02
Chapter 02
Ewan ko ba kay Onli kung anong nakain at parang wala siya sa sarili buong araw. Well, normal naman siya kanina nang niyaya akong maglunch- normal na magulo at kung ano, but this Onli beside me looked so lost and distracted.
Kanina ay tinawag siya ng isa sa aming subject teacher ngunit malayo ang kanyang tanaw at hindi iyon narinig. Madalas rin ay panay pangungulit lamang siya at pambubwiset gaya ng mga nakaraang school year but surprisingly today, he was quiet. Ilang beses ko ring narinig ang pagbuga niya ng hininga.
Baka hindi natunawan sa kinain na buffalo wings?
Nagtataka man sa inasal niya ay hindi ko na masyadong ininda ang pananahimik niya. Buti nga kahit papaano ay naging payapa ang araw ko. Kahit ang mga classmates namin ay napansin iyon kaya wala munang pang-aasar ngayon.
Wala ang isang subject teacher namin sa hapon kaya nilabas ko ang sketchbook at nagsimulang gumuhit. I like to draw and paint, kahit papaano ay may talento ako roon. Pinagpatuloy kong isketch ang self-portrait na halos dalawang linggo ko nang ginagawa.
Nakiramdam pa rin ako sa katabi kong tila wala sa sarili. I don't know how long Onli sat so lost beside me hanggang sa tuluyan siyang tumayo at lumabas mg classroom.
I focused on the sketch, feeling satisfied with the outcome. Free time ko lamang iyon ginagawa, and I would really invest my all in everything I do kaya't natutuwa ako kapag maganda ang kinalalabasan ng mga ginagawa ko. I was putting some finishing touches nang maramdaman kong may nakatayo sa tagiliran ko.
Nang mag-angat ako ng tingin, it was Onli. Mukhang hindi na siya distracted gaya kanina dahil this time ay nakangiti na siya sa akin.
My eyes narrowed. "What?"
"Ang ganda," komento niya. "Can I take a look?"
Inilayo ko mula sa kanya ang sketchbook. "Nope. Baka ano pang gawin mo."
He pouted. "Hindi naman, grabe naman 'to. Ganoon ba ako kasama para sayo?"
I shrugged. "Who knows."
Inabot niya sa akin ang isang coke in can. "Here."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa coke na iniaabot niya. "Anong gagawin ko dyan?"
Onli laughed as if I said the funniest punchline. Wow, makatawa naman siya parang wala siyang pinagdaanan kanina ah?
Inilapit niya ang malamig na lata sa pisngi ko. "Iinumin, ano pa ba? Diba mahilig ka sa coke? I often see you chug a can sa tuwing nagda-drawing ka."
Nanahimik ako, kahit pa may bahagi sa akin na nagtataka kung bakit napaka-observant niya. Well, I guess he is truly smart kung kaya't keen observer din siya. It's true that I usually have coke kapag gumuguhit ako. Inilayo ko ang mukha at hindi inalis ang masamang tingin sa kanya.
Nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase namin at tinutukso kami.
"Uy nahihiya pa si Devon!" tukso ng isa sa mga lalaki.
"Hindi mo naman 'yan ininom, Onli no? Indirect kiss na sana!" tukso naman ng isa pa.
Mas lumakas pa ang tuksuhan and Onli seem to enjoy it.
"Kapag 'di yan tinanggap ni Devon, nagpapahard to get pa siya!"
I rolled my eyes at sinamaan ng tingin ang mga kaklase ko. With head held high, I showed them na hindi ako apektado sa mga panunukso nila. Tinanggap ko ang coke in can na bigay ni Onli at magpasalamat.
"Thank you." It almost came as a whisper.
He replied with a smile, his usual smile na kinaiinisan ko. It was the smile that makes girls scream and fall for him. Ewan ko ba kung bakit inis sa halip na kilig ang nararamdaman ko sa ngiting iyon.
"You're welcome."
It was thoughtful of him to give me something I like. Saktong nauuhaw rin ako. I popped the can open, ngunit bigla na lamang nagtalsikan ang laman niyon. My classmates screamed in surprised as the liquid went everywhere, at maging kami ni Onli ay nabasa. The soda fizz took longer to settle at parehas kami ni Onli na napanganga sa gulat.
He was the first to react. "What the!" Napatingin siya sa akin. "I-m.. s-orr..."
Everything became a blur. Nanikip ang dibdib ko nang makitang basa-basa ang sketchbook ko. The self-portrait I've been doing for weeks is all ruined. Gusto kong maiyak at pagsusuntukin si Onli ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ilang sandali ay nakauma rin ako. My sketchbook was dripping as I reached for it with shaky hands. Nang mag-angat ako ng tingin, puno ng pag-aalala ang mukha ni Onli.
"S-serena, I..."
Gaano ba ako katanga para hindi makita ang ginagawa niya? This is one of his random antics na ako ang biktima! This is so below the belt- like all the other things he did to ruin my high school life! Ano pa nga ba ang rason niya para bigyan ako ng coke, because he so observed that I like it? Ang tanga ko naman para mag-isip na napakathougtful niya dahil doon.
Natahimik ang buong klase, probably waiting for me to burst out or they all symphatized for me. My eyes immediately watered ngunit hindi na ako nagsalita. Itinapon ko sa sahig ang sketchbook, grabbed my bag at tumakbo palabas ng classroom.
Tumakbo ako palabas ng walang direksyon. Bakit? Bakit ako pa? Bakit hindi na lang ibang tao ang guluhin niya? His existence is a menace. I hate him, I hate him to the core.
"Serena!!!"
Narinig ko ang pagtawag niya kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. My eyes were blurry due to the tears ngunit wala akong pakialam kahit makabangga pa ako or madapa. I need to get away from here, away from Onli. Walang nangyayaring mabuti kapag nandiyan siya.
He was the reason why I was miserable. I was always second because of him. Bakit kailangang nandiyan pa siya? Bakit kailangang naging matalino pa siya? He doesn't even try hard, samantalang ako, I am confident na matalino ako dahil sa hardwork ko. I always study diligently kahit walang quiz kinabukasan.
But Onli... He proved that hardwork is nothing against innate intelligence. Sadyang matalino si Onli, kahit pa hindi siya mag-aral. Na kahit kaya pa niyang isingit ang sports at kung anu-anong extracurricular acrivities ay kaya niya.
Bigla kong naramdaman ang kamay na humawak sa palapulsuhan ko kaya napahinto ako sa pagtakbo. It was him.
"Serena, please listen to me. H-hindi ko sinasadya. It was not my intention," wika niya ng buong sinseridad. I hate how he looked so genuine right now, na para bang totoo nga na hindi niya iyon sinasadya.
I believed him before. Naniwala ako noong dati, sinabi niyang aksidenteng nabasa ang project ko, when in fact he was the one who triggered the water sprinkler ng smoke alarm. Naniwala ako na hindi niya sinasadyang ma-corrupt ang flash drive na naglalaman ng edited music para sa PE performance ko. Ngunit sa napakaraming pagkakataon na nangyari, I don't think na hindi na niya iyon sinasadya. He's set to ruin my life for fun.
Nag-uunahan ang mga luha sa mukha ko, not to mention na malagkit pa dahil sa natapon na coke. "Hindi sinasadya? Lumang kwento na 'yan, Onli. Palagi mo na lang hindi sinasadya lahat ng ginagawa mo. What more kung sinadya mo na?"
Tiningnan niya ako na tila ba hindi niya alam ang sasabihin. Sa anong paraan niya dedepensahan ang sarili?
Sorry, Serena gusto kitang pagtripan. Sorry, Serena, mas matalino talaga ako sa'yo. Can he just say exactly those words to my face para hindi naman ako magmukhang tanga? Pwede ba huwag na lamang siyang magkunwaring mabuti sa akin?
"Don't leave San Nicholas," biglang sabi niya.
"Ano?" Hindi makapaniwalang bulalas ko. After what he did, after my outburst, iyon pa rin ang pinuputak niya?
Onli is selfish. Iyon ang bagay na tumatakbo sa isipan ko ngayon. Sa huli ay sarili pa rin niya ang kanyang iniisip. He was not even trying hard to defend himself about it being an accident. Pansariling kapakanan pa rin niya ang kanyang iniisip. And what does it have to do with me leaving this old shitty town?
"Dahil sayo, walang magandang nangyari sa buhay ko!" I shouted at him. It was unfair for him that I blame him for my mischief, but it was partly true. Onli was nothing but a bad thing for me.
Humakbang siya palapit at umatras naman ako.
"Don't say that, Serena," sabi niya. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. He looked at me as if he have so much to say pero iilan lamang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"End my misery, Onli. Hinahamon kita. If I make it to the top of the class this year, huwag na huwag mo na akong guluhin. Let's act as if each other does not exist." Pinahid ko ang mga luha sa mukha at hinintay ang sagot niya.
I know I sounded like a sore loser by challenging him, kasi kailan ba ako nanalo sa kanya? But this is me challenging myself, nahihigitan ko pa ang efforts ko dati para lamang ungusan siya. Loser na kung loser, but this is my last resort.
"Stop trying to make everything a competition, Serena—"
Hindi ko siya hinayaang umangal. "It is a competition. Sa tingin mo ba hindi? Good for you. While you enjoy your life freely, I am dreading. Nakakainis na todo effort ako tapos ikaw ay parang wala lamang, yet you always emerged victorious. Gagawin ko ang lahat just to win this stupid competition, so come at me with all you got, Onli Maniego."
He shook his head. "Ikaw na ang nagsabi, this is stupid. Serena, I do not even want to compete with you."
Sinalubong ko ang tingin niya. "Why, because you think you can easily defeat me? Because there's no competition between us to begin with? I'll bleed myself dry just to defeat you and for the sake of my peace, Onli. So give it a fight."
Mahirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. He looked as if he was hurt, pero hindi ko iyon pinagkakatiwalaan. He may have felt a little guilty because I finally exploded, pero babalik din siya sa dating siya.
"What's in it for me?" tanong niya. "Hindi ka ba aalis ng San Nicholas kapag nanalo ako?"
I nodded my head, sniffling. "That and everything you want me to do."
Gusto kong bawiin ang sinabi ko. What if I really lost kasi hindi naman ako nanalo sa kanya? What if he will make my life more miserable because of this damn competition that I started myself? Am I willing to gamble all I've got despite no assurance of winning? But isn't that the beauty of gambling? Walang kasiguraduhan pero pipilitin kong manalo. This is not about luck; this is upon the hardwork I put into it. Hindi malabong matalo ko si Onli, hindi malabong hindi ako ang magiging top 1 ngayong taon. Hindi malabong sa pagkakataong ito ay magtagumpay ako.
"For now, let's put everything on truce," muling sabi ko.
Onli said nothing and just nodded. His tensed shoulders relaxed as his gazed fell on the ground. Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang kamao ngunit wala siyang sinabi.
"Play fair and square, Maniego."
Iyon ang huling sabi ko sa kanya bago tuluyang lumayo, thinking of a hundred ways how to defeat him. Masakit isipin na nagkaroon ako ng lakas ng loob para gawin iyon, gayong matagal na akong nakikipagkompetensiya sa kanya, and never once that I won. I know I am gaslighting myself that my efforts were not enough and that I was not taking it seriously.
This time I will make sure I will win.
#
ShinichiLaaaabs
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro