NW Chapter: 6
Continuation:
Habang naglalakad kami ni Mamu Penny patungo sa beach bar ng Casa Cadeña, ay unti-unting sumasalubong sa amin ang hindi magkandamayaw na dami ng mga tao na nagsasayawan at nag-iinuman sa gitna ng buhanginan.
Kahit open air ang nasabing bar, ay hindi ko pa rin maiwasang maamoy ang pinaghalong sigarilyo at samut-saring pabango sa outdoor bar na ito. Isama mo pa ang amoy ng iba't ibang uri ng alak at pawis, na talagang nanunuot sa aking pang-amoy.
In short, nangangamoy chiko na rito sa tabi ng dalampasigan o mas kilala sa tawag na sanpodilla ng mga sosyal. Ganern!
"Raffy!" narinig kong may biglang sumambit sa aking pangalan, kaya't sabay kaming napalingon ni Mamu Penny sa pinanggagalingan ng boses na iyon.
Nakita ko naman si Niana na kumakaway sa akin, kasama ang iba pa naming mga kasamahan sa photoshoot na sina Victoria, Harper at Eugene. Nakangiti ko naman silang kinawayan pabalik at ikinumpas ko na lang ang aking kamay na parang sinasabi na sandali lang.
Dagli ko namang hinarap si Mamu Penny para abisuhan ito, "Mamu Pens, doon na lang po tayo kina Niana maki-join." wika ko sa kanya.
"Oks!" mabilis na pagsang-ayon naman niya sa akin. "Tara na roon, para girl bonding na rin." masiglang saad ni Mamu Penny bago namin tinungo ang kinauupuan ng aking mga kasamahan.
"Hi girls!" masigla kong sambit nang tuluyan naming narating ang gawi ng mga ito, saka ko sila bineso isa-isa. Mabilis namang tumabi si Mamu Penny kay Niana, bago siya inabutan nito ng bottled beer.
"Raffy dito ka na sa tabi ko." ani Harper.
Nginitian ko lang siya bago naupo sa tabi nitong bean bag chair na kulay pula. Malambot ang nasabing upuan, dahil sa texture nito na yari sa madulas na tela at pinong styrofoam na nagsisilbing palaman nito sa loob.
"Beb ohh..." nakangiting wika ni Harper saka iniabot sa akin ang isang bottled beer.
"Thanks beb..." pasasalamat ko sa kanya at sabay-sabay naming itinaas ang aming mga inumin. "Cheers!" masigla kong turan bago tinungga ang inumin na aking hawak.
Sandali kong pinagmasdan ang mukha ni Harper habang naka-side view ito, hindi rin maipagkakaila ang taglay na kagandahan ng isang ito. Maputi, bilugan na may pagka-chinita ang mga mata, na may matangos na ilong, maikli lamang ang haba ng kanyang buhok, na mas bumagay naman sa hugis ng kanyang mukha.
Actually lahat ng mga kasamahan ko na modela sa Dream Couture ay hindi papatalo ang mga itsura. Talagang nababagay ang kanilang tikas, anyo o appearance man 'yan sa napili nilang karera.
Kaya't isang malaking pribilehiyo na mapasama sa hanay ng sirkulong aking kinabibilangan ngayon.
*****
Walang humpay na inuman at chikahan ang ginawa namin ng aking mga bagong kaibigan. Halos sigawan na rin ang dating ng aming pagku-kwentuhan, dahil sa malakas na tugtugin na pumapagitna sa kabuuan ng beach bar na ito.
Halatang lasing na ang aking mga kasama, ngunit patuloy pa rin sila sa pagtungga ng kanilang mga inumin. Samantalang ako, heto at parang ginagawang tubig lang ang alak, ni hindi nga ako tinatamaan sa beer na iniinom ko.
Nabubusog siguro ang tamang katawagan sa aking nararamdaman, pero ang epekto sa akin ng alak ngayong gabing ito. Ang weird! Dahil hindi talaga ako tinatamaan, at tamang wiwi lang ang katapat.
Mabilis akong tumayo at ngayon ay papunta na sa bar counter para uminom ng mas hard na alak. Hinahanap ko iyong tipo ng alak na sa una'y mapakla pero kalaunan ay may itinatago pala itong tamis, iyong tipong papainitin niya ang buong sistema ko kahit konting tikim ko pa lang nito.
Hindi gaya ng ex-boyfriend mo na sa una lang sweet, pero kalaunan ay mas mapakla pa pala sa apdo o kapeng barako ang pagiging mapait at panlalamig sayo!
Charaught!
"Saan naman galing 'yon Raffaella?" biglang pagtatanong ko sa aking sarili. Natatawa na lang ako sa hugot na naiisip ko. Tsss...
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad, nang biglang madaanan ko ang ibang grupo ng mga modela na nakasama ko sa photoshoot. Tanging tanguan lamang ang nagsilbing senyasan namin, bago ako tuluyang nakarating sa bar counter.
"Well, hello there!" nakangiting bungad sa aking ng bartender. "What can I offer to the gorgeous woman in front of me?" pagtatanong pa nito.
Nginitian ko lang ang pacool nitong birada sabay sabing, "Bigyan mo ako ng alak, iyong sobrang tapang at kaya akong ipaglaban." pambibiro ko rito saka ko siya nginisihan ng pagkalaki-laki.
"Hahaha!" napahalakhak na lang ito sa sinabi ko.
"So, anong pwede kong inumin diyan? Iyong nakakalasing ahh."
"Well, I will offer you a punchy but refreshing drink, that can warm up your summery night. With a little bit of sweetness, to wash off the bitterness." makahulugang litanya nito bago ako kinindatan.
Tumango lang ako sa sinabi niya at nakita ko na lang ang mapagbirong bartender na pumunta sa liquor rack na nakahanay sa kanilang counter.
Habang hinihintay ko ang aking inumin ay palihim akong nagmasid-masid sa buong paligid. Nakita ko kung gaano nabigyang buhay ang gabi ng Casa Cadeña, dahil sa naglipanang mga tao na abala sa kanilang pag-iinuman.
Kung kaninang tanghali ay mangilan-ngilan lamang ang makikita mong tao sa nasabing resort, ngayon ay hindi mahulugang karayom at alive na alive na ang mga tao rito. Masasabi mo na lang na ito ang night life sa lugar ng Casa Cadeña, ang umaga nila ay nagiging gabi, at ang gabi naman ang kanilang nagsisilbing umaga.
Napabalik na lang ako sa realidad nang marinig kong nagsalitang muli ang mapagbirong bartender na kausap ko kanina, "Here's your drink, gorgeous." anito, saka ipinatong ang isang baso ng alak sa aking harapan.
Photo CTTO
"Thank you!" pasasalamat ko sa kanya bago ko tinikman ang ginawa nitong alak. "This is good ahh." papuri ko sa bartender.
"Yes... We call it Mojito it's a mixture of white rum, sugar, lime juice, soda water, and a fresh mint to balance off the sweetness and bitterness."
Nagpatango-tango lamang ako sa sinasabi ng bartender, ngunit ang totoo ay hindi ko naman iniintindi ang kanyang sinasabi dahil mas naka-focus ako sa pagtikim ng alak na tinatawag nilang Mojito.
Nagpatuloy lamang ako sa pagsimsim ng alak habang ang aking paningin ay patuloy sa pag-uusisa sa aking kapaligiran. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon, ay may nahagip na pamilyar na pigura ang aking paningin.
"Si Elevator Man." saad ko bago maagap na itinago ang aking mukha gamit ang aking mahabang buhok.
Palihim ko siyang pinagmasdan sa hindi kalayuan. Ngayon ay mag-isa lamang ito at abala sa pagsimsim ng kanyang alak, na sa tingin ko ay mamahalin dahil sa label nitong hindi pangkaraniwan.
Mabilis kong inayos ang aking sarili dahil para naman akong tanga sa ginagawa kong pagtatago, kahit alam na alam ko namang hindi niya ako mapapansin dahil sa dami ng tao't malalim nitong iniisip.
Sa pagkakataong iyon ay malaya kong sinipat ang kanyang kabuuang pigura. Kahit medyo madilim sa parte ng kinauupuan nito, ay hindi naging balakid iyon para masilayan kong muli ang gwapo niyang mukha.
"Para ka talagang si superman, my elevator man." kinikilig kong sambit sa hangin, habang nakahalumbaba't nakatukod ang aking kanang siko sa bar counter.
Siya siguro 'yung tipo ng lalaki na masarap yakap-yakapin, dahil sa kanyang biceps, broad shoulders and well-defined abdomen na kahit nakasuot ito ng simpleng beach polo'ng puti ay mababakas pa rin ang kanyang kamacho-han.
"Loka-loka ka Raffy... Pagpantasyahan daw ba si E-Man?" bubulong-bulong kong sambit sa hangin, saka binalingang muli ang aking inumin.
"Phantasmagoria lang ang peg? Hahaha!" para na akong isang baliw na kinakausap ang sarili rito. Ang boring naman kasi ng walang kausap, hindi sanay ang bungangera kong bunganga na tumengga mag-isa't walang kachikahan.
Nagpatuloy lamang ako sa pagsimsim ng aking mojito. At habang nakasubsob ang baso sa aking bibig ay muli kong binalingan si E-Man. Literal ko namang naibuga sa kung saan man ang alak na aking ininom. Dahil ngayon ay seryosong nakatingin na pala sa akin si Kuyang Pogi.
Gosh! Nakakahiya!
Mabilis kong pinunasan ang aking bibig at narinig ko na lang na may bumulyaw na lalaki sa aking gilid, "Fūck!" maarteng saad nito kaya't mabilis akong napatayo sa aking pagkakaupo para punasan ang mukha nito.
"Kuya s-sorry po... Hindi ko sinasadya." aligaga kong hingi ng pasensya sa kanya, dahil jusko malulusaw na ata ako sa kinatatayuan ko dahil nakita ko na nakatingin pa rin sa akin si Elevator Man. Shemay!
"Whatever!" ismir ng lalaki saka pinunasan ang kanyang mukha at bigla na lang akong tinalikuran.
Naiwan naman akong nakatulala sa isa na namang katangahan na aking ginawa. At pagtingin kong muli sa gawi ni E-Man ay nakahalukipkip na ang mga braso nito, habang nakatingin sa akin ng masinsinan.
Mas namilog pa ang aking mga mata, nang makita kong gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, "Shutabells! Nginitian niya ako!" kinikilig kong sambit sa aking sarili.
"Mas gwapo pala siya kapag nakangiti!" walang pagsidlan ang kasiyahan ko ng mga sandaling masilayan ko ang masiyang awra ng kanyang mukha.
Ngunit biglang napawi ang aking kakiligan nang magsimulang magbago ang awra nito. Nakangiti pa rin naman siya sa akin, ngunit sa pagkakataong iyon ay nakakalokong ngisi na ang kanyang ipinapakita, na parang sinasabing nakakatawa ang katangahan na aking ginawa.
Dagli ko naman siyang sinamaan ng tingin bago nag-flip ng buhok sa kanyang kaalaman. Tinaasan ko na lang siya ng kilay bago tuluyan siyang tinalikuran.
"Letse! Insulto na pala 'yon, Raffy. Pakilig-kilig ka pang nalalaman d'yan. Tsss..." naghihimutok kong anas bago tuluyang binitbit ang natitirang alak na aking iniinom.
*****
Pahiya konti bukas ka na lang bumawi, Raffy! 😅 Nakakahiya naman kay Elevator Man. 😆😆😆
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro