NW Chapter: 3
Sa halip na magpahinga, ay mas minabuti ni Raffaella na mag-ikot-ikot sa Casa Cadeña. Mag-isa niyang nilibot ang nasabing Resort, dahil mas pinili ni Mamu Penny na magpahinga kesa sa gumala pa.
Tatlong araw at dalawang gabi lamang ang nakareserbang araw para manatili sina Raffaella at ang lahat ng mga modelo sa nasabing establisyamento. Kaya para sa dalaga ay wala na siyang sasayanging oras pa, para libutin ang kabuuan ng mala-paraisong lugar na iyon.
Ngayon ay naglalakad na si Raffaella sa tabing dagat. Nakasuot ang dalaga ng isang White floral-print Off Shoulder Shirred Boho Dress with Full Slit, na siyang dahilan para lumantad ang mala-kandilang hubog ng hita't binti ng dalaga.
Ipinusod din ni Raffaella ang kanyang buhok, na siyang nakapagpalabas sa mala-anghel at hugis pusong mukha nito. Para sa kanya'y napaka-sopistikada niyang tingnan sa kanyang ayos ngayon, na kahit mumurahin lamang ang presyo ng kanyang kasuotan ay maaari na rin itong maihalintulad sa magagarang damit ng mga bakasyonista roon.
Photo CTTO
Masayang namasyal si Raffaella... Abala ito sa pagkuha ng mga litrato kasama ang kanyang sarili, sa iba't ibang parte ng Casa Cadeña.
Maraming kalalakihan ang hindi mapigilang mapalingon sa angking kagandahan ng dalaga. Sana'y na si Raffaella sa ganitong sitwasyon, hindi man siya nabiyayaan ng marangyang buhay, ngunit nagpapasalamat pa rin ang dalaga dahil biniyayaan naman siya ng kaaya-ayang pigura at itsura, na talagang mahuhumaling ang sino man.
"Selfie!" masiglang sambit ng dalaga, habang malaki ang ngiti sa lente ng camera. Patuloy lamang sa kanyang paglilibot ang dalaga, na hindi man lang alintana ang matinding sikat ng araw na siyang direktang tumatama sa kanyang balat.
Nagpatuloy sa kanyang pamamasyal si Raffaella, nang biglang mapadpad ito sa isang pamilihan na nasa loob din ng nasabing resort. Habang abala ang dalaga sa pagtingin-tingin doon, ay bigla niyang nakabangga ang isang babae na hindi man lang niya napansin dahil sa sobrang pagka-abala sa pagsuyod ng mga bagay-bagay sa establisyamentong kanyang pinuntahan.
"Oops! Sorry miss..." paghinging tawad niya rito saka yumukod, tanda ng kanyang sinserong dispensa.
"The heck!" maarteng bulyaw nito, na siyang nakatawag pansin sa iba pang mamimili roon.
"I'm so sorry miss, hindi ko talaga sinasadya." hinging paumanhin pa ni Raffaella, dahil kitang-kita niya na natapon ang iniinom nitong orange juice, na siyang nagkalat sa suot nitong puting bestida.
"You stupid creature! Look what you did to my coûteux dress, namantsahan na ito ng katangahan mo! Argh!" iritableng wika pa nito, habang nakangiwi na animo'y diring-diri sa kanyang kasuotan.
Nagpanting naman ang tenga ni Raffaella sa dating nang pananalita nito. Nauunawaan niya ang sentimiento ng dalaga, ngunit para sa kanya ay hindi balidong rason iyon para kutyain nito ang kanyang pagkatao.
"Humingi na nga ako ng sorry di ba? Bakit kailangan mo pa akong insultuhin at sabihan ng masasakit na salita?!" sa puntong iyon ay bahagya nang tumaas ang boses niya, dahil sa mapang-lait na pananalita ng babaeng kaharap niya ngayon.
"Aba! Aba! Ikaw pa ang matapang ahh!" singhal nito, at walang sabi-sabing tinapon sa mukha ni Raffaella ang natitirang juice na hawak nito.
"Letse ka! Bakit mo ginawa 'yon?!" halos mapatid na ang litid ni Raffaella sa leeg, dahil sa sobrang galit niya rito.
"That serves you right, bītch! Nararapat lang 'yan sa mga taong tatanga-tangang kagaya mo!" anito bago ngumisi ng nakakaloko.
Susugurin na sana ito ni Raffaella, nang bigla niyang marinig ang isang baritonong boses ng lalaki na nagsalita sa kanyang likuran.
"Bethany!" maawtoridad na sigaw nito, kaya't sabay na napabaling dito ang dalawang dalaga.
Ang kaninang galit ay agad napawi, nang makita ni Raffaella ang pamilyar na pigura ng lalaking nakasabay niya kanina sa elevator. Ramdam ng dalaga ang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi, dahil sa dating ng pagtitig nito sa kanya.
Napansin pa niya ang mabilis na pagsilay nito sa kanyang kabuuan, bago muling ibinalik ang paningin nito sa kanyang mukha.
Naiilang si Raffaella sa presensya ng binata, kaya't walang sabi-sabing naglakad na lang siya papalayo rito.
Ngunit nang akmang lalampasan na ito ng dalaga, ay mabilis siyang hinawakan ng binata sa kaliwang braso sabay sabing, "Still in a hurry, Bella?"
Mabilis namang napakunot ang noo ng dalaga sa kanyang narinig mula rito, "Ay sir... H-hindi po Bella ang pangalan ko." pagtanggi niya, bago binawi ang kanyang braso sa pagkakahawak nito.
Sasagot pa sana ang binata nang biglang pumulupot ang dalagang si Bethany sa kanang braso nito sabay sabing, "Come on Lucas, wag mong sabihing bumaba na ang standards mo sa babae ngayon." maarteng anas nito, bago inarkuhan ng kilay ang dalaga.
Hindi na naman umalma pa si Raffaella sa mga sinabi nito, dahil iniisip niya na walang saysay pa na patulan ang mga taong mas mataas pa sa langit ang tingin sa kanilang mga sarili.
Humugot na lamang siya ng isang malalim na hininga, para pakalmahin ang kanyang sarili sabay sabing, "Excuse me po, sir." yukod niya sa binata bago tuluyang tinalikuran ang dalawa.
Nang makita ni Lucas na papalayo na ang dalaga ay agad niyang tinawag ito, "Bella, wait!" sigaw ng binata, ngunit hindi man lang nag-abalang lumingon pa ang dalaga.
Nasa ganoong sitwasyon si Lucas nang biglang magsalita si Bethany, "What was that all about?" mataray na anas nito, habang naniningkit ang mga mata dahil sa kainisan.
Walang ganang nilingon naman ito ni Lucas sabay sabing, "What?" kunot noong pagtatanong lang niya rito, bago tinanaw muli ang papalayong si Raffaella.
"Lucas!" bulyaw ni Bethany, bago pwersahang pinaharap sa kanya ang binata. "Don't turn your back on me, when I am talking to you asshōle!" hasik pa nito, na halos mangulubot na ang noo dahil sa kakunutan.
"Stop yelling at me, Bethany!" iritableng singhal ng binata. "You sounded like a jealous girlfriend, dāmn it!"
Mabilis namang natigilan ang dalaga sa sinabi nito, "I-I thought we were dating and having a good connection?"
"Well, I guess you misunderstood our relationship at the very beginning, Missy." nakakalokong saad ng binata bago pinag-krus ang kanyang mga braso.
"W-what do you mean by that, Lucas? I thought were okay... In fact, you always cuddle me after we make love." halos mag-isang linya na ang mga kilay ng dalaga, dahil sa kaganapan sa pagitan nila ng binata.
Lucas, just took a deep sarcastically heave and said, "You see Bethany, there's a difference between love and sēx. Love is an emotion experienced by the many and enjoyed by the few. In our cases, there is no love at all. It's just a plain wild sex with no strings attached. A fūcking buddies to be exact." diretsong usal ni Lucas, para paliwanagan si Bethany.
Mabilis namang nakatanggap ang binata ng isang malakas na sampal mula sa dalaga sabay sabing, "Fūck you, Lucas! If you thought this was over, you have thought wrong, dīckhead!" nanggagalaiting anas nito. "You're gonna pay for all this shīt, and I will make sure that you will suffer to death!" pagbabanta pa ni Bethany saka pwersahang itinulak ang binata, bago ito tuluyang tumakbo papalayo.
Naiwan namang mag-isa si Lucas, na hindi man lang ininda ang lakas ng sampal sa kanyang kaliwang pisngi at halatang hindi rin ito naapektuhan sa mga sinabi ng dalaga.
Sanay na si Lucas sa iba't ibang klase ng pagbabanta. Sa lahat ba naman ng kababaihang kanyang nakatalik, ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip ng binata ang magseryoso at makipag-relasyon.
Kaya naman lahat ng kababaihang kanyang dinadala sa dako pa roon, ay hindi niya pinahihintulutan na umabot pa sa pag-iibigan. Mananatili lamang sa ilalim ng kumot ang kanyang magiging relasyon sa mga ito, at wala nang mas lalalim pa roon.
He has stuck in his mind that every sēx is a game. It was a plain erotic game, na kung sinong unang ma-fall ay siya ang talo.
End game!
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro