Beks 6:Jusko Po!
Mahalagang Paalala:
Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.
~
Kevin's POV
Lalabas na sana ako ng pintuan nang may biglang nagbukas ng pinto, kaya ang labas nabunggo akong matigas na bagay. Napataas ako gn tingin dahil nabunggo ak sa dibdib ng taong hindi ko kilala.
"Who are you?! Why are you here in my office?!" sigaw naman sa akin nitong lalaking ito. Napalunok nalang ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang aking isasagot, patay tayo nito.
"A-aano p-po, a-ano p-po k-kasi," nauutal-utal kong sabi.
"Answer me! Who are you?! Magnanakaw ka no?!" sigaw niya ulit sa akin.
"A-ah, h-hindi po s-sir,a-a-ano p-po kasi," nauutal-utalko pa ding sabi.
"Tell me! What are you doing here?!" sigaw niya ulit.
"Kalma ka sis! Eto na eto na kasi eh! Sandali lang magpapaliwanag na kasi eh! Sigaw ka kasi nang sigaw!" naiirita ko ding sabi sa kaniya. Natahimik naman siya saglit
"A-ano po, ako po yung bagong kasambahay niyo," paliwanag ko naman sa kaniya ng mahinahon
"Manaaang! Manaang! May nakapasok dito sa bahay na hindi ko kilala!" sigaw naman nito sa labas. Makalipas ang ilang segundo ay biglang dumating si Aling Linda, kasama ang isa pang kasambahay.
"Ano pong nangyayari Ser?" takang tanong naan ni Aling Linda dito sa lalaking nanigaw sa akin kanina.
"Do you know this guy?" takang tanong naman niya kay Aling Linda.
"Keviiiiin! Anong ginagawa mo dyan?" sabi niya sabay pasok at hinila ako palabas "Itong bata na talaga na ito, anong ginagawa mo dyan sa loob?" takang tanong naman sa akin ni Aling Linda.
"Lola, hinahanap kasi kita, eh hindi ko alam kung saan ka hahanapin kaya nagtanong ako kanina sa mga chef na nanduon sa kusina, sabi nila nandito ko daw, eh maling pintuan napasukan ko" paliwanag ko naman sa tanong niya.
" Naku! Itong batang ito, pasensiya na po Sir Hans di na po mauulit," paumanhing sabi ni Aling Linda sabay yuko.
Kinurot naman ako ni Aling Linda sa aking tagiliran, sinenyasan niya akong yumuko rin. Wala kaming natanggap na salita mula sa kaniya, sinaraduhan niya lamang kami ng pintuan.
"Lola? Sino yun?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Si Sir Hans yun, panganay sa limang magkakapatid" paliwanag naman niya sa akin.
"Ah ito ba yung sinasabi mong bagong kasambahay Aling Lin? Kagwapa a bata naman ire"("Ang gandang bata naman nito") tanong ng isang kasambahay na kasama ni Aling Linda.
"Ah, Inday, apo ko pala ito sa probinsiya, Kevin," sabay turo sa akin ni Aling Linda, "Eto pala si Inday Pia," sabay turo niya naman sa kasama niya.
"Hello gwapa! Ka gwapa man sa imo uy!"("Hello ganda! Ang ganda mo naman!") sabi naman sa akin ni Inday Pia na hindi ko naintindihan
A/N:Medyo alam ko din mag Bisaya, ehem jowain na ako. Chour!
"Ano daw sabi niya Lola? Anong salita yung gamit niya? Alien?" takang tanong ko naman kay Aling Linda.
"Ah, ang sabi niya ang ganda mo raw na bata" paliwanag naman sa akin ni Aling Linda, nagulat ako kasi naintindihan niya din.
"Oh, tara na pala, mag-uusap pa kayo ni Madam, kanina ka pa talaga namin hinihintay doon" sabi niya sa akin.
Sa may gawing kaliwa, binuksan niya ang pintuan, so yung pangalawang pintuan? Yung nasa gitna? Ang bobo ko naman, pagkapasok ramdam ko na ang ibang vibe ng kwarto, akala mo ay para kang nasa isang botanical garden dahil sa mga halaman na nakadisplay sa sahig maging sa taas, napapresko ng feeling.
Tapos sa may bandang gitna makikita mo na may tatlong pares ng upuan at isang lamesa, di ko aakalaing merong ganitong klaseng kwarto. Nakita ko roon sa isang long desk ang isang babae, lumapit kami papunta doon sa mahabang lamesa.
Nang makalapit kami ay sinabihan kaming tatlo na umupo, napakaclassy ng kaniyang suot. Feel ko galing sa isang kilalang brand yung suot niya. Napakasimple pero napakelegante niya.
"Okay, Good Morning to you" bati sa akin ng babae.
"Good Morning din po Madam" sabi ko naman bilang isang tanda ng pagbati.
"Kevin , Am I right?" tanong naman niya sa akin
"Yes, po Madam" sagot ko naman.
"Oh, don't call me Madam, call me Lola Celia nalang," sabi naman sa akin ng matanda na siyang ipinagtaka ko.
"Anyways,can we talk privately? Just the two of us," sabi niya naman, sabay na nagsitayuan ang dalawang kasama ko at iniwan ako sa labas. Uuuyyyyy! Wag niyo akong iwan dito.
" Okay, now gusto kong malaman kung willing ka ba talagang magtrabaho dito?" tanong niya naman sa akin
"Syempre naman po Madam," biglang sagot ko naman sa tanong niya.
"I said call me Lola Celia, okay?" sabi niya naman sa akin
"a-ah sige po L-Lola C-celia" nauutal na sabi ko naman sa kaniya.
" I heard from your Nanay Linda that you didn't finish your studies right? As far as I know, you're a college student now, Am I right Apo?" paliwanag niya naman sa akin.
"Yes po L-Lola" nauutal na sabi ko naman sa kaniya.
"Is it okay for you to continue your studies? I mean, if I were to offer you to go to college are you willing to take it?" sabi naman sa akin ni Lola Celia na siyang ipinagtaka ko. Hindi muna ako sumagot, gustuhin ko man ay nahihiya din naman ako depende nalang kung may cause ang pagpapa-aral niya sa akin.
"Wait po, hindi po ako sanay na tawagin kayong Lola, masyado po kayong bata tingnan," sabi ko naman sa kaniya habang nakayuko.
"Oh you flatter me so much, take a guess how old I'am" natatawang sabi niya sabay tayo.
"35?" nagtatakang sagot ko naman sa kaniya.
"Higher apo," sabi niya at umikot siya sa kinauupuan niya kanina. nagulat naman ako.
"45?" sagot kong muli.
"Do I really look that young? Higher pa apo" natatawa niyang sambit na siyang muling ikinagulat ko.
"Don't tell me po na you're in your 50's?" nagtatakang tanong ko muli sa kaniya.
"59 to be exact apo" sabi niya at muling umupo. Bumuka naman ang bibig ko sa sinabi niya.
"H-hindi po halata, grabe po," nauutal na sabi ko naman sa kaniya.
"Oh, you flatter me so much. So back to our topic," sabi niya.
"Don't worry about your expenses, I will cover it all, and syempre, I have a favor for you,if you take my offer to go to college" sabi ko na nga ba ay may kapalit.
"Yes po L-lola, ano po iyon?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Will you watch out for my grandson in school? I mean can you monitor him, or be like his personal maid in school?" naku! Basic po yan madam! Sino bayang papabantayan niyo sa akin!?
"Ah sino po ba Lola ang babantayan ko?" tanong ko naman ulit sa kaniya.
" Si Harold Kevin, one of my grandsons, you've met him right?" tanong naman sa akin ni Madam.
"Ahmm, yes po Lola" sabi ko naman sa kanya. Bumalik siya doon sa desk niya at may hinahanap, may narinig ako na parang isang beep.
"Eyah, can you tell Harold that I need him in my office right now?" sabi niya sa parang isang telepono.
Masaya ako nang marinig ko ang inooffer sa akin ni Lola Celia, matatapos ko rin ang kinuha kong Fashion Designing. Sayang din iyon dahil hanggang second year lang ang natapos ko at hindi man lang nakatungtong sa junior year.
Pinag-usapan kasi namin nila Tito na patapusin muna ng pag-aaral noon si Joshua. Malaki-laki rin kasi yung gastusin ko noon kahit na may scholarship ako rati.
Maya-maya ay nagbukas na ang pintuan at iniluwa nito yung lalaking Englisherong Hilaw.
"Yes Lola, what can I do for you?" sabi niya sabay lapit kay Lola niya at nagbeso.
"Ahm, Harold, I just want you to know that, you now have your personal maid, In school I mean, he'll follow you around the campus and even outside the campus until you arrive at home," sabi naman sa kaniya ni Lola.
Tinitigan lang naman ako ng isang ito. Hindi ko mawari ang iniisip niya.
"Lola, I don't need a personal maid na please, I'm fine by myself" paliwanag naman nitong Englisherong Hilaw na ito sa Lola niya, kahit alam ko na ang pangalan niya, Englisherong Hilaw pa rin ang tawag ko sa kaniya at hindi iyon magbabago.
"Apo, I'm just doing this for your own good, and huling taon mo naman na sa college Apo, ba't 'di mo nalang pagbigyan ang Lola?" paawang sabi ng lola niya sa kaniya.
"But Lola-,"
"No buts, it is final, " pagputol na sabi ng Lola niya sa kaniya.
"Lola!" padabog na sabi niya sa kaniyang Lola.
"Sige na apo, pagbigyan mo na ang Lola," pagmamakaawang sabi niya sa kaniyang apo.
"Why bother saying it to me then"pabulong niyang sabi na narinig ko "Yes Lola" walang ganang sabi sa niya sa kaniyang Lola.
"Okay Kevin, bukas na bukas papasok ka na agad," sabi naman sa akin ni Madam Celia.
"Sige po, M-madam I mean Lola" sabi ko na lamang sa kaniya.
"Pero, Lola I mean Madam? Magwowork pa din po ba ako as kasambahay?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Yes, naman Apo, pero magwowork ka lang kapag wala kang pasok, either it will be Saturdays or Sundays and also, you can take day off once a week" paliwanag niya namang sabi sa akin.
"Okay po Madam, este Lola," pagsang-ayon ko na sagot sa kaniya
"Since when he's your Lola?" pagdududang tanong naman sa akin ng Englisherong Hilaw na ito sa aking tawag sa kaniyang Lola.
"Uhmm, yun kasi sabi ni Madam eh, este ni Lola Celia" sagot ko naman sa kaniyang tanong. Tinignan niya na lamang ako na para bang sabi niya sa na sino ba ako para tawagin kong lola ang lola niya.
"So are we clear Apo?" sabay tingin sa akin.
"Y-yes po Lola" nauutal kong sabi sa kaniya.
Matapos naming mag-usap ay lumabas na kaming dalawa ng Englisherong Hilaw na ito sa office ni madam, pagkalabas niya sa ain ay tinignan niya na lamang ako na para bang ako na ang pinakanakakadiring tao sa mundo.
"You'll regret what my Lola has given to you," sabi niya nang may pagbabanta sa akin. 'Wag mo akong pagbabantaan diyan juskoooo! Anong you'll regret ka diyan. Hmmp!
Matapos niya akong pagbantaan ay dumiretso na siya sa kung saan man siya papunta. Jusko naliligaw nanaman ako dito sa mansion nila.
Sinundan ko na lamang kung saan ako nanggaling kanina, nang makita ko kung nasaan ang kusina ay dumiretso ako doon. Nakita ko rito sila Kuya Enan at Hiro kasama ang isa pang babae.
"Naku! Kuya Hiroo! Bakit di mo pa kasi jowain itong si Kuya Enan matagal naman na niyang sinasabi na may gusto siya sayo eh, Ayyyiiieeee!" kilig na sabi nung babae sabay hampas sa balikat ni Kuya Hiro.
"Naku po Maam Yeshua, niloloko niyo nanaman po ako eh" nahihiyang sabi niya naman dito sa babae.
"Kuya Hiro, how many times I told you na call me Yeshi, wala na yung madam" sabi naman nitong babae. Napakamot na lamang sa ulo si Kuya Hiro at sabay-sabay silang nagtawanan
"Oh Kevin, anong ginagawa mo diyan?" takang tanong niya naman sa aking nang makita ako rito sa bungad ng kusina na nakasilip lang sa kanila.
"A-ah eh ano" napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil hindi ko din alam kung ano nga ba ang ginagawa ko doon. Bigla namang lumapit sa akin itong babae at bigla akong niyakap.
"O-m-geeee! You look like a Barbie doll!" patili niyang sabi sa akin habang niyayakap niya pa din ako. Nang mapansin niya sigurong na awkward ako dahil sa pagkayakap niya bigla siyang bumitaw.
"Oh sorry, you are just so cute!" sabi niya ulit sabay tili. "Oh, name is Yeshua but you can call me Yeshi nalang because that is what my brothers call me," sabi niya sa akin.
"Ah ano? Kuya mo si Harold atsaka si Sir Hans?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Yes po Kuya? Ate? What should I call you po?" tanong niya naman sa akin
"Kevin nalang po Ma'am Yeshi ako po yung bagong kasambahay niyo po" sagot ko.
"Kasambahay?You mean like butler? I didn't know na possible pala ang lalaking Yaya?" takang tanong niya naman sa akin.
"Ayy, wala po pa ba kayong lalaking kasambahay? Well ngayon po meron naa! Hindi lang po lalaki, pwede ring babae bahala na po kayo kung anong gusto niyong itawag sa akin!" natutuwang sabi ko naman sa kaniya. Nagtawanan na lamang kaming apat na nandirito sa kusina.
"Sige po Ma'am Yeshi hanapin ko lang po si Lola Linda" sabi ko naman sa kaniya.
"Sige Sissy Kevin see you later nalang, and call me Yeshi, wag na yung maam," sabi niya naman sa akin. Tumango na lamang ako bilang isang sagot sa sinabi niya.
Nagpaalam na in ako kila Kuya Enan at Hiro, ang bait na bata naman ni Maam Yeshi. Medyo ang weird niya lang kasi may braces siya at may salamin, yung mga typical na palaaral at medyo nerd. Maganda si Yeshi kahit na nakabraces siya't nakasalamin.
Dumiretso na ako sa quarters nila Aling Linda, nakita ko si Ate Pia na nasa may mga pinagsasampayan kaya tinanong ko kung nasaan si Aling Linda, sabi niya naman sa akin na baka nasa hardin ito at kinaka-usap ang isang hardinero doon na pati sa harap ay ayusin na ang mga halaman doon.
Itinuro niya sa akin ang daan papuntang hardin, kaya naman dumiretso na ako roon. Ang ganda naman dito, akala mo isang maze itong hardin nila dito, dahil sa matataas na mga halaman na nakapaligid at nagmimistulang pader. Nilakbay ko nga ang hardin paloob, dito nakita ko si Aling Linda habang kasama ang dalawang hardinero na nandito.
"Oh itong mga halaman na ito, pwede na itong dalhin doon sa harap para maisama doon sa gazebo din doon" sabi niya sa mga ito. Tinawag ko ang kaniyang pangalan na siya namang narinig.
"Oh anong ginagawa mo ditong bata ka? Anong napag-usapan niyo ni Madam Celia?" takang tanong niya naman sa akin. Ikinuwento ko naman sa kaniya ang napag-usapan namin kanina ni Madam Celia pati na rin yung pagtawag sa kaniya ng Lola, at yung pagpapaaral sa akin.
"Mabuti naman apo at tinanggap mo iyon apo, sadyang napakabait talaga ni Madam Celia" sabi niya naman sa akin.
"Oo nga po eh, pero naman Lola may kondisyon po iyong pagpapaaral niya sa akin" sabi ko naman sa kaniya
"Ano naman yun Nak?" takang tanong niya sa akin.
"Babantayan ko daw yung Englisherong Hilaw na iyon" sabi ko naman sa kaniya, saka ko napagtanto kung anong nasabi ko.
"Sinong Englisherong Hilaw?" takang tanong niya naman sa akin.
"Lola wag kang maingay ha? Juskoo! Baka bigla ako bigwasan nun, Si Sir Harold po Lola" sabi ko naman sa kaniya
"Ha?! Sino?" sigaw niya naman na siyang ikinagulat ko.
"Si Sir Harold po Lola, bakit po?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Dapat tumanggi ka nalang 'Nak!" sabi niya naman sa akin.
"Bakit po Lola? Bakit?!" tanong ko naman sa kaniya.
"Jusko, anya manen daytoy inaramid ko?"("Jusko, ano nanaman itong ginawa ko?")
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Sorry ngayon lang update, ingat kayo parati!
-Corexalee
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro