Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 18

RAFFAELLA's POV:


Ilang beses nanunumbalik sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung tama ba na nagpadala ako sa mga halik ni Lucas, gayong wala naman akong pinanghahawakan na kahit anong bagay na magsasabing akin siya.

Bakit sa part ko, sigurado akong siya lang ang nagmamay-ari sa kagandahan ko at wala nang iba pang eeksena. Natatakot tuloy akong malaman na baka isa lang ako sa mga hilera ng mga babaeng pinaglalaruan niya.

Haaayyy... Bakit ba kasi nakakadala ang mga salitang binibitawan ni Lucas, at higit sa lahat bakit kasi ang sarap niyang humalik? Hindi tuloy ako nakapag-isip kagabi at basta na lang napatango't napasunod sa kagustuhan niya, na parang isang alagang asong sunod agad sa isang utos nang amo niya.

Ngunit sa totoo lang may parte rin sa aking kaloob-looban ang nagsasabing tama ang aking naging desisyon na maging pag-aari ni Lucas.

Aarte pa ba ako mga ateng? Fafables na magpapakipot ka pa ba, ayokong magpaka-plastik na sasabihin kong hindi ko ginusto ang mga nangyari sa pagitan namin. Dahil simula't sapul pa lang nang makita ko si Lucas sa Casa Cadeña Resort ay very vocal na ako sa pagsasabing attracted talaga ako sa kanya.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang kalabitin ako ni Mamu Penny, "Nak, bakit mukang problemado tayo d'yan?" bungad nito sa akin bago naupo sa tabi kong upuang kahoy na nakahanay sa bintana.

Sandali akong nag-isip kung sasabihin ko ba kay Mamu Penny ang tungkol sa amin ni Lucas, "Ahh... Ano po kasi..." nahihiya kong turan sa kanya. "N-nagpunta po rito kagabi si... Si sir Lucas."

"Talaga? Akala ko ba nasa Bataan siya?" walang muwang na saad lang niya, bago kinuha ang hawak kong boy bawang.

Mabilis kong iniayos ang aking pagkakaupo saka ko siya hinarap, "Biglaan pong nagpunta rito Mamu, gusto raw po akong makita." ani ko bago napayuko.

Ramdam ko na nakatingin lang sa akin si Mamu Penny na parang kinakarkula ang bawat galaw ko, "O 'yun naman pala eh. Anong kinakabusangot ng mukha mo d'yan?" kunot noong tanong nito habang ngumunguya ng kornik.

Sandali ko siyang tiningnan, "M-mamu... Kasi po..." hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lampungan na ginawa namin kagabi. Para kasing nakakahiya.

"Kasi ano?" tanong lang nito at napansin ko na mas tumutok tuloy ang atensyon niya sa akin.

Daglian kong hinablot ang kornik na hawak niya saka inisahang subo ang natitirang laman noon sabay sabing, "Mamunagkisspokami..." diretso kong turan sa kanya habang punong-puno ng kornik ang bunganga ko.

Bigla itong natigilan sa aking sinabi, hindi ko tuloy alam kung narinig nga ba niya ang sinabi ko o sadyang pilit lang niyang iniintindi ang ibinulalas ko.

Ilang segundo pa ang lumipas nang makita kong nanlaki ang kanyang mga mata, "Shuta ka! Naglaplapan kayo?!" gulat na bulyaw nito sa akin.

Bigla naman akong naubo sa walang prenong tirada ni Mamu Penny, ang siste ay literal na nabuga ko ang mga kornik na natitira sa bunganga ko. Mabilis niya akong inabutan ng tubig at nang tuluyan kong maubos ang laman ng baso ay napakagat na lang ako ng aking ibabang labi.

"Hindi nga... Nag-kiss kayo ni sir Lucas?" curious na tanong nito sa akin, habang tutok na tutok ang buong atensyon niya sa mukha ko.

"Opo..." nakayuko kong sambit dito.

"Shutabells ang harot mo!" kinikilig na wika nito with matching yugyog factor pa. "Anong klaseng kiss? Mild, Neutral o 'yung pinakamasarap sa lahat na French kiss?" nakangising wika pa niya.

Hindi ko tuloy napigilang magpakawala ng isang malakas na halakhak dahil sa itsura ni Mamu Penny na sabik na sabik sa kanyang pang-uusisa, "Hahaha! Kaloka ka Mamu, gusto talagang idetalye ko pa?"

"Aba oo naman, arte nito," sagot niya bago nag-indian seat. "As in, in relationship na ang status niyo ni sir Lucas ngayon?" nagniningning ang mga matang saad pa ni Mamu Penny.

Natigilan naman ako sa sinabi nito. Hindi kasi malinaw ang naging agreement namin tungkol sa totoong status ng relationship namin ni Lucas kagabi. Mas nauna kasi ang sensasyon sa pagitan namin kesa sa lebel ng relationship namin.

"H-hindi ko po alam Mamu... Basta ang sabi niya pag-aari na raw niya ako, hindi ko naman po naitanong kung pag-aari as in girlfriend o pag-aari na fling lang..."

Sa huling mga salita na sinabi ko ay para akong natauhan. Ano nga ba ang status namin ni Lucas, in relationship ba o flirt-flirt lang? Hindi ko naisip 'yon kagabi, masyado kasi akong nadala sa mga halik niya. Haaayyyy...

Naramdaman ko na lang na tinapik ni Mamu Penny ang kaliwang balikat ko sabay sabing, "Linawin mo na ang totoong namamagitan sa inyo habang maaga pa, Raffy. Mahirap mahulog nang taliwas pala ang pagkakaintindi niyo sa relasyon na meron kayo." makahulugang sambit nito bago tuluyang nagpunta sa kusina.

Naiwan akong tulala at naging pala-isipan ang bagay na biglang gumulo sa aking buhay. Ano nga ba kami ni Lucas? Hindi naman niya ako tinanong ni sinabihan kung gusto ko ba siyang maging boyfriend, basta ang sabi lang niya ay gusto niyang iparamdam namin sa isa't isa ang bugso nang aming mga damdamin.

Pero anong klaseng relasyon ang meron kami ngayon? Letsugas! Bigla naman akong naguluhan sa sitwasyon ko ngayon, sing lakas nang sampal ng isang kontrabida sa pelikula ang nagpamuka sa akin na dapat ko siyang tanungin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-aaring tinutukoy niya.

"Pag-aari? As in pag-aari lang ba at hindi girlfriend?" naguguluhang tanong ko sa hangin bago nagpakawala ng isang mahinagpis na buntong-hininga.

"Itext ko kaya siya?" biglang suhestiyon ng isang parte sa aking isipan.

Simula kasi nang umalis si Lucas kagabi ay wala na itong paramdam pa gaya nang palagian niyang pagpapadala ng mensahe sa akin. Ang weird lang dahil unti-unti nang nagsi-sink in sa utak ko ang katotohanan.

"Hindi kaya isa lang akong sa hilera ng mga babae niya? Alin ako roon, number 1, 2, 3, o isang spare fling lang gano'n?"

Tama, papadalahan ko siya nang message para itanong kung ano kami. Nakilala niya akong taklesa, so papanindigan ko na talaga ang pagiging taklesang bungangera.

To: Mi Lucas ❤️

Hi! Busy ka?


Hindi ko muna itatanong yon, para kasing nabahag bigla ang buntot ko. Makalipas ang sampung minuto ay hindi pa rin siya nagre-reply, kaya naman pinadalahan ko siya muli ng mensahe.


To: Mi Lucas ❤️

May itatanong lang sana ako... Daan ka rito mamaya, pagluluto kita ng special adobo ko.


At dumaan na nga ang buong magdamag na hindi nagparamdam sa akin si Lucas. Ano kayang ginagawa niya? Ganoon ba siya ka-busy para hindi man lang ako masend-an ng isang message, kahit tuldok man lang?

Siguro nga isa lang ako sa flavor of the month niya. Haaayyy... Bahala na si Batman, baka ma-haggard lang ang beauty ko kung iisipin ko pa siya magdamag. Mag-iinquire pa naman ako bukas nang maaga, dahil balak ko nang ituloy ang pag-aaral ko sa napili kong unibersidad.

Bakit ba ako magpapaka-stress sa hindi niya pagti-text? Dahil ba nahalikan niya ako? Bakit, nahalikan ko rin naman siya ahh... Hindi lang basta halik ang ginawa ko, hupahop mga ateng. As in hupahop na kulang na lang ay gawin kong chewing gum ang mga labi niya, dahil sa tamis at lambot nito na masarap kagat-kagatin.

Kakagigil!

"Ano ba Raffy! Erase! Erase! Erase!" saad ko sa aking sarili habang nakatingin sa kisame.

Muli kong kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng kama, bago tiningnan kung nagreply na ba siya sa halos 20 messages na naipadala ko sa fūcker na 'yon. Ngunit agad kong nabitawan ito nang makitang wala pa rin siyang text ni ha ni ho waley!

"Argh! Maloloka na ako sayo Lucas!" inis kong anas sa hangin, saka nagtalukbong ng kumot at nagpasiya na lang na itulog ang nakakadugong utak na isipin na naiisip ko.



*****

No comment na lang ako 😂😂😂


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro