Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 9

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang makauwi sina Raffaella at Mamu Penny galing sa Casa Cadeña Resort. Simula rin nang huling gabi nila sa mala-paraisong lugar na iyon ay nagsimulang magparamdam ang isang misteryosong tao sa dalaga.

Hanggang ngayon ay nangi-ngimi na may halong pangamba si Raffaella, dahil sa sobra-sobrang pagpapadala nito ng mensahe sa kanya.

Kaonting pagkakataon na lang at malapit na niyang isipin na isa na itong stalker, dahil alam na alam nito ang bawat galaw na kanyang ginagawa at patuloy lamang ito sa pagpapadala ng matatamis ngunit nakakabahalang mga mensahe sa kanya.

Gaya na lang nang natanggap ni Raffaella'ng mensahe dalawang oras lamang ang nakakalipas.


From: +639957654454

Smile can make a day complete. Hug can make a day better. So I'm sending my smiles and hugs on your way. Good Morning, beautiful.


"Mamu, tingnan mo nagpadala na naman siya ng message." bungad ni Raffaella nang mabungaran niya si Mamu Penny na ngayon ay abala sa pag-aayos ng kanyang sarili sa harap ng salamin.

Dagli naman siyang binalingan nito sabay sabing, "Hay nako Raffy... Sinabi ko nang i-block mo na 'yang stalker na 'yan, para hindi ka naaabala." may himig na pagkainis na sambit nito sa dalaga.

"Eh Mamu, gustong-gusto ko na siyang i-block. Kaya lang..." anito bago napakagat ng kanyang ibabang labi.

"Kaya lang ano? Nanghihinayang ka sa ka-sweet-an niyang stalker na 'yan?! Tsss... Raffaella naman, alam mo naman na delikado na ang panahon ngayon. Mamaya masamang tao pa 'yan, makita mo!" pangaral nito sa dalaga.

"Hindi naman po siguro, Mamu." nakangusong apila naman ni Raffaella.

"Haaayyyy... Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo kahit kailan, bata ka! Ano bang mapapala mo d'yan, umaasa ka ba na makaka-eyeball mo 'yan?!" halos magdikit na ang mga kilay ni Mamu Penny dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang alaga.

Mabilis namang napailing si Raffaella, "Mamu naman! Wala naman po akong balak makipag-eyeball sa kanya. Masyado lang po akong natutuwa na mabasa ang mga sweet messages niya."

Nagpakawala na lang nang buntong hininga si Mamu Penny bago umirap sa kawalan, "Bahala ka sa buhay mo... Tutal malaki ka na, alam mo na siguro kung mapapahamak ka sa isang bagay o hindi." anito bago kinuha ang kanyang mga gamit sa parlor.

"Papasok po kayo, Mamu?" biglang pagtatanong ng dalaga.

"Off ko sana, kaya lang wala raw tao sa salon sabi ni Maam Rita. Hayaan mo na pandagdag kita rin."

Maagap namang kinuha ni Raffaella ang payong saka ito iniabot, "Ito po Mamu, 'wag po kayong magpapaulan. Tandaan, sa panahon ngayon bawal ang magkasakit " nakangising sambit ng dalaga habang hinahatid sa bukana ng pintuan si Mamu Penny.

"Salamat anak... O paano, mauuna na ako. Magpahinga ka muna habang wala pa tayong raket. Tigilan mo na 'yan kaka-facegram at 'yang ka-textmate mo..." hindi na natapos ni Mamu Penny ang kanyang sasabihin nang mabilis siyang putulin ng dalaga.

"Hala siya! Hindi ko po katextmate 'yon Mamu... Ayaw nga pong reply-an 'yung mga tanong ko eh."

"Sus! Nangatwiran ka pa d'yan... O sige na, mauuna na ako. Babush!" pamamaalam nito bago tuluyang lumabas ng kanilang tahanan.

"Babye Mamu! Ingat po sila sayo!" nakakalokong saad pa ni Raffaella, bago tuluyang nagsara ng pintuan.


*****


Sa buong umaga ni Raffaella sa bahay, ay agad nakaramdam nang pagkainip ang dalaga dahil sa kawalan nang ginagawa sa araw na iyon. Naisipan niyang dalhan muna nang makakain si Mamu Penny sa pinagta-trabahuhan nito, bago siya pumunta sa Mall para mag-aliw-aliw.

Habang nag-aabang ng pampublikong sasakyan ay biglang tumunog ang telepono ni Raffaella. Mabilis niyang inipit sa pagitan ng kanyang kanang pisngi at balikat ang payong na kanyang hawak, saka kinuha ang telepono sa kanyang bulsa.


From: +639957654454

All afternoons are like paintings. You need a little inspiration to keep going. A little smile to brighten up, and a simple message from me to lighten up your day. Have a great afternoon, beautiful.


"Tsss..." sarkastiko niyang sambit sa hangin bago sinagot ang mensahe nito.


To: +639957654454

Puro ka ganyan! Hindi ka na nakakatuwa! Hanggang ngayon ayaw mong sagutin ang tanong ko, kung sino ka ba talaga?!


Matapos niyang maipadala iyon ay dagli niyang ibinalik sa bulsa ang kanyang telepono, bago tuluyang sumakay ng jeep na saktong kakahinto lamang sa kanyang harapan.


*****


Matapos makadaan sa parlor na pinagta-trabahuhan ni Mamu Penny ay agad dumiretso ang dalaga sa Mall para mag-window shopping. Habang naglalakad ay sandaling huminto si Raffaella para bumili ng paborito niyang ice cream sa isang sikat na ice cream parlor.

"One large kitkat, please." nakangiti niyang sambit sa kahera saka nag-abot ng saktong bayad dito.

Habang naghihintay sa kanyang order ay biglang napamulagat ang dalaga, dahil sa muling pagtunog ng kanyang telepono. Kunot noong tiningnan niya naman ito at ganoon na lang namilog ng husto ang kanyang mga mata sa kanyang nabasa.


Ang ipinagtataka ni Raffaella ay ang kakaibang mensaheng kanyang natanggap ngayon. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na isang personal na mensahe at hindi puro quotes na karaniwan nitong ipinapadala sa kanya ang kanyang natanggap.


From: +639957654454

Can you wear something longer, than that crappy shorts you're wearing right now?


Mabilis namang sinuyod ni Raffaella ang kanyang suot na shorts. Ngayon ay nakasuot kasi ang dalaga ng isang white cutoff shorts at tinernuhan niya ito ng pink knitted crop top, na pinatungan ng makapal na knitted kimono na kulay krema.


Photo CTTO




Mabilis namang napalingon sa kanyang paligid si Raffaella, sa pagbabaka-sakaling masilayan ang pamilyar na pigura o ang taong nagmamasid sa kanya ngayon. Ngunit segundo pa ang lumipas nang muli siyang makatanggap ng mensahe mula sa taong iyon.


From:  +639957654454

Stop seeking nor hunting, because you can not see me that easily, sweetheart.


Basa pa ng dalaga sa mensahe nito, kaya't bagsak ang balikat na nireply-an na lang ito ni Raffaella.


To:  +639957654454

Magpakita ka! Kung hindi iba-block ko na talaga ang number mo!


Inis niyang ikinandado ang kanyang telepono at ilang segundo lamang ang lumipas ay agad din naman itong sumagot sa kanyang mensahe.


From: +639957654454

I know you wouldn't do that, sweetheart...


To:  +639957654454

What makes you think na hindi ko magagawang i-block ka, aber? Batas ka ba?!


From: +639957654454

Because I know that you love reading all the messages that I've sent you. And believe me, you'll gonna miss me when you block me. 😉


To: +639957654454

Emoji ka pa, Letse! Bahala ka sa buhay mo!


Sagot niya rito saka nagmamadaling maglakad papaalis sa lugar na iyon. Nakaka-ilang hakbang pa lamang ang dalaga nang muling tumunog ang kanyang telepono.


From: +639957654454

Hey sweetheart... You might want to go back to the ice cream store. The lady called you.


Ang kaninang pagmamadali ay agad napawi at walang sabi-sabing binalikan ni Raffaella ang kanyang order na ice cream.

Dala ng kanyang kapilyahan ay mabilis hinubad ng dalaga ang kanyang knitted kimono, kaya't tumambad sa madla ang makinis at mala-kandila nitong hita na talagang makatawag pansin dahil sa taglay nitong kaputian.

Masayang nilisan ni Raffaella ang nasabing establisyamento habang abala sa pagkain ng kanyang ice cream. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas nang tumunog muli ang kanyang telepono. Nakangisi niyang binasa ang mensahe na kanyang natanggap, at agad gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi sa natanggap na mensahe.


From: +639957654454

What do you think you're doing, woman?! Put your kimono back... I see your baggy humps even though I'm faraway! Dāmn it!


To: +639957654454

Baggy humps??? Ang syala mo ahh! KUYUKOT ang tawag diyan! Arte nito, pa-baggy-baggy humps ka pang nalalaman d'yan.


From: +639957654454

Just put it back, please! Men have already been celebrating to eye-raping you! Fūck it!


To: +639957654454

Edi ikaw ang magsuot sa akin dito!
Para naman makita ko na kung sinong ka-text ko ngayon. 😏


From: +639957654454

You know I won't let you see me yet, sweetheart.


To: +639957654454

Well, madali naman akong kausap.
Kung ayaw mong magpakita, hindi ko isusuot 'yung balabal ko. Goodbye stranger! 😜😜😜


From: +639957654454

Fūck!


Matapos mabasa ni Raffaella ang mensahe nito ay pumapalakpak ang mga tengang nilisan niya ang lugar na iyon. Ngiting tagumpay na naman ang gumuhit sa kanyang mga labi, dahil sa matagumpay niyang pang-aasar sa misteryosong taong kanyang ka-text.




*****


Ang kulit mo talaga, Raffy! Kaloka! 😂😂😂


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro