NW Chapter: 42
Naalimpungatan si Raffaella sa kanyang pagtulog, nang maramdaman ang bahagyang paghaplos sa kanyang kanang pisngi. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad rumehistro ang matamis na ngiti sa kanyang labi, nang bumungad sa kanyang harapan ang gwapong mukha ni Lucas.
"Hi..." Malambing na sambit nito habang patuloy sa paghaplos ng pisngi ng dalaga.
Nang tuluyang magising ang kanyang diwa ay agad nag-inat nang kanyang buong katawan si Raffaella, "Sorry, nakatulog ako..."
"It's okay... Nag-enjoy naman ako na panoorin ka." Anito bago ngumiti nang pagkatamis-tamis.
Hinawakan naman pabalik ni Raffaella ang kamay nito bago tuluyang isinaayos ang kanyang pagkakaupo, "Where are we?" Namamaos na turan nito bago sumilip sa labas ng bintana.
Nangunot ang noo ni Raffaella nang mapansin ang pamilyar na lugar na bumungad sa kanyang harapan. Dali-dali niyang nilingon si Lucas sabay sabing, "Seryoso? Nasa Casa Cadeña Resort tayo?" Nagniningning ang mga matang saad nito.
Nakangiting tumango naman ang binata sa katanungan ng kanyang kasintahan. Nagulat pa siya nang bigla itong humalik sa kanyang labi, bago ura-uradang lumabas ng sasakyan. Sinundan naman agad ito ni Lucas at tinanaw na lang niya si Raffaella na ngayon ay pasilip-silip sa loob ng nasabing resort.
Mabilis niyang ipinulupot ang kanyang mga bisig sa bewang nito patalikod, saka isinubsob ang kanyang mukha sa kanang leeg ng dalaga, "Were you surprise, Mi Bella?"
Dagli naman siyang binalingan nang masayang si Raffaella sabay sabing, "Sobra!" Anito bago humalik sa kanyang pisngi. "Thank you, Mi Lucas... Na-miss ko ang lugar na ito." Dagdag pa ng dalaga bago muling itinuon ang atensyon sa loob ng resort.
"Then, what are we waiting for? Let's go inside, para makapag-check in na tayo—" Hindi na naituloy ni Lucas ang kanyang sasabihin nang bigla siyang balingan ni Raffaella, na animo'y nagtatanong ang mga mata. Nakuha naman agad ng binata ang gustong ipahiwatig nang ekspresyon nito, kaya muli niyang inulit ang kanyang mga salita. "I mean... Makapag-check in tayo in different suites."
Sandali pang napalunok si Raffaella bago nagpatango-tango, "Tara na! Excited na akong maligo sa dagat!" Magiliw na turan nito bago tuluyang hinila ang kamay ng kanyang kasintahan.
Matapos makapag-check in ay tuluyan nang pumasok sa kani-kanilang kwarto sina Lucas at Raffaella. Napagtagumpayan naman ng binata na makakuha ng dalawang magkatabing kwarto, upang hindi tuluyang malayo sa kanyang kasintahan.
"So... Do you need any help?" Ani Lucas nang maihatid ang kanyang kasintahan sa sarili nitong silid.
"Okay na ako... Thank you, Mi Lucas!"
"Alright! Fix all your stuff's, and I will wait for you at the lobby. So we can have lunch together." Wika ni Lucas sa dalaga.
"Okiedokie!" Masiglang turan ni Raffaella bago humalik sa pisngi ng kanyang kasintahan.
*****
Ngayon ay prenteng nakaupo si Lucas sa lounge ng Casa Cadeña. Habang hinihintay ang kanyang kasintahang si Raffaella, ay minabuti niya munang magbasa ng magazine para hindi mainip. Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa, ay napansin ni Lucas ang isang babae na siyang namamahinga rin sa nasabing lugar.
Nang sandaling tapunan niya ito nang tingin ay napansin niya ang nagniningning nitong mga mata. Alam na ni Lucas ang ganitong klase ng kalakaran, sa tindig palang ng babae ay basang-basa na niya ang nais nitong mangyari. Pilit nitong pinupukaw ang kanyang atensyon. Ngunit sa halip na sunggaban ang mapang-akit nitong pakay, ay blangkong ekspresyon lamang ang ibinato ni Lucas dito. Upang ipakita na rin na hindi siya interesado sa presensiya at pakulo ng nasabing dalaga.
"Jerk!" Inis na anas nito bago dali-daling nilisan ang lugar kung saan namamahinga ang binata.
Napapailing na ibinalik na lamang ni Lucas ang kanyang atensyon sa magazine, ngunit bago pa man niya magawa iyon ay may isang pigura na pumukaw sa kanyang atensyon. Kitang-kita ni Lucas ang kanyang kasintahang si Raffaella na ngayon ay papalapit na sa kanya.
Bawat hakbang nito ay parang bumabagal ang takbo ng kanyang buong paligid, dahil sa suot nitong makatawag pansin. Ngayon ay nagsabog nang makalaglag pangang ka-sexy-han si Raffaella sa suot nitong simpleng black and white striped crop top, at tinernuhan ng black brazillian bottom, na siyang nakapagpalabas sa mala-kandila nitong mga hita. Mas lalo namang naging kaakit-akit tingnan ang kurbadong pigura ng dalaga, dahil sa kanyang belly button piercing.
Photo CTTO
"Mi Lucas... Hello!" Pagpupukaw ni Raffaella sa tulala niyang kasintahan.
Sandali pang napakurap ng kanyang mga mata si Lucas, at nang makabawi ay agad itong tumayo upang yakapin ang kanyang kasintahan.
Nagulat naman si Raffaella sa kakaibang ikinikilos nito, kaya mabilis niya itong tiningala, "Uy, napano ka ba?" Kunot noo niyang sambit sa binata.
"I just wanted to hide your body..." Kaswal ngunit mababatid mo ang inis sa timbre ng boses nito.
"B-bakit?"
"Don't argue with me now, Raffy..."
Nagulat na lang si Raffaella sa ipinapakita nitong pag-uugali, kaya naman upang linawin ang mas lumalabo pa nilang sitwasyon ay mabilis siyang kumawala rito, "Teka nga! Ano bang problema mo?"
Hindi naman nag-abalang sumagot si Lucas at sinundan na lamang ni Raffaella ang itinutumbok ng nagbabagang paningin nito. Nakita niya ang isang grupo ng kalalakihan sa hindi kalayuan, doon na napagtanto ng dalaga ang dahilan ng kakaibang ikinikilos nito. Upang hindi na lumaki pa ang isyu sa pagitan nila ng binata, ay dagli niyang kinuha ang baong damit sa kanyang Tassel Shoulder Bag.
Maagap na isinuot ni Raffaella ang kanyang White Beach Off Jumpsuit, upang tuluyang ikubli ang kanyang kurbadong pangangatawan sa madla. Matapos maisaayos ang kanyang sarili ay muli niyang binalingan ang nagpupuyos sa galit na si Lucas.
"Cut it off, Mi Lucas. Balot na po ang katawan ko." Aniya nang sandaling hawakan niya ang magkabila nitong pisngi.
Para namang nahimasmasan ang binata nang marinig ang sinabi ng kanyang kasintahan. Sandali pa niyang sinilayan ang mga kalalakihan sa hindi kalayuan, bago tuluyang ibinalik ang atensyon sa dalaga, "Why do you women are often to wear sexy bikinis?" May himig inis na sambit nito.
Napairap na lang sa kawalan si Raffaella dahil sa muling pagtatanong nito tungkol sa pananamit ng mga babae, "Natural, nasa beach tayo di ba? Alangan namang magpatalon ako sa gitna nang dagat... Ano ako abnormal?"
"I'm not that stupid not to know that thing, Raffy. Don't you think that you were unfair? Imagine, dahil sa suot mo pwede akong makapatay ng tao."
Napapikit na lang nang mariin si Raffaella dahil sa tinatakbo nang kanilang usapan ni Lucas, "You know what, tama ka! Siguro nga masyado kang stupid para pag-isipan ako ng mga bagay na ganyan," Aniya bago inayos ang kanyang sarili. "Aalis na muna ako, tawagan mo na lang ako kapag matino't klaro na ang isip mo!" Inis na wika ng dalaga bago ito dali-daling umalis patungo sa dagat.
Para namang natauhan si Lucas sa mga sinabi ng kanyang kasintahan, "Raffy, wait!" Aniya bago ito tuluyang sinundan.
"This is the worst trip ever!" Nakabusangot na anas ni Raffaella habang naglalakad ito sa buhanginan. Naririnig niya ang pagsambit ni Lucas sa kanyang pangalan, ngunit mas pinili niyang h'wag itong pansinin dahil hindi niya nagugustuhan ang dating nang pananalita nito sa kanya.
"Mi Bella, please! I'm sorry!"
Rinig pa niyang turan ni Lucas sa hindi kalayuan, kaya't mas binilisan pa niya ang kanyang paglalakad upang tuluyang makalayo rito.
"Raffaella Ocampo!"
Sa puntong iyon ay ibang tono na nang pananalita ang pinakawalan ni Lucas sa hangin. Hindi na sana ito bibigyang pansin pa ni Raffaella, ngunit nakita niya na nagniningning ang mga mata ng mga tao na kanyang nakakasalubong na animo'y kinikilig sa kanilang kinatatayuan.
"Problema ng mga 'to?" Nagtataka niyang sambit at napansin pa niya ang sabay-sabay na paglabasan ng kanya-kanyang telepono ng mga ito.
Kunot noo naman niyang nilingon ang kinukuhanan ng madla, at ganoon na lang nanlaki ang mga mata sa kanyang nakita. Parang naestatwa si Raffaella sa kanyang kinatatayuan, "L-lucas... A-anong ginagawa mo? Tumayo ka nga riyan!" Pasimple niyang bulong sa binata na ngayon ay nakaluhod na sa buhanginan.
"No, Raffy! Just hear me out first— please?" Pagmamakaawa nito habang nakaluhod sa gitna ng buhanginan.
Sandali pang napabaling si Raffaella sa mga tao sa kanilang paligid, bago tuluyang tumango sa kagustuhan ng binata. Ramdam pa niya na alanganing kinuha ni Lucas ang kanyang kaliwang kamay bago ito tumikhim panandalian.
"Raffy... I know that you're already annoyed and suffocated with me, dahil sa pagseselos ko nang wala sa lugar. So ngayon pa lang I am asking for your patience and forgiveness," Panimula nito bago hinalikan ang kamay ng dalaga. "I know that I'm not the perfect guy that's perfectly meant for you, pero kaya kong ibigay ang buong buhay ko isama mo pa ang pagkatao pati na ang aking kaluluwa para lang sa'yo."
Ramdam ni Raffaella ang bahagyang panginginig ng mga kamay nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang kalakas pumintig ang kanyang puso sa mga salitang binibitawan ni Lucas ngayon. Pakiramdam niya ay kasing pula na ng hinog na kamatis ang kanyang buong mukha, dahil sa magkahalong kakiligan at kahihiyan dahil sa mga taong saksi sa makabagbag damdaming pagpapahayag ng nararamdaman ni Lucas para sa kanya.
"I love and like you a lot, Raffy... You make me happy, you make me laugh. You're smart, you're different from the women I met. You're a little bit crazy and awkward, pero minahal kita dahil sa mga katangian mong iyon."
Narinig pa ni Raffaella ang mga hagikgik at bulong-bulungan ng mga tao sa kanilang paligid. Pero hindi na niya pinansin ang mga iyon, dahil tanging kay Lucas lamang nakatuon ang kanyang buong atensyon.
"If I could have just one wish, I would wish to wake up everyday to the sound of your breath on my neck, the warmth of your lips on my cheek, the touch of your fingers on my skin, and most of all the feel of your heart beating with mine. There's just no other way to say it, but I just need you Ms. Raffaella Ocampo, for the rest of my life."
Matapos maibulalas ni Lucas ang mga katagang iyon, ay may kinuha ito sa bulsa ng kanyang suot na white summer fit cargo short. Dahan-dahan niya itong binuksan sa harapan ni Raffaella, habang nakaluhod pa rin ang kanang tuhod sa buhanginan.
Namilog ang mga mata ni Raffaella sa kanyang nakita. Ngayon ay nagsimula nang mangilid ang kanyang mga luha dahil sa pinaghalong kaba at kasiyahan.
"Ayoko nang palampasin pa ang pagkakataon na ito," Muling hinawakan ni Lucas ang kaliwang kamay ng dalaga, habang hawak ang engagement ring sa kanyang kaliwang kamay, "I want to spend the rest of my life with you. So, Ms. Raffaella Ocampo, will you be my Mrs. Montenegro? Will you marry me, pretty Raffy?"
"L-lucas..." Nang sambitin ni Raffaella ang pangalan nito, ay siyang hudyat din nang pagbasakan ng kanyang mga luha.
"If you just give me a chance, Raffy. I will prove it to you that I will be the one of the best desicions you'll ever make." Nagsusumamong saad pa nito sa kanyang kasintahan.
Say yes! Say yes!
Pumailanglang ang salitang iyan nang sandaling hindi sumagot si Raffaella sa katanungan ng binata. Mababakas na rin ang kaba sa itsura ni Lucas ngayon, dahil sa posibilidad na tanggihan ng dalaga ang kanyang alok na magpakasal.
"R-raffy?" Muli niyang sambit dito.
Sandaling pinawi ni Raffaella ang kanyang mga luha sabay sabing, "Oo, Lucas... Papakasalan kita!" Lumuluhang wika nito habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha ng kaligayahan.
Mabilis namang isinuot ni Lucas ang singsing sa kaliwang palasingsingan ng dalaga, bago siya tuluyang tumayo upang mahalikan ito sa labi. Mabilis namang ipinulupot ni Raffaella ang kanyang mga braso sa leeg nito at malugod na tinumbasan ang mga halik ng kanyang kasintahan.
Photo CTTO
Naputol na lang ang kanilang matatamis na halik nang marinig ang sigawan at kantsawan ng mga tao sa kanilang paligid. Nahihiyang nginitian na lang ng magkasintahan ang mga ito bago muling hinarap sa isa't isa.
"I love you, my future wifey Mrs. Montenegro." Malambing na sambit ni Lucas habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang kasintahan.
"Mas mahal kita, my future hubby..." Ani Raffaella bago tuluyang niyakap ang binata.
*****
Ayieee! Kasalan na! 💍💍💍
But sad to say, we only have few Chapters left for Team RAFCAS 😅😅😅
Mamimiss ko ang kakulitan ni Raffy. Kasungitan at pagkaseloso ni Lucas. 😪😪😪
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro