Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 16

Abala ang lahat sa kanilang pag-aayos nang may biglang bumungad sa bukana ng dressing room, "Girls, get ready, we only have 20 minutes left..." ani Ritch ang baklang event organizer na nakatalang mamahala sa mga modelo na rarampa sa entablado.

Mabilis naman napabaling ang mga kababaihan doon. Ito na kasi ang oras na kanilang pinakahihintay, kung saan gaganapin ang isa sa pinakamalaking catwalk sa buong Pilipinas.

Okupado ngayon ng mga modelo ang isang silid-pambihisan sa backstage ng Arena.

Kung ang iba ay nasasabik sa nasabing event, si Raffaella naman ay punong-puno ng kanerbiyosan ang nananalaytay sa kanyang buong sistema ngayon. Ito kasi ang kauna-unahang haharap siya sa ganoong kalaking event. Hindi lang siya sa kaganapang iyon nababalahibuhan, kundi sa libo-libong taong dadalo sa launching ng Luxxe Enchanteur Philippines.

"Oh anak, 'wag kang kakabahan sa stage okay? Isipin mo lang 'yung Ostrich Walk na nabuo natin noon pa man. Maging kabugera ka hangga't maaari, nagkakaintindihan ba tayo?" biglang sambit ni Mamu Penny habang abala sa pag-aayos sa dalaga.

"Wala pa man ay kumakabog na nga po 'yung dibdib ko sa kaba, Mamu." wika ni Raffaella at mababatid mo na ang kaba sa istura nito.

"Oy oy! Hanu 'yan? This is it pansit na 'to ohh... Isa ka na sa angels ng L.E. Philippines, kaya dapat i-claim mo na ang bertud ng mga dyosa!" pampalakas loob pa na usal nito bago muling inayusan ang dalaga.

Sa halip na sumagot ay alanganing ngiti na lamang ang isinukli ni Raffaella rito. At segundo lang ang lumipas nang biglang makatanggap siya ng isang mensahe mula kay Lucas.


From: Mii Lucas ❤️

I just want to congratulate you in advance for making this far, Bella. Keep doing what you love and always believing in yourself that hard work pays off. And look, you've already proved it Raffy. Congrats!


Agad napangiti si Raffaella sa simpleng mensaheng kanyang natanggap. Aaminin niya na napawi ang kaba na kanyang nararamdaman ng mga sandaling mabasa niya ang mensahe ng binata. Simple, ngunit nakakaantig at talagang nakapagpabuhay sa kanyang kumpiyansa na mas mapagbuti ang kanyang pagrampa sa stage mamaya.

Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang magsalita si Mamu Penny, "Achuchuchu! Ang tamis naman nang ngiting 'yan, inday!" pang-aalaska nito.

Mabilis namang inilayo ni Raffaella ang kanyang telepono rito sabay sabing, "Tsss... Si Mamu talaga..." napapailing lang niyang sambit dito.

"Sus! Kunwari ka pa. Kailangan mo lang pala ng words of wisdom galing sa iba para mawala 'yung tensyon sa mukha mo." anito at humalakhak lang ng todo.

Nakangiting napailing na lang si Raffaella sa kanyang narinig mula kay Mamu Penny, bago muling tinuunan ng pansin ang kanyang telepono para sagutin ang mensahe ni Lucas.


To: Mii Lucas ❤️

Thank you po sir, sa paniniwala 😊
Kahit papaano ay napagaan niyo po ang loob ko.


Kababa-baba pa lang ni Raffaella ng kanyang telepono, nang muling tumunog ito. Maagap naman niya itong tinuunan nang pansin at biglang nangunot ang noo sa kanyang nabasa.


From: Mii Lucas ❤️

Anything for you, Bella. How I wish I could watch you walking the stage, later. Haaayyy...


To: Mii Lucas ❤️

Bakit sir, hindi po ba kayo manonood ng show?


Sandaling nag-isip si Raffaella kung bakit ganoon na lang nalungkot ang kanyang puso sa posibilidad na hindi makakapanood ng kanilang palabas si Lucas. Simula kasi nang inihatid siya nito noong gabing mag-isa siya sa kalsada'y naging malapit na sila kahit papaano ng binata. Sa loob ng apat na araw ay parang matagal na silang magkakilala na animo'y close na close na sa isa't isa.

At makalipas ang ilang segundo ay muling sumagot ang binata sa kanyang mensahe.


From: Mii Lucas ❤️

I will not be able to make it, Bella. Something really important came up and I don't have a choice but to stay here in Bataan.


At tama nga ang kanyang hinala. Hindi nga makakapanood si Lucas ng kanilang fashion show. Hindi na siya nag-abalang saguting ang mensahe nito, at nakangusong ipinatong na lang ang kanyang telepono sa lamesa.

Tapos na siyang ayusan ni Mamu Penny at naghihintay na lamang sa hudyat ng kanilang event organizer. Nakaramdam siya ng pagkatampo kay Lucas, na animo'y isang nagmamaktol na kasintahan dahil sa hindi pagsipot ng kanyang minamahal.

"Akala ko pa naman..." pabulong niyang sambit sa hangin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

Nangako kasi si Lucas, na susuportahan siya nito sa pinaka-importanteng gabi sa tala ng buhay ni Raffaella. Ngunit ang siste ay mukang isa itong drawing na kailangan muna niyang isulat sa listahan ng hangin

Nasa ganoong pag-iisip si Raffaella nang biglang tumunog muli ang kanyang telepono. Matamlay niyang binuksan ito at nakitang nagpadalang muli ng mensahe si Lucas.


From: Mii Lucas ❤️

I'm so sorry, but I can't really make it Bella. But I promise I'll make it up to you as soon as I get back.


Sa simpleng mensaheng iyon ay bigla namang nahabag at natauhan si Raffaella. Naisip niya na masyado nang nai-into ang feelings niya sa binata, kaya't ganoon na lang siya kaapektado sa mga sinasabi nito.

Mabilis niyang ipinikit ang kanyang mga mata bago tumipa sa kanyang telepono.


To: Mii Lucas ❤️

Ayos lang po sir, naiintindihan ko po. Alam ko namang importante ang lakad niyo kaya oks lang po.  😊


Matapos maipadala iyon ay maagap na ipinilig ng dalaga ang kanyang ulo sabay sabing, "Tantrums girlfriend lang ang peg?"

Bago napailing...

"Tantrums lang, walang girlfriend, Raffy..." sarkastiko niyang saad, at natawa na lang ng mapakla sa kanyang naisip.

Ilang sandali pa ang lumipas nang muling magpadala ng mensahe si Lucas.


From: Mii Lucas ❤️

Thank you Raffy! But can I ask you a little favor?


To: Mii Lucas ❤️

Ano po yon sir?


From: Mii Lucas ❤️

Can you at least send me a picture of you, right now? I really wanted to see your beautiful face. Please pretty please? 🙏


Agad gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Raffaella sa kanyang nabasa. Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang isang supladong Lucas Montenegro nang ganoon kabilis, at lumabas ang itinatago nitong kakulitan.

Para mapagbigyan ang kahilingan ng binata ay mabilis kinuhanan ni Raffaella ang kanyang sarili bago ito ipinadala sa binata.


To: Mii Lucas ❤️

Ito na po sir, pero FYI po tampo pa rin ako sayo.  Kalamodyan! 😒


Photo CTTO




From: Mii Lucas ❤️

Beautiful as always, Bella. Thank you! And I can't wait to see you again.


Sasagutin pa sana ni Raffaella ang mensahe nito ngunit agad bumungad sa bukana ng pinto ang event organizer na si Ritch, "Models! Models Models! Let's go..." nagmamadaling sambit nito habang pumapalakpak pa, na sa pamamagitan noon ay mahikayat ang mga modelo na magmadali sa paglabas ng dressing room.

"Oh akin na 'yang telepono mo anak, kukuhanan kita ng picture sa labas." anito Mamu Penny habang nakasunod sa papalabas na si Raffaella.

"Sige po Mamu, una na po ako." pamamaalam ng dalaga bago yumakap dito.

"Gorabells Raffy, fighting!"

Nakangiting nilingon lang ito ni Raffaella at iminustra ng kanyang mga labi ang salitang fighting, at tuluyang lumabas na ng dressing room.


*****


The very first L.E. Philippines fashion show went well and fabolously successful. Nagawang kapanapanabik ng mga modelo ang kanilang pagrampa, para makuha ang panlasa ng mga kilalang fashion designers at media na naimbitahan sa nasabing kaganapan.

Napanatili ng pamunuan ng L.E. Philippines ang pagiging pinoy ng kanilang mga inilabas na bagong line ng lingerié, na konserbatibo, ngunit naroon pa rin ang istilo ng kaakit-akit na temang hindi bastusin na sumakto sa panlasa ng madla.

"Manong, diyan na lang po sa tabi..." ani Raffaella sa taxi driver na kanilang inarkilahan pauwi sa bahay. "Ito po ang bayad." bago iniabot ang tatlong daang piso na sobra sa kanilang naabot na metro.

"Mamu, gising na po..." yugyog niya rito. "Mamu, nandito na po tayo sa bahay."

Mumukat-mukat na gumising si Mamu Penny, at naging alerto nang tuluyang magising ang kanyang diwa, "Nandito na pala tayo..." sagot lang nito bago binuksan ang pintuan ng kanyang pinuwestuhan.

Nang akmang kukunin ni Mamu Penny ang kanilang mga gamit ay agad itong pinigilan ng dalaga, "Mamu, sige na pasok na po kayo sa loob. Ako na po ang bahala sa mga gamit natin." pagpi-prisinta ng dalaga.

"Sigurado ka?" pagtatanong nito at bakas na ang matinding pagod sa itsura ni Mamu Penny.

Mabilis itong binalingan ng dalaga, "Opo Mamu, kaya na po ng powers ko 'to." nakangiti niyang saad bago muling itinuon ang atensyon sa paglalabas ng kanilang mga gamit sa taxi.

"Salamat anak, una na ako sa loob ha?"

"Gorabells po Mamu..." pamamaalam ni Raffaella bago tuluyang naibaba ang huling bag palabas ng taxi.

Naiwang mag-isa ang dalaga sa pag-aayos ng kanilang mga gamit. Patas-patas niyang ipinag-isa ang mga ito bago isahang binuhat papasok sa kanilang tahanan. Matapos maipasok ang mga ito ay agad tiningnan muli ni Raffaella ang lugar kung saan niya ibinaba ang kanilang mga gamit. Nakita niyang may naiwan pa roon kaya't mabilis niyang binalikan ito.

"Hala siya! 'Yung favorite pumps ko pa yung naiwan." pabulong niyang sambit sa hangin bago naglakad pabalik sa bukana ng pintuan.

Habang papasok sa loob ay may biglang nahagip na pamilyar na sasakyan ang mga mata ng dalaga. Pinanliitan niya ng mga mata ang sasakyan na naka-park sa hindi kalayuan at agad nabigla nang mapagtantong sasakyan nga ito ni Lucas.

"Akala ko ba nasa Bataan siya?" kunot noo niyang sambit sa kanyang sarili. Mabilis niyang nilapitan ang sasakyan, saka ura-uradang kinatok ang bintana ng driver's seat.

Ilang katok pa ang kanyang nagawa nang tuluyang bumaba ang bintana nito. Nakita niya ang mumukat-mukat na si Lucas, na halatang kakagising lang dahil sa namumula nitong mga mata. Halata rin ang pagod sa awra nito ngayon na halatang walang pahinga.

"Sir... Ano pong ginagawa niyo rito?" ani Raffaella bago tiningnan ang kanyang relos. "Alas tres na po ng madaling araw ohh..."

Dagli naman itong napatingin sa kanyang wrist watch sabay napahilamos ng kanyang mukha, "I-I... I went straight to your house when I finished my..." sandali itong natigilan sa kanyang sasabihin. "When I finished my sudden meeting in B-Bataan." paos na usal ni Lucas bago umiwas ng tingin.

Sandali itong pinagmasdan ni Raffaella. Napansin niya na mas gwapo pala ang binata, kahit na gulo-gulo pa ang buhok nito. Palihim siyang napatingin sa labi nitong natural na mapula, at hindi niya maiwasang isipin kung ano nga ba ang pakiramdam na mahalikan ang mapupulang labing iyon.

Mabilis nawaksi ang pagpapantasiya ni Raffaella nang bigla siyang balingan ni Lucas. Mabuti na lang at maagap na napaiwas nang tingin ang dalaga rito at nagkunwaring nagkakamot ng kanyang leeg, para makaiwas sa mapanuring titig ng binata.

Nang makitang nabawasan na ang kahihiyan sa pagitan nila'y dagli itong tinuunan nang pansin ng dalaga sabay sabing, "Coffee?" alanganing saad ni Raffaella bago ito nginitian nang alanganin.

Mabilis iwinaksi ng dalaga ang namumuong pagpapatansiya niya para kay Lucas. Ramdam niya na nakasunod lamang ito sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, kaya naman nagmadali na lang siyang maglakad papasok sa loob ng kanilang tahanan, dahil sa ka-awkward-an na kanyang nararamdaman.



*****


And cut! 🎬🎬🎬

Next Chapter po ang continuation ✌️😁


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro