Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19

•Mystein ”Primus” Point Of View•

•••••••

Nasa Office ko padin ako ngayon,  Iniisip ‘yong  mga picture na nakita ko kanina.

Hyyyssttt!!! Ginulo ang buhok ko dahil mabobobo na ako dito. Ano ba kasing klaseng pag ooverthink tong ginagawa ko? Wala na akong ibang inisip kundi mag isip ni hindi ko naman alam kung may isip nga ba talaga ako o wala.

“Ms Pr—.”

“Hyssttt! Tang*na kaba? Di kaba marunong kumatok manlang? Wala kabang kamay para kumatok sa pinto huh?”

Iritang tanong ko sa kan’ya.

“Sorry na.”
Sagot nito saka lumapit sa‘kin.

“Teka Jay? Ano bang kailangan mo?”

“Inutusan ako ni Alex na puntahan ka dito,  pano ba naman kasi except sa class S-U at Class 4-B nasa Auditorium lahat nagrarally gusto daw nilang magkaroon ng valentines sa darating na  feruary 14 at wala daw kwenta ang ssg president dahiil hanggang ngayon daw di padin nila k—(BLLLAAGGGG)”

Binagsak ko ng malakas ang kamay ko sa mesa dahil sa nadinig ko.

“Talaga bang sinusubukan nila ako?”
Inis na tanong ko saka tumayo. Lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Jay para ibigay sa‘kin ang sombrero at mask.

“Ano gagawin ko d‘yan.”

“Sabi Ni Queen hindi padaw pwede malaman ng lahat na andito kana,  Dahil nakakasiguro daw s‘yang merong nakakakilala s‘yu dito sa M.U na galing sa dating University.”

“Oh , tapus?”

“Isuot mo ‘yan.”
Hindi na ako kumibo at kinuha nalang ito ng mabilis saka sinuot ang mask at sombrero.

Ako lang ba ang nagmumukhang killer dito sa  loob ng M.U?

“SINO ‘YAN?”

“OMYGOSH SINO BA‘YAN? ANG COOL N’YANG TIGNAN AH.”

“COOL NGA PERO PANGIT SIGURO ‘YAN? EH AYAW IPAKITA ANG MUKHA EH.”

“BAKA NAMAN MAY GINAGAMIT SA MUKHA KAYA AYAW MAINITAN AT SAKA PUPUNTA DIN S‘YA SA AUDITORIUM?ANO GAGAWIN N‘YA DON? MAKIKIGULO DIN BA?”

Nawala lang ako ng ilang weeks naging madami na ang mga chismosa at chismoso dito sa M.U wala ba silang magawa sa buhay nila at pati buhay ng iba pinapaki alaman na? Ang tindi din nila eh , noh?

Hindi pa ako nakakapasok sa loob pero ang gulo na agad nila? Para silang nag rarally na tila hindi pinagbigyan sa gusto nila.

Sino ba ang putang*nang may pakana nito?

“Ms? Anong meron d‘yan ba’t ang ingay ingay?”

Napalingon ako sa mga teachers na nasa likuran ko banda.

“Oo nga,  anong meron d’yan,  abot sa kabilang building ang mga sigawan nila? Mga kaguluhan bang nagaganap?”

“Gusto n‘yong malaman?”

“OO NAMAN.”

“Teachers kami kaya kailangan naming malaman kung ano nangyayari d‘yan sa loob.”

“Ba’t di kayo pumasok? Bagkus na tanungin n’yo ‘ko kung ano meron sa loob ba’t hindi kayo ang tumingin tapus tanungin n‘yo sa isang studyante d‘yan sa loob kung ano meron.”

“Aba! Bastus ka ah,  teachers kami dapat ginagalang mo kami? ‘yan ba ang natutunang mo saming mga guro huh?”

“Mukhang bang isa kayo sa instructure namin?”
Tanong ko sa kanila balik mga lima silang lahat at ni isa sa kanila hindi sa section namin nagtuturo.

“Bakit anong section kaba? At kung umasal ka ng gan‘yan akala mp kalevel mulang ang mga kausap mo.”

“Nasa Unang building ako,  class S-U.”

Sagot ko na kinatahimik nila. “Ni Isa sa inyo hindi ko naging instructur, at ‘yang mga studyante sa loob diba kayo ang may hawak sa mga iyan? Ano bang tinuturo n’yo at ‘yan ang mga asal n‘yan para mga asong ulol. Nasa 100k kada isang buwan ang sahod n‘yo tapus hindi n’yo napapatino ang mga studyanting tinuturuan n‘yo.  Pasensya na po sa mga sinasabi ko.”
Pag hihingi ko ng paumanhin sa kanila saka yumuko.

Ngumiti naman sila saka umalis.

Pumasok ako sa loob at tahimik na umakyat sa stage saka hinawakan ang Mic.

“AHAM!! MIC TEST! MIC TEST!!”
napatigil silang lahat saka humarap sa gawi ko at nagsimula na namang nag bulungan.

“SINO BA’YAN?”

“OO NGA SINO ’YAN? ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA N‘YANG PUMUNTA D‘YAN SA STAGE TAPUS NAKATAGO PA ANG BUONG MUKHA.”

“HOY!! IKAW? UMALIS KANGA D‘YAN ANG SUPREME STUDENT ANG KAILANGAN NAMING MAKAUSAP HINDI ANGV ISANG TULAD MO.”

“May kailangan lang akong sabihin.”
Pagsisimula ko. Pero ang totoo kanina pa ako inis na inis na dito isa pang pagkakamali na may sumagot ni isa sa kanila tatama sa bunganga nila tong upuan na nasa tabi ko.

“ANONG SASABHIN UAMLIS KANA D‘YAN.”

“OO NGA ALIS NA.”

“UMALIS KANA D‘YAN?!”

“ALISS NA!!”

“MGA PUTANG*NA BA KAYONG LAHAT?” malakas na mura ko gamit ang mic na kina atras nilang lahat. “Ayon,  isang malutong na mura lang pala ang kailangan para tumahimik kayo.” dagdag ko pa.

“Sino kaba? Kung wala kang maitutulong umalis kad’yan andito kami para makausap ang mga member ng ssg officer lalo na ang ssg president.”

Teka? Hanggang dito ba naman umaabot pa ang landas namin ng babaeng to?

“Ano ba kailangan n’yo sa supreme student?”
Tanong ko.

“Dapat nong lunes pa naka paskil don sa Bulleten board na may magaganap na valentines sa 14 ngunit hanggang ngayon wala padin, kasi walang kwenta ang mga ssg officer dito.”

Naitaas ko ang kilay ko dahil sa sinabi nito. “Sa pagkaka alam ko hindi uso sa M.U ang valentines na’yan? At para malaman n’yo walang valentines na magaganap sa 14 now kung gusto n’yong magkaroon ng kadate just get the h*ll out of this University! And desides January 14 Palang ngayon at dapat n‘yong isipin ang pagdating ni UNO?”

“Hindi maaaring hindi magkaron ng valentines sa 14 , dahil mahalaga ‘yon kasi araw ng mga puso ‘yon.”

“OO NGA!!”

“TAMA ! TAMA!”

“Pagdi kayong lahat tumahimik lahat kayo mamamatay.” saad ko na kinatigil nila.“Ngayon,  kung sino ang magsalita sa inyo patay.” tila naging mapayapa ang loob ng auditorium dahil sa biglang pagtahimik nilang lahat.

“Ngayon ang huminga patay.” dagdag ko pa muntik na akong matawa dahil sa itsura nila. “Kidding.” dugtong ko.

“February 14  sa ibang school nag didiriwang sila ng araw ng mga puso tapus dito sa M.U hindi? Anong klaseng University ba ‘to huh?”

“In Febuary 14 dito sa M.U hindi araw ng mga puso kundi araw ng pagluluksa. ”

“Pagluluksa? HAHAHAHAHAHAHA NASISIRAAN KANA BA? WALA PANG NOVEMBER TAPUS SA PAGLULUKSA KANA AGAD.”

hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa sasabihin ko. “February  14 namatay ang dating ssg president dito. Kaya naman embes na araw ng mga puso ang magaganap , isang pagluluksa ang kailangang gawin isang buong katahimikan ang magaganap sa darating na Valentines  sa M.U hindi kalandian.”

”Hindi kayo pumunta dito para ecelebrate ang Valentines andito kayo para mag aral. Puro kalandian alam n’yo marunong naba kayong buhayin ang sarili n’yo huh? Ano? Makikipag landian kayo sa 14 tapus sa 15 iiyak kayo? Tssskkkk.”

Sunod sunod na sabi ko. Pero tila yata ayaw makinig sa‘kin tong mga putang*nang to at naglakas loob pang tanungin ako ulit.

“Once In a year lang nagaganap ang araw ng mga puso,  kahit ‘yon lang ipagkakait n’yo? Anong klaseng mga ssg officer ba kayo huh?”

“Eh kung—.” huminto ako sa pagsaslita saka tumitig sa mata nong isang babaeng katabi ni Sanya.“Eh kung—ipacelebrate kita nang araw ng mga puso sa Valentines at lahat ng lalaki dito sa M.U ipadate ko sa‘yu with special performance pa sa kama. Tignan natin kung di matapos ’yang kalandian mo.”

Natahimik ito sa sinabi ko.

Ang kakapal ng mga mukha nilang sumagot sa‘kin? Ni hindi nga nila alam kung ano talaga ang meron sa M.U mga b*b*.

“Simula sa Feabrary 14 wala akong may makikitang nakangiti at nakikipaglandian dahil kapag nangyari ’yon kayo ang gagawin kung bandila sa plugpoll. Respito ,  pag galang,  katahimikan ang meron sa valentines that’s the order of the highest rank ssg officer Lawrence Primus .”

Saad ko.

“Ngayon,  kung sino pa ni isa ang magreklamo d‘yan puputulan kuna ng dila. Tapus na ang meeting bumalik na kayo sa mga class n‘yo.”

Walang ganang sabi ko at iniwang silang lahat don na tila binagsakan ng langit at lupa.

“WOOOOOOHHHHHH!!! ANG GALING MO TALAGA MS PRIMUS.

“Matagal na akong magaling kaya tumahimik kana.” sagot ko kay keil.

“Ano napatahimik mo ba ang lahat? Nasabi muba kung anong meron sa araw ng mga puso?”

“Oo.”

“Ano sabi nila?”

“Ang kapal daw ng mukha mo.”
Seryusong sagot ko kay alex.

“Anong sabi mo,  na sinabi nila?”

“Ang kapal ng mukha mo.”

“At-at talaga bang sinabi nila ‘yon? Ako ba ang sinasabihan nila?”

“Yon ang sinabi nila sa‘kin.”

“Mystein naman kahit kailan wala ka talagang kwenta kausap. So anong sinabi mo nong sinabihan ka nila na makapal ang mukha?”

“Putang*na kaba?”

“Teka ,  nagtatnong ako kung ano ang sinabi mo sa kanila pagkatapus ka nilang sabihan ng makapal ang mukha?”

“Putang*na kaba ang sinagot ko.”

Saad ko na kinakamot nila sa nga batok nila. Alin ba sa tanong nila at sagot ko ang di nila maintindihan? Mga bobo ba sila?

“Eh anong sagot nila pagkatapus mo silang murahin?”

“Hoy,  mystein?”

“Ms primus? Ano nga sagot nila. Ba’t kaba tumahimik?”

“Hindi sila sumagot at tumahimik nalang kaya tumahimik din ako. Itanong n’yo na lahat pati ang sinabi sa‘kin ni satanas nong magkita kami itanong n‘yo nadin.”

“Talaga? Nagkita kayo ni satanas ms primus?”
Natutuwang tanong ni keil sa‘kin na kinataas ng kilay ni Alex iwan ko ang iba kung asan.

“Um.”
Tangong sagot ko.

“Anong sabi ni satanas?”

“Maganda daw ako.”

“Kahit si satanas di sasabihin ‘yan.” biglang singit ni alex tssss..

“Minsan lang naman akong mag feeling maganda kokuntrahin mo pa? D‘yan nga kayo. S‘ya nga pala bukas alam n‘yo na ang gagawin.” saad ko.

Gagamit sa araw ng mga puso  ng itim na panyo para sa dating press,  diba ? halatang magluluksa.

Darating din sa January 15 ang Uno na sinasabi nila.

_____

—Marvin Point of view—

•••••

Nasa bahay kaming lahat kasama si zedrick himala at nakipag usap samin after n‘yang ipaalam sa buong campus na lilipat na s‘ya ng school.

“Lilipat kana ng school? Iiwan mo kami dahil kay Kim?”
Tanong ni lixian.

“Walang kinalaman si kim dito,  it’s my own decission. Ginusto kung lumipat ng ibang school para kay mama.”

“So , iiwan mo nga kami?”

“Sa Monteverde University lang ako mag aaral.”

Napatingin ko sa kan‘ya. “Sayang,  balak pa naman sana naming lumipat sa M.U at balak naming isama ka para iship kay mystein total break naman na kayo ni kim eh.”

“I steel Inlove with kim. Kaya kahit sinong babaeng ipadata n‘yo sa‘kin hindi ko magugustuhan. At hindi din naman ang tipo ng babaeng ‘yon ang gusto ko.”
Sagot ni zed sa sinabi ni klient.

“Anong gusto mo isang malandi?—este isang Mala kim?”
Di ko alam kung matatawa ako sa sinabi ni brix oh ano.

“Pasya mo‘yan zed susupportahan ka namin. Huwag kang mag alala. Dadalawin ka namin sa Monteverde University?”
Nakangiting saad ni dake.

______

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro