Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 4

"Oh tamang-tama ang dating mo, Raffy. Ala-una raw ang call time natin sabi ni Madam Violeta." bungad ni Mamu Penny, habang abala sa pag-aayos ng kanilang mga gagamitin sa photoshoot.

Hindi naman sumagot si Raffaella, at narinig na lang ni Mamu Penny ang pabalang na pagsara nito sa pintuan. Kunot noo naman niyang binalingan ang dalaga at kitang-kita niya ang nakabusangot nitong mukha, bago tuluyang naupo sa paanan ng kama.

"Oh bakit hindi maipinta 'yang mukha mo? Hindi ka ba nag-enjoy sa pamamasyal mo?" pagtatanong lang niya rito, bago muling ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.

"Nakakabwisit kasi, Mamu!" iritableng anas ng dalaga bago pinagkrus ang mga braso.

Mabilis naman itong hinagisan ni Mamu Penny ng damit sa mukha sabay sabing, "Hoy, anong problema mo babae ka, para ka nang nagpa-lip injection sa sobrang haba't kapal ng nguso mo ohh." curious na tanong pa nito, bago tuluyang hinarap ang dalaga na halatang nagmamaktol dahil sa itsura nito ngayon.

"May babaeng papansin po kasi kanina sa souvenir shop, tinapunan ba naman ako nang juice sa mukha. Hindi ko naman po sadya na makabangga siya, Mamu." nakangusong saad ni Raffaella saka nahiga sa kama.

Nagulat naman sa kanyang narinig si Mamu Penny, at doon na lang niya napagtanto na may bahid mantsa nga ang damit ng dalaga, "Aba! Sino 'yang mahaderang 'yan, halika samahan mo ako!" nagpupuyos sa galit na anas nito, dahil sa sinapit ng kanyang alaga.

Maagap namang pinigilan ito ng dalaga, "Mamu Pens, wag na po."

"At bakit?! Hindi pu-pwede sa akin ang kamalditahan niya noh!" galit na anas pa nito, sa pinakamatinis niyang boses.

Mabilis itong hinila ni Raffaella sa kama para makaupo, "Chillax Mamu... Nabengga na po siya ni Kuyang Pogi." nakangiwing saad lang nito.

"Sinong pogi?"

"Si Kuyang Pogi sa elevator po kanina."

Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Mamu Penny nang marinig ang sinabi ng dalaga, "Huh? P-papaanong... Pinagtanggol ka ni Elevator Man?" curious na tanong nito.

"Hindi naman po sa ipinagtanggol, mukang magkakilala po sila eh. Ang sungit po pala talaga ni Kuyang Pogi noh? Nakakatakot ang vibes." nakangiwing saad ni Raffaella, na animo'y inaalala ang itsura ng binata kanina nang muli silang nagtagpo nito sa pamilihan.

"Tsss... Hindi sapat 'yon! Nako kapag nakita ko 'yan babaeng mahaderang 'yan, bubuhusan ko yan nang kumukulong tubig. Wala siyang karapatang tapunan ka ng juice basta-basta ahh." inis pa rin na sambit nito.

"Hayaan niyo na po Mamu... Ako naman din po ang may kasalanan, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko."

"Kahit na, Raffy... Hindi magandang gawain ang gano'n." pangangaral nito. "Pero maiba tayo, buti hindi ka sinita ni Elevator Man, sa ginawa mong pagkuha sa kanya ng litrato nang walang permiso?"

"Nako Mamu, natakot nga po ako dahil hinawakan ako sa braso ni Kuyang Pogi. Akala ko nga po sisitahin na ako dahil sa ginawa ko," sabi nito. "Ang hindi ko lang po maintindihan kung bakit niya ako tinawag na Bella?"

Sandaling nag-isip si Mamu Penny, "Baka naman kamuka mo 'yung Bella na kakilala niya, kaya napagkamalan niyang ikaw 'yon."

Nagkibit balikat lamang si Raffaella rito.

"Oh siya! Tama na nga 'yan, tara na't maghanda sa photoshoot mo mamaya. Mag-ayos ka na rin para mauna na tayo sa set." wika ni Mamu Penny bago binalikan ang kanyang pag-aayos ng mga gamit.


*****


"Oh ready na ba ang lahat?" maawtoridad na wika ni Violeta, ang Production Manager ng Dream Couture.

"Yes Madam Vi!" sabay-sabay na sambit ng mga modelo't modela na nakapalibot sa ginang.

"Alright... So, this is the first day of our photoshoot. Dahil nga babago pa lang ang Dream Couture sa merkado, I'm expecting all of you to give me your best shots." panimula ni Madam Violet.

"I know some of you are new in this kind of line of work, hindi madaling mag-posing sa harap ng camera pero naniniwala ako that each one of you has a unique ability and potentials kaya kayo napabilang sa project na ito. And to make this field work, kailangan nating magtulong-tulong para magawa natin ng maayos ang ating trabaho..."

Abala sa pakikinig si Raffaella nang bigla siyang bulungan ni Niana, isa sa kanyang nakasama noon sa event, "Girl tingnan mo 'yung guy sa may beach bar, sobrang gwapo!" kinikilig na saad nito at bahagya pang hinihila ang kanyang suot na black shoal.

Dala ng matinding kuryusidad ay kunot noong binalingan naman ito ni Raffaella, at pinaningkitan ng mga mata ang lalaking tinutukoy ni Niana, para mas maaninag ang mukha nito sa di kalayuan.

Dahil sa direktang sikat ng araw na tumatama sa gawi nito, ay mas inaninag pa ng dalaga ang lalaki para mas klaro niya itong masilayan. Ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng kanyang kaibigan.

"Shoot! Si Kuyang Pogi." ani Raffaella sa kanyang sarili. At nang maisambit niya iyon, ay ang saktong pagbaling naman ng tingin nito sa kanyang kinatatayuan.

Sa sobrang gulat ay mabilis itinago ni Raffaella ang kanyang sarili sa likod ni Niana, habang pasilip-silip at hindi mapakali sa likuran ng kanyang kaibigan.

"Oy Raffy... Ano bang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Niana habang inaayos ang kanyang sundress.

"Nian, wag kang malikot d'yan. Baka makita ako ng tinataguan ko."

"H-huh? S-sino?" nahihiwagaang tanong naman nito, habang pilit na nililingon ang nagtatagong dalaga.

Nang akmang sasagot na si Raffaella ay nakita niya ang binata, na ngayon ay nakatuon na ang atensyon sa gawi nila. Kitang-kita niya kung paano nangunot ang noo nito habang pilit na sinisilip ang kanyang pigura.

Nasa ganoong sitwasyon ang dalawang dalaga, nang marinig nilang muli nagsalita si Violeta, "Models, are we clear?" pagtatanong nito sa madla.

"Yes Madam Vi!" muli nilang responde sa ginang.

"Okay... So guys, start na tayo sa shoot!" anito bago tuluyang lumapit sa crew ng Dream Couture.

Ang Dream Couture ay isa sa umuusbong na clothing line, gowns, swimwear, at iba't iba pang uri ng mga kasuotan sa buong ka-Maynilaan. Unti-unti naring nakikilala sa merkado at mga piling Shopping Malls, ang local brand na ito dahil sa hindi matawarang kagalingan ng kumpanya sa paggawa ng mga kasuotan na isang daang porsyentong gawang Pinoy.

Kaya naman hindi imposible na makilala na rin ang tatak ng Dream Couture sa buong Pilipinas, dahil sa kagalingang taglay na ipinapamalas ng kumpanyang ito.

"Oh Raffy, galingan mo sa turn mo okay? Nasabi ni Madam Vi, na kung sino ang may pinaka-magandang shot at photogenic sa buong shoot siya raw ang magiging print model nito." pangaral ni Mamu Penny sa dalaga.

"I will do my very best, Mamu." nakangiting sambit ni Raffaella, habang abala sa kanyang pag-aayos.

"Hindi lang sa prints, Raffy. Ilalagay pa sa malaking billboard ang picture mo, imagine kapag ikaw ang napili anak, makikita ka ng lahat! Kaya galingan mo." masiglang saad ni Mamu Penny habang mini-makeup-an ang dalaga.

Matamis na ngiti lamang ang isinagot ni Raffaella rito. Ngunit sa loob-loob niya'y iniisip ng dalaga na malaking oportunidad ang mapili sa nasabing proyekto, dahil magbibigay ito ng tiyansa sa kanyang karera para mas dumami pa ang kanyang trabaho at makapag-patuloy sa kanyang minimithing makatapos sa pag-aaral.



*****

You go girl! Fighting! 😊

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro