
Mystery Box
"Alam mo kanina pa talaga ako nakatambay dito sa labas kasi hinihintay ko si Kuya K&T. Parcel out for delivery na, eh. In fairness, ang tagal niya ngayon, ha! Naiinip na ako."
Napairap na lang ako sa pagrereklamo ng kapatid ko. Kung may discount sigurong ibinibigay sa pagiging drama queen, malamang puro libre na 'yong sandamakmak niyang orders sa Xhopee.
"Alam mo naman sigurong 10 minutes ka pa lang nakatambay diyan, 'di ba?" I countered, not in the mood to keep up with her rants. Hindi tulad niya, homework ang pinagkakaabalahan ko.
Sa dami ng school requirements namin, sino ba namang baliw ang uunahin pang mag-abang ng free shipping vouchers ng hatinggabi, maghintay ng flash sales, at mag-check out ng twenty items dahil lang feeling niya "deserve" niya ang lahat ng 'to?
Oh, right. My beloved twin:
"Mira Feliciano!"
At tulad ng inaasahan ko, agad na umaliwalas ang mukha ni Mira nang marinig ang boses ni kuya delivery guy. Daig na niya ang naka-uno sa Calculus sa reaksyon niya ngayon. Nagkakandarapa pa siyang buksan ang gate.
"PRESENT, KUYA!"
'Sana sa mga klase mo present ka rin,' I thought and recalled the numerous times she's ask me to "stand in" during her online classes. Dahil sa addiction niya sa pamimili online, madalas niya akong nababayarang umaktong siya at um-attend sa mga klase niya. Mabuti na lang talaga at hindi nakakahalata ang mga teacher niya.
Perks of having an identical twin, I guess.
Pagkabalik ni Mira, she had this winning look on her face. Bitbit niya ang limang parcel na iba-iba ang sizes. Hindi ko na talaga gustong alamin kung magkano na naman ang nagastos niya para lang sa mga bagay na hindi rin naman niya gagamitin after several days. In fact, she forgets she even bought most of the items she purchased online!
"O, bakit ganyan ka na naman makatingin, Myra? Inggit ka, 'no?"
Irap ulit.
"Mas maiinggit sana ako kung wala kang singko sa report card mo dahil lang nakalimutan mong i-submit ang PE video mo 'nong nag-24 hour marathon kang namili noong 11.11 sale."
She shot me a look, clearly offended with my words. Pero sa 17 years naming magkasama, alam naman niyang mas gugustuhin kong masaktan siya sa sasabihin ko kaysa purihin siya sa mga mali niya. That's how life goes, folks.
Sometimes the truth is unbearable, but it reveals so much.
And speaking of revealing...
"Mira, bakit parang may tumutunog sa parcel mo?"
Agad kong tinanggal ang earphones ko at sinulyapan ang kahong binubuksan niya. May parang kumakatok sa loob! I eyed the box suspiciously, but Mira doesn't seem to mind.
"Baka naman guni-guni mo lang? Wala naman, ah."
"Meron nga! Teka, ano na naman ba 'yang binili mo?" I asked.
Mira beamed, "Mystery box! Naka-sale kasi kahapon, kaya siyempre ginrab ko na 'no!"
Mystery box?
Yup, masama ang kutob ko rito. Knowing my online shopping obsessed sister, hindi na siya mag-aabala pang basahin ang descriptions o magtanong sa seller. Basta naka-sale o free shipping, add to cart at check out agad.
The knocking sound from inside the box grew louder.
"Mira! S-Seryoso, ano ba 'yan?"
Mira stared at me as if I grew an extra nose. "Eh? Myra, nakapag-kape ka na ba? Malamang hindi ko alam kasi nga 'Mystery'! Hayst! Pero dahil nacu-curious na rin talaga ako sa laman nito," inalog-alog pa niya! "Buksan na natin ang mahiwagang Mystery Box~!"
I frowned and tried to calm down my nerves. I can't believe she doesn't believe me!
Dahan-dahan niyang tinanggal ang laso at pinunit ang wrappings. Napapitlag ako nang para bang may bumagsak sa loob ng kahon, as if something inside crashed. Palakas nang palakas ang ingay, at habang tumatagal, ramdam kong pinagpapawisan na ako nang malamig. Shit.
What the heck is inside that box?
Maya-maya pa, nanindig ang balahibo ko nang may narinig akong mahinang tawa mula sa loob.
Nanlamig ang buong katawan ko sa takot.
"M-Mira, lumayo ka sa kahon---"
"Huh? Myra, bakit ba parang takot na takot ka...?"
Another blood-curling laugh sent a shiver down my spine.
"MIRA, PLEASE! Hindi na maganda ang kutob ko rito..."
'Ano bang laman ng kahon?'
Hahatakin ko na sana siya papalayo, pero nagmatigas lang si Mira. Wala siyang kaalam-alam sa mga naririnig ko. Something sinister is inside that Mystery Box and I don't know how to warn her. I gulped and waited as she opened the lid...
Napasigaw ako.
Hindi sa takot, kundi sa inis.
Dahil noong ipinakita niya sa'kin ang laman ng kahon, my blood instantly boiled when I saw the small bluetooth speaker inside, playing the awful sounds I've been hearing.
"HAHAHAHAHAHA!"
Humagalpak nang tawa ang kakambal ko at pinindot ang pause sa screen ng kanyang cellphone, instantly stopping the downloaded sound. Mira almost fell on the floor laughing at my reaction.
"HAHAHAHAHA! Grabe kung nakita mo lang 'yong mukha mo kanina, Myra. HAHAHA! It's a prank!"
As if on cue, biglang pumasok ang kapitbahay naming si Yohan na nakasuot ng damit pang-delivery man.
"Sorry, Myra. Hahaha!"
Damn. Bakit ko ba nakalimutang nagtatrabaho nga pala siya sa K&T Express? Ugh.
Dahil sa inis ko, kinuha ko ang pinakamalapit na bote ng alcohol at pinagi-spray sa kanila. Mira and Yohan ran around the house as I chased them with the alcohol spray.
"BUMALIK KAYO DITO, MGA BALIW KAYO! MUNTIK NA AKONG ATAKIHIN SA PUSO KANINA, 'DI KO PA MAN DIN TAPOS ANG ASSIGNMENT KO!"
Yes, it was all just my sister's prank.
Kaya hanggang ngayon, nananatiling palaisipan sa'kin kung bakit biglang nag-play ulit ang tunog sa cellphone niya, kahit pa wala namang taong pumindot 'non...
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro