Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Comeback

Ilang linggo rin ang lumipas. Hindi pa rin lumalabas ng kwarto si Alden at naglalasing lang ito. He doesn’t know how to start his life without her.

Nagkalat ang maraming bote ng alak sa apartment niya at maging ang mga pinagkainan niya ay inaamag na.

Maraming endorsements ang nagback out dahil malaking pera ang ibinayad nila kina Maine at Alden.

Planado na ng mga writers ng Eat Bulaga ang Kalye Serye Part 3 kung saan ay magsisimula ang panibagong yugto sa buhay nila bilang mag-asawa. Ngunit nang mamatay si Maine ay napagdesisyunan nilang bigyan ng sequel ang Kalye Serye ngunit iba na ang bida dahil dito lamang kumikita ng malaki ang kumpanya at naniniwala sila na mabibigyan nila ng hustisya ang pamamayagpag ng Kalyeserye.

Kung hindi pa nagmakaawa ang cast ng EB ay hindi pa lalabas si Alden sa apartment niya. Pumayag naman ito na lumabas sa TV ngunit recorded ang lahat at konting script lang ang bibitawan niya.

Habang binabasa ni Alden ang script niya ay parang namalikmata ito at nakita si Maine sa salamin. Siya ang magpapakilala sa sambayanan kung kaninong kwento naman ang magsisimula sa Kalye Serye Part3 at upang magpasalamat sa AlDub Nation sa suporta at pagmamahal nila.

Noon pa lamang nagsisimula sila ay nangako sila Maine at Alden sa isa’t isa na dadalhin nila ang Kalye Serye hanggang sa pagtanda nila upang magpasalamat sa mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanilang dalawa.

Labag man sa loob ni Alden na bigyan ng bagong mukha ang KalyeSerye, alam niya ang kalakaran sa showbusiness at napapagod na rin ito sa pag-aartista buhat nang mawala si Maine.

Hiniling niya sa staff na irecord na lang ito dahil lagi niyang naalala si Maine sa tuwing nakatingin siya sa screen.

Mag-isa lang siya sa recording studio upang makapagconcentrate ito.

Tinuruan na rin siya ng mga cameraman kung paano galawin ang mga naglalakihang camera upang hindi na ito mahirapan.

Pagbukas niya ng ilaw ay nanlaki ang mga mata nito nang makita si Maine na nagdudubsmash sa harapan niya.

I really really really really like you.. and I want you, do you want me, do you want me, too?” panggagaya ni Maine sa kanta.

Kung gaano kalikot ang mukha niya sa pagdadadubsmash noon ay wala itong pinagbago.

Nakasuot ito ng puting dress at nangingitim pa ang ilalim ng mga mata niya. May tahi sa noo niya at may mga dugong namuo sa mukha niya.

Agad na pinatay ni Alden ang ilaw at agad niyang isinara ang pintuan.

Namimiss mo lang siya. Namamalikmata ka lang..” bulong sa sarili.

Unti-unti niyang ipinihit ang door knob at binuksan muli ang ilaw,.

Halos himatayin ito nang magdubsmash muli si Maine at palapit pa ito ng palapit sa kanya.

Lalo itong kinilabutan nang madulas si Maine dahil natabig ni Alden ang tubig. Humiwalay ang isang paa ni Maine ngunit para lang niyang nilagyan ng glue ito nang ikabit muli sa binti niya.

Nabitawan ni Alden ang script niya at napa-atras ito.

Bibi boy! Bakit ka ba lumalayo. Tara na honeymoon na tayo..” nakangiting sabi ng zombie na si Maine.

Bibi girl?” takot na sambit ni Alden.

Yes bibi boy?” pagpapacute ng dalaga.

Dahil sa sobrang takot ay nawalan ng malay si Alden.

Bibi boy nemen eh..”

Hinila ni Maine si Alden gamit ang isang kamay niya ngunit inalalayan pa rin niya ito. Napatigil si Maine nang maputol ang kamay niya at wala na pala siyang hinihila.

Si Alden ay wala pa ring malay dahil sa kanyang nasaksihan. Binalikan ni Maine si Alden at ikinabit niya ang kamay niya.

Sa parking lot dumaan si Maine upang hanapin ang sasakyan ni Alden at makauwi na sa kanilang apartment.

Ang gwapo mo talaga bibi boy..” bulong ni Maine. Tinanggal niya ang tshirt na suot nito upang bihisan ang kanyang asawa tulad nang ginagawa niya noong magkasintahan pa lamang sila.

Buong magdamag ding walang malay si Alden. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya nang makita na nasa apartment siya..

What a bad dream..” he whispered. Unti-unti siyang umikot dahil nangangalay siya at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Maine sa tabi niya. Nag-ssnapchat tulad ng dati niyang ginagawa.

AHhhhh!” sigaw ni Alden. Nahulog ito sa higaan at napaupo sa sulok.

Bibi girl?” sambit niyang muli.

yes bibi boy. Bakit ka natatakot? Hindi ba ipinangako ko sa’yo na magsasama tayo forever, so I’m here.” Nakangiting sabi nito.

Huminga ng malalim si Alden at kinusot ang mata niya.

Anong ginagawa mo dito? Paano ka napapunta dito?”

Bibi boy naman eh. Ang hirap bumangon mula sa hukay ha. Kung layuan mo ako parang ang pangit pangit ko!” sigaw nito. Nagpout si Maine at sumimangot ito.

Sino ba naman ang hindi matatakot sa hitsura ng isang babae na may tahi sa ulo, may nga tahi sa mukha at nangingitim ang ilalim ng mata?

Hindi sa ganon bibi girl. You’re dead..” sambit ni Alden.

And so? Love knows no difference between life and death.” sabi nito habang papalapit kay Alden.

Wait diyan ka lang. May photoshoot ako in 5 minutes. I need to go!” nagmamadaling sabi nito. Kahit nakapantulog pa ito ay dali dali siyang bumaba sa kanilang apartment at nagtungo sa parking lot.

Anong problema ni bibi boy ko?” nagtatakang tanong ni Maine sa kanyang isipan.

"Sabi mo dalawin kita, nandito na ako bibi boy.."malungkot na sabi ni Maine sa harapan ng salamin.

Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o totoong si Maine ang nakita niya.

Hanggang sa maalala niya ang mga sinabi niya kay Maine noong libing nito.

"Paano ba yan bibi girl, dalawin no na lang ako ha, mahal na mahal kita.."

Napakamot ito sa ulo niya. Epekto kaya ito ng alak na nilaklak niya sa pagkawala ni Maine?

Nagulat ito nang marinig niya ang phone niya na kanina pa nagriring.

"Hello.."bungad niya.

"Finally iho. Nasa Taguig kasi ako at hindi na ako makakahabol sa Barangay. Sa apartment mo muna ako tutuloy. Inaantok na talaga ako." wika ni Jose. Nanlaki ang mga mata ni Alden dahil hindi nila pwedeng makita si Maine.

"Ano kasi.. wala ako sa apartment." paliwanag niya.

"Mabuti naman. Para makatulog ako. Sige. Paakyat na ko." Ibinaba ni Jose ang tawag at nagmadaling umakyat si Alden muli. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya pero hindi nila pwedeng makita si Maine.

Nang makarating siya sa apartment niya ay huminga muna ito ng malalim bago buksan ang pintuan.

Naabutan niya si Maine na ginagaya si Kris Aquino.

"OH MY GOD DARLAAAAA! DARLA HINDI ITO MASAYA NAKAKALOKA KA!AAAAYYYY"panggagaya ni Maine habang umiikot sa upuan.

Napapikit si Alden habang pinagmamasdan ang asawa niya.

Naapakan ni Alden ang lata ng alak kaya narinig ito ni Maine.

"Bibi boy!" sigaw ni Maine. Halos masuka si Alden sa amoy ni Maine. May langaw na umaaligid sa kanya at umaalingasaw ang amoy patay sa kanya.

"Bibi girl. Ano kasi. Pwede sa banyo ka muna?"

"Bakit bibi boy? Honeymoon na ba tayo?"kinikilig na sabi ni Maine habang tumatalon-talon.

"Ah sige. Maligo ka muna at huwag kang lalabas hanggang hindi ko sinasabi."bilin ni Alden. Nakita niya ang doorknob na parang may bumubukas kaya agad niyang itinulak si Maine sa loob ng banyo.

"Yan ang gusto ko sa'yo e." sabi ni Maine. Kinindatan niya si Alden at nagkagat labi ito.

"Enjoy!"sigaw ni Alden. Isinara niya ang banyo at inayos ang sarili.

Pagkalabas niya ng kusina ay halos atakihin ito nang makasalubong niya si Jose.

"Kuya naman e. Tinakot mo ako!"reklamo ni Alden.

Kumuha ito ng tubig sa ref at umupo muna upang makapag-isip.

Hindi niya namamalayan na papunta na palang banyo si Jose at unti-unting hinuhubad ang suot niya.

Hinarang siya ni Alden at itinulak niya ito palabas.

"Alden naman, dalawang araw na akong walang ligo."

"Kailangan mo munang umalis kuya. Saka na ako magpapaliwanag, okay?"

Sakto naman na tumawag sa kanya si Paulo at niyayaya ito somewhere in Taguig para i meet ang bagong miyembro ng Juan for All, All for Juan.

"Oh siya sige..I'll be there in 5 minutes.."sabi nito sa kabilang linya. Nakahinga ng maluwag si Alden nang lumabas si Jose ngunit hindi doon natatapos ang kalbaryo niya.

Lumabas naman si Maine mula sa banyo na nakapanty at bra lang.

Napapikit si Alden nang nakita ang katawan ni Maine.

"Bibi boy! I'm ready!" pang-aakit nito.

Sa ikalawang pagkakataon ay nawalan muli ng malay si Alden sa nakita niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro