Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 47 (The Finalè) ❤️

Ngayon ay isa-isa nang rumampa ang mga modelo ng L.E. Philippines para sa kanilang nakagawiang pagtatapos na kung tawagin ay Finalè Walk. Ipinasilip sa mga tagapanood ang iba't ibang klase at tekstura ng mga damit Pangkasal sa tema ng isang Bridal Catwalk Show.

Ngunit habang lumilipas ang minuto ng pagrampa ng mga kapwa modelo, ay mas bumibigat naman ang pakiramdam ni Raffaella. Hindi dahil sa nakaatang at nakatakda niyang paglalakad sa entablado, kundi sa kakaibang nerbiyos na gumuguhit ngayon sa kanyang sistema.

Ang kakaibang mga ngiti, titig, at pagkilos na iginagawad ng mga tao sa kanyang paligid ang siyang nagbibigay ng katatwang pag-aalinlangan sa dalaga. At dahil sa isiping iyon ay abot-langit na ang kaba't sikdo na nananalaytay ngayon sa buo niyang katauhan.

Malakas ang kutob ni Raffaella na may malaking kaganapan na mangyayari sa paglabas niya sa entablado, na ayaw niyang tukuyin dahil matabang sa loob niya na umasa lamang sa wala.

"Raffy, get ready because you'll be on stage— on my queue." Wika ni Ritch habang tutok na tutok ang atensyon sa monitor sa backstage. Hawak nito ang kanyang Ipad habang nakalagay naman sa tenga ang isang coordinator headset with microphone. Sa pamamagitan ng teknoloniyang iyon, ay mas mabilis na nakakausap ni Ritch ang kanyang mga kasamahan sa Luxxe Enchanteur, na ngayon ay abala rin sa kani-kanilang mga tungkulin sa gabing iyon.

"Kakaiba talaga 'yung kutob ko ngayon..." Pabulong na saad ni Raffaella sa hangin. Dala nang matinding kaba ay hindi na maiwasan ng dalaga na makaramdam ng hilo at mapahawak sa kanyang tiyan. Marahan na lang niya itong hinaplos na animo'y roon kumukuha ng lakas.

"Anak, kaya natin 'to ha? Palakasin mo ang loob ni Mommy— h'wag sana ako maduwal sa paglalakad ko mamaya ha?"

Nasa ganoong isipin si Raffaella nang muling marinig ang boses ni Ritch, "And you're up, Raffy!" Wika nito nang sandaling makalabas ang huling modelong rumampa sa entablado.

Maagap namang isinaayos ng dalaga ang kanyang sarili, bago tuluyang lumakad papalabas ng stage. Matamis na ngiti ang kanyang isinalubong sa madla. Um-arte si Raffaella nang naaangkop sa kanyang propesyon na aakalain mo'y walang iniindang nerbiyos at pag-aalinlangan sa kanyang buong katawan.

Sa bawat hakbang na ipinapamalas ni Raffaella ay siya namang pagsunod ng spotlight dito. Ngunit habang binabaybay ng dalaga ang kahabaan ng entablado ay napansin niya ang isang lalaki sa hindi kalayuan.

Dahil sa ilaw na direktang sumisilaw sa kanyang mga mata, ay pilit inaninag ng dalaga ang bulto nito nang hindi nagpapahalata.

Nang tuluyang masilayan ang mukha ng taong nakatayo ngayon sa dulo ng stage, ay agad napahinto sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad si Raffaella.

"L-lucas..." Pabulong niyang turan sa hangin. At kasabay ng kanyang pagsambit sa pangalan nito ay siyang hudyat din nang pagbukas ng spotlight sa kinatatayuan ng binata.

Halos pigil ang hininga na pinagmasdan ni Raffaella ang kanyang kasintahan sa hindi kalayuan. Nakasuot ngayon ang binata ng isang Denim Tuxedo with White Inner Sleeves at tinernuhan ito ng isang Black Bow Tie.


Photo CTTO




Nang saktong paling nang kanyang paningin sa mukha ni Lucas, ay agad siyang nginitian nito nang pagkatamis-tamis. Malayang nasipat ni Raffaella ang kabuuan ng mukha nito, magmula sa makakapal nitong kilay, mapupungay na mga mata, ang ilong nitong kay tangos at mga labing korteng puso.

Mas gumwapo at kumisig naman itong tingnan dahil sa perpekto nitong jawline na isa sa katangian na talagang kinababaliwan ng dalaga.


Photo CTTO




Sa loob ng halos dalawang linggo na hindi niya ito nakikita't nakakasama, ay talagang nasabi ng dalaga sa sarili na sobrang na-miss niya si Lucas. Halos matulala na si Raffaella sa kanyang kinatatayuan ngayon. Hindi niya kasi alam kung anong aksyon at reaksyon ang kanyang gagawin dahil sa samu't saring emosyon na nararamdaman niya ngayon.

Tuluyang nagising sa kanyang pagmumuni-muni si Raffaella, nang biglang pumailanglang ang isang tugtugin sa kabuuan ng Arena.




(Play the song "Runaway" by The Corrs)
Before reading the next scene. So you could feel the essence of their marriage.

[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]





Nagulat na lang si Raffaella nang maramdaman ang kamay na humawak sa kanyang kaliwang pulsuhan saka dinala patungo sa kanang braso nito. Mabilis niya naman itong binalingan at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

"M-mamu? A-ano pong ibig sabihin nito?" Gulat niyang saad, bago sinuyod ang kabuuan nito.

Ngayon ay nakasuot na rin ng isang simpleng Black Suit and Tie si Mamu Penny at nagmukha itong matipunong lalaki dahil sa kanyang itsura.

"Ako muna ang tatayong Tatay mo ngayon, Raffy." Naluluhang saad nito sa kanyang pinaka-mababang tono.

Sandali pang nilingon ni Raffaella ang kanyang kasintahang si Lucas at nakita na lang niya na nakangiting tumango ito na parang sinasabing tama ang lahat ng kanyang hinala, bago isinambit ng bibig ang katagang I love you.

Sa puntong iyon ay tuluyan nang naunawaan ni Raffaella ang buong kaganapan. Mabilis nangilid ang kanyang mga luha dahil sa kabiglaan. Ngayon lang niya napagtanto na sa kabila pala nang pag-liban at hindi pagpapakita ni Lucas sa kanya sa loob ng halos dalawang linggo, ay may pina-plano pala itong isang makasaysayang kasalan.

"Tara, hinihintay ka na ng Groom mo." Anyaya ni Mamu Penny bago iniabot sa dalaga ang isang Peach Bridal Bouquet.

Nangingilid ang mga luhang nagpatango-tango na lamang si Raffaella, habang hindi mapawi ang kagalakan at matatamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Nagsimulang maglakad sina Mamu Penny at Raffaella sa entablado patungo sa kinatatayuan ni Lucas, kung saan kasama na nito ngayon ang isang pari.

Bawat paghakbang ng dalaga papalapit sa kanya, ay mas tumataas ang lebel ng emosyon na nararamdaman ni Lucas. Hindi na tuloy mapigilan ng binata na maluha dahil sa magkahalong kaba, saya, at pananabik na makasamang muli ang kanyang pinakamamahal na si Raffaella.

Ang paningin ni Lucas ay nakatutok lamang sa pigura ng kanyang kasintahan. Walang ibang nakikita, walang ibang natatanaw, walang ibang napapansin kundi si Raffaella lamang.

Bago pa man niya malaman ang tungkol sa pagbubuntis nito, ay nagsimula na si Lucas na magplano kung anong magandang ideya't motif ng kasal ang nababagay para sa kanyang kasintahan. Wala naman talaga siyang importanteng bagay na inaasikaso, nagawa lang niyang maglihim sa dalaga upang hindi na ito mangulit at mamroblema pa sa pag-aasikaso ng kanilang kasal.

Gusto ni Lucas na maayos na ang lahat at ang tanging gagawin na lang ni Raffaella ay ang lumakad sa gitna ng simbahan at magkasama silang haharap sa altar upang sumumpa't humingi ng basbas sa Diyos para sa kanilang wagas na pagmamahalan.

Ngunit nagbago ang lahat nang kanyang balak nang malamang nagdadalang-tao si Raffaella. Sa totoo lang ay gusto nang magtatatalon sa galak ni Lucas ng mga oras na iyon, gusto niyang paliparin ang kanyang sasakyan upang tuluyang mayakap at makasama ang kanyang kasintahan.

Subalit mas pinili ni Lucas na pagtuunan nang pansin ang kanilang kasal ni Raffaella at napagpasiyahan na gawin ito sa lalong madaling panahon. Mabusisi niyang kinausap ang lahat ng pamunuan ng Luxxe Enchanteur, kabilang na si Mamu Penny, upang gawin ang makasaysayang kasalan sa mismong araw ng okasyon ng nasabing kumpanya.

Napabalik na lang si Lucas sa realidad nang maramdaman ang biglaang pagtapik sa kanyang balikat. Hindi niya namalayan na tuluyan na palang nakalapit sina Mamu Penny at Raffaella sa kanyang harapan.

Mabilis pinalis ni Lucas ang kanyang mga luha bago nagmano kay Mamu Penny, "Thank you po Mamu..." Pasasalamat niya rito.

"As promise, fresh na fresh ang Bride mo," Kireng wika nito. "Pero Lucas, alagaan mong mabuti si Raffy at ang magiging Anak niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo, Mamu— h'wag po kayong mag-alala dahil alagaan at mamahalin ko po sila," Aniya bago binalingan si Raffaella. "Hi, Mi Bella..." Nakangiti niyang saad bago ito inalalayan patungo sa harap ng pari.

"Ihanda mo na ang mga baon mong paliwanag, Lucas... Humanda ka, dahil sisingilin kita pagkatapos nito. Akala mo ha!" Pagbabanta ni Raffaella habang hindi nawawaglit ang matamis na ngiti.

Bahagyang natawa na lang si Lucas sa narinig bago hinapit ang bewang ng dalaga, "Let's make the explanation as we make babies, on our honeymoon." Pilyong usal nito sa kanyang kasintahan.

Palihim naman itong kinurot ni Raffaella sa tagiliran, "Baby ka riyan! Umuumbok na nga 'yung Anak mo sa tiyan ko, iisa ka pa? Aba— matindi ano?"

Mabilis naman itong hinalikan ni Lucas sa ulo, "I'm just kidding— pero if you change your mind. I'm willing to do it overnight..." Bulong nito sa tenga ng dalaga.

"L-loko..." Tanging saad lang ni Raffaella bago umiwas nang tingin. Sa totoo lang ay may hatid na malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa sistema ng dalaga sa pagbulong na iyon ni Lucas. Hindi na niya ito binigyang pansin pa, at tumutok na lang sa seremonyas ng pari.





"We are gathered here today to celebrate with Lucas and Raffaella, as they proclaim their love and commitment to the world. We are gathered to rejoice, with and for them, in the new life they now undertake together." Panimula ng pari.

"Lucas and Raffaella, the relationship you enter into today must be grounded in the strength of your love and the power of your faith in each other. To make your relationship succeed it will take unending love. It will take trust, to know in your hearts that you truly want what is best for one another and to learn and grow together. It will take faith, to go forward together without knowing what the future holds. If you both come freely, and understand the responsibility and work involved to make your relationship thrive, and are committed to not only each other but your family."

Nagpatuloy lamang ang seremoyas ng pari hanggang humatong na ito sa pinakahihintay nang lahat. Ang wedding vows nina Lucas at Raffaella para sa isa't isa.

"Raffy— Mi Bella, when I first saw you, I thought you were just like the women I know. A typical bubbly woman who has a pretty face and sexy figure. Iyong tipo ng babaeng hindi marunong magseryoso sa buhay. I still remember that day when you secretly took me a picture on your cell phone. I know kinuhanan mo ako ng picture without my permission, just so you know Missy." Nakangising sambit nito na animo'y nang-aasar.

Bahagya namang namula ang mga pisngi ni Raffaella sa kanyang narinig. Ultimo siya ay parang sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang araw kung saan una silang nagkita ni Lucas sa Casa Cadeña.

"But everything suddenly changed— when you dropped your wallet at the elevator, I saw your picture on it and eventually you already captured my attention," Ani Lucas habang hawak ang kamay ng dalaga.

Nanlaki naman ang mga mata ni Raffaella sa kanyang narinig, na agad namang nakuha ng binata kung bakit.

Nginitian lang ito ni Lucas sabay sabing, "Yes... Ako 'yung nakapulot ng wallet mo— I don't know where to find you kaya ibinigay ko ito sa Receptionist ng Casa Cadeña. After that, I thought I would never see you again. But fate nor destiny were too good to me, they find its own way so we meet again... My heart just literally pounding, seeing your alluring figure standing in the souvenir shop from afar."

"But everything was so difficult for both of us. I didn't know what true love was, ang tanging alam ko lang ay maglaro nang maglaro hanggang sa magsawa na ako. Hindi ko hinahayaan na humantong ang sino mang babae na panghawakan ang puso at buong pagkatao ko. Until you enter my heart without my willingness. I was overwhelmed and frankly scared as hell because I really fell for you pretty hard. You give me an unexplainable tingling feeling that I can't put into words."

"You are the first woman who has been able to make my heart beat faster and slower at the same time. You stepped into my life when I least expected, you added color to my gloomy and somber life in a way unexpected. So I won't let this night pass hanggang hindi ko naririnig ang I Do mo in front of those people who are watching tonight, here in the Arena..." Ani Lucas bago itinuro ang dalawampung libong kataong saksi sa kanilang pagpapakasal.

Nakangiting tumikhim naman si Raffaella bago tuluyang hinawakan ang mikropono, "Mi Lucas... Noon ay hindi ako naniniwala sa kasabihan na Love at First Sight, pero noong una kitang nakita sa elevator bumilis agad ang tibok ng puso ko. Aaminin ko gwapo ka naman talaga— Opo, noong una pa lang ay attracted na ako sa hotness mo." Nakangiting wika ni Raffaella na siyang ikinatawa ng madla.

"Pero sa kabila nang pisikal mong anyo, ay may nakita akong isang bagay na nakakuha ng atensyon ko,"  Ani Raffaella bago dahan-dahang inabot ang mga mata ng binata saka ito bahagyang hinaplos. "Nakita ko ang lungkot sa mga mata mo— lungkot na pilit mong itinatago sa matigas mong pagkatao't personalidad. Noon pa man alam ko na may dahilan ang lahat kung bakit pilit kang nagpapakatatag. At habang tumatagal ang panahon na tayo ay magkasama, ay unti-unti kong naintindihan ang dahilan nang nagkukubling lungkot sa iyong mga mata."

"Marami tayong bagay na hindi napagkasunduhan pagdating sa ating relasyon noon. Nasaktan mo ako at ganoon din ako sa'yo. Nagkasakitan tayo sa mga bagay na hindi natin piniling pagtuunan nang pansin. Pinilit kong lumayo sa'yo, pero may taling sadyang nag-uugnay sa atin kaya't heto tayo magpapakasal na ngayon. Lucas, ayokong mangako. Pero ang gusto ko lang malaman mo mula noon hanggang ngayon, ikaw lang ang minahal ko nang ganito," Ani Raffaella bago pinunasan ang tumakas na luha sa kanyang pisngi. "At hindi ko sasayangin ang pinaghirapan mong sorpresa, dahil maririnig mo ang matamis kong I Do sa gabing ito."

Matapos magsalita ni Raffaella ay agad naghiyawan at nagpalakpakan ang mga manonood sa loob ng Arena. Hanggang humantong na sina Lucas at Raffaella sa kanilang pagpapalitan ng singsing.





"With this ring, I promise to stand with you as we share this life and cherish the memories we make together. In the name of the father of the son and of the holy spirit, Amen." Ani Lucas bago tuluyang isinuot ang singsing sa palasingsingan ng dalaga. Mabilis niya itong inangat bago masuyong hinagkan.

"With this ring, I promise to stand with you as we share this life and cherish the memories we make together. In the name of the father of the son and of the holy spirit, Amen." Sagot naman ni Raffaella bago isinuot na rin ang kapares ng singsing kay Lucas.





"Lucas and Raffaella, today you have stood before these witnesses and declared your intent to commit your lives to each other in marriage. You have made promises to each other and your family. Your road to this moment has not always been smooth, but you continued to fight for one another. I hope you will never forget the fight and perseverance it has taken to get to this moment. And I hope you will never forget the love and joy you feel today, because these are the values that will keep your marriage, family and bond to one another strong."

"Lucas and Raffaella, before these witnesses you have pledged to be joined in marriage. You have now sealed this pledge with your wedding rings. You may now seal this ceremony with a kiss." Nakangiting sambit ng pari bago binalingan si Lucas. "You may now kiss your beautiful, Wife."

Mabilis ipinulupot ni Lucas ang kanyang mga kamay sa bewang ng kanyang asawa at dahan-dahang niyang pinaglapit ang kanilang mga mukha, "I love you, Mi Bella." Madamdaming niya usal habang isang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha.

"I love you too, Mi Lucas. Mahal na mahal ka namin ni Baby..."

Matapos maisambit ni Raffaella ang katagang iyon ay mabilis itong sinunggaban ng halik ni Lucas sa labi ng punong-puno ng pagmamahal.


Photo CTTO





*****

Tandaan:

"Ikaw ang may hawak ng sarili mong lapis, para gumawa ng sarili mong kwento sa buhay."

-Everjoy_Condes

*****


This is it, Lovies! ❤️

Dito na po nagtatapos ang kwento nina Lucas at Raffaella. Ma-mimiss ko kayo Team RAFCAS. Sana, kahit papaano ay napasaya ko kayo sa kwento ng Naked Words. 😁 Isa na namang simple ngunit makatotohanang kwento ang nagpatunay na may forever. ❤️

See you sa Book 3 ng "Montenegro Naked Series" entitled: NAKED TRUTH


⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️⬇️
Next Chapter: EPILOGUE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro