Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 35

Matapos ang kanyang klase ay balisang naglakad papalabas ng Aston University si Raffaella. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Lucas simula nang iwan siya nito kanina. Ni tawag o mensahe ay wala rin siyang natatanggap kaya't todo-todo na ang pag-aalala niya para sa binata.

"Ano na kayang nangyari sa kanya?" Wika ng dalaga habang pilit pinapasigla ang kanyang sarili.

Mabilis naman siyang nakasakay ng jeep, at dahil sa lumilipad niyang kaisipan ay hindi batid ng dalaga na binabaybay na pala niya ang daan patungo sa opisina ni Lucas. Huli na niya napagtanto na hindi tama ang pampasaherong dyip na kanyang nasakyan, at taliwas ito sa direksyon pauwi sa kanilang tahanan.

"M—manong!" Biglang sigaw niya kaya napatingin ang mangilan-ngilang pasahero pati na ang tsuper ng jeep sa kanyang kinauupuan.

"May bababa ba?" Pagtatanong ng driver, habang pabaling-baling ang atensyon nito sa mga pasahero at kalsada na kanilang tinatahak.

Hindi na naman nagsalita pa si Raffaella at doon na nabuo ang kanyang desisyon na tuluyan nang puntahan sa opisina si Lucas. Makalipas ang ilang minuto ay kabado niyang tinungo ang gusali kung saan nagta-trabaho ang kanyang kasintahan.

"H'wag na lang kaya?" Alanganin niyang saad bago muling lumabas ng building. Ngunit sadyang taliwas ang sinasabi nang kanyang bibig, sa gustong mangyari ng kanyang mga paa. Kaya naman tuluyan na siyang sumakay ng elevator para puntahan ang binata.

Nang makarating ang lift sa ika-labing siyam na palapag ay tuluyan nang bumaba si Raffaella rito. Nabungaran pa niya si Hideo na kanang kamay ni Lucas sa sariling desk nito, na halatang abala sa kanyang ginagawa kaya ang dalaga na ang kusang kumausap dito.

"Deo!" Mahina niyang turan sa binata.

Halatang nagulat naman ito sa kanyang biglang pagsulpot sabay sabing, "Raffy... I mean Miss Raffy."

"Raffy na lang..." Pagsuway niya sa pormal na pagbati nito. "Busy ba siya?"

"Hindi naman, kaya lang mainit ang ulo ni boss."

"Gano'n ba— Gaano ka-hot?" Pambibiro pa ni Raffaella bago nginitian ang binata.

Agad namang tumawa si Hideo sa kakulitan nito, na saktong bungad naman ni Lucas sa pintuan ng kanyang opisina, "Hideo, I have to leave—" Hindi na natapos ni Lucas ang kanyang sasabihin nang makitang nagtatawanan sina Hideo at Raffaella.

Mabilis namang napansin ng dalaga ang presensya ng kanyang kasintahan kaya't maagap siyang napaayos ng kanyang sarili, "M—Mi Lucas!" Gulat niyang saad bago niya ito hinalikan sa kaliwang pisngi.

Humalik din naman ito pabalik, ngunit ramdam ni Raffaella ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. At segundo lamang ang lumipas nang maramdaman niya ang biglang paghablot ni Lucas sa kanyang kanang pulsuhan, at dali-dali siya nitong hinila papuntang elevator.

"A—aray! Nasasaktan ako Lucas." Daing ni Raffaella sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang pulsuhan.

Hindi naman nag-abalang sumagot ang binata at patuloy lamang ito sa pagkaladkad sa kanyang kasintahan papasok sa kakabukas lang na elevator.

"Everyone! Out!" Maawtoridad na anas ni Lucas sa mga empleyadong nakasakay roon. Mabilis pa sa alas-kwatrong bumaba ang mangilan-ngilang taong nasa loob bago muling hinila ng binata papasok si Raffaella.

Wala namang nagawa ang dalaga at sumunod na lang sa paghatak ni Lucas sa kanya. Pagkasarang-pagkasara nang lift ay marahas siyang isinandal ng binata sa malamig na dinding ng elevator at walang sabi-sabing sinunggaban siya nito nang isang mapusok na halik.

Hindi nagawang makapagprotesta ni Raffaella, dahil hawak ni Lucas ang kanyang magkabilang pulsuhan na siyang nakasandig din sa pader ng lift. Ramdam na ramdam niya ang galit sa mga halik na iginagawad sa kanya ng binata, at segundo lamang ang lumipas nang mapahiyaw siya dahil sa biglang pagkagat nito sa kanyang pang-ibabang labi.

"Ouch! L—lucas ano ba!" Singhal niya rito bago pwersahang itinulak ang binata papalayo sa kanya. "Ano bang problema mo! Nahihibang ka na ba?!" Singhal ni Raffaella habang hinihimas ang kanyang pang-ibanang labi.

Mabilis namang napasuklay ng buhok si Lucas gamit ang kanyang mga kamay. Pilit pinipigilan ang sarili na makagawa ng bagay na kanyang pwedeng pagsisisihan sa huli.

Nang marinig ang hudyat ng kanilang pagbaba, ay mabilis nilisan ni Raffaella ang elevator. Ngunit bago pa man tuluyang makalayo ang dalaga ay maagap itong hinilang muli ni Lucas patungo sa parking lot.

"You're not going anywhere, mag-uusap tayo sa pad ko." Seryosong saad nito.

Nang marinig ito ni Raffaella ay kusa na rin siyang sumama sa binata, dahil naisip niya na mukang kailangan nga talaga nilang mag-usap ni Lucas para aminin ang lahat ng katotohanan na ilang araw nang bumabagabag sa kanyang kalooban.


*****


Nang tuluyang makarating sa Royalè Condominium, ay balisang tinalikuran ni Lucas ang dalaga na ngayon ay nakaupo na sa couch. Pilit pinipigilan ng binata ang kanyang galit, na anumang oras ay pwedeng sumabog dahil sa kanyang natuklasan.

"Sino 'yung lalaking kausap mo kanina?" Seryosong saad nito habang ang mga kamay ay nakasuksok sa kanyang magkabilang bulsa.

"Si B—Barry, senior sa Aston University."

Nang marinig ito ni Lucas ay roon lang niya hinarap ang dalaga, "Sino 'yung lalaki kanina?" At sa puntong iyon ay may diin na ang pagsambit nito sa pag-uulit ng mga salitang iyon.

Napakunot noo naman si Raffaella, "Pinaliwanag ko na 'di ba? Si Barry 'yon, senior namin sa A.U. na nag-offer sa akin na mag-photo shoot kasama ang buong soccer team!"

Matapos marinig ang muling isinambit ng dalaga ay nagpupuyos sa galit na inilabas ni Lucas ang mga litrato galing sa kanyang bulsa sabay sabing, "Then what do these pictures mean!" Tiim bagang niyang anas saka pabalang na itinapon ang mga ito sa ibabaw ng center table.

Namilog naman ang mga mata ni Raffaella sa kanyang nakita. Kuha ito noong gabing mag-isa siyang uminom sa resto-bar malapit sa Aston University at aksidenteng nagkita sila roon ni Barry. Nangilid ang kanyang mga luha nang isa-isa niya itong tiningnan. Naroon ang larawan na kasama niya ang binata, at kung titingnan mo ay para silang masayang magkasintahan dahil sa matatamis nilang mga ngiti. Magkayakap, magka-akbay, at ang huli ay ang litrato kung saan magkalapat ang kanilang mga labi ni Barry.

Lumuluhang binalingan na lang ni Raffaella ang binata, "L—lucas... Hindi— hindi totoo itong mga nasa picture." Alanganin niyang saad dito.

"Ginagago mo ba ako?! Look at those pictures, look how you fool the hēll out of me, Raffy! Ginawa mo akong tanga!"

"L—lucas please... Pag-usapan muna natin ito. Maniwala ka, wala akong alam sa mga nangyari noong gabing iyon. 'Y—yung magkayakap, 'yung magkahalikan, hindi totoo 'yon! H—hindi ko alam kung bakit may mga pictures."

"Fūck! How can I believe you, if there is a proof that you already fooled me?"

Dagli namang tumayo si Raffaella bago alanganing hinawakan ang mga kamay ng kanyang kasintahan, "Lucas... H—hayaan mo muna akong ipaliwanag ang lahat. Ipaliwanag ang side ko." Pagmamakaawa niya sa binata habang pilit hinuhuli ang paningin nito.

Mabilis namang tinabig ni Lucas ang kamay nito sabay sabing, "Ano pa bang kulang, Raffy? Ano pa bang pagkukulang ko, para lokohin mo ako ng ganito!" Punong-puno nang galit na saad nito habang paroo't parito sa kanyang paglalakad.

"Lucas! Please! Pakinggan mo muna ako... Gulong-gulo ako noong araw na iyon. Natuklasan ko 'yung mga bagay sa nakaraan mo! H—hindi ko naman alam na set-up lang lahat ni Barry, kaya humantong sa ganito!" Mahinagpis niyang turan habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha.

"At sa tingin mo paniniwalaan ko pa ang lahat ng sasabihin mo? Come on, Raffy! Masyado mo naman akong pinagmumukang tanga!"

Tanging mga hikbi lamang ang isinagot ni Raffaella, dahil hindi na niya alam kung ano pang pagpapaliwanag ang gagawin niya upang pakinggan siya ni Lucas. Sarado ang isip nito sa galit para unawain at pakinggan ang mga bagay na gusto niya ipaliwanag.

Nagulat na lang si Raffaella nang bigla siyang hawakan ni Lucas sa magkabilang balikat sabay sabing, "Ano pa bang kulang, Raffy! Ano pa ang pagkukulang ko para iputan mo ako sa ulo?! Am I not good enough for you to be contented with me? Tell me! Kulang pa ba ang pagmamahal at pagpapaligaya ko sa'yo?!" At sa puntong iyon ay tuluyan nang sinunggaban ni Lucas ng halik ang labi ng kanyang kasintahan bago niya ito pabalang na itinulak sa couch.

Ramdam ni Raffaella ang madiin, marahas, at mapagparusa nitong mga halik. Bawat galaw ni Lucas ay parang kaya nitong burahin ang kanyang mga labi. Hindi niya inakala na sa kabila pala nang masasarap nitong mga halik ay nagkukubli ang isang mala-metal na paghagkan, na kulang na lang ay malasahan na niya ang sarili niyang dugo dahil sa pamamaraan nito na animo'y isa itong sentensiya dahil sa kasinungalingan na pilit niyang itinutuwid.

"L—lucas..." Pinilit niyang kumawala, ngunit sa halip ay mas kinabig pa ng binata ang kanyang batok dahilan upang mas malaya nitong magawa ang kanyang nais. Para itong may hinahanap na kung anong bagay sa loob ng kanyang bunganga, na kulang na lang ay paglingkisin nito ang kanilang mga dila upang hindi na siya tuluyang makawala pa.

Nang magsawa si Lucas sa bibig ng dalaga ay bumaba ang kanyang mapupusok na halik patungo sa leeg ni Raffaella. Marahas niyang sinira ang suot nitong uniporme, kaya't tumambad sa kanyang harapan ang perpektong hugis ng magkabilang dibdib nito. Dahil sa suot na palda, ay walang hirap niyang naipasok ang kanyang kamay sa pagitan ng mga hita nito bago dinadausdos ang kanyang mga kamay patungo sa mumunting hiyas ni Raffaella.

"Hmmm..." Halos hikbi na lang ang nagawa ng dalaga nang maramdaman ang paghimas ni Lucas sa kanyang kaselanan. Gustuhin man niyang manlaban ngunit may isang parte sa kanyang sarili ang nagsasabing huwag dahil tanging iyon na lamang ang kanyang naisip na paraan. Ang maibigay kay Lucas ang kanyang sarili, kapalit nang kapanatagan ng loob nito na siya lamang at wala nang ibang lalaking nagmamay-ari sa kanya kundi si Lucas lamang.

Habang abala si Lucas sa kanyang ginagawa ay biglang napako ang kanyang paningin sa mukha ng dalaga. Kitang-kita niya na mariing nakapikit lamang ito habang patuloy sa pagtulo ang mga luha. Para siyang binuhusan nang nagyeyelong tubig nang mapagtanto ang maling bagay na kanyang ginawa. Maagap siyang humiwalay rito bago napasuklay ng kanyang buhok dahil sa pagkabalisa.

Luhaang binalot ni Raffaella ang kanyang katawan gamit ang sira niyang uniporme. Napasubsob na lamang siya sa throw pillow na nakapatas sa kanyang gilid at doon sinimulang ibuhos ang kanyang kinikimkim na hinanakit. Gustuhin man niyang tumakbo papalabas ng penthouse ni Lucas, ngunit ang kanyang katawan ay parang nanghina sa mga oras na iyon.

Gustong-gustong yakapin ni Lucas ang kanyang kasintahan para humingi nang kapatawaran, ngunit sa pagkakataong iyon ay biglang nabahag ang kanyang buntot na suyuin ito, "R—Raffy... I—I'm s—sorry..." Tanging naisambit na lamang niya habang pinagmamasdan ang lumuluha niyang kasintahan.

Nang marinig ang boses ng binata ay dahan-dahang iniahon ni Raffaella ang kanyang sarili sa pagkakalugmok. Bahagya niyang inayos ang kanyang sarili bago marahang tumayo. Pasadsad ang mga paang humakbang ang dalaga patungo sa pintuan at nang hawak na niya ang seradura ng pinto ay binitawan niya ang mga katagang...

"Siguro nga masyadong naging mabilis sa atin ang lahat, Lucas. Oo, nagsinungaling ako sa bagay na mas pinili kong itago para sa ikabubuti nating dalawa— Pero alam ng Diyos, ni minsan, hindi ako nangahas na lokohin at pagtaksilan ka." Madamdaming saad ni Raffaella bago tuluyang lumabas ng pintuan.




*****


Awww! 😭😭😭


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro