Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 14

"O, ready na ba ang lahat ng kailangan mo?" sambit ni Mamu Penny, habang abala sa pag-kalikot ng bag na dadalhin ng dalaga.

Agad naman itong binalingan ni Raffaella sabay sabing, "Hmmm... Siguro po, Mamu," aniya at sandaling ginalugad ang kanyang mga gamit. "Opo Mamu, okay sa alright na po ako." nakangiti pa niyang tugon dito saka ura-uradang tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"Tara na, hatid na kita kahit sa sakayan lang..." ani Mamu Penny bago binitbit ang bag ng dalaga. "Mag-iingat ka roon anak ha? Ito ang unang pagkakataon na hindi kita masasamanan sa raket mo. Kung pwede lang sana ang join-the-club doon, witchikels ka nang mahihirapan sa mga gamit mo." usal nito habang patuloy sa kanilang paglalakad palabas ng bahay.

Mabilis namang niyakap ni Raffaella si Mamu Penny, bago inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito, "Kinakabahan nga po ako sa kakaharapin ko roon, Mamu. Parang hindi po ako sanay na hindi kita kasama." malungkot niyang saad dito.

Dagli naman itong nilingon ni Mamu Penny, "Gaga! 'Di ba pangarap mong maging sikat na model?"

"Opo..."

"Edi kayanin mo anak. Ito na 'yung chance mo oh, ito na 'yung pangarap natin noon pa man," saad ni Mamu Penny saka iminustra ang kanyang kamay sa ere. "Luxxe Enchanteur na ito anak ohh, ang taas na ng lebel mo papalampasin mo pa ba?" kunot noong tanong nito sa dalaga.

"Haaayyy..." isang malalim na buntong hininga lamang ang isinagot ni Raffaella rito.

Mabilis na kumawala si Mamu Penny sa pagkakayakap nito, "Oy oy oy! Ano 'yan babae ka? Hindi ka pa nga nagsisimula give up forever na agad ang peg mo?" halos mag-isang linya na ang mga kilay nito dahil sa kakunutan.

"Natatakot lang po kasi ako Mamu, dahil hindi ko alam kung anong aabutan ko roon. Imagine, hindi puchu-puchu ang mga makakasama ko. Tapos isa pa, wala ka po sa tabi ko para suportahan ako..." malungkot na sambit ni Raffaella sa kanyang pinakamahinang tugon.

Dali-daling niyugyog ni Mamu Penny ang dalaga gamit ang magkabilang balikat nito sabay sabing, "Raffy hanuna?! Nasaan na ang Team Fighting natin diyan?"

"Hahaha!" natawa naman ang dalaga sa kakaibang moral support nito. "Oo na po, Mamu... Fighting lang tayo at never give up. Whoooh!" wika ni Raffaella saka nag-shake-shake ng kanyang buong katawan. "Fighting!" nakangiting sambit pa ng dalaga bago nagpatuloy sa kanilang paglalakad.

"Yan! Iyan ang anak ko, independence!" biglang sambit ni Mamu Penny na siyang nakapagpahinto sa dalaga.

"I-independence?" nagtataka niyang saad dito.

"Oo, independence... Iyon 'yung kaya mo nang tumayo sa sarili mong paa in tagalog, 'di ba?" walang muwang sambit nito.

"Hahaha!" nagpakawalang muli ng isang malakas na halakhak si Raffaella sabay sabing, "Independent po 'yon, Mamu." halos pigilin na ng dalaga ang pagpapakawala ng kanyang tawa, dahil ayaw niyang makutusan nito.

"Ahh... Independent na pala siya ngayon, binago na pala hindi ako na-inform." pambibiro pa nito at natawa na rin sa kanyang naisambit.

"Hahaha! Kaloka ka, Mamu."

"At least napatawa kita baklang 'to!" ismir nito. "O siya, tara na ho baka ma-traffic ka pa. First impression's last pa naman." feeling proud na saad ni Mamu Penny, saka tinaasan ng kilay si Raffaella.

"Ang taray! Ume-english!" natatawang pambubuyo pa ng dalaga rito.

"Say mo?" taas noong saad nito bago nagpatiunang rumampa papalabas ng kanilang tahanan, na animo'y isang modelo.

Natatawang napailing na lang si Raffaella sa kalokohan ni Mamu Penny, kaya't sinundan na lang niya ito papalabas ng bahay.

"Mamu, kahit sa tricyle-lan mo na lang po ako iha..." nabitin ang huling salitang sasambitin ng dalaga nang makita ang pamilyar na pigura sa kanyang harapan.


Photo CTTO




Nakita niya si Lucas na ngayon ay nakakunot na naman ang noo habang naghihintay sa tapat ng kanilang tahanan. Pormadong-pormado ito sa kanyang suot na ternong navy blue coat and slacks.

Napansin pa ni Raffaella na hindi kumportable ang binata sa kinatatayuan nito. Mababatid mo kasing hindi ito sanay sa kanilang maliit na komunidad, na maputik at medyo may kasikipan dahil sa dikit-dikit na mga kabahayan dito.

"Ehem..." tikhim ni Raffaella para pukawin ang atensyon ng binata.

Ang kaninang lukot na mukha ay agad lumiwanag nang mapansin ni Lucas ang presensya ng dalaga. Mabilis gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, nang makita ang simple ngunit makatawag pansin na bulto nito.


Photo CTTO




Nakasuot kasi ngayon ng isang Elephant Skin Sweater, Black Leather Pants at Black Low-cut Boots ang dalaga. Napansin pa ni Lucas na tinanggal nito ang suot na sun glasses saka siya tiningnan nang nagtatanong ang mga mata.

"G-good morning, Bella." nakangiting bungad ni Lucas dito.

"Sir, mukang naligaw po ata kayo sa lugar namin. Naku sir, nakakahalata na ako ahh." may himig panunuksong sambit ng dalaga rito, habang nakahalukipkip ang mga braso.

Nagulat naman ang binata sa kanyang narinig at sa puntong iyon ay parang biglang umurong ang kanyang dila at apog para sagutin ang sinabi nito't makapagsalitang muli.

Palihim namang kinurot ni Mamu Penny sa tagiliran ang dalaga sabay sabing, "Gaga ka talaga." pabulong na wika nito bago nginitian ang binata ng alanganin.

"Arouch Mamu..." hinaing ni Raffaella at nakita pa niya na pinanlakihan siya ni Mamu Penny ng mga mata, kaya't napangiwi na lang siya rito. "A-ang ibig ko pong sabihin, b-bakit po kayo napadaan?" pilit niyang sambit habang hinihimas ang kanyang tagiliran.

Para namang natauhan ang natamemeng si Lucas, "I was just about to go to the Luxxe Training Center, and I thought if you would like to go out with me?" pagtatanong nito sa dalaga.

Nangunot naman ang noo ng dalaga sa kanyang narinig, "Go out with you? Parang date gano'n?"

Dagling napagtanto ni Lucas ang bagay na kanyang nasabi kaya't mabilis niyang itinaman ang mga ito, "I-I mean... If you want me to take you to the training center... Sumabay sa akin, kasama ako." biglang humina ang huling salitang binitawan nito dahil sa humihiwalay niyang katinuan.

Mabilis napangisi si Raffaella sa ipinapakita nitong kahinaan, kaya't mabilis niyang isinuot muli ang kanyang sun glasses sabay sabing, "Thank you na lang sir. Allergic po ang aking skin sa aircondition na sasakyan eh." kibit balikat na usal nito bago nagsimulang maglakad papalayo.

Halos manginig na ang mga kamay ni Raffaella nang ibulalas niya ang mga katagang iyon. Gusto niyang maging cool sa harap ni Lucas, ngunit sa loob-loob niya ay nanlalambot na ang kanyang buong kalamnan at kasu-kasuan dahil sa itinatagong kakiligan.

Sa totoo lang, naisip niya na kung hindi pa niya nagawang talikuran ang binata ay baka bumigay na ang kanyang natatagong kahinaan at ura-urada na lang um-oo sa kagustuhan nito. Ngunit hindi, maaaring may kaharutan na nananalaytay sa kanyang buong katawan pero hindi pa siya ganoon kadesperada para sunggaban ang alok nito.

Nakakailang hakbang pa lamang si Raffaella nang manumbalik sa kanyang isipan ang biglaang paghalik ni Lucas sa kanyang pisngi.

"Oo nga pala, may atraso pala sa akin itong Lucas na 'to ahh." mapagbantang saad niya sa hangin at walang sabi-sabing binalikan ang nag-hihintay na binata.

Maagap na napaayos si Lucas nang makitang lumakad pabalik si Raffaella sa kanyang harapan. Naisip niya na nagbago siguro ang isip nito at ginusto na ring sumabay ng dalaga sa kanya papuntang Traing Center.

Sarkastikong nginitian ito ni Raffaella sabay sabing, "Sir!" matigas niyang sambit dito.

"Y-yes?"

Walang sabi-sabing kinabig ng dalaga ang batok ni Lucas at agad itong ginawaran ng isang mabilis na halik sa kaliwang pisngi sabay sabing, "O sir, kwits na tayo ahh... Wag niyo na pong uulitin ang eksaheradang paghalik sa akin, kundi mas malala pa ang isusunod ko d'yan." ngiting asong sambit ni Raffaella, saka nagsimulang maglakad papalayo with matching talon-talon pa, na animo'y isang batang paslit na walang muwang.

Napapailing na napangiti na lamng si Lucas sa inasta ng dalaga at hinatid na lang niya ito gamit ang kanyang paningin. Dahil sa ginawang iyon ng dalaga ay mas hinangaan niya ito at mas tumaas ang lebel nang kagustuhan niyang mapasa-kamay niya ang hindi basta-bastang napapa-among si Raffaella.

Nasa ganoong pag-iisip ang binata nang bigla siyang tapikin ni Mamu Penny sa balikat, "Namumula na po 'yang pisngi niyo sir. Gusto kong maniwala na dahil lang 'yan sa init nitong lugar namin, pero iba eh. Para ho kayong kinikilig, rosy cheeck ang peg." mapangbuskang saad ni Mamu Penny bago sinundan si Raffaella sa sakayan ng tricycle.

Palihim na natawa na lang si Lucas sa kakulitan nina Raffaella at Mamu Penny, ngunit agad niyang pinigilan na mapangiti dahil sa mga taong direktang nakatingin na sa kanya ngayon.

Mabilis siyang pumasok sa kanyang sasakyan at umisip nang mas epektibong paraan upang makuha niya nang tuluyan ang atensyon ng dalagang si Raffaella.



*****

Hanuna Lucas? Isip-isip nang mas bright na idea pag may time! 😍😍😍

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro