NT Chapter: 9
Days were quickly passed in Isla Verde— and the barriers between David and Franchesca were completely melted. They've manage to become more open to each other, na aakalain mo ay parang matagal na silang magkakilala, dahil sa kanilang pamamaraan ng pagbibiruan.
Simula nang gabing sila'y tuluyang nagkakilanlan, iyon na rin ang pagkakataon na tuluyang nagbago ang pananaw ni David tungkol sa dalaga. He thought that Franchesca was so much different from the women she had encountered, kaya't unti-unti niyang binawasan ang kanyang walang prenong bibig at pagiging maloko.
Franchesca really thought him a lot— kaya naman from being easy-go-lucky bastard, ngayon ay naging seryoso't responsable na si David sa mga bagay-bagay.
Paminsan-minsan ay hindi niya mapigilan ang pagiging pilyo, lalo na't umaatake ang natural niyang pag-uugaling iyon. Ngunit mas gamay na ng binata ang kanyang mga kilos ngayon, kumpara noon na wala talagang pakialam sa pakiramdam ng ibang tao.
"Are these woods okay?" Pagtatanong ni David habang bitbit ang mga kahoy.
"Ay, ayos na ang mga iyan Totoy. Mabuti at marami kayong nakalap na kahoy ni Jarred." Ani Nanay Tere habang abala sa kanyang paghahanda.
"Jarred, was a great teacher kaya natuto po agad ako na magtabas ng mga kahoy, Nay," Sagot ni David bago tinapik sa balikat ang binata. "Di ba teacher, Red?" Nakakalokong saad pa niya rito.
Napapailing na ibinaba na lang ni Jarred ang kanyang mga bitbit sabay sabing, "Puro ka talaga kalokohan— tara na't simulan na natin ang pagsisiga ng kahoy para maumpisahan na ang pagtitipon."
Sandali pang nagpaiwan si David bago nilapitan ang abalang si Franchesca, "Ehem... tapos na kitang ipagsibak ng kahoy, baka naman pwedeng makahingi ng isang pampalakas d'yan?" Nakakalokong wika ni David.
Franchesca's forehead suddenly furrowed, "What?"
"Isang gano'n lang o—" Ani David saka bahagyang ngumuso-nguso ang labi, na animo'y naghihintay ng halik mula sa dalaga.
A sarcastic grin quickly drawn to Franchesca's lips, "Gusto mo ng kiss?" Pagtatanong niya rito.
Sabik na nagpatango-tango naman si David, bilang sagot.
Mabilis naman itong hinarap ng dalaga sabay sabing, "Gusto mong ikiskis ko 'yang nguso mo rito sa pangkudkod na hawak ko ha?!" Inis na anas ni Franchesca saka pilit idinuduldol ang hawak na bagay sa bibig ng binata.
"Ang brutal naman ng baby ko—" Pagpipigil ni David sa kamay nito.
"Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating manyak e!" Mapagbirong bulyaw ni Franchesca.
Ngumuso naman si David, "Sige na nga, alis na ako," Pamamaalam nito bago tumalikod. Ngunit bago pa makaalis ay nag-iwan pa ang binata ng isang kalokohan. "H'wag mo ako masyadong mami-miss, baby ha?" Mapangbuskang usal ni David bago tuluyang sinundan si Jarred sa tabing-dagat.
Napapailing na lang si Nanay Tere sa pamamaraan ng pag-uusap nina Franchesca at David.
Ngayon ay abala ang mga tao sa Isla Verde. Sa tuwing sasapit ang unang linggo, kada buwan— ay nagtitipon-tipon ang mga ito sa tabing-dagat para sa isang simpleng salo-salo.
Each family has an individual packed dishes, fruits, desserts and drinks to serve and share for the whole community dahil sa kanilang nakagawiang buwanang pagsasalo-salo.
Mabilis lumipas ang mga oras— at ngayon ay nakapalibot na ang lahat sa bonfire. Masasayang kwentuhan at inuman ang pumailanglang sa tabing-dagat habang ang iba ay abala sa pag-inom ng iba't ibang klaseng alak.
Franchesca is quietly listening to the delightful voices of the whole community. She was comforted to observe them, while happy sharing their pocket of stories.
Hindi niya tuloy mapigilang malungkot, dahil naalala niya ang kanyang pamilyang naiwan sa Maynila. She just took a deep sigh and quickly swallow the entire wine in her glass.
"Woooh! The night was just started. Don't be too hard on yourself, baby— baka malasing ka agad niyan." Nag-aalalang saad ni David bago umupo sa tabi ng dalaga.
"I am fine, baby..." Sarkastikong turan ni Franchesca bago sinalinang muli ang kanyang baso. "O, what brought you here?" Aniya bago nilingon ang binata.
Sandaling sumimsim ng beer si David sabay sabing, "Ang tahimik mo kasi, kaya tatabihan muna kita baka nami-miss mo na ako e." Anito bago ipinatong ang kanyang mga siko sa kanyang magkabilang tuhod.
"Tsss... I'm fine, David. Bumalik ka na sa mga chika-babes mo." Mapaklang saad ni Franchesca at napapailing na sumimsim muli ng kanyang inumin.
"Ooohhhh... I smell something's fishy around here."
Kunot noong nilingon naman ito ni Franchesca, "Sinasabi mo?"
A boyish grin suddenly registered on David's lips, but didn't bother to say anything.
Agad naman itong napansin ng dalaga, "What's with those grimace, David?" Nahihiwagaang saad pa ni Franchesca rito.
"Nagseselos ka ba?"
Franchesca's eyes emerged on its own socket as she heard those words. Her cheeks quickly heated, as if she was caught in something she didn't dare to do.
"M-managinip ka nang g-gising..." Nanapiling na sambit ng dalaga.
"Then why are stammering, baby?" Nakakalokong usal pa ni David.
"Ha! Don't flatter yourself that much, David. The wind here were cold— naturalmenteng manginginig ka sa lamig." Ani Franchesca bago umiwas nang tingin.
"Are you sure about that?"
Mataray naman itong hinarap ng dalaga sabay sabing, "Yes! I'm confidently sure, David. So you better shave your back now. Dahil naiistorbo mo na ang nananahimik kong mundo."
Their eyes locked on each other, before David completely retrieved his eyesight, "Okay..." Aniya saka dali-daling tumayo. "Enjoy the night, France." Cool na usal nito saka tuluyang nilisan ang kinauupuan ng dalaga.
"Tsss..." Napapailing na nagpatuloy na lamang si Franchesca sa kanyang pag-oobserba, bago pa tuluyang masira ang kanyang gabi sa kainisan kay David.
*****
The night life in Isla Verde were quickly roll down— and the neighborly laughter gradually decreased until they've finally disappeared. Ang kaninang hindi magkandamayaw na dami ng tao, ay ngayo'y tuluyan nang humupa. Ang ilan ay mas piniling manatili sa tabing-dagat gaya nina Franchesca, David, Jarred at ang kabataan na ka-edad-an nila— para ipagpatuloy ang gabi ng kasiyahan.
"Tsss... Playboy talaga." Sarkastikong saad ni Franchesca sa hangin, habang ginagawaran nang matalim na tingin si David habang abala sa kausap nitong magandang dilag.
Franchesca did not pay attention to the fact that she had been drinking a lot of wine, dahil sa kainisan niya kay David. Hindi niya alam kung bakit tila kumukulo ang kanyang dugo sa tuwing makikita niya na nakikipaghalakhakan ito sa iba't ibang babae.
"Tawa pa! Ang flirt-flirt talaga ng lalaking 'to! Kainis!" Luluray-luray na sambit pa ng dalaga sa hangin.
Nasa ganoong isipin si Franchesca nang biglang marinig niya ang isang tinig sa kanyang likuran, "Mukang napadami na ang nainom natin ha?"
Namumungay ang mga matang binalingan naman ito ng dalaga, at nakita niya si Jarred na ngayon ay tuluyan nang nakaupo sa kanyang tabi.
"Heh..he..." Pagak na saad ni Franchesca habang iminumustra ang kanyang daliri, na parang sinasabing kaonti lang.
Nagkibit-balikat lamang si Jarred sa sinabi nito, bago sumimsim ng kanyang sariling inumin.
"Bakit ba kayong mga lalaki, ang hihilig niyong mang-iwan?" Biglang wika ng dalaga na siyang nakapagpakunot ng noo ni Jarred. "Masyado kayong paasa!"
Bahagya namang natawa si Jarred sa kanyang narinig mula rito. Hindi niya alam kung ano ang pinanggagalingan ng mga hinaing ni Franchesca at kung bakit tila nanggagalaiti ito sa galit.
"Aba, wala akong alam d'yan... ni hindi pa nga ako nagkaka-nobya." Kwelang usal ng binata bago uminom muli ng kanyang alak.
Kunot noong binalingan naman ito ni Franchesca, na animo'y hindi makapaniwala sa kanyang narinig, "As in never ka pang naka-girlfriend?"
"Wala..." Nakangiwing sagot lang ni Jarred.
"Wow! I can't even imagine—" Nahihiwagaang saad ng dalaga. "Sa gwapo mong 'yan?"
Hindi napigilan ni Franchesca na maibulalas ang katagang iyon. Totoo naman na may itinatagong kagwapuhan si Jarred. Isa ang binata sa nagpatunay na nag-e-exist talaga ang lalaking tall-dark-and-handsome sa katauhan nito.
"Salamat?" Patanong na pasasalamat lang ng binata.
"Bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend? I have seen many beautiful women here in Isla Verde, so h'wag mong sasabihin na wala ka man lang natipuhan sa kanila?"
Sandaling napayuko si Jarred, "Wala talagang makapukaw nang pansin ko... Gustuhin ko mang ibaling ang paningin ko sa mga babae rito sa Isla, hindi ko magawa."
"Bakit naman?"
Nag-angat nang tingin si Jarred bago ito binalingan, "Hindi kasi taga rito sa Isla ang babaeng nagugustuhan ko." Seryosong usal nito habang titig na titig sa dalaga.
Bahagya namang nailang si Franchesca sa paraan nang pagtitig nito, kaya umiwas na siya nang tingin sabay sabing,
"Baka naman shokoy sa dagat ang type mo ha. Sayang ang abs mo, Kuya!" Pambibiro niya sa binata bago nagpakawala nang isang malakas na halakhak.
Humagalpak na rin nang malakas na tawa si Jarred, para mawala ang tensyon na namumuo sa pagitan nila ng dalaga.
"Haaayy... I think I had enough wine for this night," Ani Franchesca at habang pinupunasan ang kanyang mga luha ng kagalakan. "Ikaw kasi e— mag-girlfriend ka na nga para hindi na ako nangungulit nang ganito."
"Kung papayag ka ba, bakit hindi." Seryosong sagot lang nito.
Natigilan naman si Franchesca sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung anong tamang salita ang isasagot niya sa binata, gayong ramdam niya na siya ang pinapatungkulan nito.
Nakita naman ni Jarred ang biglang pagkailang ng dalaga kaya mabilis niyang sinegundahan ang kanyang naisambit, "Ang ibig kong sabihin, kung papayag ka bang turuan ako kung paano ang manligaw." Pagka-klaro nito sa naunang niyang nasabi.
Franchesca just shyly nodded at him, before turning her eyes on the other direction. Ngunit bago pa man makalayo ang kanyang paningin sa kung saan man, ay biglang napako ang kanyang atensyon sa bulto ni David.
His eyes were keen and smoldering— kulang na lang ay bumulagta si Franchesca sa kanyang kinauupuan ngayon, kung nakakamatay ang matatalim at nagbabagang paningin nito.
"Problema nito?" Palihim niyang bulong sa hangin.
Lingid sa kaalaman ng dalaga ay umabot pala ito sa pandinig ni Jarred, "Problema saan?" Walang muwang na pagtatanong nito.
Mabilis naman itong binalingan ni Franchesca sabay sabing, "Ah... wala-wala..." Mabilis niyang sagot sa binata.
Nang makitang sa iba na nakatuon ang atensyon ni Jarred, ay palihim na sinilayang muli ni Franchesca ang binata. She was surprised because David were still staring at their direction— partikular sa kanya kinauupuan mismo.
Sinamaan lang niya ito nang tingin saka inarkuhan nang kilay.
The nerve of this playboy— siya pa ang may ganang magalit. Bakit sa tingin niya, siya lang ang may karapatang makipaghalakhakan? Mabuti nga at hindi ako flirt kagaya niya, kainis! Mga katagang naglalaro sa isipan ni Franchesca, bago tuluyang inirapan si David sa malayuan.
*****
Selos-selos lang 'yan! 😂😂😂
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro