Beks 8: Ginisang Kevin!
Mahalagang Paalala:
Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.
~
Kevin's POV
*Tininingning-tininingning-tinining-ning-ning*
*Tininingning-tininingning-tinining-ning-ning*
*Tininingning-tininingning-ti-*
Pinatay ko na nga ang alarm nitong cellphone ko, pasensiya na sa tunog, kung kinanta niyo man yung tunog, tama kayo kung anong cellphone ang nakakagawa ng ganoong ingay, Nokia3210, sobrang luma na ng cellphone kong ito, since High School ay nasa akin na ito na siyang napaglumaan din lang ni Tito, kamusta na kaya sila sa roon?
Inayos ko na nga ang aking pinaghigaan para makapaghanda na para mamaya. Nang matapos maitupi ang mga aking pinaghigaan ay isinukbit ko na din ang tuwalya sa aking balikat sabay kuha ng susuotin ko.
Pumunta na nga ako ng banyo para makaligo. Pagkalabas ko pa lamang ng aking banyo ay nagulat ako dahil gising na si Kuya Hiro at nagtitimpla ng kape sa kusina.
"Oh, Kuya Hiro bakit parang ang aga mo nagising?" tanong ko sa kaniya habang patuloy pa din siya sa paghahalo ng kaniyang kape.
"A-ah, wala naalimpungatan kasi ako kanina habang natutulog, ang ingay kasi ni Enan 'di ako tuloy ako makatulog ng maayos" paliwanag niya naman.
"Ah, nasa iisang kwarto lang kayo?" tanong ko naman.
"Oo, magkatabi kami palagi, tapos sinasakop niya yung higaan," sagot niya naman sa tanong ko.
"Magkatabi kayo!" gulat kong sabi sa kaniya.
"Shhhh!" sabay lagay ng hintuturo niya sa kaniyang labi na para bang sinasabi niya na tumahimik ako. "Oo, hinaan mo lang boses mo baka magising sila" sabi niya naman sa akin. I smell something isda.
"Ayy, pasensya na, nagulat lang. Sige pala Kuya Hiro, maliligo na ako," sabi ko naman sa kaniya.
"Sige, sige," sabi niya naman sa akin.
Dumiretso na nga ako papuntang banyo at nag-umpisa nang maligo, matapos maligo ay nagbihis na rin ako sa loob, alangan naman na maglakad ako nang nakatapis lang ng tuwalya? Edi nakita na ang makinis kong badeh! Not in a million years!
Matapos magbihis ay nakita ko naman si Kuya Enan na nasa kusina din, nagluluto ata ng almusal.
"Oh, Kevin, diba ngayon yung pasok mo?" tanong niya sa akin.
"Opo Kuya Enan," sagot ko naman.
"Sige sige, umupo ka na diyan at nagluluto na ako ng almusal nating lahat" sabi niya naman sa akin. Umupo na nga ako at nakita ko naman si Kuya Hiro na galing sa hagdan papunta dito sa kusina, galing siguro siya sa taas. Nang matapos ngang magluto si Kuya Enan ay nag-umpisa na nga kaming kumain.
"Paano yung mga iba Kuya Enan? Mamaya pa sila kakain?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Oo, mamaya pa magigising yung mga iyon" sabi niya naman sa akin.
Nang matapos kumain ay nagpresenta ako na ako na maghuhugas ng aming pnagkainan pero hindi pumayag si Kuya Hiro sa kadahilanang baka mabasa yung suot ko ngayon at baka magbihis nanaman ako ng iba pang damit.
Dumiretso muna ako sa kwarto para kunin ang ilang bagay na kakailanganin kordoon. Nang makapasok ay nakita kong natutulog pa din si Natoy, sabagay anong oras pa lang naman mag-aalas sais pa lang naman ng umaga. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na. Nakita ko sila Kuya Enan at Hiro na nasa sofa nagkukulitan na siyang ikinalawak ng ngiti ko.
"Ehem!" paubo kong sabi at natigilan naman silang dalawa sa paghaharutan.
"Kuya Enan at Kuya Hiro, mauna na po ako," sabi ko naman sa kanilang dalawa.
"Ah sige, sige" sabi na lamang ni Kuya Enan habang si Kuya Hiro ay di pa din makapagsalita na akala mo nahuli siya ng mga magulang niya na may kalampungan siya sa kanila. Tignan mo ito, pabebe wari pero malantod din palaa!
Oo na guys alam ko na sasabihin niyo, Isang malaking SANA ALL!
Pipihitin ko na sana ang doorknob nang nagulat ako nang may biglang may kumatok dito. Jusko! Pag ako nahimatay sa gulat mumultuhin kita kung sino ka man. Kaya binuksan ko na ang pintuan at nakita ko dito si Kuya Jace, yung butler ni Madam Celia, natawa tuloy ako sa naisip ko, BUTler BUTT, ano ba itong utak ko kung anu-ano nanaman pinag-iisip.
"Pinapatawag ka ni Madam Celia sa opisina niya" sabi niya naman sa akin.
"Sige po" binaybay na namin ang daan patungo sa office ni Madam Celia at masasabi kong naliligaw pa rin ako dahil sa pasikot-sikot dito.
Paano pa kaya sa Ikalawang palapag ng mansion na ito baka maligaw ako ng wala sa oras. Habang naglalakad kami ni Kuya Jace ay naalala ko yung sinabi ni Aling Linda kahapon.
-FLASHBACK-
"Dapat tumanggi ka nalang Nak!" sabi niya naman sa akin.
"Bakit po Lola? Bakit?!" tanong ko naman sa kaniya.
"Jusko ko Nak! Dapat di mo nalang kinuha yung sinasabi sayo ni Madam Celia pwede ka namn tumanggi eh" sabi niya naman sa akin na tila ba may mali akong nagawa.
"Bakit nga po Lola?! Bakit?!" takang sigaw ko din sa kaniya.
"Juskooooo naaak! Dapat tumanggi ka nalang talaga?!" sabi niya ulit sa akin habang niyuyugyog ang balikat ko.
"Bakit nga po Lola?! Jusko di na pay lang gamin nga ibaga?!"("Jusko di niya nalang kasi sabihin?!") sabi ko naman sa kaniya habang niyuyugyoggko din ang balikat niya. Natatawa ako habang niyuyugyog ko ang balikat ni Aling Linda sumasama yung ulo niya.
"Jusko Nak! Dahan-dahan naman sa pagyuyugyog baka makalas ako nang wala sa oras" sabi niya naman sa akin habang iniikot niya ang kaniyang leeg.
"Eto kasi Nak, ilang beses nang nagpakuha si Madam Celia ng magiging bantay ni Harold. Lahat ng kinukuha ni Madam Celia ay umaalis nalang ng walang paalam matapos ang isang linggong pagsisilbi sa kaniya ng mga naging personal niyang tagapagbantay" paliwanag niya naman sa akin.
"Tapos?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Kaya mabuti pa habang maaga p pwede mo pang bawiin yung sinabi mo kay Madam Celia, bilis bumalik ka doon," sabi niya naman a akin habang tinutulak niya ako na tila sinasabi niyang kailangan kong bawiin yung sinabi ko.
"Eh, Lola, kababain met nu ibagak nga aginbabawi ak, baka paguntanak pay ni Madam nga Celia"(" Eh, Lola, nakakahiya naman kung sasabihin kong binabawi ko yung sinabi ko kanina, baka pagalitan pa ako ni Madam Celia") paliwanag ko naman sa kaniya.
"Basta! Sabihin mo roon ayaw mo," pilit niya pa ding sabi sa akin. Habang patuloy niya pa din akong ipinagtutulakan na umalis na at bumalik doon sa opisina ni Madam Celia at bawiin ang mga sinabi ko.
-PRESENT-
Nandito na nga kami sa harap ng opisina ni Madam Celia, kumatok si Kuya Jace at binuksan ang pintuan, buti pa si Kuya Jace kumakatok, ako hindi.
Naalala ko rin tuloy yung sinabi ng Hilaw na Englishero na iyon kagabi.
Habang nandito kasi sa may harap ng pintuan ay iniisip ko pa din ang sinasabi ni Aling Linda, mas maganda na sigurong tumanggi ako para mas magtagal pa ako dito.
Naglakad na nga kaming dalawa papasok sa opisina ni Madam Celia at nakita ko siya na nandoon naka-upo kung saan ko siya huling nakita kahapon, umaalis pa kaya ito sa pwesto niya at palagi o nalang siyang nadadatnan sa pwesto niyang iyan.
"Good Morning po Maam" paggalang na bati ko sa kaniya.
"Sit down Apo" sabi niya sa akin at ako nama'y umupo.
"Kamusta naman ang unang araw kahapon?" tanong niya sa akin
"Okay naman po Madam medyo naninibago lang po, at mababait naman po lahat ng mga nandito" sabi ko naman sa kaniya.
"Apo, I said call me Lola" sabi niya naman.
"Eh kasi po" pag-aalinlangan kong sabi sa kaniya
"Hmmm?"
"Di po kasi bagay sa inyo na tawaging Lola" sabi ko naman sa kaniya.
"Ayy ganoon ba" sabi niya sabay kuha ng salamin at tinignan ang sarili niya doon.
"Opo" pagsang-ayon ko namang sagot sa kaniya.
"Kung di ka sanay na tawagin akong Lola, you can call me whatever you want basta wag ang Madam okay?" sabi niya naman sa akin.
"Then, tatawagin ko nalang po kayong Mami Cil, okay lang po ba?" sabi ko naman sa kaniya. Para nandoon pa din yung Maam tapos Mommy ganern para medyo formal pa din.
"Oh, I like that, anyway, kaya kita ipinatawag dito para kunin yung gamit mo, ay hindi pala, you'll buy your own things in the afternoon and sasamahan ka ni Harold to go sa mall to buy yout things, understand?" sabay abot sa akin ni Kuya Eyah nung parang card na kulay black.
"Ah ano po kasi"
"That is your card to cover all of your expenses, then I'll give you your cash allowance" sabay abot sa akin ni Kuya Jace ng 10k, Jusko, sampung-libo?! Sino ka si Kuya Wil? Oh nasaan na ang pa jacket? Sampung-libo bawat pamilya?! Peter Cayetanno who?
"Ibibigay sayo iyan weekly, so spend it wisely" dagdag niya pang sabi. WEEKLY! Grabe! Tapos spend it wisely? Ilang buwan ko na itong allowance, pero hindi pa naman ako nakakahawak ng ganito kalaking pera. Naalala ko tuloy yung 15k ni Tita hindi ko naman kinuha. Si Madam naman! Gumagawa siya ng paraan para hindi ako tumanggi.
"Parang ang laki naman po Mami Cil" sabi ko naman sa kaniya.
"It's okay Apo, basta do your job well, then I'll pay you well too" sabi niya naman sa akin.
"Bale ito na po yung sahod ko po?" takang tanong ko nanaman.
"No Apo, your monthly sahod will be different," dagdag niyang sabi na siyang lalong ikinagulat ko.
"Ehh? Parang ang laki naman po talaga masyado?" nagtatakang sabi ko naman sa kaniya.
"Basta, do your job well, and I'll pay you well, okay?" sabi niya nanaman ulit sa akin
"Yes Po Mami Cil" sabi niya naman ulit sa akin. Nagulat ako nang biglang nagbukas yung pintuan, nakita ko dito si Harold.
"Oh, apo you're here na" sabi naman ni Madam sa bagong dating na Englisherong Hilaw na ito.
"Isabay mo si Kevin on your way to school" utos sa kaniya ni Madam.
"Yes Lola," walang ganang sagot sa inutos sa kaniya ng Lola niya.
"Sige Lola, were going na," sabi naman nitong Englisherong Hilaw na ito, lumabas na nga siya dito sa opisina ni Madam Celia kaya nagpaalam na rin ako na mauuna na.
Grabe gumawa talaga siya ng paraan para hindi ako makatanggi, ang lakas ng convincing powers niya, hindi ako makatanggi. Hindi naman sa mukha akong pera ha, trabaho lang po ito, walang personalan.
Alam niya siguro na tatanggihan ko yung inalok niya kahapon, ang bilis ng process diba? Kahapon lang ako nakapasok dito tapos na enroll agad ako, ganoon talaga siguro kapag mayaman, mabilis ang proseso.
Hindi ko nanaman alam kung saan ako pupunta, naliligaw nanaman ako, ano ba ito, nahihilo talaga ako sa mansion na ito.
Hinahanap ng aking mata kung saan kami nanggaling kanina, nagulat ako nang makita kong nagbukas ang isa sa mga pintuan dito, nakita kong iniluwa nito si Sir Hans, tinitigan lamang ako nito at natulala na lang din ako sa kaniya. Nagbaling nalang ako ng tingin sa iba at nagpatuloy na sa paghahanap sa kasama ko.
"Nasaan na ba kasi yung Englisherong Hilaw na iyon?" bulong ko sa aking isipan. Habang naglalakad ay nakita ko na kung saan kami nanggaling kanina kaya dumiretso na ako papunta roon.
"What are you doing there, we're gonna be late" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko. Nakakagulat naman itong Englisherong Hilaw na ito kung saan-saan sumusulpot, ipinaglihi ata ito sa kabute.
"Follow me," utos niya sa akin at naglakad kung saan man siya pupunta.Sinundan ko na lamang siya dahil sa kaniya din lang naman ako sasabay.
Malipas ang ilang minuto ay pumasok kami sa isa sa mga pintuan dito, wala akong makita kung anong nandito sa loob. Nagulat na lamang ako nung pagkapasok ko ay biglang nagkaroon ng kulay asul at green na ilaw. Nakita ko na puro mga kotse dito, Jusko! Ang daming kotse! Iba-iba rin ang kulay.
May dnukot itong Englisherong Hilaw na ito sa bulsa niya at pinindot niya ito, bigla namang umilaw ang isa sa mga sasakyan dito na nagpapahiwatig na doon ito nakapark, lakas maka-Korean feels!
Lumapit nga kaming dalawa doon at binuksan niya ang pintuan, pumunta naman ako sa likod para sumakay na.
"Sit here in the front! do I look like your driver?" sigaw niya namang sabi na siyang ikinagulat ko.
"Wag ka palang sumigaw!" pasigaw na sabi ko naman sa kaniya. Tapos ako naman itong sumigaw? Imbyerna mo kasi ako.
Lumabas na ako at pumunta doon sa harapan. Umupo ako ng pabalang at hinihintay ko na paandarin niya na ang kotse.
"Oh, bakit 'di pa tayo umaalis? Akala ko ba malelate na tayo?" sabi ko naman sa kaniya.
"Can you fasten your seatbelt you idiot?" sabi niya naman sa akin. Ayy, oo nga pala itong seatbelt na ito na hindi ko alam kung paano ikabit. Kinapa ko kung nasaan nanaman yung seatbelt na iyon. Lumapit nanaman sa akin itong Engisherong Hilaw na ito kaya ang ending siya ulit nagkabit ng seatbelt ko.
Pinaandar niya na ang kotse at nag-umpisa na siyang magdrive palabas, nakita ko nanaman ang harapan ng mansion, napakalaki talaga.
Jusko ang layo pala ng gate nila rito. Nakita ko naman ang ilan sa mga bahay dito pero mas, malaki pa rin talaga yung mansion nila Madam Celia, puro mga High-Class ang mga nandito, nakita ko na rin ang gate dito palabas sa sub-division na ito. Kinausap siya ng mga guard at pinagbuksan naman kami ng Gate.
Binaybay namin ang daan patungo sa school na aming pupuntahan, hindi ko rin alam kung anong pangalan ng school na iyon at kung anong meron doon.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko ang pinakasikat na paaralan dito sa Pilipinas
"Grabe! Dito ba ako pinasok ni Madam Celia?" gulat na tanong ko sa aking sarili.
"Yes, the most exclusive school here in the Philippines" sabi naman nitong katabi ko na siyang ikinagulat ko, narinig niya pa yung sinabi ko? Eh sa utak ko lang iyon?
"If you're going to ask me again, I don't have mind reading powers! Geez, it's just obvious in your face," paliwanag niya namang sabi sa akin.
Pinapasok na kami ng mga guard dito. Hininto niya ang sasakyan.
"Go get your schedule at the Information Desk, they'll know what to do," sabi niya sa akin.
"Sige ako na bahala," sabi ko naman sa kaniya. Binuksan ko ang pintuan at lalabas na, pero hinila nanaman ako ng upuan.
"Idiot" sabi niya sa akin at tinanggal niya ang seatbelt. Nagtitigan kami saglit nang ilapit niya ang sarili niya sa akin.
Lumabas na nga ako ng kotse, at sinara ang pintuan. Pagkasara ko ng pintuan ay bigla na lamang itong umandar. Tarupam!(Mukha mo!)
Nilibot ko ang aking paningin at nagulat ako sa mga matang nakatingin sa akin, akala mo nakakita sila ng multo.
"Sino 'yan? Bakit yan nakasakay sa kotse ni Papi Harold" bulong nung isang babae doon sa isa niyang kasama na rinig ko naman mula dito, bulong pa ba iyon? Sinigaw mo nalang sana sis para narinig nilang lahat.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang narinig ko at hinanap ang Information Desk. Makalipas nang ilang minuto ay nahanap ko rin ito, anong oras na ba mukhang late na ako sa unang subject.
"Good Morning," sabi ng babae rito.
"Good Morning din po" pagbati ko ring sabi sa kaniya.
"Bago lang po sila dito? Name?" tanong niya sa akin.
"Ah opo, Kevin Estevan po" sabi ko sa kaniya. May tinatype siya sa keyboard at may iprinint, binigay niya ito sa akin.
"Yan po yung schedule ninyo, sa Second Building sa may East Wing Second Floor ang first subject niyo. Then, kayo na po bahala kung nasaan ang iba pang subjects niyo" paliwanag niya namang sabi sa akin.
"Uhm, saan po rito ang East Wing Second Building?" tanong ko naman sa kaniya
"Incase of maligaw po kayo, may printed mini map din po dyan sa schedule niyo" dagdag niyang paliwanag sa akin
"Sige po Ate, Thank You po" tanging sabi ko naman sa kaniya. Tinignan ko kung anong oras na alas-otso ang unang subject ko at 7:55 na, baka malate ako.
Binaybay ko ang daan patungong East Wing at pumunta sa Second Building at umakyat patungong Second floor. Late na ako ng limang minuto, nakita ko na ang Room-B2 na tinutukoy rito sa schedule ko. Nasa harap na ako ng pintuan at dahan-dahang kumatok, pinihit ko ang doorknob at binuksan ito.
"Oh Hello? Mr?" tanong sa akin ng professor na nasa harap"
"Kevin po" sagot ko naman sa tanong niya
"Okay Mr. Kevin, are you new here?" dagdag niya ulit na tanong sa akin.
"Yes po," sagot ko naman sa tanong niya.
"Okay, can you introduce yourself here in the front," sabi niya naman sa akin habang dinuduro niya kung saan ako tatayo para magpakilala. Lumapit na nga ako roon para magpakilala.
"Magandang Umaga po sa lahat, ako po pala si Kevin Estevan and yun lang po hehe" kinakabahang pagpapakilala ko sa kanila.
"Okay," pagsang-ayon naman na sabi niyong professor dito sa harap. "So you guys have questions for Mr. Estevan here?" dagdag niya pang sabi.
"Where are you from?" tanong nung isang lalaki sa akin.
"Pangasinan!" sagot ko naman. Natawa naman yung iba sa sagot ko.
"What's your family business?" tanong ulit ng isa pa
"Uhhhmm ano," wala po akong family, ehe.
"Where do you live now?" tanong naman nung isang lalaki.
"Bakit mo tinatanong kung saan ako nakatira? Pupuntahan mo ako?" pamimilosopong sagot ko naman sa kaniya.
"Aba suplado" sabi niya naman sa akin. Nakita ko namang kumunot yung nuo niya sa isinagot ko.
"Are you a transferree?" tanong nung isa pa.
"Hindi, returning? Continuing?" sagot ko naman sa kaniya.
"I thought they're not going to accept late enrollees?" tanong ulit nung isa pang babae, dahan-dahan lang sa pag-eenglish malapit nang may lumabas na dugo sa ilong ko.
"Uhmmm," tanging sambit ko na lamang sa tanong niya dahil wala din akong maisagot.
"What's your relation between you and Harold Montero?" dagdag niyang tanong ulit na siyang ikinagulat ko.
"Ahh, ano kase, ano," baka sapukin ako nung Englisherong Hilaw na iyon kapag sinabi ko.
"Bakit ka nakasakay sa car niya kanina?" tanong nung isa pang babae habang nakataas ang isa niyang kilay.
"Uhhmm ano, kasi," paano ko ba ito ipapaliwanag. Sasabihin ko ba na pinapabantayan sa akin ni Madam yung Englisherong Hilaw na iyon? Jusko Lord!! Bakit ba nila ako ginigisa dito, mukha ba akong bawang? Sibuyas? Diwata ng mga Beki! Ipalamon niyo na ako sa lupa please.
"Anya lakitden!"("Ano ba yan!") sabi ko na lamang sa aking utak.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Here's another update! Ingat kayo as always!
-Corexalee-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro