Kabanata 4
Make all over
Ilang linggo ang lumipas at papalapit na nang papalapit ang pag-aaral ko sa Montgomery University. Ilang araw na rin ang nag-daan ng magtapos ako sa Academy. Mahigit sampung taon akong nag-aral sa Academy at hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng nangyari sa'kin kahit na hindi naman ganun kasaya ang mga memories ko sa Academy. Masaya naman kahit papaano.
Inilabas na rin sa publiko ang kasinungalingang pag-aaral ko sa ibang bansa. No exact country for my safety, again.
Hindi ako galit at never akong magagalit. Naghirap silang itago ang katotohanan at hinding hindi ko sisirain 'yon sa maling desisyon. Maging maayos sana ang pag-aaral ko sa University na 'yon.
"Baby, are you ready?" Tanong Mama na abala sa pag-aayos ng mga dadalhin namin sa pag-alis ng bansa. Naka-upo ako ngayon sa couch sa harap niya, hindi magkanda-ugaga si Mama sa pag-aayos e.
"Katherine, bakit hindi mo na lang ipagkatiwala ang mga 'yan sa mga maid? Masyadong kang natetense." Ani naman ni Daddy na busy sa pag-aayos ng neck tie niya. Ngayong araw din kasi ang pag-alis namin. Nagmamadali ang lahat.
"Paanong hindi ako matetense? Babalik tayong muli sa Korea. Sa Korea kung saan tayo nagkakilala.. take note kasama nating muli ang mga anak natin, kaya lang wala si Apollo." Masaya na sana wala lang si Kuya. Bakit kasi ang tagal-tagal ni Kuya.
"Oh ano Piarra? Tapos ka na ba?" Muling humarap si Mama sa'kin.
"Kanina pa po nasa baba ang mga gamit ko." Sagot ko. "Pati sina Kuya at Frollo nasa baba na rin, kayo na lang po ang hinihintay." pagpapa-alala ko. Biglaan rin kasi ang pag-alis namin dahil nagkaroon din ng biglaang Meeting si Daddy sa Korea.
Pagtapos ng pag-aayos ni Mama at Daddy bumaba na rin kaming tatlo para maka-alis na. Private Plane naman ang gagamitin namin kaya lang naghahabol din si Daddy ng oras.
Sinabi na rin sa'kin na ang pag-alis namin ngayon ang magiging hudyat sa Publiko na lalabas na nga ako sa bansa para sa pag-aaral ko which is malaking kasinungalingan.
"Daddy, ilang araw po tayo sa Korea?" Tanong ni Frollo. Magkakasama kami ngayon sa iisang sasakyan, Limousine. May limang kotse pa ang nakasunod sa'min at dalawa naman ang nasa unahan, kung iisipin parang Presidente lang ang pino-protektahan. Tsk.
"Limang araw lang mga anak. Kailangan pa kasi nating maghanda para sa selebrasyon ng buong Pamilya." Para ipaalam ang pag-aaral ko sa University, yeah. "Pupuntahan ko pa ang Kuya niyo sa France."
Naging tahimik muli kami hanggang makarating sa 'Piarra International Airport' isa sa pagmamay-ari ng Pamilya namin.
Nagsilabasan na ang mga Bodyguards at Maids na makakasama namin patungong Korea. Ang mga kasama ko naman sa sasakyan ang nagsilabasan.
"Baby, wait for my signal bago lumabas. Maraming tao ang nag-aabang sa'yo dito sa labas." Paalala ni Daddy.
Sumilip ako sa labas mula dito sa loob ng Limousine, marami nga sila. Dito sa paliparan na kasi kami dumiretso kasama ang pitong kotse na kakaalis lang. May mga sasakyan naman daw kami sa Korea sabi ni Daddy.
Hinihintay pa kasi ang paglabas ng Plane na gagamitin namin. Sa pagkaka-alam ko ipinangalan ang mga Eroplano sa aming magpipinsan na Maniego, ibig sabihin twenty one ang bilang ng mga Eroplano ngayon dito. What a fantastic thing. Tsk.
Sa paghihintay ko ng ilang minuto mula dito sa loob ng kotse, sa wakas.. lumabas na ang magagamit naming Eroplano na nag-ngangalan na 'Shayne' , Aunt Chanel daughter.
Bumukas ang pintuan ng Kotse at iniluwa ang nakakatakot kung Kuya, Kuya Claude.
Hindi naman ito gaanong naka bukas para hindi ako makita ng mga taong naghihintay sa'kin sa labas.
"Cover your face.. with this." Tsaka niya inabot sa'kin ang Black Leather Jacket niyang suot kanina.
Bago ko pa ito maitabon sa'kin nahagip ng mga mata ko ang isang bata na sobrang kinagigiliwan ko, Ayesha. Nandito siya. Isa siya sa naapektuhan sa kasinungalingan na ito. Ayokong makita ang isang katulad niya na nabubulag sa katotohan. Umiiyak siya habang isinisigaw ang Pangalan ko. Hindi kasi sila maaaring maka-pasok dito, dahil na rin siguro sa kaligtasan ko. Napansin ko rin na may isang lalaki na nagpapatigil sa kanya sa pag-iyak, maybe her brother or something related to her. Gusto ko siyang lapitan at itahan sa'king mga balikat. Pero..
"Ano? Let's go." Naiinis na siya. Itinabon ko na ang Jacket at sumunod kay Kuya. Naka-akbay siya sa'kin at inaalalayan patungo sa Private Plane na gagamitin namin. Hindi ko na ginawang lumingon man lang para magpaalam sa kanila, kung alam lang nila.. babalik rin naman ako e. Iilan lang kasi sa kanila ang nakakakilala sa'kin at isa na doon si Ayesha.
Naupo ako sa malapit sa may bintana. Gusto kong makita ang mga ibon at mga ulap na malayang lumilipad sa langit. Isa ako sa mga naiinggit sa kanila. Kung nagiging malaya din sana ako kagaya ng iba. Kung nagagawa ko lang ang lahat ng gusto ko. Kung sana normal na buhay lang ang meron ako. Pero hindi.
"Baby, are you okay?" Tanong ni Mama habang papa-upo sa tabi ko. Nasa himpapawid na kami patungong Korea.
"Opo." Tanging sagot ko.
"May gusto ka bang puntahan pagdating natin sa Korea?" Aniya, tsaka hinawakan ang kamay ko.
Umiling ako. "Ayos na po ako sa bahay. Hindi rin naman po ako sanay na lumabas." Ayoko sa Korea. Kung sa Pilipinas na lang sana kami nagbakasyon.
"Wag ka ng mag-alala, baby. Makakalabas ka na. Nasabi ko man sayo na hindi kita papayagan pero hindi ko naman mapipigilan ang gusto mo, tsaka nandiyan naman ang mga Kuya mo at si Frollo para bantayan ka." Niyakap ko siya ng mahigpit tsaka nagpasalamat.
"Ma, Thank You. Sobra mo po akong napasaya. I Love You, Ma."
"I Love You too, Baby." Aniya
Bumitaw ako tsaka binigyan siya ng napaka-laking ngiti.
"No Boyfriend muna huh." Paalala pa niya.
"Ma.. syempre. Pag-aaral po ang pakay ko dun hindi lalaki. Tsaka sawa na po ako sa pagsaway sa mga kapatid ko, dadagdagan ko pa." Medyo parinig na yun.
"Shut up, Tanya!" Inis na utas ni Tyrone. Nakapikit na siya pero nagawa pang magsalita. Defensive.
"Kuya Ty, defensive?" Pang-inis naman ni Frollo.
"No! Ts. Inaantok na 'ko." Aniya sabay kamot sa batok.
"Wag nga kayong maingay!" Lahat kami nanahimik. Naiinis na si Kuya Claude.. lagot.
Tumingin ako kay Mama, tulog na rin siya sa tabi ko. Si Daddy naman naka-harap sa laptop niya na busy sa ginagawa. Kaming tatlo na lang ang gising.. si Frollo na busy sa paglalaro sa Phone niya. Malayo sa'min ang mga Bodyguard at Maid kaya hindi ko sila masayadong makita mula dito sa unahan.
"Sa isang kotse na ako sasakay dahil didiretso na 'ko sa KimSam Malls Company Building for the CEO's Meeting. Keep safe." Nagmamadali si Daddy kaya hindi na rin kami nakapag-paalam sa kanya. May dalawang kotseng may Bodyguard ang naka-sunod sa kanya para sa proteksyon.
Wala naman masyadong katao-tao dito kaya hindi ko na kinakailangang magtago. Sumakay na rin kami sa kotseng nakaalan sa'min. May naiwan din na Bodyguard para sa'min, at naka-sakay sila sa Apat na kotseng nakalapaligid sa'min.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa Bahay namin dito sa Korea. Sa lahat ng Country kung saan namamalagi ang mga magulang namin ay may bahay na matutuluyan. What do you expect? Maniego everywhere. Tss.
Una na akong pinababa ni Mama, baka hanggang dito daw sinusundan ako ng Media. Tumakbo rin naman ako kahit malayo naman talaga ang gate ng bahay sa binabaan ko.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Pangalawang beses ko pa lang dito pero kabisadong-kabisado ko na ang pasikot-sikot sa Bahay lalo na't ilang taon pa lang ako noon.
Itinapon ko ang sarili ko sa napaka-laki at sobrang lambot na kama. Isa ito sa namiss ko malamig at masarap matulog. Hmmm...
Ilang minuto kong dinama ang sarap sa paghiga sa sobrang lambot kong kama bago bumangon para lumabas sa balcony ng kwarto ko.
Ang lamig talaga dito. Shezz.
Inangat ko ang mga kamay ko na parang lumilipad sa ere. Sa pagkakataong 'to nararamdaman ko na isa ako sa Malayang ibon na lumilipad kasabay ng masayang ala-ala meron ako. Naging preso man ang turing ko sa sarili ko, pagmamahal naman ang dahilan ng mga ito.
"Lady Piarra, Madame Katherine and the Masters are waiting for you. The Launch are served at the Dining Room." Boses mula sa labas ng silid. Isa ito sa mga Maid ng Bahay na 'to. Lady Piarra eh? Psh.
Sa bahay namin sa Pilipinas hindi ko hinahayaan na maging pormal ang lahat sa paligid ko. Hindi ako lumpo para alalayan.
"I'll follow. Just a second." sagot ko. I viewed the city before I leave the balcony. Malapit sa City ang bahay namin kaya medyo tanaw ko dito ang iilang Building. How I wish I can go around that place without my Bodyguards and Maid. Everyone has a dream.. even me THE RENOWNED PRINCESS of the Philippines.
Bumaba na rin ako para hindi sila paghintayin ng matagal. Masamang pinaghihintay ang grasya.
Umupo na ako sa sarili kong upuan, katulad lang din ng designated seat ko sa bahay namin sa Pilipinas.
"Looks like you missed your room huh." Untag ni Mama pag-upo ko.
Ngumiti lang ako. Halata nga.
Nagsimula na nga kaming kumain.
Chopped sticks na naman. Marunong naman akong gumamit chopped stick, kaya lang last time na gumamit ako nito naitusok ko sa mga kamay ni Tyrone dahil nang-iinis siya ng mga oras na 'yon. Mang-inis pa siya madadalawahan talaga.
Tumingin ako kay Frollo. Natatawa siya. He remember. Haha.
No one could forget the silly thing that I've done. World Peace.
Tumingin naman ako kay Kuya Claude. As always. Serious face.
At ngayon kay Tyrone. Diretso lang ang tingin niya sa Plato. Nahihiya. Napapangiti tuloy ako. How cute my brother when his trembling. Haha.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Java Rice, Korean Beef Barbeque and a.. Vegetable salad which is Cucumber and a Scallion, ano 'to? may toasted sesame seeds pa.
"Ma, what is this?" Turo ko sa salad na 'yon. Nakakatakot kainin.
"Ah.. Oi Muchim, Spicy Korean Cucumber Salad. Favorite ng Dad niyo." Sagot naman ni Mama. Halata kay Mama ang pagka-appreciate sa mga Cuisine dito. Hindi ko nga alam ang mga pangalan ng mga nakahain ngayong sa harap ko tapos sasabihin lang ni Mama favorite nila 'yon.
Kumain na lang ako, syempre yung alam ko lang. Tinikman ko na rin ang Oi Muchim, hindi na masama kaya lang maanghang nga.
Bago umalis sa Dining Room pina-alalahanan kami ni Mama.
"Five Days lang tayo dito. The main reason of this vacation, The Princess make all over. So, may Schedule tayo everyday." Umakto pa siya ng pakikay. Si Mama talaga parang dalaga lang. Natalo pa ako.
So yun nga.. hindi talaga bakasyon ang pinunta namin dito kundi ang Oplan: The Princess make-all-over. All over talaga. Si Mama kasi parang ewan, papa-pangitin na nga ako dumayo pa dito sa Korea. Bakit pangit ba ang mga tao dito? Joke. Alam kong mga Cute guys ang nandito, Kpop hello.
"Yes, Ma." pagsang-ayon ni Frollo.
"So by tomorrow.. darating ang mga kaibigan ko para sa make-all-over ni Piarra. Mga boys wag kayong aalis dito sa bahay. Sa last two days pa ang shopping at tour. Attention to the Princess muna tayo. Okay?" parang isang leader na tanong ni Mama. Parang bata.
"Yes.. Ma.." walang kabuhay-buhay na sagot ng mga kapatid ko. Oh ayan parang mga lantang gulay naman sila. Anong Pamilya ba kami ngayon? Baliw?
"Ma, can I go now? I'm tired." Untag ni Kuya Claude na halatang pagod na pagod na.
Pinayagan na nga kami ni Mama na umakyat, kaya isa-isa kaming nagtungo sa aming silid.
Bumalik na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Hindi naman ako pagod kaya lang wala naman akong gagawin dito. Kung papayagan lang sana akong lumabas mag-isa. Nangako nga si Mama na pwede akong maka-labas pero alam ko na may magbabantay pa rin sa'kin. Hindi na ako bata.
"Lady Piarra.." Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Nakatulog pala ako. "Lady Piarra.."
"Yes?" Sigaw ko kahit wala pa ako sa sarili. Ang sarap talaga matulog dito.
"Superior Danny are looking for you. They are waiting at the Dining Room." Sagot nito.
Hindi na ako sumagot pa. Hinanda ko na lang ang sarili ko bago lumabas, baka may sasabihin lang.
Pagbaba ko nagtungo na ako sa Dining Room. Andoon si Mama, Daddy at mga kapatid ko. Anong oras na ba?
Pagpasok ko. "Napasarap ata ang tulog mo, anak." Bungad sa'kin ni Daddy. Ngumiti lang ako tsaka sila nilapitan para halikan.
Pagtapos umupo na ako sa upuan ko.
"Ngayon ang dating ng mga kaibigan ko, ready ka na ba?" Tanong ni Mama.
Nabigla ako kaya hindi agad ako nakasagot. "Hay.. Ate naman kasi eh. Umaga na po, ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi ka na namin nagising kagabi." Inis na untag ni Frollo.
"Ah.. sorry. Ang sarap kasi matulog sa kwarto ko." Nahihiya kong sagot. Akala ko gabi pa lang. hihi.
"Kumain ka na lang, Piarra." Ani Daddy.
"Opo." Kumain na nga ako. Toasted bread lang ang kinain ko, may Strawberry Jam kasi eh.
Pagtapos kumain umalis na naman si Daddy kasama si Kuya Claude, isasama daw niya sa meeting eh. Second Son at dapat masanay na sa mga Business Matter ng Pamilya.
Dumating rin naman ang kaibigan ni Mama, sina Makky De Silva at Marjorie De Silva, sisters. Old friend at kasama sa pagmomodelo ni Mama si Tita Marjorie at International Designer naman ang kapatid nito na si Ate Makky, a gay.
"Your Daughter? A beautiful young lady, Katherine." Pagpupuri ni Ate Makky. Ano pa nga ba ang aasahan ko?
Mabuti na lang wala dito ang mga kapatid ko baka maglaway pa dito si Ate Makky. Pinaakyat kasi ni Mama.
"Yah. Piarra Brittany Maniego my only daughter." Ani Mama.
"Ahh.. The Renowned Princess of the Philippines and a Mysterious one." Pagsang-ayon pa nito.
"For the safety of her." Inis na untag ni Mama. Mas naiinis ako. Pag-usapan ba naman ako harap-harapan.
"Sino naman ang hindi magkaka-interes sa kanya, nag-iisang anak na babae ng International Businessman. Hindi lang International Businessman, kumikita pa ng Bilyon-bilyon araw-araw, tsk. Ibang Pamilya talaga ang meron ka, hija." Untag naman ni Tita Marjorie na sobra kung humanga sa Pamilya namin. Maganda siya at maganda ang katawan katulad ni Mama, hindi mo nga papaniwalaan na may edad ang mga ito, once a Model always a Model.
Hindi na lang ako nagsasalita habang naka-upo dito sa sofa sa harapan nila. Makikisali pa ba ako? eh buhay ko na ang pinag-uusapan nila.
"So.. dumayo tayo dito sa Korea para ayusan ang anak mo? Grabe iba na talaga ang nagagawa ng sobrang yaman, Katherine." Natatawang sabi ni Tita Marjorie. Totoo po at balak pa ata nilang dumayo lang sa ibang bansa para lang maligo. Tss.
"Hindi naman ganun. Inilalayo ko lang ang anak ko." Ani Mama.
"Shall we start? Two days lang ang free time ko." Ani Ate Makky.
"Kaya nga. Alam niyo na naman ang gusto ko diba? Ayoko ng sobra-sobra." Hindi ko naman maintindihan si Mama kaya susunod na lang ako.
"I know.. siya nga pala isang Nerdy Glass lang ang nabili ko sa U.S, pina-personalize ko na and designed by Me." may kinuha si Ate Makky sa bag niya at nilabas ang isang paper bag ng Gucci na naglalaman siguro ng aking salamin. "Gucci nga lang 'yan compare sa mga gamit niyo." Aniya.
"Ayos na 'yan maganda naman siguro.. ikaw pa Makky, di ba Piarra?" Tanong ni Mama.
"Pwede pong patingin?" Binigay sa'kin ni Ate Makky ang paper bag. Kinuha ko sa loob ang isang Glass Case na may pangalan na Gucci. Bumungad sa'kin ang isang malaking salamin na may black frame at may maliliit na diamante sa gilid, detalyadong detalyado ang salamin na 'to, iba talaga si Ate Makky "Hindi po kaya sa salamin ko pa lang halata na 'ko?" Nerd nga, sosyal naman.
"Don't worry my Dear Princess. Hindi nila mapapansin ang mga diamante pag suot mo na, unless tanggalin mo 'yan sa harap nila." Paalala ni Ate Makky
"Invisible?" Pagtataka ko.
"Hindi naman. Hindi lang talaga madaling mapansin ang mga diamanteng 'yan kung hindi mahahawakan at malalapitan. Alam ko naman ang magiging sitwasyon mo kaya 'yan ang pinili ko." Aniya.
"Good, Makky. Akala ko bibiguin mo 'ko." Masayang untag ni Mama.
"Katherine.. alam ko naman na pang branded lang ang balat ng Prinsesa. Like Mother, Like Daughter." Ani Ate Makky habang natatawa sa sinasabi niya.
"Hindi naman po." Sagot ko.
"Ah don't worry, Princess.. I understand." Aniya pa. Tsk. Nakakainis naman.
"What about the outfit?" Tanong ni Tita Marjorie.
"I guess not the branded one. Agaw pansin." Suhestiyon ni Ate Makky.
"Tama.. at hindi 'yong mga.. ganyan" sabay turo ni Tita Marjorie sa suot ko. "High Neck na Prada at Shorts na Guess, indoor outfit lang pero tumatagingting na pera." Umiiling na untag ni Tita.
"Wag niyo na nga pansinin ang suot ng anak ko." Inis na sagot ni Mama.
"Ma, tama po sila." Binaba ko sa may sahig ang paper bag tsaka tumingin kay Mama. "Agaw pansin po kung branded ang susuotin ko."
"Ayoko. Laging wala ang Mama para alagaan kayo, sa mga damit at mga gamit na lang ako bumabawi. Feeling ko kasi everytime na wala ako sa tabi niyo namimiss ko ang happy memories na nagaganap sa buhay niyo, kaya sa gamit na 'yan na lang ako bumabawi.. wala man ako sa tabi niyo andiyan naman ang gamit na 'yan para sa'kin, yan na nga lang ang pangbawi ko sa mga pagkukulang ko."
"Hala siya! Nag drama ang Lola niyo." Biro ni Ate Makky.
"Ma, naman. Mahal ka namin at hindi namin makakalimutan na andiyan ka para sa'min. Hindi naman namin kailangan ng mga materyal na bagay para maalala ka, Mama ka po namin." Untag ko tsaka siya niyakap.
"Hay naku! Nagdramahan pa." Ani Tita Marjorie
"Oh ano change or what?" Tanong ni Ate Makky.
Bumitaw ako sa pagkakayakap tsaka tiningnan si Mama. Umiling siya. "Ayoko."
Nagkibit balikat na ako. It's final. Hindi na mapipilit 'yan. "So shopping?" Nakangising tanong ni Tita Marjorie.
"Wag na. Maraming bagong design na Dress ang ilalabas next week ng Prada at Jimmy Choo, they texted me last week." Ang arte ng Mama ko promise.
"Ano pa ba ang gagawin namin? Kahit ano naman ang gawin natin diyan sa anak mo hindi na 'yan mababago. Porselanang porselana ang kutis kumukinang pa, ang mukha parang barbie doll, ang katawan.. PERFECT." Tumayo pa si Ate Makky at pumalakpak. "Anak mayaman talaga kahit anong anggulo."
"Kaya nga.. ano ba ang gagawin namin?" Mama asked.
Muling naupo si Ate Makky. "According sa kwento mo.. Prestigious School ang papasukan ni Piarra. Mas maghihinala sila kung mukhang basura ang anak mo gayong mamahaling paaralan naman pala ito. Go with the flow. Makipagsabayan siya." Walang kupas na sagot ni Ate Makky.
"Alam ko ang Montgomery, kilalang mga Pamilya ang mga nag-aaral doon. Kung tutulad lang din si Piarra sa mga estudyante, may branded shoes, bag, dress and car with a driver.. hindi siya magiging agaw pansin kasi doon rin lang naman umiikot ang eskwelahang 'yon. Each of everyone is Wealthy. No Problem." Simpleng sagot ni Tita Marjorie.
"Kaya lang, Wealthier than anyone itong kaharap natin." Maarteng untag ni Ate Makky.
"Kaya nga.. It's a big secret. Don't worry I have a price for the both of you, kahit ano." Assurance niya sa mga kaibigan.
Ibig sabihin walang magbabago maliban sa salamin na ipapasuot sa'kin. Expensive din naman. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Pinayagan na ako kaya hindi na ako magrereklamo. Hindi lang talaga ako kumbinsido sa gusto ni Mama. Normal life nga.. pero parang mas sinusubo ko pa sa kapahamakan ang sarili ko. Expensive clothes from head to toe? Psh.
Kinabukasan nagpaalam na rin ang magkapatid na De Silva para mag Tour sa buong Korea. Treat ni Mama kaya hindi na sila tumanggi, sayang naman daw.
Kasama namin si Daddy ngayon, walang appointment. Andito rin pala si Uncle Russel. Kararating lang din ni Uncle para sa Today's Schedule namin. About pa rin sa 'Make-All-Over' thingy. Nandito kaming lahat sa sala, kasama ang mga kapatid ko.
"What about the name?" Tanong ni Uncle. Para sa magiging pangalan ko pala iikot ang usapan na 'to.
"Kelly?" Suhestiyon ni Tyrone
"Ava?" Ani Frollo
"Trixie?" Tyrone
"Alam ko na.. Maria?" Natatawang sabi naman ni Frollo sinabayan pa ni Tyrone "Maria Clara"
"Tama na yan." Saway ni Daddy sa dalawa. "Wag niyong gawing biro ang usapan. Kinabukasan ng kapatid niyo ang pinag-uusapan natin." Patay. Para kasing mga ibon talakan ng talakan.
"Sorry, Dad." Sabay nilang paghingi ng tawad.
"Mas maganda siguro kung hindi gaanong maarte." Seryosong suhestiyon ni Kuya. "Attention seeker ang kalalabasan kung aartehan pa." Oh edi ikaw na. Joke. Wala na akong masasabi pa kay Kuya, masungit nga lang.
"I prefer to Tanya po sana. Magiging comportable po ako kung pangalan ko na lang ang gagamitin. Tutal sa bahay lang naman po ako tinatawag na Tanya." Mahirap nang manggamit ng ibang pangalan. Tsaka ayokong maging mukhang nawawala kapag bigla-bigla akong tinatawag.
"Not bad." Seryosong sabi ni Mama.
"Tanya.. Tanya, What?" Tanong ni Uncle.
"Medina.. not bad and not so familiar." Sagot ni Daddy sabay sumimsim ng tea. Medina, hmmm.. okay na.
"So it's final, Kuya? Tanya Medina ang magiging katauhan ni Piarra sa University." Pagtatama ni Uncle.
"Yes. And before the School year start, they should know her name in the University. Wala na akong oras para ayusin 'yan pag-uwi, kayo na ang bahala." Lot of works to do, Dad. Nothing change.
*kring* *kring*
Nag-excuse muna si Daddy bago sinagot ang tawag sa Phone niya. Hindi rin naman siya ganun kalayo kaya naririnig namin.
"Yes? Ah okay... check it and drive.. we're going home by tuesday.. yes.. okay." Binaba niya na at bumalik sa pagkaka-upo. "Your car is there, Tanya. Bumili ako ng bago para sayo.. Bugatti Chiron." Aniya pagkaupo.
Teka! Tama ba ako ng pagkakarinig? May kotse ako? Huwaaaat? 0.o
"Totoo, Dad?" Hindi ako makapaniwala, my kotse na ako.
"Yes. But you have your own driver. Manong Garry will be in charge to look over you. I'm not satisfied in the faces of your brothers." Panunuya ni Daddy. Natawa na lang ako. Ako rin eh.. haha
"Daddy.." inis na untag ni Tyrone habang kumakamot sa batok. Ayaw niya ng iniinis siya lalo na pag itsura ang pinag-uusapan, mahangin eh.
"Chill.. defensive." Natatawang sabi naman ni Daddy. Palabiro din kasi eh.
Pagtapos nun pinag-usapan naman namin ang magiging kwento ko. I came from the Province of Marinduque, that should be nice kaysa ibang bansa na naman. The family name 'background' will be the first question of some student, Tyrone said that. So.. sasabihin ko lang na lumipat kami dito sa Maynila at naninirahan sa Soliman Land. And escape na lang daw sa ibang questions, change topic kung pwede. Hindi naman daw makulit ang mga 'yon kung ayaw mong pag-usapan. Okay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro