Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 41

Nagising ang diwa ni Raffaella nang maamoy nito ang mabangong aroma ng purong kape. Ngunit ang mas pumukaw sa kanyang ulirat, ay ang amoy ng kanyang paboritong almusal na garlic longganisa at friend rice. Mumukat-mukat siyang bumangon sa kanyang kama, dahil sa nakakahalinang kabanguhan nito na masarap sa pang-amoy.

Tuluyang nagising ang kanyang kamalayan nang mabungaran niya si Lucas sa kusina. Abala ito sa pag-aayos ng almusal sa hapag-kainan, kaya't hindi napansin ng binata ang kanyang presensiya.

Napasandal na lang sa pintuan si Raffaella, habang malayang pinagmamasdan ang kanyang kasintahan. Dala nang malikot niyang imahinasyon, ay hindi maiwasan ng dalaga na pagpantasiyahan ang ang matipuno nitong pangangatawan. Sinimulan niyang sipatin ang malapad na likod nito, na sa wari niya'y masarap yakap-yakapin at sandalan. Hanggang sa bumaba na ang kanyang paningin sa pang-upo nito na nakatawag nang kanyang pansin.

"Ngayon ko lang napansin na matambok pala ang wetpaks ni Lucas..." Pilyang turan ni Raffaella sa kanyang sarili, habang diretso ang tingin sa pang-upo ng binata.

Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang bumungad sa kanya ang umbok na harapan ni Lucas. Naka suot kasi ito ngayon nang isang white summer fit cargo short, kaya malaya niya itong nasilayan. Bahagya pang napalunok si Raffaella nang manumbalik sa kanyang isipan, ang panahon kung saan hinablot ni Lucas ang kanyang kamay upang dalhin iyon sa naghuhurumentado nitong pag-aari.

"Enjoying the view, Mi Bella?" Biglang sambit ni Lucas.

Doon na tuluyang napabalik sa kanyang katinuan si Raffaella at maagap na itinaliwas ang kanyang paningin sa ibang direksyon, "Anong sinasabi mo?" Pakunwaring saad nito saka yumuko upang itago ang kanyang pagkakahiya.

Hindi naman napigilan ni Lucas na mapangiti, nang makita ang pagkailang sa ekspresyon ng mukha ng kanyang kasintahan. Dagli niyang hinubad ang suot na black apron, saka nilapitan ang dalaga.

Nang tuluyang makalapit sa kinatatayuan ni Raffaella ay mabilis niya itong ikinulong sa pagitan ng kanyang mga bisig sabay sabing, "You can have all of me, hindi kita pagdadamutan. Promise!" Nakakalokong saad niya rito.

Lukot ang mukhang tiningala naman ito ni Raffaella, "Ang aga-aga humaharot ka riyan Mr. Montenegro ha..." Sarkastiko niyang turan bago ito bahagyang kinurot sa tagiliran.

Humahalakhak na hinuli naman ni Lucas ang magkabilang kamay ng dalaga saka ito pwersahang ipinulupot sa kanyang bewang, "I'm just giving you my hot sexy body for free— para hindi ka na mahirapan," Pambibiro pa nito, bago ninakawan nang mabilis na halik sa labi ang dalaga. "It is a good morning, indeed!"

"Sus! Puro ka talaga kalokohan..." Ani Raffaella ngunit sa loob-loob niya ay kinikilig naman. Nagtangka itong kumalas sa pagkakalingikis sa kanyang kasintahan, ngunit hindi man lang siya hinayaan nitong makatakas. "Aba! Isa, Lucas! Kapag hindi mo ako pinakawalan, malalagot ka talaga sa akin!" Pagbabantang wika niya rito.

"What if I don't want to? Anong gagawin mong punishment sa akin, then?" Pilyong usal lang ni Lucas bago pinaglapit nang ilang pulgada ang kanilang mga mukha.

Mahigpit na itinikom naman ni Raffaella ang kanyang bibig. Confident naman siya na hindi mabaho ang kanyang hininga, ngunit ayaw niya pa rin na maamoy nito ang kanyang morning breath.

"Looks like the cat's got your tongue, Mi Bella!"

Sa sobrang inis ni Raffaella ay mabilis niyang sinunggaban nang halik sa labi si Lucas. Ilang minuto ang nakalipas nang makita niyang tumutugon na ito sa kanyang mapupusok na halik ay mabilis niyang kinagat ang lumilingkis nitong dila, dahilan upang tuluyan siyang makawala sa pagkakayakap sa bewang ng binata.

"Why did you do such thing, Missy?" Nakangiwing saad ni Lucas habang iniinda ang sakit ng kanyang dila.

Ngiting tagumpay naman ang isinagot ni Raffaella rito sabay sabing, "Sino ngayon sa atin ang nakagat ang dila. Kala mo ha!" Aniya bago nagsimulang maglakad patungo sa hapag-kainan.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ang dalaga nang mabilis itong hinablot ni Lucas sa bewang at muling ikinulong sa kanyang mga bisig patalikod, "You can't get away from me, Mi Bella."

Napatili na lang si Raffaella dahil sa labi nito na humahalik sa kanyang balikat patungo sa likuran, isama mo pa ang balbas ng binata na kumikiliti sa kanyang balat. Nakasuot kasi ngayon ang dalaga ng isang black short playsuit pyjama na may disenyong cherry.


Photo CTTO




"Lucas, ano ba!" Natatawang turan ni Raffaella rito habang nagpupumiglas.

Mabilis naman ipinihit parahap ni Lucas ang dalaga sa kanya bago ito muling ikinulong sa kanyang mga bisig, "I love you..." Malambing niyang saad bago inayos ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng kanyang kasintahan.

Matamis na napangiti naman si Raffaella nang marinig ang isinambit ng binata, "Mas mahal kita, Lucas..." Aniya bago walang sabi-sabing hinablot ang batok nito upang paglapatin ang kanilang mga labi.

Nasa ganoong sitwasyon ang magkasintahan nang marinig nila ang biglaang pagtikhim sa bukana ng kusina. Mabilis na kumalas ang dalawa sa kanilang mga halik nang mapansin ang presensiya ni Mamu Penny roon.

"Mamaya niyo na ituloy 'yan... Almusal muna bago tukaan." Pigil ang kilig na saad nito bago tuluyang umupo sa hapag-kainan.

Namumula ang pisnging sumunod naman si Raffaella rito, habang hindi naghihiwalay ang pagkakasaklob ng kanilang mga kamay ni Lucas.

Agad naman itong napansin ni Mamu Penny sabay sabing, "Achuchuchu! Ang tamis-tamis nemern, kainis!"

Tuluyan nang nagbitaw ang mga kamay nina Lucas at Raffaella, bago nagpasyang umupo para kumain ng mag-almusal.


*****


"Mag-iingat kayo sa biyahe niyo!" Pamamaalam ni Mamu Penny sa magkasintahan.

Kinawayan naman ito ni Raffaella bago tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan ni Lucas, "Saan ba talaga tayo pupunta, Mi Lucas?" Pagtatanong niya sa binata habang abala sa pag-aayos ng kanyang seat belt.

"Its a secret for now— but I'm sure you'll gonna love the place we're going to." Nakangiting wika ni Lucas bago kinindatan ang dalaga.

Palihim na kinilig naman si Raffaella sa simpleng pagkindat na iyon ng kanyang kasintahan, "Kindat-kindat ka pa riyan— gwapo ka na po kaya hindi mo na kailangang magpa-cute sa akin. Halikan kita riyan eh..." Aniya bago umiwas nang tingin, upang hindi tuluyang marinig ang huli niyang mga isinambit.

"Hey..." Tawag pansin ni Lucas sa kanyang kasintahan at nang tuluyan na itong humarap sa kanya, ay mabilis niya itong ninakawan nang halik sa labi. "I am willing to kiss you all day, Mi Bella... All you have to do is ask. I'm a hard to get kind of man, pero para sa'yo magiging easy-peasy ako." Malokong usal nito with his boyish grin.

Halos natulala na lang si Raffaella sa kakulitan na ipinapakita ni Lucas sa kanya. Ibang-iba na ang pag-uugali nito ngayon, kumpara noon na seryoso sa buhay at hindi man lamang marunong ngumiti.

"What happened to you?" Biglang sambit ni Raffaella.

Kunot noo lamang ang isinagot ni Lucas sa dalaga.

"Ibang-iba ka na ngayon, sobrang kulit mo na!" Namamangha niyang turan sa binata.

"Is that a bad thing?" At sa puntong iyon ay nagsimula nang malungkot ang gwapo nitong mukha.

Dali-dali namang hinawakan ni Raffaella ang magkabilang pisngi ng kanyang kasintahan sabay sabing, "No! Hindi ahh... Gusto ko nga 'yung ganyan ka ka-clingy sa akin, masyado lang akong naninibago."

"I promised myself, that when we meet again I will differentiate my gesture and behavior."

Mabilis naman itong hinalikan ni Raffaella sa labi, "Hindi mo na kailangan pang magbago, dahil mahal kita kahit sino at ano ka pa, Mi Lucas. Minahal kaya kita sa pagiging masungit at suplado mo noon— at hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal kong iyon hanggang ngayon. I love you..." Malambing niyang saad sa binata habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.

"I love you too— so much, Mi Bella," Sagot naman ni Lucas saka ito niyakap nang sobrang higpit. "Thank you for coming back into my life. I am absolutely nothing without you, Raffy. Kaya sobrang thank you dahil tinanggap mo akong muli na maging parte ng buhay mo." Anito bago humiwalay sa kanilang mga yakap.

"O paano, tara na!" Masiglang turan ni Raffaella.

"Cute..." Wika ng binata sa kanyang kasintahan. Hindi na rin naman nagtagal at tuluyan nang pinaandar ni Lucas ang kanyang sasakyan patungo sa lugar kung saan niya balak sorpresahin ang dalagang si Raffaella.

Habang nasa biyahe ay maraming napagkwentuhan sina Lucas at Raffaella. Naroon ang mga masasayang bagay na nangyari sa kanila-kanilang mga buhay simula nang sila'y nagkahiwalay. Mga bagay na pinanghinayangan at mga bagay na dahilan kung bakit sila tuluyang natapos sa kanilang relasyon noon. Sa una ay pahapyaw pa ang kanilang naging usapap tungkol sa nakaraan, ngunit kalaunan ay tuluyan din nila itong tinuldukan, alang-alang sa ikakaayos ng kanilang pangalawang pagkakataon sa kanilang relasyon.

"So, I say these things because I want to disclose everything I know about Bethany and Barry." Seryosong saad ni Lucas habang natuon ang atensyon diretso sa kalsada.

Mabilis naman itong nilingon ni Raffaella sabay sabing, "So ibig sabihin, magkakilala sila?" Gulat niyang sambit nang sandaling lingunin ang binata.

"Yes... Hindi lang magkakilala, I found out in my sources that they were step-siblings. They've planned everything to break our relationship, to split us up. I'm so stupid because I immediately believed in lies without knowing the whole truth," Hinagilap ni Lucas ang kaliwang kamay ng kanyang kasintahan bago ito dinala sa kanyang bibig upang halikan. "Forgive me, Raffy... Patawarin mo ako dahil naging bulag ako para intindihin ang mga paliwanag mo noon."

Hinawakan naman pabalik ni Raffaella ang kamay nitong nakasaklob bago isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng binata, "Kalimutan na natin ang nakaraan, Lucas. Ang importante ay maayos na tayo ngayon. Ang gusto ko lang ay maging mas open na tayo ngayon, no more lies. Alam kong hindi maiiwasan ang tampuhan, pero sinisigurado ko sa'yo na hinding-hindi ako bibitaw at panghahawakan ko ang lahat ng mga pangako natin sa isa't isa."

Hinalikan naman ni Lucas ang noo ng dalaga sabay sabing, "Simula ngayon ay mas lalawakan ko pa ang pang-unawa ko para mas maintindihan kita. I will love you the way a drowning man loves air. I will love and adore you more as much as I can, Raffy."

Tiningala naman ito ni Raffaella, "Mas mahal kita Mr. Lucas Montenegro!" Nakangiti niyang sambit bago muling isiniksik ang kanyang mukha sa leeg ng binata habang magkasaklob pa rin ang kanilang mga kamay. "Pero, ano na kayang nangyari kina Barry at Bethany? Hindi mo kasi nasabi kung anong nangyari matapos mo silang bistuhin."

Humalakhak naman si Lucas, "I just gave them a taste of their own medicine." Simple ngunit makahulugang usal nito.

"What do you mean?" Kunot noong saad ni Raffaella nang humiwalay siya sa pagkakasandig sa binata.

"Simple lang... I informed the police about Bethany's addiction to cocaine, kaya ngayon ay ipinasok na ito sa rehabilitation center. And her step-brother, Barry? I've heard that he was exiled to Canada. Sakit daw sa ulo ng mga magulang, palaging napapa-trouble with his gang. A problem child..." Napapailing na usal pa ni Lucas.

Nagpatango-tango naman si Raffaella sa kanyang mga narinig. Ngayon ay mas kampante na siya na mas magiging maayos na ang kanilang relasyon ni Lucas, dahil wala na sila agam-agam at inililihim sa isa't isa.

"Excited na ako sa pupuntahan natin!" Biglang sambit ng dalaga upang ibahin na ang kanilang usapan. Mabilis niyang ipinulupot ang mga kamay sa kanang braso ni Lucas, saka muli isiniksik ang kanyang sarili rito. "Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko sa pupuntahan natin ha? Kung hindi— wala kang kiss buong araw."

Hindi naman napigilan ni Lucas na mapahalakhak dahil sa kakulitan ng kanyang kasintahan, "I am hundred and one percent sure na magugustuhan mo sa pupuntahan natin." Feeling proud na usal nito.

"Talaga lang ha? We'll see..."

"'So better prepare your honeyed lips, dahil sisiguraduhin kong hindi ka makakawala sa magdamagan kong mga halik."

Bahagya naman itong hinampas ni Raffaella sa dibdib, "L–loko..." Wika nito ngunit sa loob-loob niya ay bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Lucas.


Patay kang bata ka!





*****

Ang sweet-sweet! Kainis! 😍😍😍

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro