
t w e n t y s e v e n • s t r u g g l e
I felt a set of tears escape my eyes, a heaviness engulfing my being with each breath I took. Nag-angat ako ng tingin at tinitigan ang madilim na kalangitan, iilang bituin lang ang nakapaskil dito, pati ang buwan ay 'di rin maaninag.
Dahan-dahan, ibinaba ko muli ang tingin at huminga ng malalim. Kahit anong gawin kong pag-limot, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang sinabi ni Kuya Dan. Nagbibiro lang siya, hindi ba? Hindi totoong papalayasin niya ako't papauwiin ... hindi ba?
Mariin kong ipinikit ang mga mata, ramdam ang pagtulo ng isa pang pares ng luha galing dito. Paano na? Paano na 'to?
Parang kahit anong piliin ko, hindi parin ako makukuntento. Kung titigil ako sa ministry at hindi na rin dadalong simbahan, pananatilihin nila ako dito. Pero pag ipinag-patuloy ko naman, wala 'rin namang mangyayari dahil papauwiin naman ako.
I swallowed with difficulty, feeling a lump of bitterness rise to my throat as I thought.
I lifted my gaze once more, eyes blurry from the tears that welled upon it. Panginoon, ano pong gagawin ko? Ayoko pong itigil ang paglilingkod Sa'yo. Ayoko! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko kung ganon din ang mangyayari. Pero paano po? Ano pong gagawin ko?
I placed both palms on my face, feeling warm tears trickle down my cheeks as I did so. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Bakit ganito? Nakaka-inggit ang iba. Malaya silang nakapaglilingkod Sa'yo. Pero bakit sa'kin ganito, Lord? Bakit parang palaging may kailangang isakripisyo? Tulungan Mo po ako, Panginoon. Hindi ko po alam ang gagawin!
Ilang sandali akong nanatiling gano'n, nakatingala lang sa langit na tila ba naghihintay ng sagot. Pero wala. Ni isang salita mula sa Kaniya wala akong marinig.
Bakit ganito, Lord? Bakit ngayong kailangang-kailangan Kita ay parang malayo ka sa'kin? Ito ba ang will Mo, Panginoon? Have you brought me here to experience Your wonders, only to take me away again?
Why? Why do this, Lord?
I took in another breath, wiping the tears that seemed to fall incessantly from my eyes. Paano na po, Panginoon? Kung papa-uwiin talaga ako ni Kuya, paano na po pag-aaral ko?
I bit my lip, sucking in a breath as a wave of anxiety washed over my being. Hindi ako kayang pag-aralin ni Mama. Paano na ngayon 'to?
I hung my head in defeat, shutting my eyes as I released a long breath. Bahala Ka na, Panginoon.
"Lord," I breathed, whispering into the night sky as I spoke, "I don't know what may come, but I can't carry this burden on my own. Hindi ko po kaya, Panginoon. Hindi ko alam ang gagawin." A lone tear slid down my face, "But I put my self in Your care. Take care of me Lord." Lumunok ako at pinunasan ang luha sa pisngi,
"I surrender."
The busy chatter from students filled my ears, happy laughter ringing in the air as I stepped into the 2nd floor's hallway. Kita sa mga mga mata ng mga studyante ang saya. How I wished I could smile like that again. Friday na ngayon, at ngayon nai-schedule ang Campus Ministry Fellowship. As happy as I was to join, I knew it could also be my last, and the melancholy it brought was so unbearable.
"Grace, tara na?" Narinig kong sambit ni Rhoe mula sa likod ko.
"Oo," Pagsang-ayon ko, "Tara na't baka naghihintay na ang iba sa gate."
I felt her grip my arm, stopping me from my tracks as I was about to walk. "Grace?" I gazed at her.
"Hmm?"
"May problema ba?" Alala siyang lumapit at tinignan ako ng maigi, "Kaninang umaga ko pa nanapansin eh. Ni isang ngiti 'di mo man lang magawa." She surveyed me from head to toe, "May sakit ka ba, Grace? O..."
Tahimik lang akong tumitig sakaniya, nag-iisip kung paano ba ako sasagot. Bumuntong-hininga ako. Paano ba 'to?
"Grace!" I snapped back to my senses, "Grace, bakit ka umiiyak?"
Agad kong ibinaba ang tingin at pinunasan ang luha na tumulo sa aking pisngi. Hinigit niya ako pabalik sa bakanteng silid at muling tumitig.
"May problema ba?"
"Ah," Huminga akong malalim, "A-ano kasi- uh,"
"Grace," She lifted her hand and smoothed my back, "You can tell me,"
Sa pagkasambit niya nito ay 'di ko na napigilan ang mga luha sa pagtulo mula sa aking mga mata. Nagbaba ako ng tingin, "Ano kasi eh, papauwiin na daw ako nila Kuya Dan kung hindi ako titigil sa ministry."
A gasp escaped her lips, for a while silent as she seemed to process my words in her mind. "A-ano!? Bakit? Anong nangyari?"
Pinunasan ko ang pisngi at iniangat ang paningin, "Sa akin kasi sinend ni Ma'am Principal 'yong letter of warning niya sa Occultic Activity daw natin dito sa school." Panimula ko, "Nabasa 'yon ng Kuya ko kaya nagalit siya. Sabi niya pag 'di daw ako titigil papabalikin niya ako sa Ifugao."
"No," Narinig kong bulong ni Rhoe, "This can't be, Grace."
I lowered my gaze, unsure of how to respond to her remark.
"Bakit naman gano'n ka-grabe ang gagawin ng Kuya mo?!" She looked away and scoffed, "Bakit Cessationist din ba siya? Sobra naman yata ang ganyan!"
"Hindi," Nagbuga ako ng hangin at ibinaba ang tingin, "Athiest kasi ang asawa ng pinsan ko, Rhoe,"
"Pero kahit na!" Napa-atras siya't nagsalitang muli, "You have your own religious freedom! Hindi ka niya pwedeng diktahan!"
Tumango ako, "Oo, pero..." Huminga ako ng malalim, "Nasa ilalim kasi ako ng bubong niya, at siya ang nagpapa-aral sa'kin. If he chooses to stop doing so and send me away... he can."
Napabuntong-hininga si Rhoe, at laking gulat ko ng makita ang isang luhang tumulo mula sa mga mata niya. I shut my eyes in surrender, body limp as she pulled me in an embrace.
"Hindi ko rin alam ang gagawin ko, Rhoe," Bulong ko, "Please, please pray mo ako."
"Don't worry, Grace," I heard her whisper, "We will pray."
Dahan-dahan niya akong binitawan at nagsalita, "God will make a way. Sigurado ako do'n."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro