NT Chapter: 12
Continuation:
Nakaantabay sa pag-alalay kay David ang dalagang si Franchesca habang papauwi ang mga ito sa bahay-tanggapan.
Hanggang ngayon ay iniinda pa rin ng binata ang kanyang napuruhang alaga— ngunit hindi rin maiaalis ang natatagong kasiyahan sa kanyang kalooban, dahil iyon ang unang pagkakataon na nagkalapit nang ganoon katagal ang kanilang mga katawan.
"Can you help yourself too? Ang bigat mo kaya." Hindi maipinta ang mukhang anas ni Franchesca, dahil sa pagbagbag ng buong bigat ni David sa kanyang katawan.
"Sorry," Sagot nito saka pilit na naglakad nang tuwid. "I think my balls are swollen, France— literal na nabasag na ata.
Franchesca felt a bit frustrated of what she had heard. Alam niyang nasaktan talaga ito sa kanyang ginawang knee strike kick kaya palihim na lang siyang napangiwi.
"I think, I can't afford to have sēx anymore, after what you did to me. My balls feel heavy—"
Mabilis namang sumabat si Franchesca, "Can you please shut your mouth up for one second? Para kang sirang plaka kakabanggit sa... sa ano mo. God!" Walang pasensyang saad nito.
"Mas maigi pa sana kung pinisil mo na lang, pero hindi e. Literal na binasag mo 'yung itlog ko—"
Hindi na ito pinatapos pa ni Franchesca, "Please, stop it!" Nabibingi niyang turan.
"Masakit naman kasi talaga— Did you know, a heart attack could certainly result from severe testicular pain. Lalo na 'yung ginawa mo sa balls ko?"
Franchesca just rolled her eyes and no longer respond— dahil naisip niya na mas hahaba pa ang kanilang usapan ng binata kapag nakipag-argumento pa siya rito.
"That's rude and impolite, you know." Biglang sabat ni David.
Her forehead suddenly curved a knot, "Huh?"
"Iyong pag-irap mo." Maagap na sagot ni David.
"Okay fine— sorry na sa ginawa ko sa'yo. Hindi ko talaga sinasadya na mapuruhan 'yan," Anito saka nginuso ang pagitan ng mga hita ng binata. "Sorry talaga." Dagdag pa niya bago napayuko.
Palihim namang napangiti si David sa itsura nito ngayon, "Okay na po," Wika niya saka bahagyang pinisil ang ilong ng dalaga. "Apology accepted."
Mabilis naman itong sinuway ni Franchesca, "Ang sakit ha..." Natatawa niyang sambit bago tinanggal ang kamay nito.
"Tara na nga— I have to take an ice to reduce my balls from swelling. Kahit warm baths lang para makapag-relax." Sagot ni David bago nagsimulang maglakad ulit ang dalawa.
Hindi pa man tuluyang nakakarating sa bahay-tanggapan ay agad napukaw ang pandinig nina France at David sa isang tinig sa hindi kalayuan.
"Bruh! Bruh!" Sigaw nito.
Franchesca quickly rubbed her eyes and immediately stared at the familiar person running towards them.
"Ali!" She exclaimed excitedly, and quickly met her best friend with a warm hug.
"Bruuuuuhh! Grabe na-miss kita." Ali said, with her high-toned voice.
Maagap namang humiwalay si Franchesca rito, "Bruha ka talaga! Kahit kailan ang tinis talaga ng boses mo!" Iritable niyang saad habang hinihimas ang kanyang tengang bahagyang nabingi.
"Sorry naman, Bruh!" She apologized before hooked up her hand to Franchesca's left arm. "E sa na-miss talaga kita. Imagine, one month tayong hindi nagkasama— nakakabaliw kayang mag-isa sa La Fleur. Duh!" Maarteng dagdag pa nito bago napairap sa kawalan.
Ang La Fleur ay ang negosyong itinayo nina Franchesca at Alianna magta-tatlong taon na ang nakalipas. Si Franchesca ang main florist ng nasabing establisyamento, dahil magaling ito sa pag-aayos at paghahambing ng mga pinagsama-samang bulaklak sa kahit anumang okasyon.
Hindi lang sa pag-aayos— she has a natural talent for growing plants, kaya naman si Franchesca rin mismo ang tumutulong ng personal sa kanilang mga trabahador paminsan-minsan, upang magtanin nang itinitinda nilang mga bulaklak.
"Saka 'yung mga kliyente mo bruh! They always ask me kung kailan daw ba ang balik mo. Nami-miss ka na raw nila."
Franchesca just smiled uncertainly, "I missed them too..." Sagot lang niya sa dalaga.
Alianna noticed the sudden sadness on her best friend's face, kaya naman mabilis niyang itong sinagot, "Hay naku bruh! Ayos lang 'yon— willing to wait naman ang mga suki natin, kahit matagal pa."
Tanging tipid na ngiti lamang ang isinagot ni Franchesca rito.
"Ehem..." Biglang pukaw ni David sa dalawang dalaga, kaya't mabilis nabaling ang atensyon ng mga ito sa kanya.
"Good heavens! Who is he, bruh?" Alianna whispered.
"Ahm... David I would like you to meet my best friend, Alianna... Bruh, this David—"
Hindi na natapos ni Franchesca ang kanyang pagpapakilala sa dalawa, nang mabilis itong nilapitan ng kanyang kaibigan sabay sabing,
"Eke nge pele si Alienne." Kinikilig na sambit nito bago nakipag-shake hands sa binata.
"David." Tanging sagot lang nito saka tinanggap ang pakikipag-kilala ng dalaga.
Franchesca's brows were suddenly furrowed, and quickly looked at Alianna due to the sudden change of its mood and pabebe voice. Palihim niya itong kinurot sa tagiliran, na siyang dahilan para mapadaing kanyang kaibigan.
"Arouch! Ene be, bruh!" Mahinhin na sambit ni Alianna habang hinihimas ang kanyang tagiliran.
"Ahh... David, mauna ka na sa bahay ha? Kakausapin ko lang itong kaibigan ko, mukang na-stoke na 'yata sa sobrang tirik ng araw."
"Alright... Nice meeting you." Wika ng binata bago tinalikuran sina Franchesca at Alianna.
"Nice to meet you too, fafables!" Pahabol pa ni Alianna habang nagkikislapan ang mga mata.
Maagap naman itong sinuway ni Franchesca, "Bruhilda ka talaga!" May inis na sambit niya rito.
"Huh? Bakit naman?"
She just rolled her eyes again, "Seriously, Ali? Tinatanong mo talaga ako kung bakit?" Ani Franchesca.
"Yes..." Tanging sagot lang nito.
"Eke nge pele si Alienne... Tsss! Ang arte mo roon, bruh!"
Humalakhak lang si Alianna sa kanyang narinig, "E ang gwapo naman kasi ni fafables— sino ba siya?" Kinikilig na sambit nito habang hindi napuputol ang paningin sa direksyon ni David.
"He was just a stranger that I've met, okay... Kaya tigil-tigilan mo na nga 'yang pagtu-twinkle-twinkle little star ng mga mata mo!" Franchesca said with her annoyed voice.
"Ooohhh! I love strangers kaya!" Alianna sweetly smiled while her eyes glittered with excitement.
Franchesca's face suddenly turned frown when Alianna didn't bother to understand what she was saying.
"Hey Ali," She exclaimed to her best friend before snapping her finger to caught Alianna's attention. "Knock-knock..." Aniya at bahagya pang tinutok ang ulo nito, na palagi nilang ginagawa sa isa't isa.
"Who's there?" Biglang sagot naman ng dalaga.
"Pabebe..." Short but full of sarcasm.
"Pabebe who?" Tugon ni Alianna.
"Sus! Tinatanong mo pa kung sino 'yung pabebe— hindi ba ikaw 'yon?" Ani Franchesca saka nagpakawala nang malalakas na halakhak.
"Ha-ha! Very funny, bruh! Very funny."
"Pabebe ka naman talaga 'di ba? Kita mo nga kanina, para naipit nang mason 'yung dila mo."
Sinamaan lang ito nang tingin ni Alianna sabay sabing, "Why do I have a gut feeling that something's going on between you and that fafable David?"
"It's just your wild imagination, bruh!" Natatawang saad ni Franchesca.
"E bakit kayo magka-akbay kanina? Hmmm..." Anito saka pinagkrus ang kanyang mga braso. "Sigurado akong hindi ako namamalikmata, bruh... Dahil mas malinaw pa sa tubig dagat ang 20-20 vision ko."
Those phrases caught Franchesca off guard— Her forehead suddenly beading with sweats and praying that she'll fall down into a manhole, para lang makaiwas sa mapanuring katanungan ng kanyang kaibigan.
"So? Ano'ng ganap sa inyo ni fafable David?" Dagdag pa ni Alianna habang pumipilantik ang mga daliri sa kanyang magkabilang braso, na animo'y isang pulis na kumakalap nang impormasyon.
"Ano'ng eksena mo riyan, bruh? Naaaning ka na naman— uminom ka na ba ng gamot mo?" Pakunwaring sambit ni Franchesca sa pagbabaka-sakaling mailihis niya ang nakakatensyon na usaping iyon.
"You must try to convince me harder, France! Hindi ka believable."
"Wala nga..." Ani Franchesca saka umiwas nang tingin.
"I don't believe you, Ms. Andrada." Diretsong saad nito.
Kahit hindi direktang nakatingin, alam ni Franchesca na mapanuring tingin na ang ibinabato sa kanya ngayon ni Alianna. Ni minsan ay hindi siya nangahas na magsinungaling dito, dahil bukod sa talakera nitong bibig ay magaling din itong manghuli sa kanyang mala-pulis at mala-interogasyon nitong na mga katanungan.
"Argh. I feel really nervous, Ali. I didn't even know that bit of me could sweat exaggeratedly dahil lang sa mga tanong mo. Wooh!" Aniya saka ikinumpas ang mga kamay para maging pamaypay.
"Just tell me the truth, bruh. It might stop you from feeling so awful."
Franchesca just took a deep sigh, "Okay fine," Aniya bago hinarap ang kanyang kaibigan. "Ang totoo, nagtapat si David sa akin kanina na mahal niya ako."
"I knew it!" Mabilis na sagot nito. "Sabi ko na nga ba e, may something sa inyo— pero... ano'ng sinagot mo sa kanya?" Sunod-sunod na sambit ni Alianna.
"Excited lang?"
"Tsss... Make kwento na kasi, bruh. H'wag kang pabitin." Inip na saad nito.
"You know what I've been through, Ali... Natatakot ako na kapag hinayaan kong makapasok sa buhay ko si David. Maulit muli ang mga nangya—"
Nang marinig iyon ni Alianna ay mabilis niyang niyakap nang sobrang higpit ang dalaga, "Sshhhh... I understand you, bruh," Anito bago humiwalay sa dalaga. "Pero nasabi mo na ba sa kanya ang past mo?"
Malungkot na napailing lang si Franchesca rito.
Napabuntong-hininga lamang si Alianna saka inakbayan ang dalaga, "Dapat sabihin mo na sa kanya ang lahat, bruh! Para malaman natin kung talagang handa siyang harapin ang lahat, kapag binuksan mo ulit ang puso mo para sa kanya."
"Natatakot na kasi ako, bruh! Ilang beses na kasing naulit." Hopeless na sagot ni Franchesca saka yumakap sa kanyang kaibigan.
"Kung talagang mahal ka niya, handa dapat siyang harapin ang posibilidad na mangyari kasama ka— pero ang tanong mahal mo na ba?"
"I think, ready na akong buksan ang puso ko para kay David, bruh." Nahihiyang sambit ni Franchesca.
"O to the M to the Geee! I'm so happy for you, bruh!" Masayang turan ni Alianna bago niyakap ang kanyang kaibigan.
"Thank you, Ali..."
"Sus! Wala 'yon— alam mo naman na support ko ang happiness mo. Kaya hindi na ako eeksena, kahit fafables pa si David." Anito saka nagpakawala nang malakas na halakhak.
Natawa na lang si Franchesca sa huling sinabi nito bago hawak-kamay na naglakad ang dalawang dalaga patungo sa bahay-tanggapan.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro