Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

College

Maghahapunan na. Andito kami ngayon sa Dining Room naghihintay ng pagkain. Kahit anong anggulo hindi pa rin kami kumpleto, andito nga si Mama and Daddy wala naman si Kuya Apollo.

Tumingin ako kay Mama na katabi ko ngayon sa upuan. Nag-uusap sila ngayon ni Daddy ng kung anu-ano tungkol sa negosyo. Hanggang dito ba naman.

Ibinaling ko naman ang atensiyon ko sa kay Tyrone na ngayon ay busy sa pagce-cellphone. Mabuti na nga lang umabot siya sa hapunan kundi mapapagalitan siya ni Kuya Claude.

Siniko ko siya kaya napunta sa'kin ang atensyon niya. "Itago mo 'yan. Nasa harap tayo ng hapagkainan e." Bulong ko.

"Sorry na. Eto na oh itatago na." Pinandilatan ko siya ng mata kaya ayon natakot.

"Saan ka ba nanggaling huh? Maghapon kang wala dito sa bahay." Tanong ko.

"Lumabas lang kami ni Shawn para sa Project." Aniya.

"Dinamay mo pa si Shawn sa kalokohan mo. Kung inaamin mo na lang kaya.. kitang kita sa butas ng ilong mo ang kasinungalingan e."

"Fine. Kasama ko si Tyler and Kuya Wesley.. hang-out lang." Sabi niya sa pinaka-mahinang boses.

"Sinabi ko na nga ba e."

"Sorry na.. nagtawag kasi sila e, mahirap ng tanggihan ang grasya." Sinipa ko ang paa niya, pati naman ang grasya pinaglalaruan niya.

"Aray!" Sigaw niya

"Oh? Anong nangyari sa'yo, Tyrone?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"Nothing, Ma." Subukan niya lang magsumbong, kakalat talaga ang kalokohan niya.

Nginitian ko siya tsaka ako humarap kay na Mama.

"Baby, How's your School? Next Month magtatapos ka na." Ani Mama

"Ayos lang po." Sagot ko.

"Mama, saan po magco-college si Ate?" Tanong ni Frollo.

"Pinag-uusapan pa namin 'yan ng Daddy niyo. Pero pinag-iisipan rin namin kung sa States na lang siya mag-aral, para malayo sa lahat." Aniya

"Ma, hindi kaya mas mapanganib kung malalayo siya sa'min? sa'tin? Di ba po mas mababantayan siya kung nakikita lang natin siya araw-araw." Sabat naman ni Tyrone.

"Tama ka anak, pero mas maganda kung malalayo siya sa Publiko mas maiiwasan natin ang gulo." Sagot ni Mama.

"Pero Ma, kung malalaman nila na wala na siya dito hahabulin pa rin siya ng Media. Hindi lang naman po dito sa Pilipinas siya pinagkakaguluhan pati na rin sa ibang bansa." Ani Tyrone.

"Tama po si Tyrone, Ma." Sabat ni Kuya Claude, di nga? Sabay-sabay kaming tumingin kay Kuya Claude. Bihira kung magsalita 'yan. "Kung ilalayo natin si Pia dito, hahabulin at hahabulin pa rin siya ng Media. Mas dadami ang manggugulo sa buhay niya kung ililipat pa natin siya. Mas mabuti po sana kung dito na lang din po siya sa Pilipinas mag-aaral, mas mababantayan pa po namin siya." Huwat? Totoo ba 'to? Si Kuya Claude nag sa-suggest ng mangyayari sa buhay ko? Shete.

"Katherine, tama ang mga anak mo." Sagot ni Daddy. Sakanya naman kami tumingin. "Ituloy na lang natin ang pagpapatayo ng College Department sa Academy. Dadamihan natin ng trabahador para sa susunod na pasukan pwede na siyang magamit."

"Pero Danilo, hindi aabot 'yon. Mahigit dalawang buwan lang ang bakasyon ng mga bata, hindi kakayanin." Kontra ni Mama.

"Dadagdagan natin ang Architect at Engineer. Kukuhain natin ang lahat ng Engineer at Architect sa Firm kung kinakailangan." Ani Daddy.

"Kahit na. The time isn't enough. Panahon ang kailangan natin hindi ang mga trabahador." Galit na sabi ni Mama.

Tama si Mama, kulang ang dalawang buwan sa pagpapagawa ng panibagong building ng Academy. Kung gayon, saan ako mag-aaral?

"Bakit hindi na lang po sa Montgomery?" Sabay-sabay kaming bumaling kay Frollo. Naisip niya pa 'yon? Kahit ako kung gugustuhin kong mag-aral doon hinding hindi ko masasabi 'yon, natatakot ako.

"Oo nga po." pagsang-ayon naman ni Tyrone.

"Wala namang mali doon." Ani naman ni Kuya Claude. "I'm the President of the Student Council. I can check her."

"Oo nga po, nandoon kaming tatlo." Ani Tyrone.

"Hindi pwede." Simpleng sagot ni Mama. "Mas madali siyang makikilala sa publiko kung doon siya mag-aaral."

"Wala naman pong nakakakilala sa kanya doon, kaming magkakapatid lang at ang mga pinsan namin." Ani Tyrone.

Pinagmamasdan ko lang sila sa kanilang pagtatalo, ayoko ng maki-gulo pa.

"Paano 'yong mga dati niyang mga kaklase sa Academy na mag-aaral sa Montgomery? Makikilala siya ng mga 'to." Ani Mama. Tama si Mama. Madali nilang akong makikilala.

"Hindi po mangyayari 'yon, Ma." Muling nagsalita si Kuya Claude. "Mataas ang Standard ng Academy, at hindi basta-basta sila ililipat ng mga magulang nila sa Montgomery. Halos lahat ng nagtapos sa Academy sa ibang bansa ipinagpapatuloy ang pag-aaral." Litanya ni Kuya. "At kung ilalabas natin sa Media na sa ibang bansa mag-aaral si Pia, hindi na rin magtatangka na lumipat ang mga estudyante ng Academy sa Montgomery." Ani pa niya.

"Kung gano'n, ilalabas natin sa Media na lalabas ng bansa si Tanya para sa pag-aaral niya." Sagot ni Tyrone.

"Pero mahirap ang mag baka-sakali. Hindi 'yon madaling gawin mga anak." Ani Daddy.

"Sa mga nababasa ni Kendra na kine-kwento naman niya sa'min. May mga Prinsesa daw na nagpapalit ng ayos para sa pagtatago ng katauhan nila. Kung palitan din kaya natin ng ayos si Ate para hindi siya madaling makilala." Suhestiyon ni Frollo.

"Mas lalong hindi ako papayag." Kontra ni Mama. "Ayokong paki-alaman niyo ang itsura ng Prinsesa ko. Kung 'yon ang kapalit ng pag-aaral niya doon, ipapadala ko na lang siya sa States at doon pag-aaralin. Andoon si Vonn para bantayan siya." Hindi basta-basta mapapapayag si Mama kung ayaw niya.

"Katherine," panimula ni Daddy. "kung 'yon ang pinaka-madaling solusyon, pwede nating subukan. At kung hindi 'yon gumana at kahit may nag iisang estudyante ang makaka-alam ng katauhan niya--agad natin siyang ipadadala sa ibang bansa."

"Ayokong isugal ang bagay na 'yan kapalit ng kaligtasan ng anak natin. Madali siyang makikilala sa publiko, Piarra and Claude have almost the same features." Girl Version nga ako ni Kuya Claude, kung pwe-pwede nga matatawag kaming kambal ni Kuya.

"Kaya nga ilalayo natin ang itsura niya sa pagkaka-alam ng lahat. Itatago natin ang mga mata niya na mas lalong nagdedepina sa pagiging magkamukha nila ni Claude, those angelic eyes." Suhestiyon ni Daddy.

"Sandali, bago tayo madesisyon sa mga bagay na 'yan. Itanong muna natin sa'kanya." Tumingin sa'kin si Mama. "Magiging komportable ka ba, baby?" tanong niyo.

Tiningnan ko sila isa-isa, seryosong usapan ang nagaganap ngayong gabi. Mahirap isugal ang sariling kaligtasan sa walang kabuluhang bagay.
Pero ang kagustuhan kong makalaya sa mahigpit na pagkaka-gapos ko sa mundong ito ay maaalis na.. kung papayag ako sa mga kondisyon ng mundong 'to.

Natapos ang hapunan na 'yon pa rin ang usapan namin sa Sala. Na patungkol sa pag-aaral ko ng kolehiyo.

Kumakain naman kami ngayon ng Dessert, Blueberry Sundae Creamy Cake. Ngayon lang namin nakain e.

"Hindi natin basta-basta mababago ang itsura niya kung ayaw niya." Ani Mama.

"Ate, pumayag ka na. Pwede ka ng mag-aral sa University. Makakalabas ka na ng bahay. Magagawa mo na ang lahat." Ani Frollo.

"Freedom is not a license to do everything." Makahulugan sabi ni Mama. Ibig sabihin hindi pa rin ako ganun kalaya.

"Mama.. kung gano'n hanggang University lang ang pwede niyang puntahan?" Tanong ni Tyrone.

"Ganun nga. Kaya kahit anong gustuhin niyong mangyari hindi pa rin siya basta-basta na lang makakalabas, pwera na lang kung kinakailangan." sagot ni Mama.

"Kung ganun," panimula ni Daddy. "Hangga't nandito kami sa Pilipinas, aasikasuhin ko ang lahat. I will call my Secretary to set an appointment with Mr. Montgomery, asap. Ayokong maging basta-basta lang ang pag-aaral mo doon, Piarra." Aniya.

"Pero Danilo, hindi pa siya uma-agree." Ani Mama.

Tumingin silang lahat sa'kin.

"Ate!"

"Tanya!"

"Pia!"

"Baby!"

Ani nila.

Gusto ko 'to at hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataon na ibibigay sa'kin. Magiging normal na ang buhay ko sa University na 'yon. Hindi ko na kakailanganin ang magtago at itago sa lahat.

Tumango ako. "If Mama won't disagree with it." Tsaka ako ngumiti.

Nanlaki ang mga mata ni Mama tsaka nagkibit-balikat. "Hayst. May magagawa pa ba 'ko? Lahat sila pina-plano na ang magiging College life mo. Ayokong maging kontrabida 'no." Pag-arte ni Mama. Artistahin talaga ang Mama ko.

"Thanks Ma." Agad akong tumayos tsaka siya niyakap.

"Pano naman ako?" Ani Daddy.

"Thanks Dad." Tsaka ako lumipat sa kay Daddy.

"No Problem, baby. Baka ito na nga ang oras para mag explore naman ang Prinsesa namin." Aniya. "But promise me.. pag may hindi magandang nangyari sa'yo doon itawag mo agad sa'kin nang maparusahan ko."

"Daddy naman."

"What I mean is.. paparusahan ng mga Kapatid mo.." Aniya.

"nang pagmamahal." dugtong ni Tyrone.

Tsaka kami nagtawanan. Hindi man kami magkakasama sa lahat ng oras, may pagkakataon na magpapasalamat ka na lang na sila ang Pamilya mo. Wala man sila sa araw-araw na nabubuhay ako sa mundo, hindi pa rin ako magsasawang intindihin ang mga pagkukulang nila sa buhay ko dahil bali-baliktarin man ang mundo sila pa rin ang mga magulang ko.

Natapos ang tawanan sa mga oras na 'yon, hinding hindi ko 'yon makakalimutan. Dahil 'yon ang unang pagkakataon na pinayagan akong maging normal ng Pamilya ko. Sa wakas, hindi na ako magiging preso sa sarili kong kwento.

Kina-umagahan hindi na ako nagpatagal pa sa higaan. Agad akong nag-ayos ng sarili ko, naligo, nag toothbrush, nagbihis, nag-ayos tsaka bumaba para mag lingkod sa mahal kong Pamilya. Pagsisilbihan ko sila sa lahat ng oras, hinding hindi ko makakalimutan ang mga oras na 'yon. Pangako.

Pagbaba ko naabutan ko si Daddy sa Sala. Kasama niya si Ate Hannah, ang Secretary niya.

"Miss Phoebri." Tumayo ito tsaka yumuko, nakasanayan kasi nilang magbigay-galang sa'min. Kahit anong pilit kong wag ng gawin ang mga 'yon hindi talaga sila mapilit.

"Ate Hannah, naman." Lumapit ako sakanya tsaka siya pinigilan. "Good Morning Daddy." Tsaka ko siya kiniss. "Maupo na lang tayo, Ate Hannah." Pilit ko. Sumunod siya kaya tabi kami ngayon sa sofa. "Bakit ang aga ata ng Secretary mo Daddy?" Tanong ko.

"Di ba sinabi ko, Asap? Kaya heto pinag-uusapan na namin ang magiging consequences ng pag-aaral mo sa Montgomery." Ani Daddy.

"Talaga, Daddy? For real?"

"Yes, baby." Aniya

"Congratulation, Phoebri." Ani Ate Hannah.

"Thanks po.. magluluto pa nga pala ako, sabay ka sa'min mag breakfast Ate Hannah huh?" Tsaka ako tumayo para magluto.

"Sure." Sagot niya.

"Sige Daddy, punta lang po ako sa Kusina." Paalam ko.

Pagpunta ko sa Kusina nakita ko si Mama, nagluluto. Lumapit ako sa kanya tsaka siya binati. "Good Morning, Mama." Tsaka siya Kiniss.

"Good Morning, my Princess." Bati niya pabalik.

"Ano pong niluluto niyo?" Tanong ko.

"Alam mo naman Fried Rice lang at prito-prito lang ang kaya ni Mama. Gusto ko sanang bumawi kaya ako ang nagluluto." Aniya.

"Ayos lang, Ma. Can I help?"

"Of course, baby. I know, mas marunong ka pang magluto kesa sa'kin."

Natawa na lang ako. "Ma, naman. Syempre, iba pa rin kapag luto ng Ina."

"Binobola mo pa 'ko. Sige na.. mag-luto na tayo."

Masaya kaming nagluto ni Mama ng umagahan. Iba talaga kapag andiyan silang lahat para sa'yo. Sana araw-araw kaming ganito, hindi nagkakahiwalay.

Natapos ang pagluluto namin ni Mama kaya hinain na namin 'to sa Dining Table. Andoon na rin ang mga kapatid ko, si Ate Hannah at Daddy. Naupo na rin kami para kumain.

"Wow. Mama ang dami." Ani Daddy.

"Daddy, si Piarra ang lahat ng nagluto niyan." Ani Mama.

"Hindi ah. Tumulong lang ako." Utas ko.

"Sige na, kayong dalawa na ang nagluto." Natutuwang utas ni Daddy.

"Pwede ng tikman?" Tanong ni Tyrone.

"Sure." Sabay naming sabi ni Mama.

Masaya kaming kumain ng umagahan. Masayang magsimula ng umaga kung ang lahat ng taong nakikita mo'y masaya.

Pagtapos kumain nagtungo kami sa Sala para sa importanteng bagay.

"So. Kelan namin makaka-usap si Mr. Montgomery?" Tanong ni Mama.

"I called Mr. Trinidad the Dean of Montgomery University, hindi daw nila matatanggihan ang alok ni Mr. Maniego. Kung pwe-pwede nga daw ngayon din na araw na ito sila pupunta dito." Ani Ate Hannah.

"Sure. As soon as possible--dapat matapos natin agad ang problemang ito. Marami pa tayong prosesong gagawin para sa pag-aaral ni Piarra sa University. Kaya mas mabuti sana kung maka-usap na natin si Mr. Montgomery." Ani Mama.

"Okay then--invite them for Dinner, Hannah." Ani Daddy.

"Noted, Mr. Maniego." Ani Ate Hannah.

"You. Piarra." Sabay tingin sa'kin ni Daddy. "Be ready. I will introduce you to Mr. Montgomery. They should know who Piarra Brittany Alonzo-Maniego is." Aniya

"Yes, Dad." Tsaka ako ngumiti.

First time magkakaroon ng ibang tao ang bahay at ipapakilala pa nila ako. I'm so nervous.

Pagtapos ng pag-uusap na 'yon naging abala ang lahat sa magiging bisita. Kilala si Mr. Montgomery dahil sa Prestigious School na pagmamay-ari ng Pamilya nila. Sa pagkaka-describe ng mga kapatid ko sa University.. malalaki daw ang mga building dito, may pagkaluma ang itsura pero mukhang mamahalin talaga. Syempre, malaking Unibersidad ito.. mayayaman lang talaga ang nakakapag-aral. Iba na talaga ang nagagawa ng pera. Ts.

Nagpahinga lang ako sa kwarto ko maghapon. Lumabas para kumain at bumalik ulit sa kwarto. Kailangan ko daw maging handa mamaya, unang beses akong ipapakilala sa hindi namin kamag-anak, except Ate Hannah. Anak kasi ito ni Mang Hector ang nangangalaga sa mga susi, pinag-aral ito noon ni Daddy bilang Scholar at kinuha bilang Sekretarya, umalis kasi at pumuntang States ang dating Secretary ni Daddy pinasunod ng mga anak dahil may katandaan na nga.

"Ate," tawag ni Frollo sa labas. "Tulog ka ba?"

"Hindi." Sagot ko. "Bukas 'yan, you should come."

Bumukas ang pinto at iniluwa ang young version ni Kuya Apollo at Tyrone. Hindi kasi nagkakalayo ang mga mata nilang tatlo, dark smoky eyes. Ang mga labi, red lips. Ts. Dapat ako na lang yun e.

"Ready ka na?" Tsaka siya lumundag sa Kama. "Ako kasi kinakabahan na."

Natawa ako sa sinabi niya. Siya pa ang kinabahan huh.

Ginulo ko ang buhok niya. "Slight." Sagot ko.

Inalis niya ang kamay ko sa buhok niya. Nainis na naman siya. "Ate, hobby mo na ba ang guluhin ang buhok ko? Nakakainis na huh." tumayo siya at humarap sa salamin. Inaayos ang beloved hair niya. Hmp. Arte.

"Hindi rin naman maayos yan e. Ginagaya mo lang si Tyrone, messy hair kunno." Humiga ako sa kama tsaka tumingin sa kisame. Nag-iisip.

Ilang segundo lang nang tumabi rin siya sa'kin sa pagkakahiga. Tumingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa kisame. Seryosong bata ang personalidad ng isang 'to, lahat ng bagay pinahahalagahan niya. Idolo man niya si Tyrone na walang ginawa sa buhay kundi mag lie low, hindi pa rin niya nasusunod ang negative attitude nito.. sana lang pati ang pagiging Playboy nito.

Muli akong tumingin sa kisame at magsasalita na kaya lang naunahan niya ako.

"Ibang iba ang mundong 'to sa mundong nakikita ko." Aniya. Hindi ko siya nakuha kaya muli akong tumingin sa kanya. Malalim siya kung mag-isip. Kay hirap sabayan.

Tumungin din siya sa'kin pero saglit lang, ngumiti siya tsaka ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Maaaring hindi mo pa ako naiintindihan sa ngayon ngunit nakikita mo na ang mga bagay na tinutukoy ko." Tumayo siya at dumiretso sa may pinto. "May bisita mamaya, magpapahinga lang ako." tsaka siya lumabas ng silid ko.

Kung makakalabas ako sa Mundong 'to maaaring makita ko ang mga bagay-bagay na dapat kong maintindihan. Mahirap mamuhay sa ganitong sitwasyon, sabihin man nilang perpekto na ang buhay ko hindi ko pa rin mawala sa isip ko ang kagustuhan kong maging normal na dalaga. Nakakalabas kahit anong oras at saan, hindi natatakot, hindi napapansin, hindi pinag-uusapan at higit sa lahat hindi si Piarra Brittany Alonzo-Maniego.

Oras na ng hapunan. Nandito pa rin ako sa kwarto para maghanda, kinakabahan ako. Makakaharap ko ang may-ari ng Unibersidad na papasukan ko sa kolehiyo pati na rin ang magiging Dean ko.

Isang ball dress ang suot ko, hanggang upper knee. Long Sleeve White ang pang-itaas ng dress style polo dahil may black tie ribbon ito at Black naman ang pang-ibaba nito floral ang design. Formal siya at hindi basta-basta. Pinasuot sa'kin ito ni Mama, 'Dear Celine from Gucci'. Naka-lugay lang ang buhok ko at konting make-up, simple lang.

"Tanya," si Ate Pinky. "Kung ready ka na daw." Aniya.

"Saglit lang po." Sagot ko.

"Baba ka na pag ready ka na."

"Yes po." I sighed.

Tumayo na ako tsaka nag-ready. Lumabas na ako ng silid tsaka dinungaw ang baba. Walang tao sa sala.

Bumaba na ako. Bumuntong hininga ako bago pumasok sa Dining Room. Andoon sila. Silang lahat. Mama, Daddy, mga kapatid ko, Ate Hannah at dalawang tao na hindi pamilyar sa'kin. Sila na siguro 'yon.

"There she is," utas ni Daddy kaya bumaling lahat sa'kin. "My Princess." Tumayo si Daddy tsaka ako sinundo sa kinatatayuan ko. Hinatid niya ako sa upuan ko. Inayos niya ang upuan bago ako umupo.

"Thanks, Dad." Ani ko.

Nagtungo na si Daddy sa upuan niya tsaka umupo.

"Shall we eat?" Ani Daddy. Tumango kami kaya nagsimula na nga kaming kumain. Naging tahimik ang buong kwarto. Bawal magsalita sa oras ng pagkain, for sure pagtapos ng Dinner na 'to iyon pag-uusapan.

Panay naman ang sulyap sa'kin ng dalawang tao na 'yon, hindi siguro sila makapaniwala na nakita nila ako. Napapangiti na lang ako.

"My only Daughter, Piarra." Ngumiti ako at tumango.

Nandito na kami ngayon sa Sala. Umiinom sila ng Wine, kami ni Frollo hanggang Juice lang.

"I can't imagine. The Renowned Princess in front of me?" Confused faces ang pinapakita niya sa'kin habang umiiling. "I forgot, Willfred Montgomery." Nilahad niya ang kamay niya sa'kin. Inabot ko naman ang kamay ko tsaka niya hinalikan 'to. Ngumiti ako. "Gorgeous young lady." Aniya. Bumalik siya sa pagkaka-upo.

"Thank You po." Sabi ko

Tumayo naman ang isang kasama niya, may pagka-masingkit ang mga nito na papunta na sa inaantok na mata, matangos na ilong at may magandang hugis ng mukha. At dahil sa mata niya na mapupungay, masyado itong seryoso.

"Ernest Trinidad." Tsaka siya nakipag-shake hands. Siya 'tong nabanggit ni Ate Hannah na magiging Dean ko, seryosong mga mata. Bumalik na rin 'to sa pagkaka-upo, sa tabi ni Mr. Montgomery.

"Ano ba ang maitutulong namin, Mr. Maniego." Ani Mr. Trinidad

"It's our pleasure to serve you, Mr. Maniego." Ani naman ni Mr. Montgomery. Ganito na ba sila maki-tungo sa Pamilya ko? Gagawin ang lahat.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.. My daughter will study at Montgomery University, your School. But," panimula ni Daddy. "I have a consequences."

"What is it, Mr. Maniego? Anything." Sagot ni Mr. Montgomery. Masaya siya at halatang hindi niya tatanggihan ang anumang gusto ni Daddy. "We can't refuse for that consequences. I'm glad that you chose my University to consign your only Daughter, Mr. Maniego."

"Okay then. Let's dicuss the consequences." tsaka sumimsim si Daddy ng Wine na hawak niya.

Mahaba-haba ang gabing 'to para sa'min. Maraming gustong mangyari si Daddy bago niya ako payagan na makapag-aral sa University na 'yon. Mahirap nga talaga ang gusto kong mangyari, being normal is difficult for me to reach.

"According to Mr. Maniego, he wants to keep in secret the identity of Piarra Maniego while studying at Montgomery University. We know that for almost 15 years she hid from Public." Ani Ate Hannah. Yah, 15 years.. at mas tatagal pa. "Kaya itatago ang tunay niyang pagkatao habang nag-aaral. Aayusan ng hindi kapansin-pansin sa mga Estudyante." Mas mabuti daw kasi kung may babaguhin sa itsura ko, hindi naman ako ireretoke 'no.. magsusuot lang ng salamin para hindi kapansin-pansin ang mga Mata ko na kahalintulad ng kay Kuya Claude.

"Hindi naman magiging problema ang mga 'yan sa amin. Madali naming mababago ang pagkakakilala sa kanya ng mga estudyante." Sagot ni Mr. Trinidad.

"One more thing, Mr. Montgomery. If ever--even one of the student find out her true identity. Mr. Maniego file a case against you.. Mr. Montgomery." Napanganga ako sa narinig ko. Hindi 'yon makatarungan, masyadong mabigat na paratang.

Umapila ako sa gusto nila. "It's not fair, Daddy. Makukulong si Mr. Montgomery dahil lang sa'kin. Wag na lang po." Umiling na ako.

"Kaya nga nandito sila para sa bagay na 'yan Piarra, kung papayag sila sa gusto kong mangyari. I'm just waiting for your Uncle Russel. He prepared a contract for this." Bumaling si Daddy sa kay Ate Hannah. "Natawagan mo na ba?"

"On the way na po. Nanggaling daw po kasi siya sa isang hearing." Sagot naman ni Ate.

"Piarra doesn't know how to mingling. She's a nice girl but they're scared. Paano siya magiging normal sa University na 'yon?" Nag-aalalang tanong ni Mama. Hindi ko alam kung paano at bakit niya alam ang tungkol sa bagay na 'yan, pero tama siya hindi pa rin normal para sa'kin kasi maging ako takot na rin.

"They're scared 'cause--siya si Piarra. Kung makikilala siya bilang ibang tao maaaring maging normal ang buhay niya sa University." Litanya ni Tyrone. Tama! sabi nga ni Chelseah natatakot daw sila sa'kin dahil ako si Piarra, kung ganun..

"Change her name." Sabat ni Kuya Claude. Papalitan?

Tumingin sa'kin si Daddy tsaka ngumiti. "Thats a good idea. Change the name of her School Documents, mas mapapadali kung 'yon na lang ang babaguhin." Ani Daddy.

"Okay, Mr. Maniego." Nahihiyang sabi ni Mr. Montgomery. "W-What about the.. contract?" Alam kong natatakot siya. Wag na lang kaya.

"You have more time to think. Before the School Year start, you should know what your decision is. That's a long time for you, Mr. Montgomery." Ma-awtoridad na sabi ni Daddy. Kahit sino matatakot sa kanya, lalo na't siya si Danny Maniego.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap lumabas ang ilang kasambahay para sa paparating na bisita. Baka si Uncle Russel na 'yon, ang ikalawang kapatid ni Daddy na isang Abogado.

Ilang saglit lang pumasok na si Nanay Rosa.

"Andito na si Atty. Russel kasama ang asawa niya." Ani Nanay Rosa tsaka agad na bumalik sa kusina. Pinagbabawalan kasing pakalat-kalat ang mga 'to kapag may bisita (kahit bihira naman kung mangyari) at lalapit lang tuwing may kailangan.

"Kuya Danny, Sorry we're late." Ani Uncle Russel pagpasok nila. Lumapit naman kaming magkakaptid para magbigay galang.

Nakipag beso kami sa kanila.

"Ang gandang bata mo talaga Piarra." Ani Aunt Josefine ng sa kanya na ako nakipagbeso.

"Salamat po, Aunt Josefine." Sagot ko naman tsaka bumitiw at bumalik sa kaninang upuan.

Naupo naman silang mag-asawa sa sofa sa harapan namin.

"I'm done with a contract, Kuya." Ani Uncle Russel tsaka inilabas ang kontrata. "Hindi naman magiging mabigat ang kabayaran." tumingin si Uncle kay Mr. Montgomery. "Maaaring mawala lamang ang Unibersidad na 'yon kung hindi masusunod ang nasa kontrata." Ngumiti si Uncle na parang nang-aasar. "Kung pwede rin na magbayad ng malaking danyos kung kinakailangan.." Ani pa niya.

"I'm not interested in the last idea. I should go for the first one.. unless Mr. Montgomery won't agree with it. Are you?" Mukhang nagkaka-initan na. Ayoko ng makinig.

Umiling si Mr. Montgmery. "I should agree for it. And sign the contract now." Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagbilog ng bibig. Totoo? "It's a pleasure to meet and join all of you for a dinner. A pleasure to invite here.. in Maniego Mansion. And I have no right to oppose you, Mr. Maniego."

"No, Sir. Kung hindi naman po talaga kayo sang-ayon pwede po kayong umayaw." Sabat ko.

"It's okay. I know.. I can handle the situation. I'm not afraid. All I need is your cooperation." Ngumiti pa siya.

Aapila pa sana si Daddy pero pinigilan ko.

Ngumiti ako "I should--do." Hindi ko kayang may nahihirapan ng dahil lang sa'kin. Dapat ko lang gawin 'yon.

"Okay.. then. Sign the contract." Ani Daddy. Binigay ni Uncle ang kontrata at kasalukuyang pumipirma si Mr. Montgomery. "The contract is over until my daughter graduated."

"It's okay. I'm deal with it." Aniya. Hindi talaga siya tumatanggi.

Sa ilang oras na hindi pagsasalita ni Mr. Trinidad--sa wakas muli siyang nagsalita. "Siguro naman may makukuha kami mula sa inyo? Some benefits?" Ma-awtoridad din siya at hindi basta-basta natatakot. Mas mukhang siya pa ang may-ari. Sasawayin na sana siya ni Mr. Montgomery pero pinigilan ni Daddy.

"It's okay. Meron naman talaga at nasa kontratang pinirmahan ang magiging kabayaran. Mas mabuti nga na pag usapan na natin, hindi ko rin masasabi kung hanggang kelan ako dito sa Pilipinas." Ani Daddy. Parang bumibisita na nga lang sila dito sa Pilipinas kung titingnan, lagi silang out of the Country.

"Its either a new building or a Cash." Ani Uncle.

Nagkatinginan kaming magkakapatid. Dahil sa pag-aaral ko napaka-raming problema ang nadala ko.

"Gustuhin ko man na bagong Building na lang ang ulit ang hilingin pero.. napuno niyo na ata ang buong ektaryang lupa ng University ng mga donation niyo na building." Nagbibirong utas ni Mr. Montgomery.

"It would be a cash, then?" Taas kilay na tanong ni Uncle.

Nagkibit balikat si Mr. Montgomery. Hindi malakas ang kanyang loob gaya ng kay Mr. Trinidad. "No choice." Aniya.

"So, ilan ba ang gusto niyo? Ilang Bilyon? o Isang-daang Bilyon para sa kabuuang kontrata." Say what?

"Daddy.." nasabi ko na lang. Maglalabas siya ng ganun kalaking halaga para lang sa'kin. Hindi ako makakapayag.

"Its okay, baby. That's a contract. And It's all for you." Kontra ni Mama. 'Yun nga e,dahil sa'kin.

"Don't worry, baby. Madali nating mababawi 'yan, tsaka higit pa riyan ang kinikita ng mga Kompanya natin sa loob ng isang araw, Anak. 'Wag ka ng mag-alala para sa'yo lahat gagawin ko." Ani Daddy. Kahit na. Malaking halaga pa rin 'yon na basta-basta na lang nila inilalabas.

Hindi na lang ako nagsalitang muli, ayokong lumabas na walang galang sa harap ng mga bisita namin pati na rin sa kay Uncle and Aunt.

"So, that's a deal. You sign a contract so no back out decision." Huling salita mula sa kanila.

Natapos ang pag-uusap at nagpahinga. Nakakapagod makinig sa mabibigat na salitang binibitawan nila. Hindi talaga ata ako pagbibigyan ng normal na pamumuhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro