06
Chapter 06
Naging mabait sa akin si Onli nitong mga nakaraang araw. Hindi niya ako inaasar, he didn't do anything to get on my nerves. Sa klase naman ay sanay na akong malalaki ang score na nakukuha niya. Hindi rin naman siya ang tipong pabida sa klase na walang ibang ginawa kundi ang magvolunteer. He would only participate in class when called.
Nakasanayan na rin niyang itext ako ng good morning, o 'di kaya ay good night. Sa tuwing napapagabi ako sa practice ay palagi niya akong inaabangan para mahatid sa sakayan.
It went like that for days hanggang sa dumating ang linggo ng festival. We were both busy, lalo na at pusposan na ang ginawa naming practice. Sina Onli naman ay abala sa review para sa quiz bee at event volunteer pa siya kaya kahit hindi pa araw ng quiz bee ay sobrang busy na niya.
The quiz bee was on the same day of the streetdance and festival of queens. Hindi ko siya nakita buong umaga ngunit bago magsimula ang quiz sa hapon ay nakatanggap ako ng text message mula sa kanya.
From: My One and Onli
Hi! How's your preparations? Dumaan ako kanina during blocking ninyo pero hindi na kita nilapitan.
I bit my lower lip to prevent myself from smiling. Aba, daig pa niya ang boyfriend ko kung makaupdate ah? I wonder sinu-sino kaya ang tinetext niya ng ganoon. I know Onli is a thoughtful guy kaya hindi malabong hindi lamang ako ang gino-good morning niya o di kaya ay paaalalahanan na kumain.
Also, hanggang ngayon ay hindi ko pa nai-edit ang contact details niya kasi... tinatamad ako.
Really, Devon?
From: My One and Onli
Nasa municipal booth ako. Hinihintay ko sina PJ. In two hours, magsisimula na ang quiz bee.
Pake ko ba kung nasaan siya? Napatingin ako sa paligid. Ginagawa na ang mga last minute adjustments at kung anu-anong paalala. Naayusan na rin ako nang bahagya, pero mamaya ay may major retouches daw sabi ng HMUA. We were told to relax para mamaya ay kalmado kami at hindi pagod. Ibig sabihin ay baka makasaglit pa ako sa venue ng quiz bee kung sakaling hindi magiging matagal ang pag-aayos.
To: My One and Onli
I can drop by since wala ang HMia
To: My One and Onli
*HMUA
From: My One and Onli
Is that my lucky charm? Mali yata sequence ng letters mo, pero ayos lang. I will gladly accept. MUAH din 😘
Biglang nag-init ang buong mukha ko nang mabasa ang reply niya. Either dahil iyon sa makapal ma makeup ko sa mukha or sa kalandian niya.
To: My One and Onli
corny mo🙄
From: My One and Onli
Ganda mo kanina.
Muli na namang nag-init ang buong mukha ko. I bet if I don't have heavy makeup, malamang namula na ang buong mukha ko! Ayos na rin, libreng blush on.
To: My One and Onli
Maganda ako palagi
From: My One and Onli
That I agree.
To: My One and Onli
Punta ako dyan. i'll see it myself kung worth it ba ang team na pinili ni maam over me
From: My One and Onli
Punta ka rito? Yes, please.
Hindi na ako nag-reply sa kanya at umalis sa room na naka-assign sa amin. Nagpaalam lang ako sa choreographer at agad na hinanap ang booth. Maingay ang paligid dahil sa programa at dami ng tao. Nagkalat ang mga estudyante mula sa iba't-ibang paaralan. Some drum and lyre members were on the side at nagpra-practice. May mga tent rin na nagbebenta ng mga pagkain at meryenda.
Natakam ako sa waffle, kaya bumili ako ng dalawa. Pinabukod ko iyon ng balot para maibigay ko kay Onli ang isa.
I passed by the huge tarpaulin of the politicians. Malawak ang ngiti ng mga municipal mayors na naroon. There was another tarpaulin with the huge face of the provincial governor na si Hon. Nathaneil Lim. Dati siyang mayor ng San Nicholas na ngayon ay naging Provincial Governor. I made a face as I passed by their tarpaulin. Mas malaki pa ang print ng pangalan nila kaysa sa mismong program of activities ng festival. Hays, mga pulitiko talaga, ginagawang kampanya ang lahat ng bagay na ginagawa.
Hinanap ko ang booth ng San Nicholas at agad ko naman itong nakita. Hindi matao ang bahaging iyon ng provincial plaza dahil nagsisimula na ang ilang major events, kaya marahil ay nasa gym na ang mga tao.
I was hopping towards our tent, ngunit bigla akong napatigil nang may marinig akong hindi pamilyar na boses.
"I know you intend to win the quiz, pero sana ay huwag mong masyadong seryosohin. If you show off too much, some people might dig much about you, lalo na at nakakabit sa pangalan mo ang apelyido ko."
Nagtago ako sa gilid kung saan hindi ako makikita. Hindi ko alam kaninong boses iyon, pero puno iyon ng autoridad.
"Huwag po kayong mag-alala, Maniego po ang dala kong apelyido." It was Onli, at tila seryosong-seryoso ang kanyang boses.
"Still, be careful. Eleksyon na next year. I don't want people digging about my dirty laundry. Mahirap na baka gamitin pa iyon ng mga kalaban ko para siraan ako."
"Yes, sir."
Narinig kong tumunog ang isang upuan na tila ba may tumayo. Natatarantang tumakbo ako palayo bago kinakabahang bumalik so that it would seem believable na kadarating ko lang.
"Onli?" I called out bago tuluyang lumapit sa booth namin.
Bigla akong may nakasalubong na ikinagulat ko. It was Governor Nathaneil Lim. He exudes an authoritative aura. Kung gaano siya karespetado tingnan sa mga tarpaulin, ay mas ganoon rin sa personal. This is the first time I've seen him this close, at biglang nanghina ang tuhod ko nang makita siya.
Bigla akong may nakasalubong na ikinagulat ko. It was Governor Nathaneil Lim. He exudes an authoritative aura. Kung gaano siya karespetado tingnan sa mga tarpaulin ay mas ganoon rin sa personal. This is the first time I've seen him this close at biglang nanghina ang tuhod ko nang makita siya.
Agad akong yumuko at binati siya. "Magandang hapon po, gov."
He eyed me carefully. "Magandang tanghali. I was roaming around for the preliminary judging of the booths. Are you from San Nicholas?"
Mabilis akong tumango. "O-opo, Gov."
Ngumiti siya, ngunit halatang pilit ang ngiting iyon. "I see your booth's potential. Keep up the good work."
"Salamat, gov," tanging nasabi ko, hanggang sa tuluyan na niya akong nilampasan. Nang makalayo siya, agad na lumapit ako kay Onli na ngayo'y nakaupo at tila malungkot.
He smiled at me, ngunit hindi naman umabot sa mata ang ngiting iyon. I knew something was up. He looked really sad to me.
"How much did you hear?" tanong niya.
He got me. Hindi na ako nagsinungaling pa at lumapit na lamang sa kanya. "From the part where he said na nakakabit sa pangalan mo ang apelyido niya."
Muli siyang huminga nang malalim at pinunasan ang kanyang pawis. He looked sad, very sad, at kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, ay baka niyakap ko na siya. He looked like he badly needs one right now.
"Huwag kang mag-alala. I'll keep it to myself, saka hindi ko naman naintindihan ang pinag-usapan ninyo," I said, with hopes of trying to make him feel better.
"Kaya wala akong middle name ay dahil apelyido ng mama ko ang dala ko," kwento niya. "But he was right when he said that, kasi hindi ko man dala ang apelyedo niya, it's still in my name."
My heart ached for Onli. He looked genuinely sad saying it, at dahil madalas na masaya naman siya, it's hard to see him like this. Hindi ako tanga para hindi matagpi-tagpi ang narinig kanina at ang kwento niya. It was brand new information, and definitely hot gossip if ever.
Kung titingnan ang pangalan ni Onli, one would think he spelled out his middle name. But no, his name is Oliver Neil Lim, no middle name, and Maniego is his last name. Hindi maikakailang galing sa pangalan ni governor Nathaneil Lim ang pangalan niya.
Inabot ko sa kanya ang waffle. "Kainin mo, at wag kang malungkot. Hindi ako sanay na makita kang ganyan. I'm more used to the happy-go-lucky Onli na walang ibang ginawa kundi bwisetin ako."
Bahagya siyang napangiti, ngunit nandiyan pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. "I will win the quiz bee para hindi naman sayang ang luhang iniyak mo noong inalis ka sa team."
I crossed my arms with a nod. "Dapat lang, pero paano naman 'yong..." Hindi ko tinapos ang sasabihin at tinuro na lamang ang daang tinahak kanina ni Gov.
He shrugged. "Gaya ng sabi ko sa kanya, I am a Maniego."
"That's the spirit," I told him.
Tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko iyon ay ang choreographer ang tumatawag. "Mukhang hinahanap na nila ako. Mauna na ako. Win the quiz bee, Onli."
"I will." Tumayo siya at sinundan ako sa pinto ng tenth. "I want to say the same pero sigurado naman akong mananalo ka." He stared at my face as if he is memorizing every corner of it. "Nakita ko lahat ng festival queens, ikaw ang pinakamaganda."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Pero, ew bakit ako mapapangiti dahil lang sinabihan ako ni Onli na maganda?! Hello, it's not like this is the first time na may nagsabi sa akin na maganda ako. I took after my mom, na sabi nga nga mga nakakatanda ng San Nicholas ay tinuturing nilang isa sa mga yaman. Her beauty was unmatched that she earned the title of being one of the "likas na yaman" ng San Nicholas. Unfortunately, nang magkolehiyo si Mama ay doon niya nakilala si Papa at bumalik siya ng San Nicholas na buntis. They tried to live a normal life as I was growing up ngunit dahil parehas pa silang bata ay hindi sila nagtagal. They ended up missing so much of their youth, thus their married life was dysfunctional at eventually ay naghiwalay sila. Naging laman ng usap-usapan si Mama mula sa pagkabuntis hanggang sa paghihiwalay. Si Papa naman ay hindi gusto ng mga taga San Nicholas dahil siya ang tinaguriang sumira sa likas na yaman ng munisipalidad.
So bakit ako napapangiti ngayong si Onli ang nagsabi sa akin na maganda ako? It's not like I don't hear it from other people on a daily basis. Ano bang nangyayari sa akin?
Sinalubong ko ang tingin niya. "Alam ko." I rolled my eyes to shake off whatever feeling I get kapag nagtatama ang aming mga mata. "I'll take home the crown so take home the medal."
"Yes, Ma'am."
Agad ko na siyang tinalikuran at tumatakbong bumalik sa designated classroom namin. Nang makalayo ako kay Onli ay tinapik ko ang mga pisngi ko. My God, ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang lumambot ako kay Onli recently? Nasaan na ang palaging high blood na Serena Devon sa tuwing kaharap siya?
Naging abala na ako ilang oras bago ang programa. We did some last-minute practice and there were minor adjustments sa part ko sa festival queen showdown. My feet hurt so bad ngunit hindi na ako nagreklamo. Nagsimula na ang drum and lyre contest at sumunod naman ang streetdancing.
Habang naghihintay na pumasok ang mga festival queens ay napansin ko ang masamang tingin sa akin ng isa mula sa ibang paaralan. Sa katunayan, kanina pa siya. Habang kasama niya ang kanyang tagapag-ayos kanina ay panay ang pagpaparinig nila sa akin. Alam kong ako ang kanilang pinaparinggan kahit hindi naman sila nag-name drop, kasi sino bang patron ang may dalang krus at lily? It's St. Nicholas. They made fun of me and our props which represents the advocacy of our patron saint.
Dahil ayaw ko mastress ay hindi ko na lamang sila pinansin ngunit ngayong nandito kaming lahat ay halata pa ring masama pa rin ang tingin niya sa akin. In a few minutes ay lalabas na kami. I wonder what happened sa quiz bee. Nanalo ba sina Onli? Anong score nila? They better win because I too, will win this. Nang pinalabas na kami ay bigla na lamang akong binangga ng babaeng kanina pa masama ang tingin sa akin. A part of my costume broke at nalaglag ito sa lupa.
Napamura ako sa isip as I watched a part of it fell! Maingat ang galaw ko kanina pa dahil alam kong mabilis masira ang costume at props! Pinaglaanan iyon ng oras at panahon ng mga classmates at schoolmates ko kaya maingat ang bawat galaw ko!
Wala na akong panahon na pulutin iyon dahil nagsimula na kaming lumabas. Despite me looking like a total wreck ay naglakad ako ng puno ng confidence. Kahit ang headdress ko ay wala na sa ayos ay todo ngiti pa rin ako habang sumasayaw. Cheers filled the crowd. My eyes gently scanned the waves of people around. Ayaw kong aminin sa sarili ko na si Onli ang hinahanap ko.
Oh, bakit ba? I want to show him I will slay this one!
Nilawakan ko pa ang ngiti habang mabining gumagalaw. Malawak ang area kaya kahit tumambling kami roon ay walang problema. I moved near the judges' table so they can take a better look at me and at the intricate design of my costume.
Isa sa mga judges si Governor Lim at naalala ko ang narinig kanina. Well, matikas naman siyang tingnan kahit may katandaan na. Now that I noticed, malamang sa kanya nakuha ni Onli ang mga mata. They were a bit chinky, but not that chinky enough to be called chinito. Gaya niya, Onli has that air of confidence. Malakas ang dating at tila malakas ang appeal sa tao. Natigil ang pag-a-assess ko sa pisikal na kaanyuan ni Gov at Onli nang may bumangga na naman sa akin.
Si ate girl na namang pumuwesto na rin sa harap ng mga judges. Umasta siyang hindi ako napansin dahil hindi man lamang ako sinulyapan. Her wide smile plastered on her face as she continued dancing, swaying with their patron saint in her hand. Gusto ko ng magalit at ambahan na lamang si ate girl, pero siyempre hindi ko ginawa! Kailangan kong manalo!
Bahagya akong lumayo sa kanya, to make sure na hindi na niya ako mabangga. Sinubukan ko na lamang kumbinsihin ang sarili ko na hindi niya iyon sinasadya at nagfocus na lamang sa pagsayaw. Napansin kong unti-unti pa rin siyang napapalapit sa akin hanggang sa naapakan niya ang laylayan ng suot ko! Mahirap gumalaw sa gown na iyon dahil sa buka at haba kaya nang naapakan niya ang laylayan habang lumalayo ako sa kanya ay napatid ako! I fell on the ground nang nawalan ako ng balance.
Gasps filled the place, ngunit agad kong kinalma ang sarili. I picked myself up, pulled the hem of my gown and started swaying with utmost elegance and finesse. Kahit naiinis na ay nakangiti pa rin ako at tinapos ang pagsayaw.
The showdown came to an end at nang bumalik ako sa mga kasama ko ay napaiyak na ako. I apologized to them dahil malamang ako ang dahilan kung magiging mababa man ang marka namin. Everyone come to my rescue, at lahat sila ay nainis sa babaeng kanina pa bumabangga sa akin.
"Huwag kang mag-alala Devon, wala kasing laban 'yon sayo kaya dinaan na lamang sa pandadaya! Aba kanina pa ako gigil na gigil sa kanya, sa backstage pa lang!" bulalas ng choreographer. Ang ibang kasali sa street dancing ay in-assure ako na okay lang ang lahat. I did my best pero may mga tao talagang handang isabotahe tayo.
"Taga-San Isidro 'yon, sis! Ano, sugurin ba natin?" komento pa ni Jenny.
Mabilis na lumipas ang hapon. I spent the rest of the afternoon feeling down. Iyong ilang linggong practice namin ay pakiramdam ko ay nasayang.
Kinagabihan ay awarding na. Maliwanag ang buong plaza dahil sa makukulay na ilaw sa paligid. The loud music was beaming at mamaya ay may disco pang magaganap.
Nang magsimula na ang programa ay hindi ko pa rin makita si Onli. I haven't seen him this afternoon at wala rin akong balita sa kanila. I heard Ma'am Roxas said kanina na nag-extend ang team quiz bee dahil nakailang rounds na ng tie breaker. I didn't check my phone too because I'm so down to do so. Ninamnam ko na lamang ang sakit ng damdamin, paltos ng paa at sakit ng katawan.
Our municipality won so many minor awards. Nang magsimula nang mag-announce ng mga nanalo sa major events ay nalungkot ako. Alam kong hindi kami mananalo and my competetive slef would definitely feel so very bad about it.
Tinawag ang pangalan nina Onli bilang champion ng team quiz bee. I squeezed through the crown at nang makita ko siya. Nakangiting tinaggap nila ang medalya at isa-isang isinuot iyon ni Gov sa kanila. Wala akong nakitang kahit ano sa mata ni gov habang isinusuot kay Onli ang medalya. He offered his palm for a handshake ngunit saglit lamang iyon.
Tinawag kami bilang first runner up sa streetdancing at festival queen. Pinilit pa ako ni Jenny na umakyat para tanggapin ang trophy. Hindi na masama ang first runner up, but if only I tried even harder, sana kami ang nagchampion. Pero buti na lamang, hindi nanalo ang San Isidro! Third runner up lamang sila.
Pagbaba namin ng stage ay masayang binati kami ng aming municipal officials at iba pang mula sa San Nicholas. Dahil maraming tao ay hindi ko na napansin kung sino ang humawak sa kamay ko at hinila ako palayo roon. I tried breaking free ngunit agad ding napatigil sa pagpupumiglas nang makitang si Onli ang humawak sa kamay ko.
"O-onli?"
He smiled as he led me away from the bustling crowd. Dumaan kami sa harap ng napakaraming tao hanggang sa dinala niya ako sa children's park na hindi kalayuan sa plaza at covered court kung saan ginaganap ang programa.
"Finally, nakita rin kita," sabi niya at binitiwan ako. He made me sat on the porch swing and stood in front of me. "Saan ka ba nagpunta?"
"Ako?" Bakit mo tinatanong? "D-diyan lang." At bakit ako nauutal?
"I've been texting you a lot."
I bit my lower lip. "Hindi ako nagcheck ng cellphone."
The noise from the covered court was still audible, but it seemed like I could hear the pounding of my heart even louder. What the heck, why is this happening?
"I saw what happened," he said, his eyes not leaving my face. "Ikaw ang pinakamagaling at pinakamaganda."
I gave him a skeptical look. "Sus, pinapagaan mo lang ang loob ko eh. Come on, mock me for not winning."
He sighed at mayamaya ay kinurot ang pisngi ko.
"Aray, ano ba!" Naiinis na tinabig ko ang kamay niya sa mukha ko.
"In my heart, ikaw ang nanalo," sabi niya.
"Ano—" Hindi ko na natuloy ang tanong dahil nakita ko ang sinseridad sa mukha niya. It was like watching him take an exam; he had the same serious and determined look.
"I know you feel bad dahil sa nangyari, but it wasn't your fault," pagpapatuloy niya. "Kasalanan iyon nung taga San Isidro."
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Bakit mo alam na taga San Isidro iyon? Type mo ba 'yon?"
Mygosh, Devon! Saan nanggagaling ang tanong na iyan?!
"Mukhang kalabaw eh," sagot niya sa seryosong mukha. "Sabi ko nga kanina, nasaan si San Isidro bakit yung kalabaw niya lang ang nandun?"
Hindi ko mapigilang matawa. "Ang sama ng ugali mo."
"She made you feel bad, I can do the same."
Tiningnan ko siya nang matagal. "Hindi ko alam kung green flag ka ba na pinagtanggol mo ako, o red flag kasi sinabi mo iyan tungkol sa kanya."
Umupo si Onli sa tabi ko at bumuntong-hininga. "When it comes to people I care the most I can be real toxic and obnoxious. Kantihin na lahat, huwag lang mga mahal ko."
Nanlaki ang mga mata ko. "Pinagsasabi mo?!"
Ngumiti lamang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Ilang sandali ay may kinuha siya mula sa dalang backpack, it was the medal he received kanina.
"We shared this victory together," he said. Hinawakan niya ang medal at dinama ang naka-engrave na pangalan ni gov doon. "He was mad at me."
"Si...?" Lumingon ako sa paligid to make sure no one is around. May mga iilan namang tao roon ngunit may kanya-kanyang mundo.
He nodded his head before I can even complete my question. "Dapat daw lowkey lang ako. That I should not try hard dahil baka... alam mo na, people can trace the connection. It's all because of politics since election na next year. Mas mahalaga ba 'yon sa kanya?"
He sounded so hurt but I don't know how to make him feel better. Nanatili na lamang akong nakaupo at nakinig sa kanya.
"Dati naman okay naman ah? He told me to showoff, he told me to be the best. He told me I should have the Governor's medal, which I did."
My mind traveled back to the time I hate him for receiving it. Ngayon ko lamang nalaman na may malalim pala siyang rason kung bakit. It wasn't his intention to compete with me academically; it was because he had to, just to please his father. Well, we all have different battles we fight, right?
"Pero bakit ngayong pa-eleksyon na ay binabawi na niya lahat ng sinabi niya sa akin dati? Does he care more about his politocal power and status than his own son? I'm still his son, kahit sabihing bastardo ako." Tila may hinanakit na tanong niya. Ramdam ko ang sakit ng loob niya ngunit dahil hindi ko alam kung paano siya aluin ay tinapik ko na lamang ang balikat niya, without saying anything.
He immediately wore his mask and pretended to be fine before facing me. The mask that I always see, the happy-go-lucky Onli. "Ang drama ko ano? This night isn't about me. Mabuti pa magfocus na lang tayo sa magagandang bagay." Umayos siya ng upo at tiningnan ako.
"What are you doing?" I asked nang mapansing nasa akin ang atensiyon niya.
"Nagfofocus ako."
I rolled my eyes at mahinang sinapak siya sa braso. "Istilo mo, bulok."
Tumawa siya bago itinaas ang hawak na medalya. "Tagumpay natin 'to." Bahagya akong napapiksi nang tinanggal niya ang asul na lace ng medal. He pulled my wrist at sinipat iyon. Ilang saglit lamang ay tinali niya sa palapulsuhan ko ang lace. He secured it by making a pretty knot. "There."
But he didn't let go of my hand. He held it gently, as if it were a fragile thing he was afraid to break. When his thumb brushed against my hand, it was enough to send me into a frenzy.
"Ito pa lang ang kaya ko sa ngayon," he said, gently drawing circles with his fingers on the back of my palm. "But someday, when I can, I will put something valuable in this hand."
#
ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro