Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 8

Continuation:

"Everyone! Listen up!" agaw atensyon ni Madam Violeta sa mga models, staff and crews ng Dream Couture. Ngayon ay nasa isang maliit na convention room ang lahat para sa isang exclusive dinner na inihanda para sa buong Team.

Nang makitang nasa kanya na ang pansin ng madla, ay agad tumikhim si Madam Violeta para simulan ang kanyang nais sabihin, "I just wanted to thank all the team that I've been working with for the past 3 days. Especially sa ating mga models na siyang dahilan kaya may trabaho ang buong Team ng Dream Couture." nakangiting saad nito habang sinusuyod ng tingin ang lahat ng mga modelo na nakapalibot sa isang long table.

"Gaya nga nang sinabi ko, hindi madaling humarap sa camera..." saad nito sa mikropono. "We all can fake a smile in front of everyone but we can't fake an emotion with our eyes. Sabi nga nila the eyes won't lie. The eyes can tell more than words could ever say."

"Lalong-lalo na sa harap ng camera, sa kadahilanang walang filter ang lente nito para pagtakpan ang lahat nang emosyon na nagtatago sa ating mga mata." pagpapatuloy pa ni Madam Violeta, habang ang lahat ng atensyon ay sa kanya nakatutok.

"In short, gusto ko lang sabihin sa inyo na nakita ko na kung sino ang nararapat na mapabilang sa bagong proyekto ng Dream Couture. Nakita ko sa kanyang mga mata ang eagerness na masungkit ang proyektong ito. Ika nga nila mata pa lang panalo na, ang mga mata niyang punong-puno ng emosyon, at kagustuhan sa bagay na kanyang ginagawa."

The crowd was surprised when they've heard what Madam Violeta says. Nagsimula na ang bulong-bulungan at kuryusidad ng madla kung sino ang magiging opisyal na huwaran ng Dream Couture.

"Oh my! Sino kaya ang napili sa atin?" nasasabik na turan ni Niana, habang nakakapit ang kamay nito sa braso ni Raffaella.

Walang katiyakang ngiti lamang ang iginawad ng dalaga sa kanyang kaibigan, dahil sa dominanteng kaba na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Halos manikip na ang lagusan ng hininga ni Raffaella, at isama mo pa ang kanyang dibdib na walang humpay sa pagkalantog na animo'y may naghahabulang mga daga't pusa rito.

"Models... You are all deserving, but we have to choose only one to be the official endorser of Dream Couture," sinserong saad nito sa mga modelo. "So, ready na ba ang lahat para malaman kung sino ang sasabak sa malakihang print ads and photoshoots?" pagtatanong pa ng ginang sa madla.

"Yes, Madam Vi!" sabay-sabay na sigawan ng mga tao sa loob ng convention room.

"Alright! Let us all welcome the new face of Dream Couture!" masayang usal ng ginang bago humarap sa isang malaking projector na nakasalang sa gitna ng mini-stage.

Pigil ang hininga nang lahat habang nag-aabang kung sino ang itinanghal na bagong modelo. Lahat ng atensyon ay nakatutok sa malaking projector na nagsisilbing aparato para makita ng lahat ang litrato ng bagong endorser ng Dream Couture.


Photo CTTO




Bumungad sa lahat ang litrato ni Harper, isa sa grupo nila Raffaella na siyang nakasama ng dalaga nitong mga nakaraang araw lamang.

"Congratulation, Harper Buenavista!" nakangiting sambit ni Madam Violeta, habang pumapalakpak sa sobrang galak.

"Beb! Congrats!" sabay-sabay na turan nina Raffaella, Niana at Eugene. Samantalang sapat na ngiti at bahagyang palakpak lamang ang iginawad ni Victoria pati na rin ang ibang grupo ng mga modelo sa napiling dalaga.

"Thank you!" naluluhang sambit ni Harper sa kanyang mga kaibigan, habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ni Madam Violeta.

Nang tuluyang makaakyat sa maliit na entablado ang dalaga, ay nakaramdam ng panghihinayang si Raffaella dahil hindi siya ang napiling endorser ng Dream Couture.

Pagbabalatkayo mang pakinggan, ngunit sa kabila nang panghihinayang ay walang inggit o sama ng loob man lang na nararamdaman si Raffaella sa katayuan ni Harper ngayon.

Pinanday na nang panahon ang kanyang kalooban at natuto na rin kasi ang dalaga na harapin ang bagay-bagay at katotohanan, na sa laro ng buhay ay hindi ka palaging panalo sa lahat ng laban.

Noon pa man ay itinatak na ni Raffaella sa kanyang isip, na kapag hindi para sayo ang isang bagay ay kailangan mong tanggapin ito ng bukal sa iyong puso. Dahil naniniwala siya na kapag ginusto nang pagkakataon na mapa-saiyo ang isang bagay, kahit anong pader o balakid pa ang humarang dito. Sayo at sayo lamang dadapo ang kapalaran na iyon.

Ika nga nila, weather-weather lang 'yan...


*****


Natapos ang gabi nang pagtitipon at ngayon ay pabalik na sina Raffaella at Mamu Penny sa kanilang silid, "Sayang talaga anak, hindi mo nasungkit 'yung project." nanghihinayang na sambit nito sa dalaga.

"Kahit ako man ay nanghihinayang, Mamu. Pero ganoong po talaga ang life, may mga bagay talaga na kahit anong pilit na makamit ay mas lalo itong nagiging mailap." kibit-balikat na saad ni Raffaella habang nag-aabang ng pagbubukas ng elevator.

"Kung sabagay gaya nga nang palagi nating sinasabi, fight lang nang fight! Hangga't may raket, go lang ang flow!" anito para pagaanin ang sitwasyon.

"Hahaha!" halakhak ng dalaga. "Iyan ang gusto ko sayo Mamu Pens, kahit palagi akong ligwak-ganern patuloy mo pa rin akong pinu-push para ma-boost po lalo ang bertud ng confidence ko." nakangising saad pa niya rito.

"Namern!" maarteng saad ni Mamu Penny saka ipinilantik ang kanyang mga kamay sa ere, na animo'y nagsasayaw nang pang-drag queen.

Ilang minuto naghintay ang dalawa ngunit hindi pa rin bumubukas ang elevator, "Hala! Anyare?" kunot noong usal ni Mamu Penny habang patuloy sa pagpindot ng button pataas.

Sandaling humikab si Raffaella dala ng matinding antok, "Tara Mamu, maghagdan na lang po tayo. Mukang tinotopak ata 'yang elevator na 'yan."

"Haaayyy... Mabuti pa nga, sobrang tagal naman niyan kaloka." maarteng saad nito bago isinumping ang buhok sa likod ng kanyang tenga.

Mabilis nilisan nang dalawa ang bukana nang elevator, para tumungo sa fire exit door. At nang tuluyang marating ang palapag kung saan sila tumutuloy ay agad lumabas sina Raffaella at Mamu Penny sa pintuan ng fire exit.

Mabilis namang nagpahinga ang dalawa sa kanilang silid. Ngunit nang akmang ipipikit na nang dalaga ang kanyang mga mata, ay bigla niyang narinig na tumunog ang kanyang telepono.

Dala ng kanyang kuryusidad ay tamad niyang kinuha ito sa night stand bago binasa ang isang mensahe roon.


From: +639957654454

As the moon sits high above the clouds. I gaze up into its beauty and find myself thingking of you. Sweet dreams, beautiful.


Napakunot naman ang noo ni Raffaella sa kanyang nabasa, "Sino kaya 'to?" aniya saka pinadalahan ito ng mensahe pabalik.


To: +639957654454

Hu u?

Sandaling naghintay ang dalaga, ngunit ilang minuto pa ang lumipas nang hindi ito sumagot sa kanyang katanungan.

"Tsss... Pa-mysterious effect pa! Akala naman niya madadala niya ako sa gano'n." napapailing na sambit ni Raffaella bago muling ikinondisyon ang kanyang sarili sa pagtulog.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro