NW Chapter: 23
Ngayon ay nakatanaw sa veranda ng mansion ng pamilya Montenegro ang dalagang si Raffaella. Hinihintay ang pagbabalik ni Lucas, dahil sandali itong nagpaalam para sunduin ang kanyang Ina sa silid nito.
Halos hindi na mapakali ang kasulok-sulukan ng buong katawan ng dalaga, dahil sa tens'yon na bumabalot ngayon sa kanyang sistema. Matapos kasi sa kanilang mapupusok na halik, ay biglang nagkaroon ng pader sa pagitang nila ni Lucas kaya't ang kanilang pagsasamahan na kanina'y maayos ay biglang nagkaroon ng balakid at ilangan.
Sandaling ipinikit ni Raffaella ang kanyang mga mata para pahupain ang kanyang kaba, "Chillax ka lang, Raffy. Masyado nang loaded ang utak mo, kaya chill-chill lang pag may time." pang-aalo niyang sambit sa kanyang sarili.
Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang bigla niyang marinig ang yabag ng mga paa na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Dagling iminulat ni Raffaella ang kanyang mga mata at mabilis napalingon sa kung saan narinig ang ingay kanina.
Nakita niya ang nakangiting si Lucas at ang isang ginang na papalapit sa kanyang kinauupuan. Mabilis napatayo si Raffaella sa kanyang pagkakaupo para salubungin ang mga ito.
"Mom, I would like you to meet Raffy, my friend..." bungad ng binata habang akay-akay ang kanyang Ina.
Nagulat si Raffaella nang marinig ang paraan ng pagpapakilala ni Lucas sa kanya, bilang isang kaibigan. Sa isang iglap ay naramdaman niya ang biglaang panlalamig ng kanyang mga kamay, paakyat sa kanyang punong tenga.
Imbis na umalma ay inisantabi na lamang ni Raffaella ang bagay na iyon bago binalingan ang ginang, "G-good afternoon po, Madam..." magiliw niyang saad dito, saka mabilis na yumukod bilang paggalang.
Nakita ni Raffaella na ngumiti lamang ito, ngunit hindi nakatakas sa kanyang paningin ang lungkot na ipinapahiwatig ng mga mata ng ginang.
"Good afternoon..." sagot lang nito.
Inalalayan naman ni Lucas ang kanyang Ina para maupo sa isang wooden chair na nakahanay doon, bago naupo sa tabi ni Raffaella, "Mom, did you know that Raffy likes your Seafood Marinara specialty?"
"Really?" sagot lang ni Matilde saka binalingan ng tingin ang dalaga. "Would you like me to teach you, kung paano lutuin ang paborito ni Lucas, hija?" masiglang saad pa nito.
Alanganing napatingin naman si Raffaella sa kinauupuan ni Lucas at nakita niya na bahagyang tumango lang ito, na parang sinasabing pagbigyan na lamang ang kagustuhan ng kanyang Ina.
Nakangiting binalingan naman ng dalaga ang ginang sabay sabing, "Oo naman po, Madam... Gusto ko rin pong matuto ng mga shalang pagkain gaya ng niluluto niyo po." kwela niyang sambit dito saka matamis na ngumiti para saklolohan ang naghuhurumentado niyang kalooban.
"Great!" masiglang wika ni Mommy Em bago dali-daling tumayo sa kanyang pagkakaupo. "Son, hihiramin ko muna itong kaibigan mo. Just stay right there, and please... No cellphone muna dahil minsan mo lang ako dalawin dito." usal nito bago inaya si Raffaella papunta sa kitchen.
Sandaling nilingon ni Raffaella si Lucas at nakita niya na isinambit lang ng labi nito ang katagang, "Thank you..." Nginitian lang niya ang binata bago ito tinanguan, na sa pamamagitan ng mga tangong iyon ay gusto niyang iparating ang kagustuhan niya na mapasaya ang ginang.
Mabilis na naghanda sina Mommy Em at Raffaella ng mga sangkap para sa putaheng kanilang lulutuin.
Ngayon ay tahimik na naghihiwa ng kamatis si Raffaella. Bukod kasi sa presensiya ng ginang, ay hindi mawaglit sa isipan ng dalaga ang bagay na talagang nagpamukha sa kanya ng buong katotohanan.
"Kaibigan..." mahina niyang sambit sa hangin at hindi na naiwasang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman.
Nasa ganoong sitwasyon si Raffaella nang magsalita si Mommy Em, "Hija, is there a problem?" pagtatanong nito saka hinawakan ang kamay ng dalaga.
Mabilis namang napailing si Raffaella sabay sabing, "O-okay lang po ako, Madam." aniya saka ngumiti ng alanganin.
"Alam mo Raffy kapag tinatanong ako ng mga anak ko, kung ayos lang ako... That's the same way I always answer them, sinasabi kong okay ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga." mapaklang bulalas ni Matilde.
Nagulat si Raffaella sa sinabi nito ngunit hindi niya ito ipinahalata, "Ahh... Okay lang po talaga ako, Madam. Promise." pa-cool niyang wika, at sa puntong iyon ay nagsisimula nang pagpawisan ang kasulok-sulukan ng kanyang katawan, dahil sa pakiramdam na para siyang ginigisa sa sarili niyang kasinungalingan.
Nakita pa ni Raffaella na mataman siyang tinitigan ng ginang, na animo'y ini-estima kung nagsasabi ba siya ng katotohanan. Kaya't para mabawasan ang tens'yon na kanyang nararamdaman ay walang sabi-sabing napainom na lamang ang dalaga ng tubig.
Makalipas lamang ang ilang segundo ay nagkibit-balikat lamang si Matilde sabay sabing, "I understand... But, I want you to know that I liked you for my son, Lucas..." walang prenong saad nito.
Mabilis namang nasamid si Raffaella sa sinabi ng ginang, kaya't hindi na niya naiwasang magpakalawa ng sunod-sunod na pag-ubo.
"Hija... Are you alright?" nag-aalalang sambit ni Matilde bago hinimas ang likuran ng dalaga.
Ilang pagkahol pa ang ginawa ni Raffaella bago tuluyang humupa ang kanyang pagkasamid. Dahan-dahan niyang nilingon ang Ina ni Lucas sabay sabing, "Hindi po talaga ako okay, Madam..." aniya saka ngumuso, dahilan para magpakawala ng isang malakas na halakhak si Matilde.
Napangiti na rin si Raffaella sa saya na nakikita niya mula sa ginang. Ang kaninang lungkot na kanyang nabungaran, ay unti-unting naglaho na parang bula at aakalain mo na wala itong dinadala na mabigat na problema.
"Just spill it out, hija... Baka matulungan kita sa problema mo."
"Haaayyy..." hinagpis ni Raffaella. "Na-friendzone lang ako ng anak niyong si Lucas, Madam. Alam niyo po 'yung feeling, na akala mo merong kayo. Pero ang masaklap po roon ay wala naman talaga, masyado lang akong assumera at nag-feeling jowa." walang prenong saad ng dalaga rito.
Ngumiti lamang si Matilde sa mga sinabi ni Raffaella, "It's really hard being on that kind of situation, hija. But... But I know that Lucas likes you."
"P-po?"
"My son likes you..." panimula nito. "I saw it in his eyes that he had a thing for you."
"T-talaga po, Madam?" hindi makapaniwalang wika ni Raffaella at doon na tuluyang natuon ang kanyang atensyon.
"Yes... Bukod sa nakikita kong saya sa itsura ng aking anak. Ito ang unang pagkakataon, na nagdala siya ng kaibigang babae rito." makahulugang sambit nito habang abala sa paghahanda ng kanilang lulutuin.
Sa puntong iyon ay biglang kumabog nang husto ang dibdib ni Raffaella, "S-seryoso po kayo, Madam? May gusto po sa akin si Lucas?" nagniningning ang mga matang turan niya rito.
Nakangiting tumango naman si Matilde, tanda ng kanyang pagsang-ayon sa sinabi ng dalaga.
"Oh my veggies!" pigil na sigaw ni Raffaella. "Madam, 'wag niyo po akong paasahin. Masyado na po akong nagiging assumera't feelingera." apila niya, ngunit hindi naman maalis ang kakiligan sa itsura't ipinapakita nito ngayon.
"Deadly serious, hija..." anito bago hinawakan ang kamay ng dalaga. "Kaya sana, patuloy mong pasayahin ang anak ko. Just promise me that you will never leave him, even though sometimes I know that he's too bossy and such an arrogant man. I want my son to be happy, masaya kasama ang taong gusto niya." sinserong sambit ni Matilde.
Hinawakan naman pabalik ni Raffaella ang kamay nito sabay sabing, "Makakaasa po kayo, Madam. Makakaasa po kayo na patuloy kong papasayahin si Lucas. Hindi lang po siya sasaya sa piling ko, mixed emotion po ang ipaparanas ko sa kanya. Papaamuhin ko po 'yan anak niyo, promise!" aniya saka ngumisi ng pagkalaki-laki.
"Thank you, hija..." sagot naman ni Matilde.
Sasagot pa sana ang dalaga nang biglang bumungad sa kanyang likuran si Lucas, "What's up, ladies..." nakangiting saad nito saka inakbayan si Raffaella na nakaupo sa kitchen stool na yari sa kahoy.
"We're just talking about you..." ani Matilde.
"Really?" natatawang saad ni Lucas bago nilingon si Raffaella.
Tumingin naman ito sa binata sabay sabing, "Ahh... Wala naman, nagkwentuhan lang kami ni Madam kung saan tayo nagkakilala." nakangiwing sambit ng dalaga saka palihim na kinindatan si Matilde.
"Hahaha! So, you already told Mom kung paano mo ako kinuhanan ng picture sa elevator?" mapangbuskang usal ni Lucas dito.
Dahil sa nakaakbay sa kanya si Lucas ay mabilis itong nasiko ni Raffaella sa tagiliran sabay sabing, "Wag kang feeling ahh..." nahihiya niyang sambit, saka nginitian ang ginang.
"Well, that's interesting... Tell me more about it, please." interesadong saad ni Matilde sa dalawa.
Ikinuwento nina Lucas at Raffaella ang kanilang unang pagtatagpo sa Casa Cadeña Resort, kung saan nagsimula't nabuo ang unti-unti nilang lumalalim na relasyon.
*****
Gabi na nang tuluyang mapagpasiyahan nina Lucas at Raffaella na umuwi sa Maynila. Tuwang-tuwa si Mommy Em sa presensiya ng dalaga, kaya't nais nitomg paunlakang muli si Raffaella para bumisita sa mansion ng mga Montenegro.
"Mom likes you..." usal ni Lucas habang nakatuon ang kanyang atesyon diretso sa kalsadang kanilang tinatahak.
Nakangiting binalingan naman ito ni Raffaella sabay sabing, "Ang cool nga ng Mommy mo eh." aniya saka dumungaw muli sa labas ng bintana ng sasakyan.
"This is the first time that I saw Mommy Em smiling her out again. Thank you, Raffy." pasasalamat ni Lucas bago mabilis na hinawakan ang malayang kamay ng dalaga na nakapatong sa hita nito.
Dagli namang napalingon si Raffaella sa kanilang mga kamay, bago niya ito tuluyang pinagsaklob, "Wala 'yon, thank you rin dahil ipinakilala mo ako sa Mommy mo. Malaking bagay na sa akin 'yon Lucas," makahulugang sambit ng dalaga bago umiwas ng tingin. "Ako lang naman ang mahina sayo eh." pabulong niyang sambit sa hangin para mailabas ang kanyang kinikimkim.
"What was that?" biglang sambit ng binata kaya't tuluyan na itong hinarap ni Raffaella.
"Ang sabi ko ganyan ka kalakas sa akin, ako lang naman ang hindi malakas pagdating sayo." diretso niyang anas dito.
"That's not true, malakas ka rin naman sa akin."
Napakunot naman ang noo ni Raffaella sa sinabi nito, "Paano mo naman nasabi? Eh ako lang naman ang super effort sa ating dalawa ahh."
"You still don't know such thing, Raffy."
"Edi ipaalam mo sa akin, para malaman ko. Ang hirap kasi sayo, masyado kang aloof!" anas ni Raffaella bago napairap sa kawalan.
Hindi naman sumagot si Lucas, kaya't nagsalitang muli ang dalaga, "Ay, oo nga pala... Sino nga ba naman ako sayo. Pasensya ka na kung masyado kitang pinupwersa sa bagay na hindi naman nagma-matter sayo." anito at nagmadaling binawi ang kanyang kamay dito.
Mabilis pinagkrus ni Raffaella ang kanyang mga braso bago dumungaw sa bintana.
"Dāmn... This is the reason why I don't want to commit in a serious relationship." matigas na usal ni Lucas, na hindi man lang kakikitaan ng pagsisisi nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
"Edi okay! Madali akong maka-gets, kaya hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin na hindi mo ako gusto!" bahagyang tumaas na rin ang boses ni Raffaella dahil sa mas gumugulo pa nilang sitwasyon ng binata.
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa dalawa. Wala ni isa ang gustong magpakumbaba upang mapag-usapan ang simpleng bagay na kanilang hindi napagkaunawaan.
Dumaan ang ilang oras nang tuluyang narating nina Lucas at Raffaella ang tapat ng tahanan ng dalaga. Wala pang ilang minuto nang pagkakahinto ay mabilis na bumaba ng sasakyan si Raffaella, bago nagmamadaling kunin ang kanyang mga gamit sa likod ng kotse ng binata.
"Raffy..." ani Lucas. "Let's talk..." kasabay nang kanyang pagsambit ng huling salitang iyon, ay siya namang hudyat nang malakas na pagsara ng pintuan ng kanyang sasakyan. Hindi na muling lumingon pa ang dalaga, kaya't bagsak ang balikat na inihatid na lamang ni Lucas ito gamit ang kanyang paningin.
Nang makitang tuluyan nang nakapasok sa loob si Raffaella, ay nagpasiya si Lucas na lisanin ang lugar na iyon. Bitbit ang mabigat na kalooban at kabiguan na maayos ang gusot at mababaw nilang pinagtalunan.
*****
Awww-- First Argue ng Team RAFCAS. 😅
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro