam sa kanya at batiin siya? "
Inilabas ng lalaki ang isang tinapay na hugis bilog at isang kandila itinusok niya ito sa gitna ng tinapay at gamit ang posporong meron siya ay sinindihan nito ang kandila. "maligayang ika-siyam na kaarawan!" Bati nito.
"Bakit niyo po ginagawa ito? Hindi po ba kayo mapaparusaan sa ginagawa niyo? At hindi po ako nagdiriwang ng kaarawan! kaya bakit pa po kayo nag-abala? Maa'ri na po kayong umalis!" Sagot niya saka muling nahiga at nagtalukbong.
"Patawad, napakalaking pagkakamali ang nagawa ko sayo at sa mga magulang mo." naglakad na paalis ang lalaki ngunit pinigilan niya ito.
"M-may m-mga magulang po a-ako? " tanong niya rito saka nilapitan at hinawakan sa kamay ang lalaki.
"Maaari ko po bang malaman kung nasaan sila? Gusto ko na pong umuwi ngunit ang sabi ni Master wala naman daw po akong uuwian dahil wala akong mga magulang. Mister gusto ko po silang makita isama niyo po ako palabas parang awa niyo na." napaluhod siya habang nagsusumamo at hindi na niya magawa pang pahirin ang luhang nagraragasa mula sa mga mata niya.
Umupo ang lalaki para pantayan siya. Tumingin naman siya rito.
"Gustong gusto kung gawin iyon ngunit hindi maaari. Hindi lang buhay ko ang malalagay sa panganib ngunit maging ang buhay mo ay maaari ding mawala. At iyon ang hindi ko hahayaang mangyari. Minsan ko ng nakita kung gaano siya kahangal, na maging ang malapit na kaibigan ng kanyang matalik na kaibigan ay 'di niya sinanto." nanlulumong salaysay ng matandang lalaki sa kanya.
"Kaya kung, kung gusto mong makita sila kailangan mong magpalakas. Lumaban ka at pagmalakas ka na gawin mo ang lahat ng makakaya mo para makawal rito at hanapin sila. Tandaan mo walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo. Magpakatatag ka, 'wag mong katakutan ang dilim, pagsubok lang siya!"
Sa murang edad ay natutunan niya kung paanong gamitin ang isip at puso sa pakikipaglaban. Ngumiti lang siya rito tumayo siya para kunin ang birthday cake niya sa tabi ng higaan niya dahil iniwan 'yun ng lalaki doon.
"Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!!"
Natigil lamang siya sa pagtunog ng kanyang relos hudyat na tapos na ang tatlong minuto, mas lumakas pa ang musika ngunit hindi na siya nagabala pang hanapin kung saan ito nagmumula.
Pagpasok niya sa mismong mansyon ng mga Melecio ay tahimik ito. Ang kaninang musikang bumuhay sa nahihimbing nitong diwa ngayon ay naglaho na. Naglakad siya patungo sa isang pinto ngunit wala roon ang hinahanap niya. Matapos buksan ang higit limang pintuan ay wala parin roon ang hinahanap niya. Dahilan ng pagkabagot niya.
Nagpaputok siya ng baril paitaas para pakiramdaman ang paligid ng magtagumpay naman siya dahil may narinig siyang hikbi sa pinakadulong pinto sa gawing kanan naglakad siya patungo roon ng may ngiting naglalaro sa mga labi .
Yabag ng mga paa at sipol lang niya ang naririnig palapit sa pintong iyon walang pakundangan niyang sinipa ng ubod ng lakas ang pinto na agad namang bumukas. Naglakad siya papasok sa kwartong iyon at nakita naman agad niya ang hinahanap. Ito na mismo ang sumalubong sa kanya.
"Please don't kill me."pagsusumamo nito habang nakaluhod. Hindi siya nadadala sa mga pagsusumamo at pagmamakaawa narinig na niya ata lahat ng mga iyon na iisa lang naman ang ibig sabihin nais nilang mabuhay.
"Have mercy!!!" Dagdag pa nito na ikinatawa niya.
Natatawa nalang siya pag may naririnig na linyahang ganoon na para bang hawak niya ang buhay ng mga ito sa kanyang kamay. Na totoo naman, dahil isang kalabit lang niya makikita na nila si kamatayan.
"Paano ba iyan nabayaran na 'ko. " sagot nito nang may nakakalokong ngiti.
"I can give and offer you anything, everything that you wanted, Money? House? Just please don't kill me." Naglandas ang mga luha nito. Napailing nalang siya at napangisi. Sinenyasan niya itong tumahimik na para bang siya'y naririndi.
Bang
Kasabay ng pagputok ng baril ang pagtunog ng relos niya hudyat na tapos na ang dahilan ng ipinunta niya roon agad na bumulagta sa sahig ang katawan ng nakakaawang Padre de pamilya ng mga Melecio.
Isang tama ng baril sa noo ang bumawi sa buhay nito.
" Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob Squarepants" READY? Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!!"
Nakangiting sinagot niya ang tawag. Masyado siyang nawiwili sa musika. Na halos kulang nalang ay sabayan na niya ito.
"Buhay ka pa ba?" Bungad nang matanda sa kanya.
"Mas muuna ka pang mamamatay kaysa sa'kin, Nakausap ko lang kamakailan si kamatayan kaya mag ingat ka." sagot niya na nagpahalakhak sa kabilang linya.
" Magaling ka nga talaga kasing talas ng dila mo ang husay m...."
Bang bang bang
Tatlong putok ng baril ang pinakawalan nito patungo sa isa sa mga kabinet sa loob ng silid nang makarinig siya ng kaluskus at hikbi na nagmumula roon.
"'Wag mong sabihing hindi mo siya natapos sa tamang oras?" sabi sa kabilang linya dahil sa narinig rin nito ang pagputok ng baril hindi naman niya ito pinakinggan at naglakad patungo sa napakalaking kabinet. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at nagulat sa tumambad sa kanya.
Isang batang babae ang palihim na humihikbi nakasuot ito nang uniporme at nakasukbit pa ang bag niyang spongebob ang design sa kaliwang braso.
Tinignan niya ito sa mata at kababakasan ng takot ang mga mata nitong dapat ay purong saya at sigla ang siyang makikita. Unti-unti muling kuminang ang mga mata nito na dulot ng luhang nagbabadyang tumakas sa kanyang mga mata.
Pagkakuha niya sa tinapay ay nakangiti siyang naglakad palapit sa lalaki.
Ngunit nakakailang hakbang palang siya ng bumukas muli ang pinto at iniluwa noon ang isang armadong lalaki, kasabay ng pagputok ng baril ay ang paghandusay ng nakangiting lalaki mula sa kanya.
Umagos ang dugo sa sahig, ni hindi niya nagawang lumapit sa matandang lalaking walang buhay nang nakahandusay sa sahig, umihip ang malakas na hangin kasabay ng pag kamatay ng apoy sa kandilang nakatusok sa tinapay na bigay ng matandang lalaki sa kanya.
Napahawak ang bata sa kaliwang dibdib nito at mula roon ay umagos ang naguunahang pulang likido. Nabitawan niya ang hawak na baril kasabay ng pagbagsak ng bata sa sahig. Ni hindi man lang niya nagawang saluhin ang bata dahil nakatayo lamang siyang parang tuod na binagsakan ng langit at lupa.
"Ano nang nangyayari riyan?"
"Ano ba sumagot ka!"
"Nar'yan ka pa ba kanina pa ako nagsasalita rito, Wala ka talagang mod...."
Sunod sunod na tinig sa kabilang linya ng telepono ngunit parang wala siyang naririnig dahil iniisip parin niya ang mga mata ng bata na sa sandaling iyon ay binawian lang naman niya ng buhay.
Pinagpapawisang nagising habol ang hininga ang taong inabot na ng dilim sa ilalim ng puno dahil sa pagtulog na ang akala niya'y kahit sa sandaling iyon ay makakatulog siya ng maayos ngunit hindi niya inaasahang bangungot pala ang naghihintay sa kanya.
Bangungot ng kahapon na mananatili na magpakailanman. Iginuhit na nito sa kanyang puso ang pagkakamaling tuluyang dumungis sa kanyang pagkatao.
Sapo ang mukha ay hindi niya napigilang mapaiyak kasabay ng pagbuhos nang napakalakas na ulan na para bang sa sandaling iyon ay pumanig sa kanya.
Sa sandaling iyon, ay hindi siya nag-isa.
Nabuhay siyang laro lang ang pumatay, nabuhay siyang sumasabak sa hamon ng buhay na para bang patay. Walang ibang iniintindi kundi pera at sariling luho lamang. Matapos ang aksidenteng pagkitil niya sa buhay ng inosenteng bata ay naalala niya ang sinabi ng lalaking iyon.
Daladala ang baril at ang lisensya niya ay tinungo niya ang opisina ng lalaki bakas sa suot niya ang mga halo halong dugo galing sa mga taong napatay niya.
Ni hindi man lang siya nag abalang lapatan nang paunang lunas ang kaliwang braso niyang sugatan. Nang sa paglalakad niya'y harangin siya ng mga tauhan ng lalaki.
"Sinong gustong mauna?"
Walang emosyon niyang banta rito dahilan para pumagilid sila at bigyan siya ng daan. Nagdirediretso siya sa pag-akyat sa hagdan sa bawat hakbang niya ay nahahawi ang mga nakahilerang tauhan ng lalaki, na para bang isang domino na sa isang tapik mo lang sa unahan ay kasamang nahahawi ang nakasunod hanggang dulo.
Nang sa wakas ay narating na niya ang pinto ay agad naman siyang tinutukan ng baril ng isa mga nakabantay sa pintuan.
Walang hirap niyang inihawak at itinapat ang palad sa bukana ng baril saka itinutok ito pataas 'bang' kasabay ng kalabit ng gatilyo ay ang pag agos ng dugo sa kanyang palad hindi naman makapaniwala ang lalaki may hawak ng baril, sa kanyang inasta, dahil sa ito na mismo ang kumalabit sa gatilyo ng baril
"'Pag itinutok mo ang baril sa kalaban, siguraduhin mong iputok agad, alam mo kung bakit? dahil ano mang sandali maaaring mabago ang sitwasyon ikaw pa ang mapahamak."
Napatulala ito dahilan para masipa niya sa kaliwang tuhod ang lalaki at agawin mula sa kamay niya ang baril saka niya siniko ang ulo nito ng ubod ng lakas dahilan para mapahiga at mamilipit sa sakit hawak hawak ang bunbunan.
Walang naglakas ng loob para tulungan ang lalaking halos mamuluktot na sa sahig, tahimik lang na nanunuod ang mga ito. Pinagbuksan naman agad siya ng pinto ng isa pa sa mga nakabantay dito sa pagbukas ng pinto ay tumambad agad sa kanya ang nakangising lalaki na sayang saya sa napapanuod.
"Nakakapanindig balahibo ang akto mo." Nawiwiling saad nito.
"Fire me!" walang paligoyligoy na sagot niya. Umiling ang lalaki.
"Masyado ka atang nadala sa batang iyon ni hindi mo naman kadugo." umiiling paring sagot ng matanda sa kanya.
'Bang'
umalingawngaw sa loob ng bahay ang tunog ng putok ng baril napatakip ng tenga ang mga taong naroon kasabay ng pagbagsak at pag agos ng dugo sa sahig ng kaninang lalaking tumutok ng baril sa kanya na kakatayo palang matapos maka recover sa pagkakatama ng ulo nito ilang minuto lang ang nakararaan ngayo'y wala nang buhay.
"Then kill me." sambit niya habang diretsong nakatingin rito.
"Hindi kita pinalaki at inaruga para lang sukuan ang ano mang kagustuhan ko!"
Hindi nito pinansin ang ano mang sinabi ng lalaki sa halip ay naglakad siya palapit sa lamesa at sa nakaupong lalaki. Inilapag niya ang baril at lisensya na nakalagay sa bulsa nito kanina.
"Can't fire and kill me? I quit then. That was my last job." desidido't walang emosyon nitong sagot.
"You want to quit? Kailan ka pa naging quiter?" Sagot naman nito
"Sige, ipagpalagay nating mamamatay ka na ngayon, pero hindi mo ba naisip na masyadong madali kong mamatay ka? isipin mo na lamang na mas magandang kabayaran ang magdusa habang nabubuhay ka dahil sa mga ginawa mo ilang taon 'yung bata? pito o walo hindi ko.."
' bang'
Napatayo sa gulat ang matanda matapos siyang patamaan ng bala ng baril ng taong kaharap. Napahawak siya sa pisngi at nakitang may bahid ng dugo ang kamay niyang nanghawak doon, napahalakhak ang matanda .
"Kailan ka pa natutong pumalya?" sambit nito at itinuloy ang pagtawa hindi niya akalaing ang asong sunod-sunuran sa bawat utos niya ay magagawa siyang kagatin matapos niya itong buhayin pakainin at bigyan ng matutuluyan.
Kinuha niya ang baril na nasa lamesa at ikinasa ito't ipinutok sa kaharap dahilan para matamaan ito sa kaliwang braso hindi naman siya natinag.
Namanhid na siguro ang kaliwang braso niya dala nang naunang tama niya.
"Wala kang utang na loob." sigaw nito. Galit na galit at hindi makapaniwala.
"Kung ganon hayaan mo kung pagdusaan ang ginawa ko, hayaan mo kong maka alis sa puder mo at sa taling kay tagal nang naka tali sa leeg ko." sambit niya. Saka siya tumalikod at naglakad palayo, walang naglakas ng loob para harangan ang dinaraanan niya.
'Pagbibigyan kita sa ngayon, ngunit tandaan mo, wala ka ng kawala."bulong ng lalaki. "Dahil ikaw ang magdurusa sa kasalanang ginawa niya."dagdag pa nito.
Ilang beses na niyang sinubukang tapusin ang walang kwentang buhay niya ngunit mapagbiro ata ang tadhana dahil lagi siya nitong inililigtas na para bang sinasabing hindi sapat ang buhay niya bilang kabayaran sa lahat ng ginawa niya.
At ang tanging paraan lamang para pagbayaran iyon ay ang patuloy na mamuhay siya daladala ang konsensyang pumatay sa kanya apat na taon na ang nakalilipas.
'Tama nga siguro siya.' sa isip niya.
Sa mundong ito, sa harap ng mapangmatang katao, sino?
Sino ang 'di huhusga, sa nagawa ko?
***
This is a work of fiction and a product of the writer's wide imaginations. Ang ano mang pagkakahawig mapapangalan man iyan ng tao, lugar, organisasyon o kahit ano pa, ay hindi sinasadya at maaaring nagkataon lamang.
All Rights Reserved. No part of this story shall be reproduced, distributed, or Disseminated in any forms or by any means, without the prior knowledge and permission of the unheeded author.
Thank you!
Cover's not mine. Credit to the 'owner'(CCTO).
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro