04
Chapter 04
I doodled cute cats on my notes and crashed out almost anything that I'd written. Unlike other times ay maraming nanunuod ng debate ngayong araw, despite it only a subject requirement at hindi school event.
Panay ang tapon ko ng masasamang tingin kay Onli at sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay sumisilay ang nakakainis na ngiti sa kanyang labi.
I couldn't hear the adjudicator right now because my mind was consumed with how Onli laid out all their rebuttals perfectly. Their house, the government, started weak as their prime minister failed to open their case properly, but things took a turn when Onli, the government whip, began to speak. Kanina ay confident ako na kami ang mananalo and now I'm having doubts.
"The best speaker is government whip," anunsyo ng adjudicator, referring to Onli. Nanlilisik ang mga matang napatingin ako sa kanya but he only smiled at me. Mas lalo pa akong nainis dahil umugong ang palakpakan. Bakit ba may mga babae rito? Wala ba silang klase at dito sa AVR sila nakatambay?
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ng adjudicator hanggang sa inanunsyo na sila rin ang nanalo. Hanggang sa nakabalik na ako sa upuan ay naiinis pa rin ako. I had so many regrets. Dapat ba naging opposition whip na lang din ako? But I believe being the first speaker is a good move. Having a strong leader of the opposition would bring our team to victory. Kung ibang pagkakataon ay baka ganoon nga ang mangyayari, but then here come's Onli. Panira talaga.
Nang makabalik si Onli sa upuan niya ay panay pa rin ang tapon ko ng masasamang tingin sa kanya. He moved his chair closer to mine at nginitian ako.
"What?" tanong ko. "Stop grinning at me."
"Mukhang hindi ka satisfied sa resulta ng debate," sabi niya.
I rolled my eyes. Hindi naman sa hindi ako satisfied, I have to admit that Onli has actually properly supported their house. Their arguments and rebuttals were so good kaya nakakainis at nakapanghihinayang. Surely, we were the underdog kanina but I won't admit that to him! Huh, never! Over my dead body.
"It was rigged," sabi ko sabay iwas ng tingin. "Tingin ko unfair ang adjudicator."
Nakangiti pa rin siya. "Really?"
"Without strict government oversight, we could unleash uncontrollable and potentially harmful AI systems upon the world. You cannot change my mind," mahinang sabi ko sa kanya dahil nagsisimula na ang sunod na teams na nagdedebate.
Umayos siya ng upo matapos iharap ang upuan sa akin. "By imposing strict regulations, we risk hindering progress and losing our competitive edge on the global stage."
Pinanlisikan ko siya ng mata at gusto ko na siyang ratratin ng kung anu-anong argumento, but of course that would make me the loser kaya nagkunwari na lamang akong abala.
"I don't have time to argue with your...your nonsense arguments." I motioned my hand as if binubugaw ko siya. "Shoo, dun ka na sa mga bebegirls mong for sure ay nagka-cutting classes."
Onli laughed at nilingon ang mga bebe girls na ngayon na nasa kanya ang atensiyon sa halip na sa stage.
"Mga Grade 9 sila, and sabi ni Sir Rex, interesado silang sumali sa school debate team, so they're here to observe, hindi sila nagcutting," paliwanag niya.
I rolled my eyes. "Wow, so you tried to defend them when I say nagcutting sila pero no word about them being your bebe girls."
Mas natawa pa siya. "Gusto mo bang maging bebe girl ko?"
"Yuck!" Bulalas ko. Kung pwede pa lang sumuka ako sa harap niya ay ginawa ko na. "Kadiri ka."
"Ma'am, hindi pa tapos magdebate sina Devon at Onli!" sigaw ng isa naming kaklase, making the whole place started teasing us.
"LQ yata eh, bebe girls kasi ang usapan," komento naman ng isa na hindi kalayuan sa amin. I threw them dagger looks ngunit mas lalo lamang umugong ang mga tukso. Halos sumabog na ako sa pagkapahiya, while Onli enjoyed the attention directed toward us.
Mabuti na lang at sinaway ni Ma'am ang mga kaklase namin at ipinagpatuloy ang kasalukuyang match. I sulked on my chair, calming myself. Bakit ba malakas ang tibok ng puso ko? Maybe it's because I hate being teased like that, not to mention na umakyat pa lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa inis kay Onli.
Bigla na lamang ibinuka ni Onli ang kamay sa harapan ko. "Pahiram ng cellphone mo."
I raised a brow. "Ayaw ko."
"Damot mo naman, emergency lang. Sige na, patawag ako," pamimilit niya.
Bago pa kami mapansin ng mga classmates namin at tuksuhin na naman ay agad ko nang in-unlock ang cellphone ko at binigay sa kanya. "I swear if may gagawin kang iba maliban sa makitawag, I will-"
"Why, meron ka bang porn sa cellphone mo?" Onli asked na literal na nagpabagsak sa panga ko.
"P-por- what?!"
Tumawa siya nang mahina at ginulo ang buhok ko. "Just kidding. I know wala ka no'n but in case you need some..." He leaned closer to me and whispered. "Puwede kitang bigyan."
"Onli!" gulat na bulalas ko sabay ng pagtayo at paglayo sa kanya. Ang baboy, mygod!
Muli na namang napatingin ang lahat sa amin at umingay ang klase. I immediately apologized to the class before returning to my seat. Panay naman ang hagikhik ni Onli nang maupo ako.
Tuwang-tuwa siya samantalang halos sasabog na ako sa inis. Why the heck would I keep porn on my phone?! I mean why the heck would I have porn at all? He's so gross! I've never seen one at wala akong balak na manuod!
"Walang nakakatawa, pwede ba?" I hissed. "Bilisan mo ngang makitawag."
Ayaw ko sanang magpahiram ng cellphone, kaso baka masabihan pa ako ng madamot. Isa pa, kung totoong emergency nga edi kargo de konsensiya ko pa. I watched him hold the phone to his ear, na para bang may hinihintay na magring o may sumagot. Ilang sandali lamang ay ibinaba niya iyon at binalik sa akin. Ni hindi man lang siya naghintay nang matagal.
"Done?" tanong ko.
"Yup."
Weird. I don't think he waited enough for someone to pick up. Hindi ko na lamang iyon pinansin at itinago sa bag ang cellphone bago nagfocus sa harap.
***
Madilim na nang nakauwi ako sa bahay. The practice for the upcoming festival took longer than expected. Matapos makapaghapunan ay nagwashup na ako at nagbihis ng pajama. Like I usually do kahit walang upcoming quiz o exam ay nag-aaral ako ng isang oras bago matulog.
Inilabas ko ang ilang gamit mula sa bag, including my cellphone. Saka ko lamang napansin na may unread messages pala ako mula sa isang unknown number. I sat on the bed at binuksan iyon.
From Unknown Number:
Hi. We're off to the review class.
From Unknown Number:
The review is less fun without you. Wala silang match lahat sayo.
From Unknown Number:
Mas interesting sana kung ikaw yo'ng nandito. Our scores will be tied for sure.
Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa. Sino ba 'tong unknown number na 'to na panay update sa akin kung anong nangyayari sa buhay niya? Tila may ideya na ako kung sino iyon, but I have to be sure kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
From Unknown Number:
Nagpractice test kami and here's our scores:
PJ - 16/20
Rowena: 16/20
Winona: 11/20
Onli: 20/20
From Unknown Number:
Galing ko 'no?
Just as I thought. It's definitely him, wait saan ba niya nakuha ang number-- oh, nevermind. But why would he do that at bakit ba niya ako ina-update? To what, para mas lalo akong mainggit na habang abala sila sa kare-review para sa paparating na quiz bee, panay sayaw naman ako bilang festival queen?
I mentally rolled my eyes. Iniyakan ko na 'yon kaya wala ng epekto sa akin kung anuman ang gawin nila. Tinanggap ko na na hindi ako ilalaban sa quiz bee. I was about to toss my phone to the bed nang may natanggap ulit akong text message.
From Unknown Number:
Did you get home safe? Matagal daw kayo natapos magpractice.
From Unknown Number:
Don't forget your dinner.
Naiinis na nagreply ako.
Me:
Stop txting me Onli!
From Unknown Number:
How do you know it's me?
Me:
Maliban sa complete spelling & punctuations mo, kumukulo ang dugo ko sa messges mo!!!
Ibinaba ko ang cellphone at kinuha ang mga notes ko. I started reading ngunit maya't maya ay nasa cellphone ang attention ko. Hindi iyon nagva-vibrate o di kaya ay umilaw. I heaved a sigh bago kinuha ang cellphone and check if there's any reply from him pero wala.
Muli kong ibinaba ang cellphone at nagbasa ngunit hindi ko maintindihan ang binabasa ko. I started reading from the first line again but I just find myself reading the same line over and over again.
I threw myself to the bed at itinakip ang unan sa mukha! Bakit ko ba hinihintay ang reply ni Onli? I grabbed my phone ngunit wala pa rin siyang reply kaya napabuntong-hininga ako. Ano bang nagyayari sa akin? Ilang beses kong hinampas ang ulo ng unan bago tumayo. Kailangan kong mag-aral! Baka dini-distract niya lang ako! That way ay siya pa rin ang mangunguna sa klase!
Itatago ko na sana ang cellphone ngunit nagvibrate iyon.
From Unknown Number:
Sorry, hindi agad ako nakareply. Minasahe ko si Nana eh.
From Unknown Number:
Nag-aaral ka ba?
From Unknown Number:
You should rest, your practice took longer today than usual.
Bigla akong natigilan.
WHY AM I SMILING LIKE AN IDIOT?!
Ibinaba ko ang cellphone at mahinang tinampal ang pisngi ko. What is wrong with me? Paano kung strategy nga talaga ni Onli na idistract ako, and right now I am falling into his trap!
Dali-daling pinatay ko ang cellphone at inilagay iyon sa underwear drawer ko bago muling nag-aral. I have to keep my eyes on the prize or else Onli will take it like always. I studied like I always do at nang inaantok na ako ay saka pa lamang ako tumigil. Kinuha ko ang cellphone at binasa ang mga unread messages ko.
From Unknown Number:
You're not replying so you're either
A. Studying
B. Sleeping
My bet's on A
Bakit ba text siya nang text? Bakit hindi na lang siya mag-aral din? Totoo nga ang narinig kong may bago siyang cellphone. Dati ay wala siyang kahit anong gadget, not even the most basic keypad phone. Ngayong Grade 10 na kami ay saka lamang siya nagkaroon ng gadget. Surprisingly, it was the latest phone plus he got a high end laptop. Alam ng lahat na mahirap lamang sina Onli, so a lot was asking kung paano siya nagkaroon ng mga ganoong bagay.
Some theorized na baka binenta na ng lolo niya ang natitira nilang lupa sa San Nicholas, for Onli's caprices. May mga nagsasabi ring may sugar mommy si Onli. Other crazy theories says na ninakaw niya iyon.
Hindi ako naniniwala sa una. Hindi siya maluho kaya malabong pumayag siya na ipagbili ang lupa nila just for those things. Ang pangalawang rason naman ay posible. I mean, everyone could fall for his looks kaya hindi malabong kahit ang mga mamasang ay magkagusto sa kanya at maging sponsor. Kung nakaw naman ay malabo rin. I hate to admit it but Onli is one of the most honest person I've known. Kahit piso na napulot sa classroom ay ina-announce pa niya sa klase o di kaya ay nilalagay sa lost and found box.
When Onli heard those theories ay tumawa lamang siya. He told everyone that it was a gift from a distanr relative abroad. When he said it, everyone believed him and asked no more questions.
Itatago ko na sana ang cellphone at matutulog nang muling magvibrate ang cellphone ko.
I checked who it was at pinagsisihan kong binasa ko pa iyon dahil naging dahilan pa ang text message na iyon para mapuyat ako.
From Unknown Number:
I'm off to sleep too. Good night, Serena.❤️
So, paano ako makakatulog nito?
***
Late ka ng..." Onli stopped to looked at his watch. "One hour and twenty eight minutes. What happened, Serena?"
Because of you!
Hinihingal na inilapag ko ang mga gamit. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa classroom namin. Kung hindi lang bawal tumakbo sa mga hallways during class hours ay malamang ginawa ko na.
Pakshet, bakit ba kasi may heart ang last message niya sa akin kagabi? I ended up not sleeping all night! Basically, kasalanan niya kung bakit late ako!
"Wala si Ma'am?" tanong ko, looking around the classroom. May mga classmates kaming nagchichismisan samantalang ang iba ay abala sa kung anong sinasagutan.
Tumango si Onli. "Yup, may meeting siya today but she left a seatwork."
I mentally cursed. Ito na nga bang sinasabi ko! Kakayanin pa naman siguro. May mga iilan pang gumagawa ng seatwork so maybe pwede pa akong humabol.
"Nakalimutan mo yatang magsuklay?" random na tanong ni Onli.
I stiffened and touched my hair. Nagkabuhol-buhol na iyon, but that's least of my concert now. Kailangan kong gumawa ng seatwork.
"What are you doing?" he asked nang maglabas ako ng papel.
Natigilan ako sa pagkuha ng iba pang gamit. "Wag mo muna akong guluhin, Onli. Pwede ba?"
Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago ngumiti. "Hindi ako sanay na makita kang hindi nakaayos. Ngayon ko lang nakitang magulo ang buhok mo but you still look pretty."
Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko. Ano na naman? Change strategy ba si Onli kaya kung anu-anong pinagtetext o di kaya ay sinasabi niya, just so he can distract me?
"By the way, ginawan na kita ng seatwork."
He what?
This is what I hate about him. He smiled as if it's nothing but there's something fishy with that. What if puro mali ang ginawa niya? Malaking hatak din iyon sa scores ko if ever!
Itinaas ko ang isang kilay. "You what?"
"Huwag kang mag-alala. I made sure your score is perfect, like always," nakangiting sabi niya. What he said just made me suspicious.
"Akin na ang questionnaire," sabi ko sabay lahad sa kamay ko. He was the one assigned to collect the papers dahil nasa gilid niya ang mga questionnaires at papel ng mga kaklase namin.
"Why? Kung magsasagot ka pa, wala ng time, Sere-"
"Akin na sabi!" Uh-oh. Guess who woke up on the wrong side of the bed? Kahit gaano pa kaikli ang time, I'm always fired up when it comes to my academic matters kaya sisiguraduhin kong makakasagot ako ng kahit kalahati.
Onli sighed in surrender before handing me the questionnaire. Hindi na niya ako ginulo. The remaining twenty minutes seemed like the shortest time of my life. Nang pumasok ang sunod na subject teacher ay gusto ko nang maiyak. Ni hindi pa ako nangangalahati. Pero ayos na iyon kaysa sa pangsasabotahe ni Onli.
"This is my paper, itapon mo ang ginawa mo," mahinang sabi ko.
Kinuha niya ang papel at saglit na binasa iyon. "Hindi mo naman natapos, ni hindi ka man lang nangalahati."
I rolled my eyes. "Pake mo ba?"
"Also, you got numbers 3... 12 and 17 wrong."
"What?" I tried grabbing my paper back ngunit mabilis na inilayo na niya iyon. Our subject teacher told the class to sit down dahil magsisimula na ang klase kaya hindi na ako nakapalag pa nang kinuha na ni Onli ang mga papel at dinala sa faculty office.
Sinubukan kong hanapin sa scratch paper ko ang mga numbers na sinabi niya. I'm an organized type kaya kahit ang scratch ko ay mukhang answer sheet. They were numbered and plotted orderly kaya hindi mahirap na hanapin ang numbers 3, 12 and 17. I tried solving it again and tama si Onli. Mali nga ang mga sagot ko. Mas pinanghinaan ako ng loob. Hindi ko na nga natapos, may tatlong mali pa.
Itinago ko na lamang ang mga gamit ko at nagfocus sa klase matapos sabihin sa sarili na babawi na lamang ako next time. When it comes to academic, I know I am too hard on myself. Sa tuwing exam at hindi perfect ang score ko, sinasadya kong hindi kumain ng dalawang beses. Ginugutom ko ang sarili ko. That way, kapag kakalam ang sikmura ko ay mapapaalahanan ko ang sarili ko na higit pa roon ang dadanasin ko kapag hindi ko pinagbuti ang pag-aaral.
But it's already done, hahabulin ko na lamang sa susunod na classwork ang hindi ko nahabol kanina.
"Late kang nagising?" Mahinang tanong ni Onli. Kababalik niya lang mula sa faculty office.
I sighed. "Kasalanan mo 'to."
Napakurap siya nang ilang beses. "Ha?"
"Huwag mo kasi akong tinetext ng kung anu-ano! Isturbo ka!"
He flinched at my sudden outburst. Kung sinadya nga niya iyon, it was well played.
Bahagya siyang napayuko. "Sorry," mahinang bulong lang niya at hindi na niya ako kinulit buong umaga.
Nang recess ay magkasama kami ng kaibigan kong si Jenny. Maraming tao sa loob ng food court kaya sa labas na mga upuan kami naghanap pwesto.
"Sure ka na ba na STEM kukunin mo?" Jenny asked, biting into her banana cue.
"Yup, sure na," sagot ko at huninga nang malalim. Hanggang ngayon ay nagi-guilty ako. Bakit kasi parang napakalungkot pakinggan ng sorry ni Onli eh! Bakit ganon kasi ang tono niya eh pwede namang yung mapang-asar na tono na lang.
"Balita ko STEM din si Onli. Mag-eengineer daw sa college eh," chismis ni Jenny. "Pati si June pero ewan kakayanin ba nun eh bobo yun sa math."
Pake ko ba kay Onli at kay June? Jenny has a huge crush on June- Onli's best friend.
"Oh paano siya mag eengineering niyan?" Sagot ko na lamang, just to keep the conversation going kahit wala roon ang isipan ko.
"Baka dasal-dasal na lang," natatawang sagot niya. "Or sana pakopyahin pa rin siya ni Onli hanggang board exam. Pero wait lang Dev, akala ko ba gusto mong maging news anchor? Bakit hindi ka magHUMSS?"
Napabuntong-hininga ako. Wala eh, hindi suportado ni mama ang pangarap ko. Ni hindi niya alam na iyon ang gusto ko. Hindi naman niya ako tinanong kung anong gusto kong maging. Gusto niya akong magSTEM para maging architect gaya ng kano niya. Ako namang pinapag-aral lang ay walang choice kundi ang sumunod.
"Speaking of the devils..." hininaan ni Jenny ang boses. "Ang gwapo talaga ni Onli! Pero malabong maging akin kaya dun na lang ako sa bestfriend."
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makahanap sila ng bakanteng upuan. Mga apat na mesa rin ang layo nila sa amin pero hindi ako mapakali kasi magkaharap kami ni Onli. Nakokonsensiya na naman ako.
Pero deserve naman niya ang pagmamaldita ko!
But still... Biglang nagtama ang mga mata namin kaya agad akong nagbaba ng tingin.
"Girl, feeling ko crush ka ni Onli," Jenny said.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Jusko, Jenny elementary pa lang tayo ma-issue ka ng ganyan."
Umiling siya. "Hindi, this time sure ako eh. Alam mo bang pinakiusapan niya si Maam Roxas na isali ka sa quiz bee?"
Siyempre alam ko pero hindi na ako nagkomento pa. Pero hindi pa siya tapos sa pagiging issuemaker niya.
"Alam mo bang may picture ka aa bahay nila?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"
"Technically, hindi talaga picture mo dahil class picture natin yo'n noong last intrams na hinawakan niya ang mukha mo, pero girl, tinakpan ba naman ng ibang mga picture yung mga ibang classmates at kayo nlang dalawa halos natira?" Pang-iisue na naman niya.
Kinuha ko ang huling subo ng banana cue niya at kinain iyon. "Alam mo, ikaw talaga, masyado kang issuemaker."
I remembered that class picture. Kami ang nanalo sa cheerdance that time pero second naman kami sa overall. Tuwang-tuwa ang lahat samantalang ako lang ang nakabusangot. Seriously, natuwa na sila sa second?
When the photo was taken, I was frowning but Onli popped out from nowhere at inangat ang magkabilang pisngi ko para mapangiti ako. Nang naiupload ang picture ay naging laman kami ng tuksuhan sa school.
The picture was posted on the school bulletin board at dahil walang cellphone si Onli ay wala siyang kopya niyon. What he did ay hiningi niya iyon mula sa student council.
Jenny pouted. "Sabagay, baka hindi niya afford bumili ng bagong picture frame kaya pinagsiksikan niya lahat ng pictures doon kaya natabunan na kami. Pero hindi talaga Dev eh, feel ko talaga gusto ka niya."
"Alam mo, Jenny tama 'yang feel mo na feeling mo lang talaga 'yon," irap ko sa kanya. Muling napadaan ang tingin ko kay Onli and he was still looking at me. Aba at hindi man lang nakunwaring hindi nakatingin!
Inilapit ni Jenny ang mukha sa akin at bumulong. "Ikaw ba, hindi mo siya crush?"
Agad na kumunot ang noo ko. "Seryoso ka ba sa tanong na 'yan? Nakalimutan mo ba ba lahat ng ginawa niya sa akin?"
"Ganyan 'yong usong plot sa mga movies at libro eh. Kunwari gagawa iyong boy ng masama para mapansin ni girl. Tapos boom, pag-ibig! Ganern!" Natatawang saad niya.
Pinandilatan ko siya. "Landi-landi mo, susumbong kita kay Tita Gloria."
Jenny laughed hard. "Totoo naman ah, so ano, wala ka pang nararamdaman matapos ng lahat ng ginawa niya?"
"Meron."
Jenny's eyes twinkled. "Omg ka, punyeta ka sabi ko na nga ba! Oh anong nararamdaman mo?"
I made a face. "Galit. Matinding galit."
Her excitement was shattered. "Pangit mo kabonding. Huwag mo sanang maperfect ang next quiz natin."
Natawa na lamang ako sa sinabi niya. "Ewan ko sayo. Kababasa at kanunuod mo iyan ng kung anu-ano eh. Inagaw ni Onli sa akin ang Governor's medal, sige nga sabihin mo sa akin anong nakaiinlove dun?"
Jenny tried to think. "Aha, common trope. Academic rival turned lovers."
"Pinalitan niya ng alak ang laman ng tumbler ko nang sumali ako sa radio broadcasting!" saad ko, gritting my teeth when I remembered that moment.
Tinapik niya ang kamay sa mesa habang nag-iisip. "Para raw love drunk ka sa kanya."
Mas lalong kumunot ang noo ko. "He ruined my artwork nang makipagsuntukan siya!"
She snapped her fingers. "Bad boy trope."
"Ewan ko sa'yo bahala ka anong isipin mo," sagot ko sa kanya at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Umiwas ako na mapadako ang tingin sa dako ni Onli ngunit kahit anong iwas ko ay nagtagpo pa rin ang mga mata namin.
I felt my phone vibrated from my pocket kaya inilabas ko iyon at binasa.
From Unknown Number:
Sorry kanina. 🥺
Pakshet. Ano na. Someone please tell Onli to stop using emojis!
#
ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro