Adieu
"Mine, just mine alone!"-A.
At 3 pm before the Incident
September 5 at 3 pm.
'Love Awakened'
"Wala ka bang balak magpakita sa akin?" Simula ko.
Matapos maramdaman na parang may nakasunod sa akin. Noon pa man ay ramdam ko ng may nagmamatiyag sa bawat paghakbang ng paa ko at pagpitik ng mga kamay ko.
"Siguro nga wala talaga." sambit ko na tila ba natatawa pa. Pumasok ako sa loob ng building at umupo sa sofa.
"Gusto kong malaman, ikaw ba 'yung gagong private investigator na tumangay sa pera ko?" Simula ko, naalala ko kasi no'ng una kaming nagkita, napakaimposible ang maligaw ang isang tao sa gano'ng lugar maliban nalang kung siya 'yung private investigator na iyon.
S'yempre hindi siya sumagot. Nanatili parin akong nakaupo habang nakadekwatro.
"E 'yung, laging dumadalaw sa akin sa tuwing lasing ako ikaw iyon hindi ba? akala ko noon, hibang lang ako, ngunit hindi. Dahil ramdam ko kung anong ginagawa mo sa aking gago ka." Galit na parang natatawang sambit ko muli.
Nakarinig ako ng ingay sa gawing bahagi ng haligi kung saan nakadesign ang isang napakalaking bishop. Nasa likod siya no'n ramdam ko.
"Kailan ka nagsimulang sundan ako at protektahan? Ginamit mo pa si Asp, tangina din 'yun." tuluyan na akong napatawa ng dahil doon.
Saglit akong natahimik pagkatapos, tumingin ako sa paligid.
"Sa gym, noong hinalikan mo ako para tulungang makahinga, tangina wala ka bang ibang naisip na paraan bukod sa paghalik? Pucha! 'Di ka tuloy nawala sa isipan ko. Tinamaan nga ata ako e." sa pagkakataong iyon narinig ko ang pagtumba ng isang kabalyerong upuan.
"Alam mo bang may naaalala akong isang taong minsan ko ng nakasama rito? Hindi kaya... ay malabo nakikinita kung mas gwapo si Ark kaysa sayo kahit pa hindi ko pa nakikita ang mukha mo, si Ark kasi .. ano nga ba si Ark? Ay oo naalala ko na. Si Ark ay--"
Nagulat ako ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Hindi ko napigilan ang mapangiti ng dahil doon.
Noong pinipilit kung ihakbang ang mga paa ko, patungo kay Diosdado, ikaw iyon hindi ba, ikaw ang lalaking tumulong sa akin upang tumayo? A person with a pair of grey eyes, ikaw iyon.
Ikaw iyon Ark.
Lumabas na din ako matapos ang ilang minuto.
3:30 pm
Sumakay muli ako sa sasakyan ko saka tumungo sa condo ni Asp. Pagkadating ko doon ay nakita kong kasalukuyan siyang nagluluto. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito mula sa likuran niya.
"D, what are you doing? Alam ko namang 'yung luto ko lang ang gusto mo." naiinis nitong sambit sa akin.
"HAHAHA!" hindi ko naman napigilan ang mapatawa ngunit hindi ko alam kung bakit ako tumatawa, basta ba natatawa nalang ko. Nako malala na ata ako.
"ASPHERE TIU?"
"ANO NANAMAN DAME ALFER-- ALVAREZ?" Sigaw din nito sa akin.
"Wala lang, Asp parang masmagandang pakinggan pag 'Dr. Atty. Asphere Tui' no? Parang napakayaman ang dating , nako 'wag mo akong kakalimutan pagbilyonaryo ka na!"
"Yeah right!" sambit niya.
"Asp?"
"Hmmm"
"Kilala mo siya, tama ba ako?" Natigil siya saglit sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Tumango lang ito bilang sagot. Maglalakad na sana ako paalis ng magsalita siya.
"He's like a brother to me, nagkakilala kami sa Aterio. Matalino siya iyon ang isa sa mga hinangaan ko sa kanya. Lagi siyang late pumasok madalas ding hindi pumapasok. Pero pagdating sa mga quizzes and exams lagi siyang pasado kung minsan ay nauungasan pa niya ako. Our friendships started one time no'ng pinagpartner kami sa isang experimental activity. Until one day nakita ko siyang duguan sa isang lugar. Dinala ko siya dito, hindi ako nagtanong noon ngunit kusa siyang nag open up sa akin. That's when nalaman kong he's an agent," patuloy lang ang pagsasalita niya. Taimtim naman akong nakikinig"and then nalaman ko din ang dahilan ng mga absentisms and lates niya... at ikaw iyon D ipinakilala ka niya sa akin mula sa malayo. Humingi siya ng pabor sa akin and I can fully say that, hindi ko iyon pinagsisisihan cause I got the chance to met an extraordinary person." sinenyasan ko siyang tumahimik naglakad ako palapit sa kanya at saka ito niyakap ng mabilis at tumakbo palabas.
Some things didn't just fall on it's proper places, some fell on a place where you never expected to.
"HINDI KA DITO MAGHAHAPUNAN?" Sigaw niya.
"May kailangan pa akong puntahan." sagot ko naman saka lumabas ng condo niya.
Salamat Asphere. Hindi din ako nagsisisi na nakilala kita.
4:00 pm
Sumakay muli ako sa sasakyan ko saka ito pinaharurot patungo sa kanila.
"DAMEEE!" narinig ko agad ang tinig ni Lee, para sa akin siya parin si Lee.
Niyakap ako nito. Pumayat siya ng kaunti.
"ALFER--ALVAREZ!" narinig ko naman ang tawag ni Chua.
"Anong ginagawa mo dito Dame?" tanong ni Lee sa akin, hindi ko alam ngunit hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko para makapagsalita. Sa halip ay niyakap ko ito.
"Patawad!" sambit ng labi ko.
"Alam ko na ang totoo Dame, my dad who's part of the FBI agents ay nakipagkasundo sa mga sindikato, at alam ko na din kung bakit ni hindi ka nagexplain at kung bakit nanatili kang tahimik."
"Alam ko kung gaano mo iniidolize ang Daddy mo, at ayokong masira iyon patawad," sambit ko muli. "Patawad kung pati ang kapatid mo ay nadamay."
"Nakita kong aksidente ang nangyari, ngunit nabulag lang ako Dame kaya kami ang dapat na humingi ng tawad sa iyo." umiling ako sa sinabi nito.
"Ang pagpatay ay hindi kailan man magiging tama. Patawarin mo ako."
Kiling would always be a crime no matter what your excuses are.
"Enough Alvarez, heto't magmiryenda ka muna." biglang sambit ni Chua. Napatawa lang naman kami ni Lee.
Around 5 na ng makaalis ako sa bahay nila Chua, masiyadong napasarap ang usapan namin at kwentuhan.
At malapit na ako sa sunod kong destinasyon. At pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na nga ako.
Sumalubong agad sa akin ang napakaraming spongebob stuff toys na halos ukupahin na nito ang espasyo sa kanyang puntod.
Inilapag ko na ang dala kong panibagong stuff toy.
'Princess Sofia Melecio'
Naupo ako malapit rito.
"Salamat, salamat sa pagbukas ng pinto, sa madilim kong mundo." hinawakan ko ang nakaengrave na pangalan nito sa lapida.
"At patawad din. Patawad sa nangyari," kay bigat parin ng kalooban ko sa nagawa ko sa batang ito. "Patawad."
Pinatugtog ko ang musikang paniguradong paborito nito.
" Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he!
Nagpatayo ako ng isang charity, na higit ilang taon ko nang sinosupportahan financially. Gusto kong ipakita at iparamdaman sa mga batang naroon na kahit iniwan sila at ipinaubaya ng kanilang mga magulang sa charity ay may pakinabang parin ang buhay nila.
"Spongebob Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob Squarepants"
At ang kailangan lang nilang gawin ay hanapin sa puso't isipan nila iyon. Nabuo ko ang chariting iyon when I was just 14, ang araw na nakita ko ang tunay na pamilya ko. Lahat ng ibinabayad sa akin ni Emillio at ang lahat ng perang nakukumpiska ko sa mga drug raid at iba pa ay napupunta lahat sa charity, kaysa naman sa bulsa ng gobyerno o kaya'y pulis hindi ba?.
READY? Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!!."
The charity was named, 'Bikini buttom' but that was before.
Now it was named "Sofia's Bikini buttom." yeah, it was named after her, after her death.
Humans are prone of commiting mistakes, but mistakes doesn't define who we really are.
Nagtagal pa ako nang ilang minuto rito saka napagpasyahang tumungo na sa kanya.
6:00 pm nang marating ko ang puntod niya malayo layo din kasi ito. Inilabas ko ang isang cake na dala ko saka ito sinindihan.
At ipinatong sa tabi ng lapida nito.
"SAC. Servado Andres."
Naupo ako sa tabi nito.
"Masiyado bang napaaga ang dating ko? Hindi ko din alam e, para bang hindi na ako makapaghintay sa agosto sa susunod na taon." biro ko rito.
"Pasensya ka na a, kasalanan ko kung bakit ka namatay, pero pwede bang dalawin mo naman minsan 'yung apo mong ang ngalan ay Rukh, tangina ayaw ba namang magpakilala sa akin." natatawa kong sumbong rito, pagkaraan ay nakarinig ako ng kaluskus.
"Pagsabihan mo nga ding baka pati tuwing naliligo ako naninilip siya--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makarinig ng isang yabag palapit sa akin.
"Baka naman pagtangkaan ako netong apo mo?" Nakangisi kung sambit.
Natigil naman sa paglapit ito at nanatili sa dilim.
"Siya nga pala, quits na tayo tanda. Ninakawan ako ng halik ng apo mo kaya hindi na ako magsosorr--" nakarinig ako ng pagbuhay ng makina ng isang motor saka ito mabilis na umalis. Natawa naman ako ng dahil doon.
Tumingin ako sa langit. Kay daming bituin napansin ko din na tila ba tinatakpan ng kaunting ulap ang nakangiting buwan.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Kailan lang ng tinahak ko ang daan patungo kung saan bitbit ang nagiisang dahilan, ang hanapin ang kamatayan at iwanan ang buhay na meron ako.
Ngunit ngayon kay layo sa salitang kamatayan ang aking natagpuan. Saksi kayo sa mga nangyaring iyon. At kung magkabati man kami ni kamatayan wala na akong magagawa niyan.
" Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "Spongebob Squarepants" Then drop on the deck and flop like a fish! "Spongebob Squarepants" READY? Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants Spongebob Squarepants SPONGEBOB!! SQUAREPANTS!"
"Honey Daewon...was shot!"
Present
'I feel better now, better than the word itself'
What would I do if I found myself lurked in the dark and can't find any way to walk out?
Well, I just digged, and dragged myself down then crawled out. There is always a way out, but in order for us to see it better not let ourselves keep on convincing a cat to eat a piece of cow's rib and pushing a dog to eat a fish bone.
Third Person Point of View
"ASP ASAN KA NG ANAK NG?"
"GAGO KA TALAGANG TRISTAN KA !!! parating na ako!"
Naunang dumating si Lee sa meeting place nila, grumaduate na ang mga ito, at isang ganap na Engineer na ngayon si Eng. Tristan Juztin Melecio.
"GAGO KA TALAGANG TRISTAN KA, KUNG MAKASIGAW KA SA AKIN PARANG AKO NA LANG YUNG INIINTAY A!" Biglang sulpot ni Soon to be Dr. Atty. Asphere Tiu babatukan na sana nito si Lee ng magkasamang dumating si Daewon at Chariot.
"WAHHHH WON!" tumakbo si Lee palapit kay Daewon at niyakap ito. Sa states inoperahan si Daewon at doon nadin ito nagpasyang magaral. At nabigla sila ng kasama niyang dumating si Cha.
"How was life in the US, Engineer Daewon Alferza? " bati ni Asp rito. "At bakit magkasama kayo." tuloy pa nito habang nakatingin ng matalim kay Cha at Daewon.
"Oo nga no? Pinagtataksilan niyo ba si Dame?" Dugtong naman ni Lee.
Wala silang natanggap na tugon galing kila Cha at Daewon sa halip ay naghawak kamay pa ang mga ito saka tumawa.
Pagkaraan ng ilang minuto ay umupo na ang mga ito. Sa tabi ng kanyang puntod.
"Teka hindi ba pupunta si Ark, lagi nalang 'yung hindi nagpupunta rito." reklamo ni Lee.
Napatingin silang lahat sa naka-engraved na ngalan sa lapida.
You're forever Loved.
'Athania Ysabelle Alvarez'
"It's been four years Dame. Tulad ng hiling mo malapit na akong maging isang ganap na Doctor, magiging bilyonaryo na ako," unang nagsalita si Asp. "Gago ka D sabi mo hindi ka mamamatay ng hindi nagpapaalam? I hate you. At dahil d'yan araw araw kong hihilingin na sana'y hindi mamayapa ang kaluluwa mo." Napatawa nalang sila sa inasta ni Asphere.
Sa tuwing napupunta kay Dame ang usapan, ay hindi nito napipigilang maging emosyonal.
Sumunod namang nagsalita si Lee.
"DAMEEE, ako engineer na!" Sambit nito pagkaraan ay nagpunas ito ng luha."kung alam ko lang na iyon na ang huling punta mo sa bahay, sana man lang narinig at nasabi ko sayo kung gaano ako ka proud at nagpapasalamat na naging kaibigan ko ang isang tulad mo. Hindi totoong hindi kita itinuring na kaibigan ang totoo niyan halos makalimutan ko 'yung plano namin nang makilala kita, matalik kong kaibigan." Inakbayan naman ni Asp si Lee at tumawa. Pagkaraan ay nagsalita naman si Cha.
"Dame, 'wag ka sanang magalit kung kami na ni Dae. Ilang taon ko din siyang niligawan e'."
"ANO?" biglang tanong na naguguluhan no'ng dalawa. Binatukan naman sila ni Daewon.
"You two! Alam niyo bang ako ang pinagtaksilan ni Dame? Mas pinili niya si Ark kesa sa aki--"
"ANO?" bigla muling tanong no'ng dalawa sabay tayo at takbo.
"FUCK! BUMALIK KAYO RITO!" sigaw ni Daewon.
"MATAGAL NA NAMING ALAM KALA KASI NAMIN 'DI KA PA NAKA MOVE ON!" sigaw ni Lee rito.
Tumatawang napahawak naman si Cha sa kamay ni Daewon. Nagaral si Cha ng accountacy at isa na ngayong ganap na CPA iniwan na nito ang pagiging agent dahil isa din iyon sa hiling ng kuya niya maging ni Daewon.
'His' Point of View
It's been years, 4 fuckng years. But up until now, ramdam ko parin siya sa bisig ko. I didn't expect that she's capable of doing that.
Tinanong ako kanina ni Cha kung sasama daw ba ako but I ignored her instead of saying no.
How many times do I have to tell her na hinding hindi ako pupunta sa puntod niya.
" Oohh... Who lives in a pineapple under the sea? "Spongebob Squarepants" Absorbant and yellow and porous is he! "Spongebob Squarepants" If nautical nonsense be something you wish "
"Where are you iho?"
"I'm on my way Tito." sagot ko, I walked my way out then got on my Ducatti put my helmet on as I drove off.
She's the reason why I learned to loved sponge. Pagkarating ko doon, nakita ko na agad ang nanlilisik niyang mga mata habang nakatingin sa akin, tumingin naman ako sa relos ko.
11:45 am I'm kidda late for about 15 minutes. Nginisian ko lang siya.
"Iho nandiyan ka na pala ayaw pa man din niya ang nalelate." biro ni tito sa akin.
Naglakad ako palapit sa kanya, katabi niya si tita na ngayon ay nakatingin na din sa akin.
When I'm just a meter away ay huminto ako, then open up my arms, ang kaninang nanlilisik na mata niya ngayon ay napalitan na ng sigla't saya.
She run towards me, I was about to embrace her when...
"Fuck! Why the hell did you punched me?"
"Late ka lang naman! Ano bang mahirap intindihin sa 11:30 HA!" She answered pumihit ako palikod at umambang maglalakad nang yakapin ako nito mula sa aking likuran.
"I'm free!" she whispered.
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kanya. Saka siya niyakap ng mahigpit.
"Fuck that four years! Alvarez!" Sambit ko. Napayakap din naman siya ng mahigpit sa akin.
I thought she'll going to die that night. But being an evil grass like what she always say about herself. She is indeed. She put up a prank that night, for Damn's sake!
Ang alam ng lahat ay patay na ito. Fuck her for wearing a bulletproof vest, and for putting some of blood bags.
She faked her own funeral, and she's so satisfied ng makita ang daang daang taong dumalo sa libing niya. Including our fucking friends.
Sumuko siya sa korte, kasama ako at sila tito't tita. Nakulong din si Emillio ngunit ang maganda doon ay maayos na ang relasyon nito sa anak niya.
Tito hired the most powerful attorney para maipaglaban ang kaso nito but knowing Dame she didn't accept it.
The President also grant her a presidential pardon, but she politely declined it.
Ibinigay ko pa ang license to kill niya na kinuha ko kay Emillio noon, ngunit sinira lang niya iyon. Desidido nga siyang makulong.
She's the top secret Agent of FBI and she have a license to kill and noted, she's also a victim. But she chose to stay behind the bars for four fucking years. How idiot of her right?
But now, she's free. Her own cage finally set her free.
Kinalas ko na ang yakap ko sa kanya at saka kami naglakad palapit sa motor ko. Kinuha ko iyong isang helmet pang dala ko saka ibinigay sa kanya.
"Hindi mo man lang ba isusuot 'to sa akin?" Tinignan ko siya dahil sa sinabi niya.
"You have two hands put it yourself!" Sagot ko saka umangkas sa sasakyan ko at saka isinuot ang helmet ko.
Narinig ko ang pagdabog niya habang umaangkas, I don't know but she always made my day!
Naramdaman ko ang pagyakap nito sa bewang ko. Binuhay ko na ang makina nang marinig kong nagsalita si tito.
"Iho! I'm warning you, ibalik mo iyan sa bahay ko." banta nito. Magkatabi na ngayon sila ni tita.
"I will tito, but not tonight!" I answered then drive off.
"Gago ka talaga! Tara na nga dalhin mo na ako sa puntod ko siguradong nando'n sila Asp--"
"Who said na pupunta tayo doon?"
"E? 'Di ba ang usapan natin pagkalabas ko didiretso agad tayo do'n?"
"I don't remember saying yes, when you said that."
"Gago ka talaga!"
"And I love you."
Pagkaraan ay natahimik ito. Binabagtas namin ang daan patungo sa kung saan, as long as she's with me and I'm with her I don't care kung saan man kami mapunta.
"Abo?"
"Kailan mo ba balak magpakilala sa akin, gamit ang totoo mong pangalan?"
Inihinto ko sa tabi ng daan ang sasakyan ko. Ramdam kong nagtaka siya rito. Walang dumadaan na sasakyan rito kaya tahimik.
"I'm Ark Mihu."
"Alam kong ikaw si Ark ang punto ko kailan ka magpapakilala bilang Rukh sa akin?" Reklamo nito.
"The first time I introduced myself as Ark Mihu, ay ang araw din na ipinakilala ko si Rukh sayo, you're just being naive kaya hindi mo napansin!"
Nagtuloy muli ang pagpapatakbo ko.
"Bakit ano bang meron sa Ark Miyu na iyon wala naman a?" She burst out again.
"It says their that 'I am Rukh', idiot."
"AH?" takang tanong muli nito. Fuck!
"You spell out my name!"
"A, R, K, M, I, Y, U"
"It's H not Y!"
"Ha?" Tanong muli nito.
Itinuon ko nalang ang attensyon ko sa pagdadrive.
"Uy Abo ano ipaliwanag mo naman ng maayos!"
"Abo naman e"
"Abo!"
"Ang totoo niyan yung mata mo lang naman ang gusto ko."
"Mas gwapo ka lang ng konti kay Daewon, pero tang*na bat ikaw pa kasi?"
"Pinatos ko na lang sana si Asp"
"Ay hindi pala pwede"
"Si Lee kay-- ay hindi din!"
"Abo, maganda ba ako?"
"Hindi naman gaanong kahaba ang buhok ko pero bakit kaya pakiramdam ko umabot ito hanggang sa talampakan ko?"
"Alam mo nakakairita ka talagang Abo ka, ba't ba kasi sayo ako nahulog? "
Since the day lolo Vando showed me a picture of a young girl about my age. And told me that she's in need, that day I vowed to protect that mere little girl. But when I saw her in person from afar. I know from there, that I did not just vowed only to protect her. I was just 7 that day but, I know Love that time is on my way, and that way is right to her.
Either she'll named Dame or Athania. That doesn't fucking change the fact that she's mine.
SHE IS MINE!
Rukh was just seven that time, but he found himself loving a girl despite being Nameless.
"ABOOOOOOO!"
~Wakas~
"Every mistakes that we had commited for the past years of our lives, will never define what, and who we are in the near future."
-El Alcaide
In behalf of all the Characters of Nameless and I, "Hat's off Readers"
And for those who commented and votes, "Your efforts is highly appreciated."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro