Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NAGLASING, NAGMAHAL, NAGPAKASAL


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincedental.

This is just a two-shot story. Nothing more. Nothing less.

***

NALASING, NAGMAHAL, NAGPAKASAL (FIRST PART)

SHANNON POV

"Mom, sige na kasi, payagan mo na ako. Hindi naman na po ako bata."

Sinamaan lang naman ako ng tingin ni mama saka itinuloy lang ulit ang pagtingin-tingin sa magazine. Ibinaling ko naman ang tingin kay papa na halata namang hindi binabasa ang dyaryong hawak dahil ito'y nakabaliktad.

Nakikusap ang mga mata ko na kampihan niya ako this time. Napangiti naman ako nang tila nadala ko siya sa pagmamakaawa ko. Ngunit bubuka pa lang sana ang bibig ni papa nang iniharang na kaagad ni mama ang hintuturo niya sa bibig ni papa na siyang nagpatikom dito.

"Don't spoil her, Romualdo. Kapag sinabi kong dito lang siya sa bahay, dito lang siya. And that's final!"

Nagdadabog akong umupo na lang sa kaharap nilang sofa. Alam kong kahit na anong gawin ko, hindi ko talaga mapapapayag si mama. Wala rin naman akong maaasahan kay papa, kasi alam kong under ito kay mama.

Ngayon ko pinagsisihan na tumakas ako no'ng isang araw, maka-gimmick lang. 'Yan tuloy at grounded ako ngayon.

Pero kasi inaasahan talaga ako ni bebs ngayon. Kasabay kasi ng birthday niya ang anniversary nila ng boyfriend niya. Sayang din ang party kung hindi ko sisiputin. Ito na sana ang perfect timing para makahanap na ako ng boyfriend na maipapakilala sa parents ko, kahit pretend boyfriend lang.

Nabigla naman ako nang biglang tumawa na lang ng pagkalas-lakas si mama na siyang sinabayan naman ni papa. Para tuloy silang nagduduet na dalawa. At teka nga — ano bang nakakatawa sa pagtingin-tingin sa magazine?

Nasapo ko na lang ang aking noo dahil bigla yata akong na-stress. God? Why did you gave me this two as my parents? Mas malala pa sila sa akin 'pag nalalasing ako eh.

"On the second thought, pinapayagan na kita."

Parang biglang lumaki ang tainga ko dahil sa narinig. Balak ko na sanang yakapin si mama kung wala lang biglang nag-doorbell.

"Pagbuksan mo, 'nak. Baka siya na 'yan."

Kunot-noo ko namang tinungo ang gate ng bahay namin. Sino namang hudas ang disturbo na 'to sa kasiyahan ko?

Napanganga ako bigla nang bumungad sa akin ang isang tilang machete na lalaki pagbukas ko ng gate.

He has this tantalizing eyes na kapag nakatitigan mo na ay parang ayaw mo ng alisin ang tingin sa kanya. Perfect jawline, pointed nose at kissable lips na alam kong kaiingitan mapa-babae man o lalaki.

And those yummy biceps and muscles.. Halatang alagang gym.

"Are you done checking me out?"

Biglaan ang pagpula ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya.

"Oh. There he is. Look, honey. Mukhang lumaking gwapo itong batang ito. Although gwapo naman talaga siya."

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. How did mom and dad know this guy? Bakit hindi ko yata tandang may naka-encounter silang Greek God noon?

"Ikaw na ba 'yan Minton, hijo?" daddy asked.

Parang biglang binuhusan ng malamig na yelo ang ulo ko. Para akong nagising sa isang masamang panaginip. Para akong nahulog sa isang matirik na bangin.

Minton? You mean yung minton na walang ibang ginawa kundi bwisetin noon ang buhay ko? Yung minton na lagi akong binu-bully? Yong minton na lalaking siyang unang nagpaiyak sa 'kin dahil sinabihan niya ako ng 'pangit'?

"Do you miss me, Shannon?"

Naikuyom ko naman ang kamao ko. Pinagsisihan ko na ang mga papuring sinabi ko kanina. Kelangan kong mag-tootbrush nang maka-ilang beses.

Sunod-sunuran lang ako kila mama na ngayon ay inaasikaso na si Minton. Kapag hindi pa ako gumawa ng paraan na makaalis dito, sigurado akong malalate na talaga ako at baka wala na akong datnang party sa bahay nila Krystal.

"Ma, alis na po ako. Mukha namang in-enjoy mo ang accompany ni Minton eh."

Sinamaan naman ako ng tingin ni mama. Kung talagang nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta rito.

"Oh. Someone is jealous."

Inirapan ko naman si Minton saka pasimpleng itinaas ang middle finger ko, talagang siniguro ko na siya lang ang makakakita.

"Ah, Minton, hijo. I have a favor to ask sana."

Napangiwi naman ako saka parang nagsipataasan ang mga balahibo ko nang tila mahinhin si mama habang kinakausap ang hudas.

"What is it, tita? Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya para magawa ang gusto niyo. Alam niyo naman pong kayo ang paborito ko ni tito."

Peke namang tumawa-tawa si mama saka kunwaring hinahampas-hampas niya si Minton sa muscles neto. Kunwari pa si mama, nangho-hokage lang naman siya.

"Kung okay lang sa 'yo ay ikaw na sana ang bahala kay Shannon. Kahit saan siya magpunta, sana nasa tabi ka niya palagi. Ikaw na ang bahala sa anak ko, hijo. Matigas lang ang ulo niyan pero alam kong malambot ang puso niya."

"Mom!" "Honey!" nagkasabay pa kaming nagsalita ni papa.

"Kung magsalita ka naman, honey. Para mo nang inaalay ang anak natin para maging kasintahan netong si Minton. Hinay-hinay lang tayo, Hon."

Napatango-tango naman ako sa sinabi ni papa. Over my dead body, hinding-hindi ako makikipag-relasyon sa taong 'yan.

"Why not, hon? Si Minton lang ang lalaking nakikita ko para sa anak natin."

Nasapo ko naman ang noo ko. Kaya ba walang nagtangkang manligaw sa akin? Si mama ba ang may kagagawan no'n?

"Ma, that's enough! Ako ang magdedesisyon kung sino ang magiging boyfriend ko. 'Wag naman po sana kayong mangialam."

Naawat lang kaming tatlo nang tumayo na si Minton saka tumabi sa 'kin.

"Don't worry, tita. Ako na po ang bahala kay Shannon. Pero hindi po ibig sabihin no'n ay magiging kami na. Shannon is right, tita. Kami po ang gagawa ng desisyon para sa sarili namin."

Hindi naman na nakipag-argumento pa si mama kaya kinuha ko na lang ang time na 'yon para makapagpalit na ng damit.

"Infairness sa 'yo ha. May sense ka rin pala."

Pagkausap ko sa kanya mula rito sa loob ng kuwarto. Alam ko naman kasing nasa labas siya habang nakasandal sa may pintuan.

"Ikaw lang kasi. Wala kang tiwala sa 'kin."

'Di ko na lang siya sinagot at nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako. Ngunit sumalubong kaagad sa 'kin ang nakakunot niyang noo.

"Ano 'yang suot mo?"

Napairap naman ako dahil sa tanong niya. "Duh. Bulag ka ba, Minton? Damit, ano pa nga ba?"

"Damit pa bang matatawag 'yan? Eh halos kita na iywng kaluluwa mo. Tingnan mo nga yang likod mo, pati 'yan kitang-kita na. Go back to your room then change!"

Napameywang naman ako saka dinuro siya.

"Aba't hindi kita magulang para sundin kita, Minton. At ano namang problema mo sa damit ko, ha? It's what you called fashion!"

Galit naman siyang nakipagsukatan ng tingin sa 'kin.

"Fashion bang matatawag 'yan ha, Shannon? You choose. Magpapalit ka o we will going to stay here for good."

Kahit nangigigil ako ay pinilit ko pa ring pakalmahin ang sarili. Mygosh! Mai-stress lang ako lalo sa lalaking 'to. Kaya no choice ako kundi ang magpalit na lang.

"Happy?" sarcastic kong tanong sa kanya matapos kong makapagpalit.

"It's much better!"

Muntik ko na siyang mabatukan dahil sa sinabi niya. Ano bang better sa pagsuot ng turtle neck? Nakakainis lang dahil siya pa mismo ang pumili neto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro