NW Chapter: 38
Makalipas ang tatlong taon... Ngayon ay nakatayo sa bukana ng arrival area si Raffaella. Napaaga ang paglapag ng eroplano na kanyang sinakyan, kaya heto siya't naghihintay sa kanyang sundo sa labas ng Airport.
Abala sa pagtipa ng kanyang telepono ang dalaga, nang bigla niyang marinig ang pamilyar na boses sa hindi kalayuan.
"Raffy! Raffaella'ng Dyosa Ocampo!"
Mabilis napalingon si Raffaella sa pinanggagalingan ng boses na iyon, at agad gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Nakita niya si Mamu Penny na humahangos nang takbo papalapit sa kanya, na halatang nagmamadali dahil sa kanyang napaagang pagdating.
"Mamu!" Magiliw niyang sigaw bago niya ito sinalubong ng isang mahigpit na yakap.
"Raffy, na-miss kita..." Bungad nito sa dalaga. "Infairnesses, amoy freshness ka. At ang pabango, hmmm... Sosyal!" Wika pa nito bago tuluyang humiwalay sa kanilang pagkakayapos.
Napahalakhak naman si Raffaella sa sinabi ni Mamu Penny, "Iba po kasi siguro ang klima sa Japan. Saka itong pabango, binilhan din po kita ng dalawa at mas ka-vogue pa kesa rito."
"Ay gusto ko 'yan! Mangangamoy sakura, cherry blossom, kiki na ako."
"Kiki?"
"Hoy, h'wag kang green. Hindi mo ba alam 'yung Kiki brand ng perfume sa Japan?" Pagtatanong nito.
Tanging pag-iling lamang ang isinagot ni Raffaella, dahil hindi siya makasakay sa sinasabi ni Mamu Penny.
"Ay hindi mo knows? Naku, nagbebenta nga si baklang Verna nang gano'n. Class a nga lang, kaya medyo majoho 'yung amoy. Pwede nang pagtiyagaan, amoy kiki chenelin rin!" Nakakalokong wika ni Mamu Penny saka nagpakalawa ng isang malakas na halakhak.
Natatawang napailing na lang ang dalaga sa sinabi nito. Sa isa't kalahating taon niyang namalagi sa Japan ay masasabi ni Raffaella na na-miss niyang talaga si Mamu Penny.
Matapos kasi siyang makapagtapos ng Two Years Vocational Course sa Aston University, ay agad siyang nakatanggap ng tawag mula sa pamunuan ng Luxxe Enchanteur.
Kinuha siyang muli ng nasabing kumpanya bilang isa sa kanilang mga representative, para i-promote sa iba't ibang bansa ang new line of underwear nito. At sa bansang Japan nga ang naitoka sa kanya upang maging representante nito.
"Tara Mamu, uwi na tayo. Na-mimiss ko nang kumain ng paborito kong garlic longganisa." Pag-aaya ni Raffaella.
Mabilis namang itinulak ni Mamu Penny ang pushcart na dala ng dalaga sabay sabing, "Gora ako riyan. Gutommy Lee Jones na rin ako eh."
Mabilis naman ikinawit ni Raffaella ang kanyang kamay sa braso nito bago nila tuluyang nilisan ang Airport.
Ngayon ay binabaybay na nina Raffaella at Mamu Penny ang kahabaan ng Edsa. Habang lulan ng taxi ay narinig na lamang ng dalaga ang biglang pagsigaw ni Mamu Penny.
"Manong, manong! Ihinto mo ang taxi, magmadali!"
"B—bakit po, Mamu? May problema ba?" Kunot noong saad ni Raffaella.
"Walang problema, pero jusko maloloka ka sa nakikita ko!" Anito at walang sabi-sabing bumaba sa nasabing sasakyan.
Kahit hindi mawari kung anong ibig sabihin nito ay kunot noong bumaba na rin si Raffaella sa taxi. Mabilis niyang nilapitan si Mamu Penny, na ngayon ay nakatulala sa sinisilayan nito. Sinundan niya ang pinagkakaabalahan nito at laging gulat niya sa kanyang nakita.
Photo CTTO (Entertainment Purpose Only)
Nanlaki ang mga mata ni Raffaella, nang makita ang kanyang sarili sa isa sa pinakamalaking billboard sa kahabaan ng Edsa. Halos hindi niya akalain na matutupad ang kanyang pangarap, na makita ang kanyang sarili na nakapaskil sa isang kabigan ng kartelon. Ipino-promote sa billboard ang bagong line of underwear ng Luxxe Enchanteur, kung saan si Raffaella ang napiling modelo rito.
Kitang-kita sa nasabing billboard ang hubog ng katawan ng dalaga dahil sa suot nitong seductive black floral mesh lace brassiere, na tinernuhan ng isang black lace cheecky panty.
Naalala pa nang bahagya ni Raffaella ang araw kung saan sila nagphotoshoot para sa nasabing savage yet sexy line of underwear na iyon. Dumaan kasi sa punto na kinailangan niyang mag-topless para mas maging kaakit-akit pa raw ang kanyang mga litrato. Kahit kinakabahan ay sinunod na lamang niya ang kagustuhan ng photographer. Mabuti na lang at hinayaan siya nitong takpan ang kanyang dibdib gamit ang kanyang mga kamay, kaya't mas nakampante at komportable siyang humarap sa lente ng camera kahit pa walang tumatabing sa kanyang dibdib.
Nasa ganoong posisyon at pag-iisip si Raffaella nang bigla niyang marinig na nagsalita si Mamu Penny, "How Bare would you Dare!" Sigaw nito nang basahin ang nakalagay na tagline sa nasabing billboard. "Ang taray mo anak! Ka-vogue-gera ang datingan mo riyan. Para ka nang international model. Ops! Hindi lang basta model. Isa ka nang mowdel." Maarteng saad pa nito habang iminumustra sa ere ang kanyang mga kamay.
Mabilis namang inihilig ni Raffaella ang kanyang ulo sa kanang balikat ni Mamu Penny, "Mamu, naiiyak po ako."
"Naturalmente naman Raffy! Sino ba namang hindi maiiyak kung makikita mo ang sarili mo na nakapaskil sa isang malaking billboard sa kahabaan ng Edsa. Tingnan mo nga 'yung mga sasakyan o! Ang babagal ng mga takbo kakasinsay sa billboard mo. Ang taray! Sikat ka na anak!" Kinikilig na sambit ni Mamu Penny habang hindi mapawi ang ngiti sa mga labi.
"Dahil po sa paghihirap niyo 'yon, Mamu. Kung hindi dahil sa pagtitiyaga mo sa akin ay hindi ko mararating ang mga ito. Kahit medyo may paka-bungangera't taklesa 'yang bibig mo, which is namana ko, "Anito bago nag-peace sign. "Ay nagpapasalamat at mahal na mahal ko po kayo, Mamu."
"O siya, siya! Tara na't umuwi. Excited na akong gamitin 'yung pabangong dala mo, na hindi amoy kiki." Natatawang saad ni Mamu Penny bago ito pumasok sa loob ng taxi.
Sandaling pinagmasdan ni Raffaella ang kanyang sarili sa billboard. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na makakamit niya ang pangarap na matagal niyang pinaglaanan ng dugo't pawis sa napakahabang panahon.
Bago pa man tuluyang pumasok sa loob ng taxi ay binitawan ni Raffaella ang mga katagang, "Every hard work pays off, kaya congrats sa'yo Raffy!" Nakangiti niyang sambit sa hangin, bago tuluyang sumakay na sa nasabing sasakyan.
Sa kabilang dako naman... Seryosong nagmamaneho ng kanyang sasakyan si Lucas nang biglang makatanggap siya ng tawag sa kanyang telepono. Gamit ang kanyang bluetooth earpiece ay mabilis niyang nasagot ito.
"Hello..." Walang gana niyang usal habang ang atensyon ay nakatutok diretso sa kalsada.
"Hey, Luke! Where are you?" Bungad ng tao sa kabilang linya, na nabosesan niyang si Matt.
"Got stuck here in Edsa. As usual, traffic!" May inis na saad ng binata at halatang iritable na sa mga oras na iyon.
"Really? Where exactly were you?" Sabik na pagtatanong pa nito.
Napakunot naman ang noo ni Lucas nang marinig ang sinabi ni Matt. Alam niyang may gustong patungkulan ang kanyang kapatid, kaya't ganoon na lang ito kung makapagtanong sa kanya.
"Go straight to your point, Matthew. I don't have time for your tricky interrogation. Mas lalo mong pinapainit ang ulo ko." Walang pasensyang anas ni Lucas.
Narinig pa niya na humagalpak nang tawa si Matt sa kabilang linya sabay sabing, "Chill, Mr. Grumpy! I was just asking, kung nasaan ka. Okay! Init masyado ng ulo natin, Luke." Nakakalokong turan pa nito.
"Tsss... You can't fool me, Matthew. Kilala kita mula ulo hanggang paa. Pareho ang likaw ng bituka natin. Kaya kung ako sa'yo, sabihin mo na ang gusto mong sabihin!"
"Alright... Alright! Calm down, sasabihin ko na," Panimula nito bago tumikhim sa kabilang linya. "Sa Sunday, h'wag mong kakalimutan binyag ng bunso kong anak na si Brylle. Isusumpa ko kayo ni David kapag hindi kayo nagpakita sa akin!"
"You've already told me about it. A millions times, Matthew! Oo na nga 'di ba? Pupunta ako, I cancelled my meetings, kaya rest assured that you will see my effin āss on Sunday."
"It's settled then, thank you Mr. Moody Grumpy!" Pambubuska pa ni Matt sa kanyang kapatid.
"Sige na, sige na! I have to hang up—"
Hindi pa natatapos ni Lucas ang kanyang sasabihin nang muling magsalita si Matt sa kabilang linya, "Lucas, wait!" Pahabol pa nito.
"What else do you want, Matthew?! You're getting into my nerves!"
"Ang sungit mo talaga! Simula nang iwan ka ni—"
Bago pa man maituloy ni Matt ang sasabihin nito ay agad na itong sinupla ni Lucas, "Shut up, Matthew! Let's not drag her into this conversation, please!" At sa puntong iyon ay parang bulkan na sumabog ang emosyon ng binata.
"Okay, fine! I will keep my mouth shut, just for the sake of my son's christening. Pero pakisagot ako ng matino, where exactly are you?"
At sa puntong iyon ay nabatid na ni Lucas ang pagseryoso sa boses ng kanyang nakababatang kapatid, "Haayyy! I'm bound between Buendia and Guadalupe... Why did you ask?"
Napakunot ang noo ni Lucas nang marinig niya ang muling paghalakhak ni Matt sa kabilang linya.
"What's so funny about it, dumbāss!"
Narinig pa niya na sandali pa itong nagpigil ng tawa bago siya kinausap muli, "You should see the billboard in Guadalupe. I'm pretty sure, mas uusok pa 'yung ilong mo sa makikita mo." Wika ni Matt saka nagpakawala ng isang malakas na halakhak.
"What are you talking about, Matthe—" Hindi na naituloy ni Lucas ang kanyang sasabihin, nang masilayan ang billboard na sinasabi ni Matt sa hindi kalayuan. "Fūck!" Napamura na lang ito dahil habang papalapit ang kanyang sasakyan sa nasabing kartelon, ay mas nagpupuyos ang kanyang galit.
"Uh-oh! I have to go, bro! See you on Sunday!" Pamamaalam ni Matt bago mabilis na pinutol ang linya ng telepono.
Mabilis bumaba sa kanyang sasakyan si Lucas para mas harap-harapang makita ang billboard nang walang salamin na makakasagabal sa kanyang paningin. Nakaramdam ng kakaibang saya ang binata nang makita muli si Raffaella, kahit sa kartelon lamang.
"So now, you're finally back," Mahinang usal ni Lucas sa hangin, habang hindi nawawaglit ang kanyang paningin sa kabuuan nito. "Mi Bella..."
Nasa ganoong posisyon si Lucas nang may biglang dumaan na dalawang kalalakihan sa kanyang tabi, "Grabe! Ang ganda nung babae sa billboard o!" Rinig niyang sambit ng isa sa mga ito.
"Oo nga pare, kung ganyan kaganda't ka-sexy 'yung shota ko! Naku po! Hindi ko na pagpapahingahin 'yan! Kung sakaling maaawa man ako, baka ihi lang ang pahinga niya sa akin. Mamaya't mayain ko 'yan!" Wika naman nang kasama nito.
"Sana hindi na lang tinakpan 'yung dibdib! Para mas yummy!" Wika pa nung isang lalaki, bago sabay na nagpakawala ng malalakas na halakhak.
Rinig na rinig ni Lucas ang kabastusan na pinagsasabi ng mga ito. Gustuhin man niyang saktan ang mga kalalakihan, ngunit agad niyang pinigil ang kanyang nagpupuyos na sarili. Naisip niya na hindi naman niya pu-pwedeng gawin iyon, dahil wala siya sa posisyon para panghimasukan ang sinuman na suwayin para lang sa isang larawan. Mga larawan ni Raffaella na libreng nakapaskil sa kahabaan ng Edsa.
Mariing napapikit na lang si Lucas bago nagpasyang pumasok nang muli sa kanyang sasakyan. Bago pa man tuluyang lisanin ang lugar na iyon, ay may hinanap ang binata sa kanyang telepono bago tinawagan ang taong makakatulong sa kanyang problema.
"Hello, Hideo... Set me a meeting with Mr. Ferrer as soon as possible. Tell him that it's urgent." Bungad na sambit ni Lucas sa kanyang kanang kamay.
"Consider it done, boss!"
"Alright, thank you!" Matapos noon ay agad niyang pinutol ang tawag. Sandali pa niyang pinagmasdan ang billboard ni Raffaella, bago sarkastikong napangiti dahil sa kanyang binabalak.
*****
Mas kapana-panabik na ang mga susunod na kaganapan! Kaya't kapit lang mga labs! 😍😍😍
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro