NW Chapter: 2
Nagising ang diwa ni Raffaella, nang maamoy nito ang halimuyak ng kanyang paboritong garlic longganisa. Mumukat-mukat itong bumangon sa kanyang kama, bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.
"Morning, Mamu." bati niya kay Mamu Penny, habang nakapikit pa ang kanang mata dahil sa kaantukan.
"Morning... Maupo ka na d'yan, nak. Patapos na rin ako rito." ani Mamu Penny, na ngayon ay abala sa pagpi-prito ng kanilang umagahan.
"Ang bango naman niyan, Mamu. Tiyak na happy tummy na naman itong sikmura ko." masiglang saad ni Raffaella bago tuluyang naupo sa hapag-kainan.
"Namern! Oh siya kunin mo 'yung detox drink na ginawa ko kagabi, unahin mo nang inumin iyon bago ka mag-agahan." wika ni Mamu Penny bago tuluyang hinango ang kanyang mga niluluto.
"Oh, mukang napuyat ka na naman. May bilbil na 'yung mga mata mo ohh." napapailing na saad ni Mamu Penny bago naupo sa hapag-kainan.
"Si Mamu talaga, kung makabilbil naman." apila ng dalaga bago nagsalin ng kanilang inumin.
Umirap lang ito sa kawalan, "Oo! Bilbil sa mata ang itatawag ko d'yan, dahil malayo na sa eyebags 'yang itsura ng mata mo. Muka nang bilbil sa sobrang bintog."
"Mamu..." nakangusong saad ni Raffaella bago sumubo ng sinangag.
"Mamu..." panggagaya pa ni Mamu Penny sa kaartehan ng dalaga. "Mamu ka d'yan! Palibasa asa ka sa concealer kaya ayaw ka paawat sa pagpupuyat mo eh."
"Sorry na po, Mamu... Labyow!" ngingisi-ngising saad ni Raffaella, bago tuluyang nilantaka ang kanyang paboritong umagahan.
"Puro ka talaga biro," napapailing na turan ni Mamu Penny. "Wag ka masyadong magpaka-bundat, baka naman dumila 'yung tiyan mo mamaya sa photoshoot. Magtu-two piece pa naman kayo."
"Awww! Kung kailan paborito ko pa ang almusal." pagmamaktol ng dalaga, bago napa-nguso sa sobrang kadismayaan.
"Sinadya ko talagang lutuin ang paborito mo ngayon, para makita ko kung paano mo aalagaan ang sarili mo kapag wala na ako."
Mabilis namang itinuktok ni Raffaella ang kanyang kamao, sa lamesang yari sa kahoy sabay sabing, "Si Mamu talaga... Wag nga po kayong nagsasalita ng ganyan, hindi po magandang biro 'yan."
"Raffy... Hindi habang buhay makakasama mo ako. Kaya nga tinuturuan na kita ng mga bagay-bagay, para kapag dumating 'yung araw na 'wag naman, atleast marunong ka na sa buhay." pangaral nito sa dalaga.
"Mamu, hindi ka po mawawala. Malakas kaya ako kay lord." saad ni Raffaella bago ito kinindatan.
"Puro ka talaga kalokohan... Sige na, pagkatapos mong kumain mag-ayos ka na ng sarili mo. Sa Batangas pa punta natin mamaya."
"Okiedokie Mamu Pens..." nakangiting saad ng dalaga bago nagpatuloy sa kanyang kinakain.
*****
"Wow Mamu! Ang ganda naman ng Casa Cadeña." masiglang saad ni Raffella habang nakadungaw sa bintana ng bus.
Kitang-kita ng dalaga ang kabuuan ng nasabing Resort sa malayuan. Ang alon nito na hile-hilera kung rumagasa sa dalampasigan, na kahit sa malayuan ay masasabi mong malinaw ang dagat dahil sa mapuputi nitong mga alon.
Ilang minuto lang ang lumipas nang tuluyan nang marating nina Mamu Penny at Raffaella ang nasabing Resort. Excited na tumakbo ang dalaga papasok sa malaking gate na kulay itim, na hinaluan ng gintong pintura para sa mga disenyo nito.
"Grabe... Parang paraiso rito, Mamu." namamaghang sambit ni Raffaella habang abala sa pagsipat ng kapaligiran.
"Hoy Raffy, dito na tayo..." maagap na saad ni Mamu Penny, dahil nalampasan na ng dalaga ang guest lounge ng nasabing resort.
Mabilis na nag-check-in ang dalawa bago tinungo ang elevator. Ilang minuto lamang ang kanilang pinaghintay, nang tuluyan na silang makasakay ng lift.
Abala sa pagkuha ng litrato ng kanyang sarili si Raffaella, nang biglang bumukas sa ika-apat na palapag ang elevator.
Mabilis naman niyang naibaba ang kanyang telepono, nang bumungad sa kanila ang isang matipunong lalaki, na ngayon ay kakapasok lang ng lift.
Kitang-kita ng dalaga ang pagkalukot ng mukha nito, na kahit sinong pintor ay hindi kakayaning ipinta ang itsura nito ngayon. Isama mo pa ang pag-iisa ng makakapal na kilay nito, na animo'y naging isang linya sa sobrang kakunutan.
Ngunit para sa paningin ni Raffaella, ay hindi naman nakabawas iyon sa angking ka-gwapuhan ng binata.
Photo CTTO
May kausap ito sa telepono kaya't malayang-malaya si Raffaella na pagmasdan ito, sa makinis na metal na nagsisilbing salamin sa kabuuan ng apat na sulok ng elevator.
Dala ng kanyang kapilyahan ay mabilis itinutok ng dalaga ang kanyang telepono sa harapan, at pasimpleng sinipat ang mukha ng binata gamit ang lente ng kanyang camera.
Nang makitang maayos na ang pagkakatutok ng lente rito ay mabilis niyang kinuhanan ng litrato ang binata. Ngunit namilog ang kanyang mga mata nang biglang mag-flash ang kanyang telepono, na siyang dahilan para balingan siya ng tingin nito.
"Hold on a sec..." rinig ni Raffaella na usal ng binata sa kausap nito at segundo lamang ang lumipas nang makita niyang nilingon siya nito.
Mabilis naman nagkunwari ang dalaga na abala sa kanyang telepono, ngunit ang kanyang peripheral vision ay alerto naman sa paggalaw ng binata.
Lalapitan na sana siya nito ngunit agad bumukas ang elevator sa ika-pitong palapag, tanda ng kanilang palabas sa nasabing lift, "Tara na po Mamu..." aniya bago hinila si Mamu Penny.
Nang akmang dadaanan na ni Raffaella ang binata, ay agad niya itong nginitian ng alanganin bago nag-peace sign pa rito. Mabilis ang pangyayari kaya't dali-daling lumabas ang dalawa sa elevator.
"Miss... Wait!" rinig pa nilang sigaw ng binata, ngunit hindi na ito binalingan pa ng dalaga at nagpatuloy na lamang sa kanilang paglalakad patungo sa kanilang naka-reserbang silid.
"Teka nga Raffy! Ano ba!" angil ni Mamu Penny, dahil sa ginagawang paghatak sa kanya ng dalaga.
"Mamu, mamaya ka na po magreklamo... Baka nandyan si Kuyang Pogi, malintikan pa ako." nakangiwing wika ng dalaga habang patuloy sa kanyang paglalakad ng matulin.
Mabilis namang hinila ni Mamu Penny ang ilang hibla ng buhok ni Raffaella sabay sabing, "Yan... Yan ang napapala ng kaharutan mo, akala mo siguro hindi ko alam na kinuhanan mo ng picture 'yung pogi sa elevator noh?"
"Mamu naman eh..." pagmamaktol nito bago tumigil sa paglalakad. "Ang gwapo kasi ni Kyah, kaya hindi ko napigilang kuhanan ng picture. Letsugas naman kasi itong cellphone ko sira na naman 'yung flash indicator."
"Walanjo! Pasalamat ka bumukas agad 'yung elevator kanina, kung hindi mukang makakatikim ka ng sermon sa lalaking 'yon. Istrikto ang datingan eh, mukang hindi nga marunong ngumiti. Natakot din tuloy ang beauty ko."
Bigla namang ngumisi ng pagkalaki-laki si Raffaella, na siyang kina-kunot ng noo ni Mamu Penny, "Anong meron sa ngiting 'yan?" pagtatanong nito sa kalokohan ng dalaga.
Mabilis namang ipinakita ni Raffaella ang kanyang telepono rito sabay sabing, "Ta-daa! Nakuhanan ko siya! Yieee!" kinikilig na sambit ng dalaga at nagpapa-padyak pa sa sobrang katuwaan.
"Loka-loka ka talaga... Tara na nga nang makapag-pahinga sandali, bago tayo sumabak mamaya sa magdamagang photoshoot." napapailing na saad ni Mamu Penny, bago nagpati-una sa paglalakad papunta sa kanilang silid.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro