NT Chapter: 8
Continuation:
Franchesca was in her deeply puzzled mind, when she heard a slight crackling outside her door. Sa una ay hindi niya ito binigyang pansin— ngunit segundo lang ang lumipas nang malingilan niya ang anino ng isang bagay sa awang ng ilalim ng kanyang pinto.
She quickly opened her door and saw the bouquet of flowers, kasama ang three-piece balloon of hearts na siyang bitbit ni David kanina.
The melodious smile on her lips briefly registered at napapailing na kinuha na ang mga ito sa sahig. When Franchesca finally entered her room, she suddenly noticed a piece of paper inside the bouquet, kaya naman kunot noo niyang binasa ito.
France,
I'm so sorry for being a jerk. I know that you're already annoyed with my foolishness—
Again, I'm so sorry...
So, please allow me to make up to you. Accept my peace offerings and meet me at the beach, for a dinner date? I hope you could come, baby. Hihintayin kita kahit gaano katagal.
Always,
-Poging David
Sandaling napabaling naman ang atensyon ni Franchesca sa bintana, kung saan ang direksyon ng tabing-dagat. Kunot noo siyang dumungaw rito, sapat na para masilayan niya ang binata nang palihim.
She saw David not far off na ngayon ay abalang-abala sa paghahanda sa pakulo nito. Franchesca paused for a moment— and think, if she would grab David's offer na makipag-dinner date rito.
But eventually, her guts were not that strong enough to face David that night. So she just let down a deep sigh and decided not to come.
Sa kabilang dako naman ay nakaupo na ngayon si David sa picnic mat na kanyang inihanda para sa magaganap nilang dinner-date ng dalaga.
Tanging ilaw ng gasera, ilang kandila't liwanag ng buwan ang nagsisilbi niyang gabay, upang maisakatuparan ang kanyang paghahanda.
"Nice work, poging David." He say conceitedly, while looking at the picnic set that he had prepared.
Sandaling sinilayan ni David ang bintana kung saan namamalagi si Franchesca, ngunit nakita niya na nakapatay ang ilaw nito— kaya't diretsong bumagsak ang kanyang mata sa kanyang suot ng relo.
"Nine o'clock na pala— hindi ko man lang namalayan," He whispered in the wind and quickly reverted his eyesight into Franchesca's window.
"Relax, dumbāss! Darating siya," Aniya habang hindi mawaglit ang paningin sa bintana. "She'll be here in a minute, baka nagpapaganda lang." Pagak pang natawa si David sa huling salita na kanyang naisambit.
He confidently convinces himself that Franchesca would come— kahit na ang buong katotohanan, ay wala siyang kasiguraduhan kung sisipot ba talaga ito sa kanyang alok.
David quickly patch up the fragrant roses scattered over the white blanket, dahil gusto niya na maging perpekto ang gabing iyon at kahit papaano'y malibang na rin sa kanyang paghihintay.
Halos isang daang beses na pagpaling at iba't ibang posisyon na ang nagawa ni Franchesca sa kanyang kama, para lamang makuha ang kumportableng puwesto sa kanyang pagtulog. Ngunit ang kanyang isip ay patuloy na lumilipad sa kawalan— kung ano na nga ba ang nangyari sa paghihintay ni David sa tabing-dagat.
"Argh!" Inis niyang anas nang tuluyang mapalaya ang kanyang sarili sa ilalim ng kumot. Walang gana niyang nilingon ang bintana, kung saan matatanaw ang buwan at ang nagniningning na mga bituin.
Franchesca suddenly got up in bed— wearing her nightgown and a thick jacket, she finally decided to go to the seashore. The lights of a few candles and a torch lamp was her guide to ultimately find David's whereabouts.
Wala sa oras na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang tuluyang masilayan ang ginawang sorpresa sa kanyang ng binata— na isang picnic set sa gitna ng buhanginan. Ang nagkalat na pinagpira-pirasong rosas at mangilan-ngilang natutunaw na kandila ang siyang nagparomantiko sa nasabing hapunan.
Her hooded eyes quickly searched for David— and there he was... leaning in a huge log while his eyes were closed. Agad naman itong nilapitan ni Franchesca, bago malayang sinipat ang bawat sulok ng mukha nito.
Starting with its thick eyebrows, and long curled lashes. His small pointed nose that can be compared to a parrot, and lastly— its lips with density but suitable into its square manly jaw.
Naisip ni Franchesca na maamo pala ito kung titingnan kapag natutulog, na animo'y walang bahid na kapilyuhan tulad nang nakasanayan nitong katangian.
Muli namang nabaling ang kanyang paningin sa labi ni David, at hindi mapigilan ni Franchesca na maalala ang korte ng labi ni Dylan sa mga labing pag-aari nito.
The familiar pain in her heart were gradually sprouted, when Dylan's memories came back. Agad namang napapikit nang mariin si Franchesca upang waksihan ang masasakit na isiping iyon, bago muling itinuon ang kanyang atensyon sa mukha ni David.
And to her surprise— her eyes widened like an owl, when she saw the awakened David, looking straight at her with its lazy eyes.
Halata rin ang pagkakagulat sa ekspresyon ng mukha nito, kaya naman hindi na nag-atubili si Franchesca na batiin ito.
"H-hi..." Alanganin niyang turan sa binata habang yakap-yakap ng kanyang mga braso ang kanyang sarili.
"H-hi..." Wala sa sariling sagot naman ni David bago dali-daling inahon ang kanyang sarili sa pagkakasandal.
"Sorry, I'm late..." Ani Franchesca bago niya ito nginitian nang matamis.
"It's okay... Maaga pa naman." Nagmamadaling turan ni David nang makatayo ito para alalayan ang dalaga na makaupo sa picnic mat.
"Thank you..." Pasasalamat ni Franchesca saka tuluyang binalot nang jacket ang kanyang katawan.
Mabilis namang sinipat nang pupungas-pungas na mga mata ni David ang kanyang relo at agad nahimasmasan sa kanyang nakita, "Alas dose na pala." Napapakamot ulo niyang saad bago napaling ang paningin sa dalaga.
"Sorry..." Nakangiwing saad pa ni Franchesca bago nagkibit balikat.
Sandali silang nagkatitigan, at segundo lang ang lumipas nang sabay na nagpakawala nang malalakas na halakhak ang dalawa.
"Ang importante dumating ka." Biglang sambit ni David.
When Franchesca heard what David says, she gradually pulled the smile on her lips, and replaced it with sudden loss.
Napansin naman agad ni David ang pagkailang ng dalaga kaya mabilis na niyang iniba ang usapan, "Anyway, I hope you like these," Aniya saka binuksan ang mga tupperware. "It's supposed to be a dinner date, kaya lang... Naalala ko, hindi pala ako marunong magluto." Nahihiyang turan nito habang kumakamot pa ng ulo.
Napangiti naman si Franchesca sa gesture nito, "These are fine, David. Favorite ko kaya ang fries at burger."
"Talaga?" Agad namang lumiwanag ang mukha ng binata sa kanyang narinig.
Franchesca just nodded at him.
"Alright... Then let's eat," Masiglang turan ni David bago ipinaghain ang dalaga. "Alam ko hindi ka pa kumakain nang dinner, kaya dapat ubusin mo lahat nang 'yan— Nanay Tere helped me to prepared these food."
"Thank you..." Pasasalamat ng dalaga.
"You're welcome," Nakangiting saad nito. "No more talking— just eat."
*****
It was a long quiet night— but that was not a barrier for David and Franchesca to make that night fun and memorable. Unti-unting nagbubukas ang mga pintuan sa pagitan nang dalawa, para makilala ang isa't isa.
"So, you've already know things about me... Now it's your turn, France— can you tell me more about yourself?" Pagtatanong nito bago lumagok nang canned beer.
"Ako..." Pag-uumpisa ng dalaga. "Franchesca Jamaine Andrada ang buo kong pangalan—"
Natigil ang sasabihin ni Franchesca nang biglang magsalita si David.
"A-Andrada ang surname mo?" Kunot noong usal nito.
"Yes..." Sagot ng dalaga. "Why did you ask?"
"Uhmmm... N-nothing, may naalala lang ako."
Nagpatango-tango lamang ang dalaga bago itinuloy ang kanyang pagku-kwento, "I have a younger sister named Francine... Alam mo, mahal na mahal ko 'yung kapatid kong 'yon. She's my miracle baby sister. Seven months old pa lang kasi siya noong ipinanganak ito ni Mommy. My parents thought that she couldn't survive, dahil mahina ang puso nito noong mga panahong nasa incubator pa ito. But God is really good all time, dahil pinalakas niya ang baby sister ko hanggang tuluyan na itong nakalabas sa hospital."
Habang naku-kwento ang dalaga ay hindi mapigilan ni David na mamangha sa taglay nitong kagandahan. He admit, na mas nauna talaga ang pagnanasa na naramdaman niya para sa dalaga. Ngunit habang lumilipas ang araw at mga oras na nakakasama't nakikilala niya si Franchesca, ay mas lumalalim pa ang nararamdaman niya para rito.
"That's why I promised myself that I would take care and protect Francine sa mga taong mananakit sa kanya..." Matapos maibulalas ni Franchesca ang mga salitang iyon ay agad niyang binalingan nang tingin si David. "Nakaka-conscious naman 'yung tingin mo."
David was still a bit shabby before being completely restored to reality, "S-sorry..." Aniya bago sumandal sa malaking troso. "Hmmm... How about your lovelife— do you have a boyfriend?" Diretsong usal nito habang hawak ang kanyang inumin.
Franchesca was shocked for a moment, "I-I had..." Aniya bago umiwas nang tingin.
"So... You're single?" Interesadong tanong pa ni David.
"Yes... single," Pambibitin nito bago uminom ng canned beer.
Agad namang pumalakpak ang mga tenga ni David sa kanyang narinig. Para siyang nabuhayan ng mga oras na iyon— mas manining pa sa kinang ng mga bituin ang pagkislapan ng kanyang mga mata, na animo'y naka-jackpot sa lotto.
"Single— BUT! definitely not available." Sagot pa ni Franchesca bago nagpakawala nang malakas na halakhak.
Pagak din namang humalakhak si David, saka mabilis na itinaas ang kanyang hawak na canned beer sabay sabing, "Cheers to that! Cheers sa ating mga single." Pa-cool niyang saad bago muling lumagok nang inumin.
Nginitian lang ito ni Franchesca bago nila sabay na pinagmasdan ang mapuputing alon ng dagat na humahampas sa dalampasigan, sa madilim na karagatan.
*****
Getting to know you stage na ang Team FRAVID 😍😍😍
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro