Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 29

"Raffy— Raffy!" Isang pamilyar na boses ang pumukaw sa pandinig ni Raffaella, kaya't awtomatikong bumilis ang paghakbang ng kanyang mga paa sa paglalakad. Halos ilang hakdaw ang kanyang nagagawa sa loob lamang ng isang segundo, upang tuluyang makalayo sa pinanggagalingan ng boses na iyon.

Ngayon ay papasok na sa hallway ng A.U. ang dalaga nang biglang may humablot sa kanyang kaliwang braso, dahilan upang mapasandal ang kanyang likuran sa malamig na pader.

"B-barry—" Gulat niyang sambit sa pangalan nito at kitang-kita niya kung paano siya ikinulong ng binata sa pagitan ng mga bisig nito.

"What's all the hurry, pretty?" Nakakalokong usal ni Barry, habang hindi nawawaglit ang pagkakatitig sa dalaga.

Pigil ang hiningang nakipagtitigan naman si Raffaella rito, at hindi alam kung paano haharapin si Barry. Mabuti na lang at may propesor na dumaan sa pasilyo, kaya't mabilis napahiwalay ang binata sa pagkakasandig nito.

Akmang hahakbang na si Raffaella papalayo, ay mabilis na hinawakan ni Barry ang kamay nito sabay sabing, "Why are you avoiding me? May nagawa ba akong kasalanan sa'yo?" Seryosong saad nito sa dalaga.

"Ahh— Medyo busy lang, Barry." Kabadong saad ni Raffaella, dahil iba na ang timpla nito ngayon kumpara noong unang beses niyang nakausap ang binata.

Tumaas lang ang gilid ng labi nito, "Busy huh? Or maybe you're just avoiding me because of your boyfriend... What was his name again— Oh! Lucas?" Sarkastikong usal ni Barry, at hindi tanong ang pagkakasambit nito sa pangalan ni Lucas, kundi isang diretsong saad.

"P-paano mo nalaman ang pangalan niya?"

Sa halip na sumagot ay nginisihan lang ito ni Barry, bago isinuot ang kanyang sunglasses. Mabilis itong tumalikod sa dalaga, ngunit bago pa man tuluyang makaalis ay bintawan nito ang isang malaman na salita, "You haven't known your boyfriend yet, Raffaella Ocampo. Marami ka pang hindi nalalaman sa pagkatao ng isang Lucas Montenegro." Matapos maisambit ang mga salitang iyon ay dali-dali itong naglakad papalayo.

Nagulat si Raffaella sa sinabi ni Barry kaya't mabilis niya itong hinabol, "Barry! Wait!" Sigaw niya, ngunit mas malalaki pa rin ang hakbang na ginagawa nito kumpara sa kanya.

Mas binilisan pa ng dalaga ang kanyang pagtakbo bago niya ito tuluyang naabutan. Maagap niyang hinablot ang braso nito saka ipinaharap sa kanya, "Anong ibig mong sabihin na hindi ko alam tungkol kay Lucas? At— At p-paano mo siya nakilala?" Pursigido niyang wika, habang nagtatanong ang mga mata.

Binalingan naman siya ni Barry sabay sabing, "Sumipot ka sa photo shoot, and you will know everything. Lahat-lahat ng dapat mong malaman tungkol sa boyfriend mo. Ewan ko na lang kung masikmura mo pa siya, pagkatapos mong malaman ang totoong katauhan ni Lucas." Makahulugang usal lang nito.

Mapang-usisang tingin lamang ang isinukli ni Raffaella sa mga sinabi ng binata. Hindi niya kasi alam kung ano pa bang mga bagay ang hindi niya nalalaman tungkol kay Lucas.

Nasa malalim na pag-iisip ang dalaga nang biglang magsalitang muli si Barry, "Hold your thoughts, Raffy." Sarkastikong saad lang ng binata bago tuluyang iniwan ang dalaga sa kinatatayuan nito.

Naiwan namang tulala si Raffaella sa gitna ng Aston University. Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lang siya nabahala sa sinabi ni Barry tungkol sa kanyang kasintahang si Lucas. Ano nga ba ang bagay na hindi pa niya nalalaman tungkol sa binata, bukod sa pagiging suplado at babaero nito noon? Tama nga ba na magpadala siya sa sinasabi ni Barry, gayong hindi naman niya ito ganoon kakilala? Tama ba na pagdudahan niya si Lucas, laban sa mga salitang walang katiyakan? Hindi ba nagiging unfair siya kay Lucas, para husgahan ito nang hindi nalalaman ang buong katotohanan at walang kalaban-laban?

"Lucas..." Mahinang sambit ni Raffaella sa hangin.


*****

WARNING:
The next scene is not suitable for young Readers. It contains matured content such as strong languages and sexual scenes. (R-18)
Read at your own risks!

*****


"Hey... Are you okay?" Pukaw ni Lucas sa atensyon ng dalaga. "You look bothered." Dagdag pa niya saka hinaplos ang kaliwang pisngi nito.

Hinawakan naman pabalik ni Raffaella ang kamay nito na humahaplos sa kanyang pisngi sabay sabing, "I-I'm fine, Mi Lucas— Marami lang talagang ginagawa sa school." Sagot niya rito habang nakatuon ang atensyon sa magazine na kanyang binabasa.

Ngayon ay nasa loob ng opisina ang magkasintahan, dahil naisip ni Lucas na papuntahin si Raffaella roon pagkatapos ng class schedule nito sa eskwelahan.

"Okay... Just take a load off, Mi Bella. Masyado nang loaded ang isip mo," Ani Lucas bago tumayo sa likod ng dalaga. "Take some rest, first. Ako nang bahala sa'yo." Anito bago minasahe ang batok ng kanyang kasintahan.

Nakaramdam nang kakaibang kaginhawaan si Raffaella, nang magsimulang hagurin ni Lucas ang kanyang batok. Masarap na masahe ang pinapamalas nito sa kanya, kaya't hindi maiwasan ng dalaga na magpakawala ng isang masarap na ungol, "Hmmm..."

Sinamantala naman ni Lucas ang pagkakataon na iyon, upang mas pagbutihan pa ang kanyang ginagawa. Isa ito sa talento ng binata kung bakit tila nababaliw ang mga kababaihan sa kanya. Sa pamamagitan ng kanyang masuyong paghagod, ay kayang-kaya ni Lucas na dalhin ang sinumang kababaihan sa sensasyong hindi nila kayang pigilan.

Sa kabila ng kanyang iniisip ay tila nawala sa sarili niyang katinuan si Raffaella. Parang kung may ano ang mga kamay ni Lucas na masarap kung kumarinyo, at siyang kumikiliti sa kanyang kaibuturan.

Nagpatuloy sa kanyang pagmasahe si Lucas, hanggang tumambad sa kanyang harapan ang perpektong hugis ng leeg ng kanyang kasintahan. Hindi mawari ng binata kung ano ang nagtulak sa kanya, upang dahan-dahan dampian ng magaan na halik ang balat nito.

"L-lucas..."

Isang masarap na ungol ang pinakawalan ni Raffaella, kaya't mas ginanahan naman ang binata na iwanan nang bakas ang nanghahalinang leeg nito patungo sa punong tenga ng dalaga. Mabilis niyang ipinihit ang sarili sa harapan nito, bago binuhat sa ibabaw ng kanyang office table at tuluyang sinunggaban nang mapusok na halik sa labi ang nakapikit na si Raffaella.

Malugod nilang pinagsaluhan ang tamis ng bawat isa. Bawat halik ni Lucas ay tinutugunan naman ito ng dalaga sa parehong intensidad. Nang tuluyan silang kapusin ng hininga, ay bumabang muli ang mga halik ng binata patungo sa leeg ng kanyang kasintahan. Bahagyang sinipsip ni Lucas ang isang parte ng leeg nito, na siyang dahilan upang mag-iwan ito nang pulang marka.

Dahil sa suot na paldang uniporme ay malayang naikulong ni Raffaella ang binata sa pagitan ng kanyang mga hita. Pinaglingkis niya ang kanyang mga binti pantay sa balakang nito upang mas mapalapit pa ang binata sa kanyang katawan.

Sa sobrang sarap na kanilang nararamdaman ay hindi na napigilan ni Lucas na unti-unting buksan ang butones ng suot nitong puting uniporme. Matagumpay niya itong natanggal at tumambad sa kanyang harapan, ang suot nitong kulay kremang saplot. Sabik na sabik na sinunggabang muli ni Lucas ng halik ang dalaga sa labi nito patungo sa punong tenga.

"L-lucas..." Ungot ni Raffaella nang maramdaman ang mainit na palad nito, na biglang dumampi sa kanyang kaliwang dibdib. Ramdam ng dalaga na bahagyang nilaro ni Lucas ang tuktok ng kanyang bulubundukin, na siyang nagbigay nang kakaibang init sa buo niyang sistema.

Nasa ganoong kasarapan ang magkasintahan, nang biglang marinig nila ang tunog ng intercom. Sa una ay binalewala lamang ni Lucas ang istorbong tawag mula sa telepono, at nagpatuloy lamang ito sa kanilang ginagawa.

Walang humpay sa pagtunong ang telepono, kaya't si Raffaella na ang kusang humiwalay sa kanilang mga halik, "L-lucas... Sagutin mo na 'yung telepono, baka importante." Aniya sa pagitan ng kanilang mga halik.

"Just ignore it, Mi Bella..." Namamaos na usal nito habang patuloy sa kanilang mga halik. Nang magsawa ito sa labi ng dalaga, ay bumabang muli ang halik ni Lucas patungo sa dibdib ng kanyang kasintahan.

Nang akmang kakalasin na ni Lucas ang kanyang saplot, ay mabilis itong pinigilan ni Raffaella saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata upang pagpantayin ang kanilang mga paningin, "Awat na Mi Lucas— M-may next time pa naman." Nakangiti niyang saad, habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang kasintahan.

Hirap ang kaloobang pinagdikit na lang ni Lucas ang kanilang mga noo sabay sabing, "Even if I really wanted to be inside between those thighs, I will prevent myself to touch you, because obviously this quarter wasn't soundproof," Natatawang saad ni Lucas sa kanyang kasintahan. "I want our first time to be memorable, steamy wild, and stormy. So, brace yourself for that moment Mi Bella. Dahil ang pag-ihi lang ang magiging pahinga mo." Dagdag pa nito bago muling sinunggaban ng halik ang dalaga.

Mabilis namang itong inawat ni Raffaella, "Oo na, oo na— Sisiguraduhin kong kakain ako ng maraming-maraming balot sa araw na iyon, para makita natin kung sinong susuko sa ating dalawa." Matapos noon ay nagpakawala ng isang malakas na halakhak ang dalaga habang ibinobotones ang kanyang uniporme.

Inalalayan naman ito ni Lucas na makababa mula sa pagkakapatong sa office table. At maagap na hinablot ang bewang ng dalaga bago ito ikinandong sa kanyang pagkakaupo sa swivel chair, "I love you, Mi Bella.." Malambig na usal niya rito.

"I love you too, Mi Lucas."

Matapos noon ay tuluyan nang sinagot ng binata ang tawag sa telepono, habang nakakandong sa kanyang mga hita ang dalaga.



*****


No comment! 🙈🙈🙈


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro