Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

NW Chapter: 10

*****

Haven't proofread this Chapter yet.

Happy Reading, Lovies! 💋💋💋

*****


Ngayon ay kabadong naghihintay si Raffaella sa isang mamahaling restaurant, para makilala nang personal ang isang buwan na niyang textmate na pinangalanan niyang Mr. Freakish.

Dahil sa taglay niyang kakulitan ay nakumbinsi niya ito na makipagkita sa kanya. Sinabihan niya ito ng makabagbag damdamin at mga nakakaantig na salita para lang mapapayag niya ito na tuluyang mahulog sa kanyang kagustuhan.

Nasa malalim na pag-iisip ang dalaga nang biglang marinig niya ang biglang pagtunog ng kanyang telepono. Kabado niyang tiningnan ito sa pagbabaka-sakaling iyon na ang mensaheng kanyang pinakahihintay, ngunit palihim siyang natawa sa mensaheng hindi niya inaasahan.



From: Mamu Penns

Nak, imustra at sumigaw ka lang nang Darna, kung sakaling goons pala 'yang katextmate mo, okay?


To: Mamu Penns

Haha! Kaloka ka Mamu... Pero kung sakali man, ako na po ang unang bibigwas kung masamang hukluban po itong si Mr. Freakish, na pa-mysterious na 'to.


From: Mamu Penns

Basta nakamanman lang ako sa tabi-tabi. Isang malakas na Darna mo lang sa ere, dadating na agad ang baklitang si Ding.


To: Mamu Penns

Haha! Oks po Mamu... Sige na po, baka dumating na si Mr. Freakish. Mas magandang makita ko na siya agad, bago pa niya ako maunahan.



Matapos maipadala ni Raffaella ang mensahe kay Mamu Penny, ay agad pumukaw sa kanyang paningin ang lalaking papalapit sa kanyang direksyon. May hawak itong tatlong long stem ng Queen of Night Tulip, na makatawag pansin dahil sa itsura nitong hindi pangkaraniwan. Ang pinaghalong velvety at dark maroon blooms na kulay nito ang siyang nagbigay ng kagandahan nito na talagang kaibig-ibig.

Nagniningning ang mga matang nginitian ni Raffaella ang binata nang pagkatamis-tamis. Ngunit agad din napawi ang mga ngiting iyon nang lampasan siya ng matipunong lalaki at tuluyang nilapitan ang kasintahan nito, na nakaupo sa kanyang likuran.

Natatawang napailing na lang ang dalaga dahil sa sinapit niyang kahihiyan. Ngunit nang binalik niya ang atensyon sa harap ng lamesang kanyang kinauupuan, ay agad namilog ang kanyang mapupungay na mata sa nakita.

"I-ikaw? A-anong ginagawa mo rito?" halos mamula na ang mga pisngi ng dalaga dahil sa pamilyar na bultong kanyang kaharap ngayon. Mabilis siyang napaisip kung ito ba ang kanyang kapalitan ng text sa buong buwan na nagdaan, dahil sa suot nitong eksakto sa kanilang napag-usapan.

Shoot! Siya si Mr. Freakish?

Hindi magkaintindihang sambit ni Raffaella sa kanyang sarili. Akma't tugma kasi ang kulay nang kasuotan nito sa sinabi nang kanyang kausap sa telepono. Nakasuot ngayon ang binata nang isang admiral blue sleeves, at tinernuhan nang slim navy blue coat at demin khaki pants.

At nang mapatingin si Raffaella sa mukha nito ay agad na-conscious ang kanyang kagandahan ng mga sandaling ngitian siya nito.

"Nice to see you again, Bella!" nakangiting bati ng lalaki na kanyang pinangalanang Elevator Man. "And to answer your question... I have a date po." kaswal na sagot nito saka ipinasok ang magkabilang kamay nito sa kanyang bulsa.

Mabilis namang nagbaba nang tingin ang dalaga dahil sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan nang mapagtantong hindi pala ito ang lalaking kanyang hinihintay, ang mas masakit pa roon ay ang malaman niyang may ka-date na naman itong ibang babae.

Bakit bigla akong nawalan nang gana? Bakit ang lakas nang impact sa akin nang sabihin niya na may ka-date siyang iba?

Mga salitang naglalaro sa isipan ni Raffaella, at hindi na niya napigilang ipakita sa harap nito ang pagkadismaya. Oo, isang malaking dismaya at panghihinayang ang kanyang naramdaman nang malamang hindi pala ito ang ka-textmate niya. Masyadong nag-assume ang maharot niyang puso na sana, sana ang binata na lang ang kanyang kapalitan nang mensahe.

"Haaayyyy..." hindi na napigilan ni Raffaella na mapabuntong hininga dahil sa pagkabalisa.

Nasa malalim na pag-iisip ang dalaga nang biglang magsalita ulit ang binata, "I mean... I'm having a dinner meeting with a friend." pagtatama pa nito sa kanyang sinabi nang makitang nalungkot ang mukha ng dalaga.

Palihim namang napangiti si Raffaella. At ang kaninang lungkot ay agad napawi nang marinig niya ang mga sinabi nito. Dahil sa simpleng pagsambit lamang ng binata ng mga salitang iyon ay para siyang nabuhayan na hindi niya maipaliwanag.

"I'm Lucas Montenegro, by the way..." nakangiting turan nito kaya't nag-angat na nang tingin ang dalaga. "I'm introducing myself now, because we didn't have a chance to meet each other personally at the Casa Cadeña Resort." dagdag pa ng binata bago inilahad ang kanyang kanang kamay.

Tiningnan lang ni Raffaella ang kamay nito na nakabitin sa ere at hindi alam kung paano ipapakilala ang kanyang sarili, dahil sa lakas nang kalabog ng kanyang naghuhurementadong dibdib.

Nasa ganoong posisyon ang dalaga nang biglang magsalitang muli ang binata, "If you don't mind me asking, what was your name again?" nakangiti pang pagtatanong ni Lucas sa dalaga.

"R-Raffaella..." utal niyang saad bago tuluyang nakipag-kamay dito.

"I know..." makahulugang sambit ng binata.

"Huh?" nagtatanong ang mga matang sambit lang ni Raffaella rito.

"I-I mean, what a lovely name you've got there, Bella..." pag-iiba nito sa usapan. "So... I better get going... Have a nice evening, beautiful." matamis na ngiting sambit ni Lucas at matapos no'n ay dagli na itong tumalikod saka naupo sa isang bakanteng mesa sa di kalayuan.

Naiwan namang tulala si Raffaella habang hindi pa rin maka-get over sa pakikipag-kilala ng kanyang Elevator Man. Hindi lang pagpapakilala kundi naka-shakehands pa niya ito, na siyang dahilan upang kiligin ang kasulok-sulukan ng kanyang buong katawan.

"Shemay! Kinikilig ako..." hindi maalis ang matamis na ngiti ng dalaga, dahil sa hindi niya inaasahang pagtatagpo nilang muli ni Lucas.

Nasa ganoong isipin si Raffaella nang biglang may tumikhim sa kanyang harapan. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang dalaga at bumungad sa kanyang harapan ang isang matipunong lalaki na hindi rin papatalo ang angking kagwapuhang taglay nito.


Photo CTTO




"Hello Raffaella..." nakangiting sambit nito sa dalaga. "Nice to finally meet you, Beautiful." dagdag pa nito saka iniabot ang isang dosenang pulang rosas. "For you..."

"T-thank you..." utal na turan ni Raffaella bago tinanggap ang mga rosas. "Please, have a seat..." anyaya niya rito at hindi alam ng dalaga kung bakit tila may hindi tama sa pagkikita nilang iyon.

Dahan-dahan naman siyang napalingon sa kinauupuan ni Lucas, na ngayon ay mataman nang nakatingin sa kanya. Nginitian lamang niya ito nang alanganin, bago hinarap ang kanyang katextmate na si Mr. Freakish.

Matamis na ngiti naman ang isinalubong nito sa kanya sabay sabing, "I'm so sorry for keeping you waiting, beautiful. The traffic was so bad in Makati and can you imagine, I've been stuck there for 30 minutes."

"H-hehe... Okay lang, kakarating ko lang din naman." pagsisinungaling niya rito, pero ang totoo ay inabot na siya nang isang oras sa loob ng restaurant dahil ginusto niyang mas mauna roon para makapagmasid sa kanyang paligid.

"Anyways, I'm starving... Let's grab a bite first. So, we can have more time for chitchatting." anito saka sinenyasan ang waiter.

Nakangiting nagpatango-tango lamang si Raffaella sa sunod-sunod na pananalita nito. Natutuwa naman siya sa presensya ng binata, ngunit may isang parte sa kanyang kaisipan ang hindi kumbinsido sa sinseridad nang taong kaharap niya ngayon.

Bigla namang nangunot ang noo ni Raffaella nang mapansin ang simpleng pagsenyas nito sa kung saanman. Mabilis niyang nilingon ang tinitingnan nito at napansin na sa direksyon ni Lucas ang kasenyasan nito.

Nabakas pa niya ang pagkakagulat sa mukha ni Lucas nang sandaling lingunin niya ito, at para makabawi ay pasimpleng itinaas na lang nito ang baso ng wine na kanyang iniinom.

Kahit nagdududa sa ikinikilos ni Lucas at nang lalaking kaharap niya ngayon ay nagkibit balikat na lamang ang dalaga saka napagpasyahan na uminom ng tubig.

Naging maayos naman ang naging pagkikita nina Deo at Raffaella. Maraming napagkwentuhan at mabilis naman itong nakapalagayang loob ng dalaga dahil sa kabila nang seryosong awra ng binata, ay may naitatago pala itong kadaldalan kaya't hindi na nag-atubili pa si Raffaella na makipag-kwentuhan at usisain ito.

"Naaalala ko pa nga pinadalahan mo pa ako nang pineapple mojito sa resort di ba?" biglang sambit ni Raffaella rito.

Nakita niya na bigla itong natigilan sa kanyang sinabi. Sinadya talaga ng dalaga na ibahin ang kanilang usapan para masigurado niya kung totoo bang ito ang kausap niya sa text.

"Ahh... Y-yeah, I remember... Sorry for that Raffy, I was fully loaded at work that's why there are things that I've been forgotten."

Sinungaling!

Gusto sanang ibulalas ni Raffaella sa mukha ni Deo ang katagang iyon, ngunit mas pinili na lang niyang manahimik at wag nang kumibo pa.

Natapos ang dinner lahat-lahat nang hindi na muling nagsalita pa ang dalaga. Panay tango at pekeng ngiti lang ang iginagawad niya kay Deo, dahil naisip niya na kailangan pa niyang malaman kung sino ang totoong nagmamay-ari nang numerong kanyang kapalitan ng mensahe.

"Bye Raffy! Nice to meet you..." nakangiting pamamaalam ni Deo bago tuluyang nilisan ang restaurant na kanilang kinainan. Nagprisinta ito na ihatid siya sa kanilang tahanan, ngunit agad itong tinanggihan ni Raffaella at sinabi na may dadaanan pa siya bago tuluyang umuwi.

"Hindi mo ako maiisahan, Deo!" mapagbantang saad ni Raffaella sa hangin saka mabilis pinadalhan ng mensahe si Mamu Penny.



To: Mamu Penns

Mamu, where na po you? Punta ka na rito dali! May susundan po tayo...


From: Mamu Penny

Wait langs... Jumi-jingle all the way pa ang beauty ko.


To: Mamu Penns

Sunod ka na lang po sa parking lot, Mamu.



Nagmamadaling isinilid ni Raffaella ang telepono sa kanyang bulsa, bago pasimpleng sinusundan si Deo na ngayon ay naglalakad papunta sa parking lot. Sandaling lumingon ang binata sa kanyang direksyon, mabuti na lang at maagap na nakapagtago ang dalaga sa malaking poste ng Mall kaya't hindi siya nakita nito.

Nasa ganoong posisyon ang dalaga nang may biglang humawak sa kanyang kanang balikat, "Miss... Sinong sinisilip mo d'yan?" baritonong boses na sambit nito sa pinakamababa niyang tono.


Dahan-dahang nilingon ito ni Raffaella at nagulat sa kanyang nakita.



*****

And cut! 🎬🎬🎬

Next Chapter na po tayo, Lovies! 😁✌️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro