Kabanata 2
Pamilya
Pinag-iisipan ko ngayon kung saan ako magco-college. Kung magpatayo na lang nang College Department? Sa States na lang kaya ako mag-aaral? o di kaya sa Montgomery University para kasama ko ang mga kapatid ko. Naguguluhan na ako, lalo na't isang buwan na lang magtatapos na 'ko.
Hindi ko naman pwedeng maka-usap si Kuya Apollo para dito kasi hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi, Christmas and New Year passed wala pa rin. Hindi pa rin sure kung makaka-uwi siya sa Graduation ko dahil Busy talaga siya para sa bagong negosyo nila sa France. Ayokong makadagdag pa sa problema niya.
What about Daddy? tsk. No choice.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa Office ni Daddy. Ngayong araw lang siya tumigil dito sa bahay pag-uwi galing ibang bansa, siguro sobra siyang napagod. Masyado nilang sineseryoso ang Kompanya, sa dami na nilang pinagkaka-abalahan dinadagdagan pa nila. Money make people happy nga talaga. Tsk.
Kumatok muna ako sa Double Door na pinto nang Office ni Daddy dito sa bahay, malaki 'to sobrang laki.
"Come in." Sagot ni Daddy sa loob.
Pagpasok ko tumambad sa'kin ang tambak na gawain ni Daddy, marami siyang ginagawa. Walang pahinga.
Napailing ako tsaka lumapit sa kanya para i-kiss. "Good Afternoon, Dad."
"Good Afternoon, Princess." Aniya pagkatapos ay muling humarap sa ginagawa niya.
Umupo ako sa upuan sa harap ng Office Table niya. "Daddy,"
Tumingin siya sa'kin. "Yes Baby? May kailangan ka ba?" Aniya
"You look so busy, Daddy. Maybe next time na lang." Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.
"No, may chine-check lang naman ako." Tinabi niya ang mga papel sa harap niya at inilagay sa table sa gilid niya. "There's any problem, baby?"
Muli akong umupo. "Nothing, Daddy." Umayos ako sa pagkaka-upo. "Itatanong ko lang po sana ang tungkol sa.. ano.. College ko po." Ngumisi ako ng pilit. Kinakabahan ako.
"Don't bother yourself, baby. Your Mom and I think about it." Aniya. Mas lalo lang akong kinabahan.
"Daddy, pwede po ba na ako na ang pipili? Busy na po kasi kayo sa Kompanya ayoko na pong makadagdag pa."
"Hindi ka istorbo. Prinsesa ka namin kaya kahit ano gagawin namin para sa'yo. Kaya baby kami na ang bahala sa pagpasok mo sa kolehiyo." Aniya
Gusto ko lang sana na maging normal. Na maka-pasok sa Eskwelahan na normal na gaya nang Montgomery University na pinapasukan ng mga kapatid ko, sana nasasabi ko ang mga 'to sa kanila. Kaya lang natatakot akong magalit sila sa'kin.
Hindi ko na pinagpilitan pa ang gusto ko, kahit anong pilit ko sila pa rin ang magpapa-aral sa'kin. Sila pa rin ang masusunod. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang sumunod sa gusto nila para sa'kin. Anak lang ako at sila pa rin ang mga magulang ko.
I love my parents no matter what we go through, no matter how much we argue, because I know, at the end, they'll always be there.
Pababa na ko nang makasalubong ko si Mama sa hagdan, bihis na bihis 'to. Siguro nanggaling siya sa meeting o lumabas kasama ang mga kaibigan niya.
"Good Afternoon, Ma." I kissed her.
"Good Afternoon, baby." Bati niya pabalik. "Where is your Kuya's? Hindi ko pa sila nakikita simula kanina." Tanong niya.
"Hindi ko po alam, Ma. Kalalabas ko lang po ng kwarto. Hindi ko rin po sila kasabay sa pagkain ng tanghalian." Sagot ko.
"Si Frollo? Andiyan ba?"
"Nasa kwarto po niya. Sige Ma, baka pagod po kayo, pahinga ka po muna." I hugged her.
"Sige, Baby. Mamayang gabi sabay-sabay tayong kakain." Umakyat na siya papunta sa kwarto nila. Pinagmasdan ko si Mama hanggang mawala siya sa paningin ko. Nakakamis magkaroon ng magulang.
Bumaba na ako at dumiretso sa Sala. Kapag Sabado dapat nandito ang mga kapatid ko, pero bakit wala ata sila. Umupo ako sa sofa at nagbasa ng magazine, hindi ko hilig 'to kaya lang wala naman akong magawa.
Lahat ng 'to dala ni Mama, bumibili siya ng Magazine galing sa iba't ibang bansa kung saan siya pumupunta at lahat ng 'to ay tinatambak lang dito sa bahay.
'Allure' ang pangalan ng Magazine na 'to, si Mama parang dalaga. Tsk.
Lipat nang lipat lang naman ng pages ang ginagawa ko.
Wait.
What?
Hermes Leather bag, $12,900. Shete meron ako nito e. It's a body bag, pero nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon sa peso. Ano ba 'to may ginto? Si Mama talaga kahit kelan. Kaya siguro bumibili si Mama nang ganitong magazine, para makita niya ang bagong labas na design ng mga paborito niyang brand ng bag at sapatos. Tsk. Spoiled Brat.
Sa kalagitnaan nang pagbabasa ko pumasok si Yaya Jossi, may kausap siya. Hinintay ko munang makapasok ang kausap niya bago tumayo. May iilang boses kasi 'yon.
"Ate Phoebri." Lumapit sila sa'kin at agad akong niyakap. Akala ko kung sino na.
"Miss Tanya, hinahanap nila si Frollo." Ani Yaya Jossi
"Ah.. nandoon siya sa kwarto." Utas ko habang naka-yakap pa rin sila sa'kin. "Kamusta na Lester and Kendra?" Tanong ko. Bumitaw sila sa pagkakayakap tsaka sumagot.
"Ayos lang po. Ikaw Ate?" Ani Lester.
"Okay na okay lang. Pagbutihin ang pag-aaral huh." Ginulo ko ang buhok nila.
"Opo naman Ate, Sige po Ate punta lang kami kay Frollo." Paalam nila.
"Ya Jossi, samahan niyo po sila." Ani ko.
Tumango si Yaya Jossi tsaka sinamahan si Kendra at Lester. Kaklase sila ni Frollo at mga pinsan rin namin. Mga pinsan ko lang naman ang nakakapunta dito sa bahay o sabihin na lang natin na kami-kami lang talaga ang nakakapasok dito sa Village. Mahigpit ang Security at syempre pinagbabawal rin ni Daddy na magpapasok ng kung sinu-sino.
Tumayo ako tsaka lumabas ng bahay. Aakalain mo talagang isa 'tong Mansiyon nang Hari at Reyna. Sa laki ng bahay at ang labas nito pwede ka ng magpatayo ng isang Mall of Asia o higit pa. Isang pag-aaksaya ang pagkakagawa nito, malaki nga ang bahay at may malaking garden hindi naman kompleto ang Pamilya. Hindi ako nagrereklamo pero darating rin sa punto na magsasawa ang mga taong naiiwan kung paulit-ulit nangyayari ang mga bagay na ayaw nilang mangyari.
Katulad ko, Prinsesa nga ang tingin nila sa'kin pero parang preso naman kung ituring.
Pumunta ako sa Garden tsaka naupo sa naka-set na table and chair doon sa gitna. Magandang magpahangin dito kapag ganitong oras, hindi masakit sa balat ang init.
Sa pagpapahangin ko may pumasok na isang kotse sa gate. Hindi 'yan ang mga kapatid ko, wala kaming Mirage na sasakyan.
Paghinto nito sa tapat ng pinto namin bumaba ang isa sa mga pinsan ko, Ate Hillary Maniego.
Tumayo ako tsaka tumakbo papunta kay Ate Hillary. "Ate.." Ani ko tsaka yumakap sa kanya.
"Phoebri, kamusta ka na?" Bumitaw ako.
"Okay lang po. Ate, ano pong ginagawa niyo dito?" Nakapagtataka lang, bihira kasi kung bumisita ang mga pinsan ko dito sa bahay. Bihira magkaroon ng ibang tao ang bahay, lagi kasi akong nag-iisa.
"Pinapapunta kasi ako ni Aunt Katherine, may ibibigay raw siya sa'kin." Aniya
"Ah, si Mama--andoon po siya sa kwarto nagpapahinga. Pero puntahan niyo na rin po baka importante."
"Sige, punta lang ako sa taas. Mamaya usap tayo." Nakipag-beso siya at ngumiti tsaka niya ako iniwan. Mabait si Ate Hillary at siya ang pinaka-kasundo ni Mama sa lahat ng pinsan ko sa side ni Daddy.
Bumalik ako sa garden. Marami kaming magpipinsan sa side ni Daddy. Pitong magkakapatid kasi sina Daddy kaya gano'n na lang kami kadami. At hindi rin nagkakalayo ang mga edad namin. Hindi rin kasi nagkakalayo ang edad ng magkakapatid na Maniego kaya parang sabayan na rin kung nag-asawa, except sa younger brother nila.
Si Daddy ang panganay sa magkakapatid, Danny Maniego. May limang mga anak. Panganay si Kuya Apollo na busy na rin sa pagpapatakbo ng negosyo ng Pamilya, mabait siya at may magandang puso kaya hanggang ngayon sila pa rin ni Ate Scylla Lopez ang six years Girlfriend niya. Pangalawa si Kuya Claude suplado at masungit pero matalino, minsan naman mabait kung hindi siya namamansin kaya kung kaka-usapin niyo siya dapat may lakas kayo ng loob, ma-awtoridad kasi ang aura niya. Pangatlo si Tyrone mabait naman siya at sweet kaya lang mayabang, sa nakikita ko naman sa Social Media Badboy daw 'to at Playboy. tsk. Pang-apat Ako, si Piarra Brittany ang inyong lingkod. Pang-lima naman si Frollo ang makulit kung kapatid, mabait naman siya kaya lang nasobrahan ata sa katakawan sa Teknolohiya ayaw magpapigil sa kakalaro. And My Mom, Katherine Alonzo-Maniego galing sa makapangyarihang Pamilya dating Governor si Grandpa at Mayor naman ang Grandma ko. Ang nag-iisang kapatid naman Mama na si Uncle Kristopher ay kasalukuyang Senator. Si Mama lang ang hindi sumunod sa Politika, nag modelo kasi noon si Mama at ayaw niya raw ang buhay politika kaya hindi siya sumunod sa yapak ng mga magulang niya.
Uncle Russel Maniego naman ay isang Abogado at ang pangalawa sa magkakapatid, ang kanyang asawa si Aunt Josefine. May apat naman silang mga anak. Ate Hillary, Kuya Wesley,Wayne and Llana. Kuya Apollo is one year older than Ate Hillary, they are both busy in our Company. Ate Hillary is a Model in a well-known Magazine or Company, she's beautiful and gorgeous lady. Kaya siguro sila nagkakasundo ni Mama. Kuya Wesley is a Third Year Student in Montgomery University same as Kuya Claude, isa si Kuya Wesley sa mga Playboy kong pinsan at Varsity ng Basketball. Gwapo ito at may magandang pangangatawan katulad ni Wayne na kasing edad ko naman. Traits na siguro ng isang Maniego ang maging isang kahanga-hangang nilalang. And of course Llana, she's a 10 year old girl who looks like her Ate Hillary. She admire her Ate for being a charming and gorgeous Lady so she want to be like her Ate someday. What a wonderful girl, right?
Aunt Catalina Maniego-Cruz isang Doktora, siya naman ang pangatlo sa magkakapatid. Isang Engineer naman ang napangasawa niya si Uncle Gilbert Cruz. May tatlo naman itong mga anak, si Kuya Vonn, Joao at Kendra. Si Kuya Vonn ay nag-aaral sa ibang bansa bilang isang Engineer katulad ng kanyang ama, matalino talaga 'to at maaasahan. Si Joao naman ay kasing edad ko rin, Playboy din at badboy. At si Kendra ang batang sobrang cute, kaklase siya ni Frollo sa Montgomery University they are High School Student.
Uncle Benedict, isang Abogado rin katulad ni Uncle Russel at siya ang pang-apat sa magkakapatid, si Aunt Christina naman ang asawa niya. May dalawa silang anak, Kuya Tyler and Tammy. Kuya Tyler is a Second Year College Student in Montgomery University, Varsity Player , a Model and a Playboy. Pareho rin sila ni Tyrone na magaling mag basketball hobby nga nilang magpipinsang lalaki ang maglaro sa court ng Village namin at maglaro ng puso ng mga babae, tsk. Mga lalaki nga naman. Si Tammy naman kasing edad ko rin and she's an Artist or should I say an Actress. Idol ko nga siya e, ang galing-galing niya kasing umarte at ang ganda-ganda pa ng boses. Sa katunayan graduating na rin siya ng High School sa Montgomery. Nakakapagtaka nga lang kung bakit ni-isa sa mga pinsan kong babae hindi nag-aral sa Academy, bukod tangi talaga ang pag-aaral ko doon.
Uncle Thristan, isa rin siyang abogado, pang-lima sa magkakapatid at si Aunt Jasmin naman ang kanyang asawa isang Chinese. May tatlo din itong mga anak, si Ate Isha, Yumi and Lester. Sa katunayan si Ate Isha ang pinsan kong mahilig sa Musika, music lover ganun. Siya rin itong katulad ni Kuya Claude na may pagka-misteryoso at may nakakatakot na aura, lalayo ka na lang sa takot. Morena siya at sobrang kinis ng balat, matangos ang ilong katulad rin naming magpipinsan, lubog ang mga mata na nakuha niya kay Uncle Thristan na nakakatakot talaga at may pagka-pinkish ang mga labi, Mysterious Type talaga. Si Yumi naman ang kaklase ni Tyrone, maganda siya, maputi at Chinita. Si Yumi ay isang Varsity Player ng Volleyball sa Montgomery, magaling siya sa mga napapanuod kong laban sa T.V. talented siya at matalino. Si Lester ay kaklase rin ni Frollo, moreno, matangkad at chinito. Genius naman siya at mabait, katulad ng dalawa niyang Ate. Ibig sabihin si Ate Isha lang ang hindi singkit at si Yumi naman ang siyang maputi sa magkakapatid.
Aunt Chanel Maniego-Imperial isang Doktora at pang-anim sa magkakapatid. Si Uncle Dominic Imperial ang asawa niya isa rin siyang Doktor. May apat na anak, Kuya Steve at ang kambal na sina Shayne and Shawn and our baby girl Sab. Si Kuya Steve ay isang Goodboy, walang pinapa-iyak na babae siya ata 'yong nagmana kay Kuya Apollo mapagmahal sa mga babae. Si Shayne naman ay isang Bratt Girl, mabait siya sa'min pero minsan maldita, maganda ito, morena, and aslo known as 'Cheerleader' sa Montgomery. Si Shawn naman ay kabaliktaran ng ugali ni Shayne, kung si Shayne ay isang maldita si Shawn naman ay isang down to earth na guy, maaasahan at masasandalan sa lahat ng oras. Kaklase sila ni Tyrone sa Montgomery, isang Varsity Player din si Shawn ng Basketball. Mga Montgomerians sila, Ako? Academy lang. -_- Syempre ang pinaka bunso sa'min a 5 year old girl na si Sab, sobrang cute at charming na bata.
Uncle Stanley Maniego, bunso sa magkakapatid at binata. Pagmomodelo sa ibang bansa ang pinagkaka-abalahan niya. Ayaw niya sa negosyo dahil na rin siguro sa wala pa siyang binubuhay na Pamilya kaya nagiging easy go lucky lang siya. Minsan rin lang kung umuwi ng Pilipinas, twice a year? Minsan once a year pa, katulad ni Grandpa.
Ang aming Grandpa o mas kilala bilang Don Sebastian ay naninirahan ngayon sa Europa. Si Grandpa ay isang kilalang Abogado noon dito sa Pilipinas dahil sa nakakatakot nitong pagkatao pagdating sa hukuman. Striktong tao si Grandpa, hindi madaling pakisamahan at hindi marunong tumanggap sa pagkatalo. Pero hanggang doon na lang 'yon dahil hindi niya hinangad ang umangat sa buhay, gusto niyang makatulong sa kapwa kahit walang bayad basta maipanalo lang ang kaso at nasa tama ang hatol.
Ang aming grandma naman ay labing-limang taon nang pumanaw. Dati siyang Doctor. Lahat ng kapatid ni Daddy ay mayroong degree. Lahat ng lalaking kapatid ni Daddy ay sumunod sa yapak ni Grandpa bilang Abogado except Uncle Stanley and of course my Dad. At ang dalawang Auntie ko naman ay sumunod sa yapak ni Grandma bilang Doctor. Kung si Grandpa ay kontento na sa simpleng buhay nila noon, iba ang Daddy ko. Si Daddy mas naging praktikal noong binata pa siya, at dahil gusto niyang umangat sa buhay imbis na pag-aabugado daw ang kunin niya na ilang taon bago siya magtatapos mas pinili niyang kumuha ng kurso na mas mapapadali ang pagkuha niya ng trabaho. He take Bachelor of Science in Business Management, Major in Accountancy. Pagtapos niya agad siyang naghanap ng trabaho at iginugol ang lahat para makuha ang pangarap. Kaya heto kami ngayon, mahirap ng maabot.
Hindi naman madamot si Daddy, sa katunayan nagpatayo siya ng Limang Ospital para sa mga kapatid niyang Doctor at sa kay Uncle Dominic. Tinulungan niya rin si Uncle Gilbert na asawa ni Aunt Catalina, nagpatayo siya ng isang Firm para sa kay Uncle Gilbert. Nagpagawa naman si Daddy ng Opisina para sa mga Uncle kong Abogado, at Clothing Line naman sa kay na Aunt. At kay Uncle Stanley, nagpagawa si Daddy ng bahay niya sa Village kung sakaling magkapamilya na 'to. Daddy, wants his Family feel better and comfortable.
"Phoebri," Bumalik ako sa realidad ng nagsalita si Ate Hillary. Ngumiti ako.
"Ate, ano pong pinag-usapan niyo ni Mama?" Umupo siya sa katabing upuan ko.
"May binigay lang siya sa'kin." Ngumiti siya tsaka itinaas ang iilang paper bag. "Pasalubong." Hindi niya siguro nakuha agad ang mga ito nang umuwi si Mama galing Korea.
"Paborito ka talaga ni Mama, Ate."
"Hindi naman. Nagkakasundo lang." Aniya.
"Ate, pwedeng humingi ng favor?" Siguro pwede niya akong matulungan, sana.
"Pwede naman, pero yung kaya ko lang huh."
Bumuntong hininga ako tsaka nagsalita. "Pwede niyo po ba akong ilabas? Nababag--"
Hindi niya ako pinatapos. Tumayo siya tsaka umiling-iling. "Sorry Phoebri, I won't. If I get you out, Uncle Danny will get mad at me. Sorry talaga" tsaka niya hinawakan ang kamay ko.
"I understand, Ate." Tumayo na ako.
"Sorry talaga. Maybe next time kapag pwede ka na." Ngumiti siya tsaka ako niyakap. "Sorry talaga, Phoebri. Sumusunod lang ako sa Rules ng Pamilya natin." Napangiwi ako.
"It's okay, Ate. Nahihiya tuloy ako sa inyo." Bumitiw ako sa pagkakayakap.
"Tsk. Kami ang dapat mahiya sa inyo, kayo ang bumubuhay sa'min. Uncle Danny give us a chance to survive, kaya sinusunod lang namin ang mga bawal at hindi pwedeng gawin." Aniya.
"Ate hindi kami ang bumubuhay sa inyo. Kayo ang bumubuhay sa sarili niyo, nagtratrabaho kayo at deserve niyo ang lahat ng 'yon." Utas ko.
"Kahit ano pa ang sabihin mo at sabihin ninyo, hindi na natin maitatago na sa inyo pa rin nanggagaling ang mga bagay kung bakit kami nabubuhay. At nagpapasalamat ako para doon." Aniya tsaka ako niyakap ulit. "Wag kang mag-alala ako ang una mong makakasama sa Mall kapag pwede ka ng makalabas." Bumitiw siya tsaka niya ako tinap sa balikat.
"Salamat, Ate."
Pagtapos ng usapan namin nagpaalam na rin siya para umalis. Si Ate Hillary ata ang pinaka-close ko sa mga pinsan ko, dahil na rin siguro sa madalas siya kung pumunta sa bahay. Bihira kasi kung pumunta ang ibang mga pinsan ko sa bahay, si Kendra at Lester lang ata ang kung pumunta sa bahay dalawang beses sa isang linggo at dahil na rin 'yon sa kaklase sila ni Frollo. Minsan naman ang mga lalaki kong pinsan ang nandito, jamming with Tyrone, Basketball sa court ng Village, Gym, or kantahan sa Music Room (sa katunayan bumubuo pa sila ng banda) at ang madalas kumain sa may Attic. Hindi kasi pala-labas si Kuya Claude, lalabas lang 'yon kung may importanteng pupuntahan at kung normal day lang andoon lang siya sa kwarto niya o di kaya sa library ng bahay para mag-aral.
Nakakalungkot lang, bihira ko kung makita ang ibang mga babae kong pinsan sina Yumi, Tammy and Shayne.
Pagpasok ko sa bahay nadatnan ko si Kendra, Lester at Frollo na papunta sa Under Ground. Tumigil sila tsaka ako kina-usap.
"Ate Phoebri, gusto mong sumama? Manunuod kami sa baba." Anyaya ni Kendra.
"Oo nga Ate, di ba mahilig ka sa Horror Film? Manunuod kami ng Train to Busan." Anyaya naman ni Lester.
"Ahmm.. pass muna ako. Baka dalawin ako ng takot sa kwarto. Next time na lang."
"Sayang naman... sige Ate baba na kami." Tsaka sila bumaba.
Sana nandito ang ibang mga pinsan namin at kaklase ko rin sila para makabisita sila sa'kin.
Bumuntong hininga ako tsaka tumingin sa itaas. Ang pinakamalaki at pinakamagandang Chandelier sa buong Asya, ang Piarra Chandelier. Pinasadya kasi 'to ni Daddy para sa malawak naming ceiling. Ginawa 'to sa France, nilagyan nang maraming diamante na magpapakinang ng sobra sa Chandelier, pinalakihan, pinahabaan, at nakilala bilang Piarra Chandelier.
Kaya sa Chandelier na 'yan masusukat kung gaano na kataas ang narating nang aming Pamilya, at ang magsasabi na kay hirap nang maabot ang tulad namin. Na isa sa pinaka-kinatatakutan ko.
"Pia, andiyan si Daddy?" Tumingin ako kay Kuya. Kay Kuya Claude siya lang kasi ang tumatawag sa'kin ng 'Pia'.
"Nasa opisina niya." simpleng sagot ko. Ayaw niya nang paligoy-ligoy pang sagot, kaya kung alam mo isagot mo ng diretso.
Umakyat na siya at hindi na ako nilingon pa. Saan kaya siya nanggaling? Hmm.. baka School Activity lang.
Umakyat na rin ako at pumunta sa kwarto ko. Pag-upo ko sa couch, bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Parang masarap ang Creamy Cake." Nagcra-crave ako. "Blueberry Sundae Creamy Cake." Yummy.
Tumayo ako at nagtungo sa telepono, sa side table ng kwarto ko.
Dinial ko ang Telephone number ng Creamy Palace.
Ilang segundo lang sinagot din ang tawag ko.
"Hello. This is Kikay of Creamy Palace. How may I help you?" Si Ate Kikay.
"Ate Kikay.." panimula ko.
"Lady Phoebri, ikaw po ba 'yan?" Tanong niya.
"Opo.."
"Omg!" Sigaw niya. "Ano pong maipaglilingkod namin?" Masigla niyang tanong
"Gusto ko po sanang magpadala ng Blueberry Sundae Creamy Cake." utas ko.
"Ahmm.. wait po titingnan ko lang po kung Available pa."
Ilang minuto akong naghintay hanggang sa bumalik na siya.
"Lady Phoebri... wait for a few minutes, ipapadala na po namin diyan."
"Ah sige po. Thank You Ate Kikay. Hihintayin ko po."
"Salamat." Binaba ko na ang telepono tsaka humiga sa higaan.
Mabuti na lang at meron pa. Yipie.
"Blueberry Sandae Creamy Cake, here I come." Sarap..
Creamy Palace. Isa sa negosyo ng Pamilya namin. Mayroong 50 branch sa labas ng bansa at 20 naman dito sa Pilipinas. Nagbe-bake ang Creamy Palace ng kakaibang mga Flavors ng Cake, Cupcakes, Cookies or different kind of Pastry. Sikat ito at dinudumog ng karamihan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro