NW Chapter: 31
From: Mi Lucas ❤️
Raffy, where are you? I've been calling you the entire day, but you're not responding to my calls. What happened to you, Mi Bella? Even Mamu Penny doesn't know where you are. Please, pickup your phone, we're so worried about you.
Matapos mabasa ni Raffaella ang mensahe mula sa kanyang kasintahang si Lucas, ay pabalang niyang inilapag sa bar counter ang kanyang telepono. Matapos sa kanyang natuklasan, ay hindi na malaman ng dalaga kung ano ang mararamdaman niya para sa binata. Bagsak ang balikat na napadpad ang kanyang tulalang sarili, sa isang resto-bar na malapit sa Aston University.
Halos malunod na si Raffaella sa kanyang iniinom na alak. Kung noon ay hindi siya basta-basta tinatamaan ng bisa ng alak, ngayon ay hindi na siya sinanto nito dala na rin nang kanyang dinidibdib na problema.
Malinaw sa dalaga na wala pa siya sa buhay ni Lucas noon, ngunit hindi maalis sa kanyang kaisipan ang gawain ng binata sa nakaraan. Kitang-kita niya kung paano nito babuyin at pagsamantalahan ang mga babaeng nakakatalik nito.
Hindi tuloy maiwasang isipin ni Raffaella ang mga eksena sa pagitan nila ni Lucas, kagaya na lang nang muntikan siyang angkinin ng binata sa loob ng opisina nito. Naisip ng dalaga, kung ilang babae na ba ang nakalampungan nito sa office table na iyon. Ilang babae na ba ang nahulog sa kasarapan na ipinaranas ni Lucas, sa pamamagitan ng simpleng paghimas at paghaplos nito sa kanilang mga balat?
"Ilan na nga b—ba, Lucas?" Lango sa alak na saad ni Raffaella, bago nilagok ang natitirang beer sa kanyang bote. Halos maubos na ng dalaga ang apat na bucket ng beer, sa sobrang bigat nang kanyang nararamdaman. Tila mas masakit pa ang sampal ng realidad na kanyang natamo, dahil sa kanyang natuklasan sa nakaraan.
"W-waiter! Pssst! Wai—ter! Yooohhhoo!" Agaw pansin ni Raffaella sa bartender na nakatalaga sa oras na iyon.
Mabilis naman itong lumapit sa dalaga sabay sabing, "Yes, Maam?"
Pilit inayos ni Raffaella ang kanyang sarili saka ito binalingan, "B—bigyan mo pa nga a—ako ng isang b—bucket, pleeeaassseee..." Nakangisi niyang saad, bago nasagi ang ilang bote na kanyang pinaglunuhan.
Mabuti na lang at maagap itong nasalo ng bartender bago tuluyang iniligpit ang mga boteng wala nang laman, "Maam, okay lang po ba kayo?" Pagtatanong nito, habang pinupukaw ang atensyon ng dalaga.
"O—oo naman! Kaya nga— bigyan mo pa ako ng isang bucket. Yakang-yaka ko 'yan! *hik*"
"Maam, may kasama po ba kayo? Gusto niyo po itawag ko na kayo ng taxi? Mukang naparami na po ang nainom niyo ngayong gabi." Pagmamalasakit ng bartender sa langong dalaga.
Nakangusong binalingan naman ito ni Raffaella sabay sabing, "B—bakit ba mas maruno—marunong ka pa sa akin? B—bigyan mo ako ng beer! May... May pambayad naman ako."
Pabalang na saad ng dalaga, saka hinalungkat ang kanyang bag upang ipakita sa bartender ang kanyang wallet. Ngunit sa pagkakataong iyon, ay hindi mahagilap ni Raffaella ang kanyang pitaka. Bahagyang natauhan ang dalaga nang mapansing wala ang kanyang wallet. Problemado niyang ginalugad ang kanyang bag, dahil sa posibilidad na maharap siya sa isang kahihiyan kapag nagkataon.
Nasa ganoong posisyon ang dalaga, nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran, "Ray, I'll take care of her, she's with me!" Baritonong boses ang pumukaw sa ulirat ng dalaga.
Namumungay ang mga matang binalingan naman ito ng dalaga sabay sabing, "A—anong ginagawa mo rito?"
Sa halip na sumagot, ay nakangising umupo lamang ang taong ito sa tabing upuan ni Raffaella bago sinenyasan ang bartender upang um-order.
Matapos mai-serve ang kanyang order ay kinuha nito ang sarili niyang bote, bago iniabot ang isa pang bote ng alak sa harap ni Raffaella, "Cheers!" Saad lang ng taong iyon saka sumimsim ng kanyang inumin.
*****
"Na-contact mo na ba?" Pagtatanong ni Mamu Penny.
Mariin na napapikit na lamang si Lucas, nang hindi muling sumagot sa kanyang tawag si Raffaella, "She still doesn't answer my calls, Mamu." Balisang usal ng binata bago napasuklay ng buhok gamit ang kanyang mga daliri.
Halos hindi na mapakali si Lucas simula nang tawagan siya ni Mamu Penny at tanungin siya nito kung magkasama ba sila ng dalaga. May usapan sila ni Raffaella, na susunduin niya ito pagkatapos ng class schedule nito. Ngunit ang siste, ay hindi niya naabutan ang dalaga sa eskwelahan. Ni tawag o mensahe ay wala siyang nataggap mula rito, kaya naman todo-todo na ang kanyang pag-aalala para sa kanyang kasintahan.
"Naku, ano na kayang nangyari sa alaga kong 'yon. Nag-aalala na talaga ako." Natatarantang wika ni Mamu Penny habang paroo't parito sa paglalakad.
Muli naman itong tinawagan ni Lucas, ngunit sa pagkakataong iyon ay tuluyang nang namatay ang telepono ni Raffaella, "Fūck! I can't reach her number, anymore—" Inis na anas nito bago ibinagsak ang kanyang telepono sa lamesitang gawa sa kahoy.
Dala nang matinding frustration ay isinandal na lang ni Lucas ang kanyang likuran sa sofa nila Raffaella na gawa sa kahoy. Napapikit na lang ng kanyang mga mata ang binata, at abot-abot ang kanyang pagdarasal na sana, sana ay nasa mabuti itong kalagayan.
Nasa ganoong posisyon ang binata nang marinig niyang nagsalitang muli si Mamu Penny, "Mag-report na kaya tayo sa mga pulis?" Aligagang saad nito bago tuluyang naupo na rin sa bakanteng sofa.
Itinukod na lamang ni Lucas ang mga siko sa kanyang hita bago napahilamos ng kanyang mukha, "We can't report to the Police Station, dahil wala pang 24 hours, Mamu."
"Ay shuta! Maloloka na ako kakaisip sa batang 'yon! Raffaella— nasaan ka ba?"
"Let's just hope and pray for her safety, Mamu. Raffy is a brave woman, alam kong kaya niyang alagaan ang sarili niya."
Pangungumbinsi rito ni Lucas, ngunit sa kabilang parte ng kanyang sarili ay mas katakot-takot pa ang kanyang nararamdaman para sa kalagayan ng kanyang kasintahang si Raffaella.
Balisa niyang kinuha ang kanyang telepono, at palihim na naluha nang makita ang nakangiting mukha ni Raffaella sa kanyang screen saver. Naalala ni Lucas ang araw na iyon, kung saan palihim niyang kinuhanan noon ang dalaga sa malayuan, habang abala ito sa kanyang photo shoot sa Casa Cadeña Resort.
Sariwa pa sa ala-ala ni Lucas ang araw na iyon, kung saan unang nakuha ni Raffaella ang kanyang buong atensyon. Kung saan, nasabi ng binata sa kanyang sarili na balang araw, balang araw ay tuluyan din silang mapapalapit ng dalaga sa isa't isa.
*****
Short update for tonight, Lovies! 😁😁😁
Ano nang mangyayari ngayon sa ating mga bida? Matanggap kaya ni Raffaella ang nakaraan ni Lucas, alang-alang sa kanilang pagmamahalan?
Abangan...
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro