Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 48 (Epilogue) ❤️

Makalipas ang dalawang taon ay mas tumibay pa ang relasyon at pagmamahalan nina Lucas at Raffaella para sa isa't isa. Walang pagsidlan ang kasiyahan ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang munting anghel.

Nagsilang si Raffaella ng isang gwapong sanggol na pinangalanan nilang Lucius Rafael.

Matapos ang kanilang makasaysayang pagpapakasal ay huminto panandalian si Raffaella sa kanyang pagmomodelo, upang matutukan ang paglaki ng kanilang Anak na si Lucius. Samantalang si Lucas naman ay mas ganado sa pagpapatakbo ng kanyang kumpanya upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang mag-ina.

"S-sigurado ka bang ito na 'yung lugar?" Kabadong sambit ni Raffaella habang pasilip-silip sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Yes," Ani Lucas bago tuluyang pinatay ang makina ng kotse. "Let's go?" Nakangiting sambit nito bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Kahit kinakabahan ay nagpasiya na rin si Raffaella na buksan ang pintuan, mabilis siyang inalalayan ni Lucas pababa bago hawak kamay na naglakad ang mag-asawa patungo sa kanilang pakay.

Sa mahabang panahon nang pagkaulila ay ngayon lamang mabibigyan ng pagkakataon si Raffaella na makilala ang kanyang mga magulang. Nang mai-kwento niya kay Lucas ang tungkol sa kanyang nakaraan, ay agad itong gumawa nang hakbang upang hanapin ang kanyang pamilya.

Dikit-dikit na kabahayan ang bumungad sa mag-asawa. Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Raffaella na suyurin nang tingin ang buong kapaligiran. Isang masikip, maputik at hindi kaaya-ayang amoy ang pumapaloob sa nasabing lugar, na hindi na alintana ng mga naninirahan dito dahil sa nakasanayan na nila ang ganoong klaseng pamumuhay.

"Tao po, tao po—" Katok ni Lucas sa pinto na yari sa pinagtagpi-tagping kahoy.

Hindi na rin naman nagtagal at agad itong bumukas. Iniluwa rito ang isang lalaki na medyo may katandaan na, "Sino ho sila?" Bungad nito habang palipat-lipat ang tingin sa mag-asawa.

"Ah... Magandang umaga po 'Tay! Dito po ba nakatira sina Samuel at Augusta Ocampo?" Magalang na pagtatanong ni Lucas sa matanda.

Hindi naman agad umimik ang matandang lalaki at parang nag-aalangang magsalita, kaya't si Raffaella na ang kusang lumapit dito.

"Kayo ho ba si Tatay Samuel?" Nangingilid ang mga luhang sambit niya rito. Gano'n na lang kung tumaas ang kumpiyansa ni Raffaella na deretsahan itong tanungin.

Halata ang pagkakagulat sa reaksyon ng mukha nito at walang sabi-sabing binuksan ang pintuan nang pagkaluwang-luwang.


*****


Pasadsad ang mga paang nilapitan ni Raffaella ang puntod ng yumao niyang mga magulang, na ngayon ay nakahimlay sa isang pampublikong sementeryo.

Nasabi ng bagong naninirahan sa dating tahanan nina Tatay Samuel at Nanay Augusta, na tatlong taon nang nilisan ng mag-asawa ang mundong ibabaw dahil sa kalunos-lunos na trahedya— kung saan tinupok ng malakas na apoy ang komunidad na tinitirahan ng mga ito noon, dahil sa napabayaang gasera.

Kasabay nang pagkawala ng kanyang mga magulang ay ang paglisan din ng kanyang isang nakababatang kapatid, na siyang kasama sa mga natupok ng karumal-dumal na pangyayaring iyon.

Kaya naman sobra-sobra at abot-langit ang pagdadalamhati ngayon ng kalooban ni Raffaella.

"Hello po Tatay Samuel, Nanay Augusta—" Malungkot niyang bulalas habang hinahaplos ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng kanyang mga magulang.

Ang pilit na pinipigilang mga luha ni Raffaella ay tuluyan nang nagbagsakan, kaya't mabilis itong hinaplos ni Lucas sa likod upang damayan ang kanyang asawa.

"A-ako po si Raffaella—" Aniya bago pinalis ang mga luha. "Ako po 'yung isa sa mga Anak niyo... Sayang lang po at hindi man lamang tayo nabigyan nang pagkakataon na magkasama-sama." Anito habang humihikbi.

"Nay, Tay... H'wag po kayo mag-alala, dahil gagawa ako ng paraan para hanapin ang mga kapatid ko. Hindi man po maganda ang naging takbo ng ating relasyon bilang pamilya. Kahit iniwan niyo po akong nag-iisa't walang muwang sa lansangan— gusto ko lang po malaman niyo na mahal na mahal ko po kayo." At sa puntong iyon ay tuluyan nang napahagulgol si Raffaella dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman.

Mabilis naman itong niyakap ni Lucas, at hindi na rin napigilan na mapaluha dahil ramdam na ramdam niya ang kalungkutan na bumabalot sa kanyang asawa. Alam niya kung ano'ng pakiramdam nang mawalan ng taong minamahal. Hindi tuloy mapigilang manumbalik sa kanyang isipan, ang mga ala-ala ng kanyang yumaong Ina na si Mommy Em.

"Nay... Tay, gusto ko pong ipakilala sa inyo ang asawa ko— si Lucas." Wika ni Raffaella bago yumakap dito.

"Nanay, Tatay... H'wag po kayo mag-alala, aalagaan ko po ang Anak niyong si Raffy. Mamahalin ko po siya gaya ng pagmamahal na ipinaramdam niyo sa kanya, kasama ang apo ninyong si Lucius."

Sandali pang namalagi roon ang mag-asawang Lucas at Raffaella upang alayaan ang mga ito ng isang simpleng dasal, bago tuluyang napagpasiyahang lisanin ang lugar na iyon.

Ngunit bago pa man tuluyang iwan ang puntod ng kanyang mga magulang, ay biglang nakasalubong ni Raffaella ang kanyang kapwa modelo noon sa Dream Couture na si Harper.

"Raffy?" Gulat na sambit nito, habang bitbit ang isang bouquet ng iba't ibang uri ng bulaklak at dalawang piraso ng puting kandila.

"Harper!" Masiglang bati naman ni Raffaella bago ito tuluyang niyakap.

"Grabe beb, na-miss kita—" Ani Harper saka humiwalay sa kanilang pagkakayapos. "Musta ka na?" Magiliw na sambit pa nito.

"Ayos lang ako beb," Wika ni Raffaella bago tuluyang binalingan ang kanyang asawa. "Beb, asawa ko nga pala. Si Lucas."

"Nice to meet you, Lucas." Saad ni Harper bago inumang ang kamay sa ere.

"Likewise..." Nakangiting usal naman ni Lucas saka tinanggap ang kamay ng dalaga. "Maiwan ko muna kayo," Anito bago hinalikan ang noo ng kanyang asawa. "I'll just wait for you in the car, Mi Bella. So you two get some time alone. I love you." Bulong nito.

"Okay... I love you too, Mi Lucas." Pamamaalam naman ni Raffaella bago hinatid nang kanyang paningin si Lucas.

Nang tuluyang makaalis si Lucas ay muling binalingan ni Raffaella ang kanyang kaibigan, "Beb, anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong niya sa dalaga.

"Dadalawin ko lang 'yung mga magulang ko, beb. Kayo, sinong dinalaw niyo rito?" Walang muwang na pagtatanong nito, bago tuluyang lumuhod sa semento upang sindihan ang dalawang kandilang kanyang hawak.

Namilog ang mga mata ni Raffaella sa kanyang nakita. Dahan-dahan siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil sa matinding kaba. Nakita niya kasi kung saang puntod namalagi si Harper— walang iba kundi sa puntod din ng kanyang yumaong mga magulang na sina Tatay Samuel at Nanay Augusta.

Hindi maintindihan ni Raffaella kung bakit ganoon na lang kalakas kung pumintig ang kanyang puso. Agad nagbagsakan ang kanyang mga luha dahil may kutob siya, na isa si Harper sa nawawala niyang kapatid.

Kaya pala ganoon na lang kagaan ang kanyang kalooban para sa dalaga, nang makilala niya ito noon sa Dream Couture.

Nagulat na lang si Raffaella nang bigla siyang balingan nito sabay sabing, "Beb, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang saad ni Harper bago ito tuluyang lumapit sa kanya.

Walang sabi-sabing niyakap naman ito ni Raffaella, at doon na niya tuluyang naramdaman ang kalingang hinahanap-hanap ng kanyang puso— ang kalinga't kapanatagan sa piling ng kanyang pamilya.

"Tahan na beb— nandito lang ako kung gusto mo nang makakausap." Pagpapatahang sambit pa ni Harper habang hinihimas ang likuran ng kanyang kaibigan.

Mabilis namang humiwalay rito si Raffaella bago hinawakan ang mga kamay ng dalaga, "Harper, may kailangan kang malaman..." Panimula niya rito. "Si Samuel at Augusta Ocampo ba ang mga magulang mo?" Humihikbi niyang turan.

Tumango naman ito, "Oo beb, bakit mo natanong?" Nahihiwagaang sambit ni Harper at mababakas na rin ang kalituhan sa mga nangyayari.

Sa puntong iyon ay tuluyan nang napanatag ang kalooban ni Raffaella sa kanyang narinig, "B-beb— gusto ko lang malaman mo na magkapatid tayo. Isa ka sa nawawala kong kapatid, sina Tatay Samuel at Nanay Augusta rin ang mga magulang ko." Lumuluhang saad niya sa dalaga.

Nagulat si Harper sa kanyang mga narinig, "T-totoo, Raffy?"

Lumuluhang tumango naman si Raffaella rito.

Sandali pang nilingon ni Harper ang lapida ng kanyang mga magulang bago muling binalingan ang dalaga, "I-ibig sabihin, i-ikaw 'yung nakababata kong kapatid na si Ella?"

Nang sambitin nito ang pangalang Ella, ay may biglang rumehistro na isang senaryo sa isipan ni Raffaella. Kung saan pinapaliguan siya ng kanyang Ate noon, habang nagtatawanan.

"A-Ate Erin?" Lumuluhang saad ni Raffaella rito.

Nanlaki ang mga mata ni Harper sa kanyang narinig, "Oo— ako nga si Ate Erina mo!" Sa puntong iyon ay tuluyan nang nagyakapan ang magkapatid, dahil sa wakas ay natagpuan na nila ang isa't isa sa hindi inaasahang pagkakataon.

Nang tuluyang mahiwalay sa kanilang pagkakayapos ay pinunasan ni Harper ang mga luha ng kanyang nakababatang kapatid, "Masaya ako dahil nagkita na tayo, Ella. Kaya pala noong una pa lang kitang nakita sa photo shoot ng Dream Couture, parang ang saya-saya ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa tuwing nagkakausap tayo, iyon pala isa ka na pala sa mga kapatid ko."

"Gano'n din po ako Ate Erin, kaya pala hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ka.  Iyon na pala 'yung tinatawag nilang lukso ng dugo."

"Oo nga eh— kaya noong sinabi mo sa amin 'yung buong pangalan mo noon na Raffaella Ocampo, bigla akong kinabahan. Nanumbalik kasi sa aking isipan ang apelyido ko noong bata pa ako. Talagang may dahilan talaga ang lahat, kung bakit tayo pinagtagpo ng pagkakataon noon at ngayon."

Bahagya namang nagkangitian at nagkayakapan ang magkapatid.

"Tara Ate, ipapakilala kita kay Lucas." Masiglang turan ni Raffaella bago hawak kamay nilang tinungo ang sasakyan.

Naging masaya ang pagtatagpong iyon ng magkapatid na sina Raffaella at Harper. Walang humpay na kwentuhan ang kanilang ginawa dahil sa kasabikan na malaman ang mga naganap sa kani-kanilang mga buhay.

Naikwento ni Harper ang kanyang naging buhay sa piling ng kanyang kinilalang mga magulang. Gaya ni Raffaella, ay nagpalaboy-laboy rin ito noon sa lansangan kung saan ito natagpuan ng mag-asawang Buenavista— at sa edad na siyam na taong gulang ay tuluyan na itong napamahal sa kanyang kinagisnang pangalawang pamilya.


*****


Ngayon ay nakadungaw si Raffaella sa terrace ng kanilang tahanan. Hindi mawaglit sa labi nito ang matatamis na ngiti, dahil sa saya na kanyang natuklasan sa araw na iyon.

Nasa ganoong posisyon ang dalaga nang maramdaman ang biglang pagpulupot ng mga braso sa kanyang bewang, "Mi Lucas." Nakangiti niyang sambit bago niyakap pabalik ang mga braso nito.

"Happy?" Malambing nitong turan habang ginagawaran nang maliliit na halik ang leeg ng kanyang asawa.

Bahagya namang isinandal ni Raffaella ang kanyang ulo sa matipunong dibdib nito sabay sabing, "Sobra! Hindi ko akalain na sa kabila nang kalungkutan na naramdaman ko nang malaman kong wala na sina Nanay at Tatay, ay meron pa ring magandang mangyayari sa akin. Imagine, matagal ko na palang nakasama 'yung Ate Erin ko, wala akong kaalam-alam. Kaya pala noon pa man ay palagi ko na siyang tinitingnan. Bawat galaw niya para natutuwa ako. Ang buong akala ko dahil nagagandahan lang ako sa kanya, 'yun pala— iyon na 'yung tinatawag nilang lukso ng dugo." Nagniningning ang mga matang saad ni Raffaella.

"I'm really glad that you've finally met your sister. At least kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin mo about your family." Ani Lucas habang abala pa rin sa kanyang ginagawa.

Mabilis namang kumawala si Raffaella sa pagkakayapos ng kanyang asawa bago ito hinarapan, "Thanks to you Mr. Montenegro," Nakangiting saad niya at bahagya pang pinisil ang pisngi nito. "Kung hindi mo gawa, hanggang ngayon ay isang malaking question mark pa rin ang agam-agam ko tungkol sa mga magulang ko. Kaya naman maraming salamat, Mi Lucas."

"Anything for you, Mi Bella. Lahat nang makakapagpasaya sa'yo at sa Anak nating si Lucuis." Nakagiting sagot naman nito bago dinampian ng magaan na halik ang labi ng kanyang asawa.

Mabilis naman itong pinigilan ni Raffaella sabay sabing, "Dahil diyan, ako ang boss mo ngayong gabi."

Napakunot noo naman si Lucas sa sinabi nito.

Mabilis naman itong binulungan ni Raffaella sabay sabing, "Wala kang ibang gagawin ngayon gabi— kundi ang umungol lang nang umungol." Mapang-akit niyang saad at bahagya pang kinagat ang tenga ng kanyang asawa.

Kinilabutan naman si Lucas sa ginawa ni Raffaella. Parang isang malakas na boltahe ng kuryente ang biglaang nanalaytay sa kanyang sistema— iniisip pa lang niya ang gagawin ng kanyang asawa, ay abot-langit na kasabikan at sensasyon na ang kanyang nararamdaman.

"H'wag mo akong hinahamon, Mi Bella. You do know that I will not reject nor refuse such igneous invitations!" Punong-puno nang pagpipigil na usal ni Lucas bago tinangkang sunggaban ng halik ang kanyang asawa.

"Ops!" Pagpipigil ni Raffaella rito gamit ang kanyang kanang kamay, kaya't doon dumapo ang sabik na halik ni Lucas. "Hindi mo nage-gets ang sinabi ko Mr. Fafable Montenegro."

"Huh? I-I thought you want to..."

Hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin nang biglang putulin ito ni Raffaella, "Oo nga— gusto kong magpalimlim ngayon gabi. But! In my own ways." Nakangising saad nito habang taas-baba ang mga kilay.

Wala nang nasabi si Lucas at bahagya na lang napalunok, dahil sa magkahalong nerbiyos at kasabikan.


*****


WARNING:
The next scene is not suitable for young Readers. It contains matured content such as strong languages and sexual scenes. (R-18)
Read at your own risks!


*****

Pabalang niya itong itinulak sa kama at dahil tanging boxer at puting t'shirt lang ang suot ni Lucas, ay madaling naisakatuparan ni Raffaella na hubaran ang kanyang asawa nang walang kahirap-hirap.

Mabilis niyang pinaibabawan ito at nang akmang hahawakan ni Lucas ang kanyang magkabilang dibdib ay mahigpit itong pinigilan ni Raffaella, "No touch ka ngayong gabi Mr. Montenegro." Aniya bago inalalayan ang mga kamay nito.

Sabik na sinunod naman ni Lucas ang balak ng kanyang asawa. Nakita niya na itinali nito ang kanyang magkabilang kamay sa headrest ng kama, habang siya naman ay tuwang-tuwa sa pagtama ng bulubundukin nito sa kanyang mukha.

Matapos maitali nang tamang higpit ang pulsuhan ni Lucas ay sandaling may kinuha si Raffaella sa drawer, bago pinaibabawan muli ang kanyang asawa.

"And the last and definitely not least, ang pinaka-highlights sa gabing ito," Ani Raffaella bago inilabas ang kurbata ni Lucas na kulay pula. Sandali niyang sinunggaban nang mapusok na halik ang kanyang asawa, bago tuluyang hinubad ang kanyang suot na one piece nightgown na kulay itim.

Tumambad kay Lucas ang naglulusugan nitong mga dibdib, na siyang nagbigay nang mas tumataas na lebel ng libido at pagnanasa sa kanyang buong sistema. Ngayon ay tanging ang saplot pang-ibaba na lamang ang suot ni Raffaella, at nasasabik na siya na masilayang muli ang natatagong hiyas ng kanyang asawa.

Mapang-akit ang mga matang tiningnan pa ni Raffaella ang kanyang asawa, bago diretsong piniringan ang mapupungay nitong mata nito.

"You may not see me tonight, Mi Lucas— but I assure you that you will feel the most fiery, passionate, and ecstatic sensation, that you will not forget." Mapang-akit na bulong pa ni Raffaella sa tenga nito, bago niya ito tuluyang sinunggaban nang mapusok na halik sa labi.

Kahit walang kakayanan na maigalaw ang kanyang mga kamay, ay tinumbasan ni Lucas ang mga halik nito sa parehong intensidad. Ramdam na ramdam niya ang bahagyang pagkiskis ng kaselanan ni Raffaella sa kanyang ibabaw, at sa kabila nang nakapiring niyang mga mata ay hindi mapigilan ni Lucas ang nag-uumapaw na excitement sa pakulo ng kanyang asawa.

Ramdam niya ang pagbaba ng mga halik ni Raffaella sa kanyang leeg— kabado niyang pinakiramdam ang pambibitin nito na maramdaman ang mainit na hininga ng kanyang asawa sa tutok ng kanyang dibdib.

"Such a tease, Mi Bella!" Walang kakayanan niyang daing dito.

"Shhhh... Quiet, Mi Lucas— may orasyon ito." Nakakalokong sambit lang ni Raffaella saka nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Pinaulanan nang maiinit at nakakabitin na mga halik ni Raffaella ang buong katawan ni Lucas. Bawat halik niya sa balat nito ay nagbibigay naman nang kakaibang kilabot at pagnanasa para sa kanyang asawa.

Ramdam niya ang pagtayo ng mga balahibo ni Lucas, at bahagya na ring tumigas ang sandata nito sa sobrang kasabikan. Wala namang pinalampas na sandali pa si Raffaella at tuluyan na niyang sinunggaban nang halik ang kahabaan ng kanyang asawa.

Hindi mapigilan ni Lucas na magpakawala nang masasarap na ungol dahil sa ginagawa ni Raffaella. Naisip niya na mas nakakasabik pala ang maghintay sa isang bagay na wala kang kaide-ideya, dahil hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari kesa sa tipikal na pagniniig.

Bago pa man tuluyang sumabog ang kanyang naglalagablab na libido, ay pilit kumawala si Lucas sa kanyang pagkakatali sa headrest. Mabilis niyang tinanggal ang kanyang piring, bago inalalayan ang kanyang asawa upang paibabawan ito.

"I can't take it anymore, Mi Bella! Dāmn!" Hindi makatiis na sambit ni Lucas. Maagap niyang tinanggal ang nakakasagabal na saplot nito at walang sabi-sabing ipinosisyon ang kanyang sarili sa pagitan ng mga hita ng kanyang asawa.

Natatawang pinaunlakan naman ito ni Raffaella, saka ipinulupot ang kanyang mga binti sa bewang nito.

Sandali pa itong sinunggaban nang halik ni Lucas sabay sabing, "I love you, Mi Bella."

"I love you too, Mi Lucas. Forever and ever!"

Matapos marinig ang isinambit nito ay tuluyan nang pinag-isa ni Lucas ang kanilang mga katawan, upang sabay na abutin ang rurok nang kasarapan.



*****

There are certain things that we cannot put into words, but we able to feel it in action.

Sabi nga nila, "Action speaks louder than words."

Mas masarap sa pakiramdam na maramdaman natin ang isang bagay sa gawa kesa sa salita.

Maaaring minsan ay masyado tayong naiinip, masyado tayong nag-eexpect sa isang simpleng bagay ngunit ang totoo ay pawang "expectations versus reality" lang pala ang takbo ng buhay.

Iyong tipong naghahangad tayo ng isang bagay na wala naman talagang kasiguraduhan.

Pero hindi rin maiaalis ang realidad na masarap talagang mag-expect, lalo na kung pareho kayo nang nararamdam ng taong minamahal mo.

Gaya ng kwento nina Lucas at Raffaella, hindi man naging klaro ang pagsisimula ng kanilang relasyon. Naging paasa at hopya man ang kanilang naramdaman noon, ay mas pinili pa rin nilang sumugal upang mas matukoy ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa.

Sana ay may natutunan kayo sa kwentong inyong nabasa. Palagi ninyong tatandaan, na hindi nababase ang tunay na pagmamahal sa haba at ikli ng panahon lamang. Ito'y nararamdam nang kusa sa panahong hindi tayo handa't hindi natin inaasahan.

*****

Tandaan:

"Ikaw ang may hawak ng sarili mong lapis, para gumawa ng sarili mong kwento sa buhay."

-Everjoy_Condes

*****

Well this is a goodbye for now, Lovies! ❤️

Sana ay nagustuhan niyo ang kwento nina Lucas at Raffaella. Isa na namang simpleng kwento na nagpatunay na may forever. 😉

Muli, ay nagpapasalamat po ang inyong lingkod sa patuloy na pagsuporta niyo sa mga kwentong aking ginagawa.

Once again,
this is your Author Everjoy_Condes
Signing off.

*****

Next Chapter: Montenegro Naked Series ❤️
⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️

*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro