Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Beks 4:Bleeh Buti Nga!

Here is the update mga KaBEKS, nagulat ako kasi may nagbabasa kahit bago pa lang, please wag kayong magsasawa, lovelots! Anyway Highway eto na-

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip g aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

Naalimpungatan nalang ako nang may nagsisisigaw sa salas. Napatingin ako sa orasan at nakita kong mag-aalas singko na ng hapon. Letche! Kaya siguro nagsisisigaw si Tita sa salas kasi di pa ako nakaluto. Dali-dali akong lumabas at nagtungong kusina kung anong nangyayayri kung bakit nagsisisigaw si tita roon. Nakita ko doon na may kinakalkal siya sa bag niya.

"Ayanna ngayen? ayan ko nga ingkabilen?!"("Ayan na ngay? Saan ko kaya nilagay?!") naiinis na sabi niya habang patuloy pa din sa pagkakalkal ng bag niya. Nang makita ko kung anong bag iyon ay yun yung kinakalkal ni Joshua kanina sa kwarto nila Tita.

"Anya ba birbirrukem Tita?"("Ano bang hinahanap mo Tita?") takang tanong ko sa kaniya.

"ma-awawan jay kinsemil ittoy bag ko?!"("nawawala yung fifteen-thousand dito sa bag ko?!") pagkasabi pa lang niya nun alam ko na kung sinong nanguha.

"Ni Kevin ma nakittak tattay nga immuneg idyay kwarto yo"(" Si Kevin ma nakita ko kanina na pumasok doon sa kwarto niyo") biglang sulpot ni Joshua kung saang lupalop ka man ng kabutehan galing.

"Kevin!?innalam?"("Kevin!? Kinuha mo?") pagalit na tanong sa akin ni tita.

"Awan tita! Awan inal-alak idta!, anya manen bagbagam Joshua? ket siyak nakakita kanyam nga immuneg ka idjay kwarto da tita! Balbaliktadem manen ti storya. Siyak manen ti pabpabasulem?"("Wala Tita! Wala akong kinukuha riyan. Ano nanaman pinagsasabi mo Joshua? Eh, ako nakakita sa'yo kanina na pumasok sa kwarto nila Tita. Binabaliktad mo nanaman yung nangyari. Ako nanaman pinapasala mo?") pagalit na sumbat ko sa kanilang dalawa.

"Sige ngarod, nu awan nga taltalaga, ingkayo man kitaen idjay kwarto na Ma nu awan nga taltalaga?"("Sige pala, kung wala talaga, tignan niyo nga sa kwarto niya Ma kung wala nga ba talaga?") sambit na suhestiyon ni Joshua kay Tita.

"Sige! Awan met lang mabirukan yo idjay ket, ta awan met lang inal-alak"(" Sige! Wala din lang naman kayong makikita doon, kasi wala din naman talaga akong kinukuha") sabi ko din sa kanila. Umakyat na sila sa pangalawang palapag ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.

"Adinno? Ayan mo nga ingkabil?!"("Saan? Saan mo nilagay?!") galit na sabi niya habang hinahalughog niya ang bawat cabinet sa kwarto ko.

"Tita! Sangkamano nga bagak kanyam, haan ko ngarud innala"("Tita! ilang beses ko nang sinabi sayo, di ko nga kinuha") sabi ko naman sa kaniya, patuloy pa din siya sa paghahanap.

"Nu adda lang makittak idtoy Kevin!"("Kung may makita lang ako dito Kevin!") pagalit na banta niya sa akin.

"Tita!, awan ngarud idta!"("Tita!, wala nga diyan!) ulit kong sabi sa kaniya.

"Nu adda lang talaga makitak!"("Kung may makita lang talaga ako dito") banta niyang ulit.

"Tita! Awan ngarod inal-alak. Uray singko nga duling o wampiptea! Awan inalalak idta!" (" Tita! Wala nga akong kinukuha. Kahit limang pisong duling o kahit 150! Wala akong kinukuha dyan!") pagpapaliwanag ko namang sabi ulit sa kaniya. Binuksan niya yung drawer ko kung nasaan yung mga panty ko! Tita! Ano ba yaan! May makita ka jan na pink na panty na may Hello Kitty na design.

"Anya ngarod daytoy!?"( "Ano pala ito!?") nagulat ako nang may inangat siyang pera na dapat  sa pagkakaalam kong hindi dapat iyan nandiyan kasi wala naman ako ganoong kalaking pera.

"Naglangsot ka nga ubing!"("Sinungaling kang bata ka!") sabay lapit niya sa akin at pinaghahampas ako.

"T-tita, awan ngarod inalalak kanyam!"("T-tita, wala nga akong kinukuha sayo!") sabi ko sa kaniya habang patuloy pa ding niya akong pinaghahamapas

"Ha!?Anya ngarod daytoy!"("Ha!? Ano pala ito!?) sabi niya sabay pinakita sa akin yung Fifteen Thousand na hawak niya.

"T-tita dyak ngarod ammo apay adta na dayta! Awan talaga inalalak kanyam nga kwarta"("T-tita hindi ko din alam kung bakit din nandiyan yan! Wala talaga akong kinukuha sayo na pera") paliwanag ko padin sa kaniya.

"Haan nak man nga luklukwen! Nakitak idtoy drawer mo, assinno pay ngarud ti nagi-ala ngay? Sika met lang! Alangan met nga siyak!"("Huwag mo nga akong pinagloloko! Nakita ko sa drawer mo, sino pa ang kukuha nyan? Alangan namang ako!") pagalit na sabi niya habang patuloy pa din akong pinaghahamapas. Malamang! ikaw nanguha sa drawer ko! Alangan din namang ako! Gigil mo ako tita eh!

"Lumayas! Lumayas ka idtoy puder mi! Agtatakaw! Di lang nga nabain! Lumayas ka idtoy balay mi! 'Di ka da kailangan idtoy!"("Layas! Lumayas ka dito sa puder ko! Magnanakaw! Hindi man lang nahiya! Lumayas ka dito sa amin! 'Di ka namin kailangan dito!") pagalit na sigaw niya habang tinutulak niya ako palabas ng bahay. Tuloy lang siya sa pagtulak sa akin hanggang sa nahulog ako sa hagdan at nagpagulong-gulong. 

Halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko, feeling ko nabasag yung bungo ko, ang sakit ng ulo ko, tumama yung ulo ko sa sahig. Grabe naman si Author kung papatayin niya agad ako sa Chapter 4 edi sana nagsabi muna siya diba? Hindi yung ganito! Di man lang ako nakabili ng gown ko, ang pangit naman kapag ganun.

A/N: Che! Ewan ko sayo Kevin barilin kita ehh, gigil mo ako grrr! Tsaka nalang kita papatayin! Not now, not soon.

-Rewind-

Tuloy lang siya sa pagtulak sa akin hanggang sa nahulog ako sa hagdan at nagpagulong-gulong. Grabe ang sakit! Tumingin ako sa katawan ko at nagpsalamat ako na limang hakbangan lang iyon sa hagdan.

"Nagtanga nga talaga!"("Ang tanga talaga!") sabay tawa sa akin. Kung ikaw kaya hilain ko riyan Tita or palit tayo ng pwesto, tatawanan talaga kita. Patuloy pa din siya sa paghampas sa akin papuntang pintuan kahit kakahulog ko lang sa hagdan.

"Lumayas ka! Haan ka nga agsubsubli idtoy kanyamen!"("Lumayas ka! Huwag ka nang babalik dito sa amin") sabay tapon sa mga damit ko, OMG Tita! Prepared ka na pala?! Kanina tinutulak mo lang tapos meron na agad na damit? Planado? Scripted yung acting? Magaling magaling! Palakpakan ang magaling kong Tita! 

Nasaan ba kasi si Tito? 'Di man lang niya narinig na papalayasin na pala ako dito sa bahay na ito. nakita ko si Joshua na nakatingin sa akin habang tumatawa. Tumigil siya sa pagtawa at biglang ngumisi. Ahh! Ikaw din pala may pakana na ito ha! Cinderella lang ang peg ko! Bawal iyon!

"Oh dayta!"("Oh ayan!") sabay bato sa ilan sa mga damit ko pa. Hindi ako iiyak okay,?okay lang naman ako. Masarap naman matulog sa kalsada ngayon eh. magpapagala-gala sa kalsada. Tuluyan na nga nilang pinagsarhan ako ng pintuan. Itinakwil nanaman ako, wala naman akong kasalanan eh. 

Nakita ko si Aling Linda na nasa gate nila, tinatawag niya akong lumapit sa kaniya.

"Oh, apay idta ka ruwar?! Inapa da ka manen nya?"("Oh, bakit nandiyan ka sa labas?! Inaway ka nanaman nila noh?") takang tanong sa akin ni Aling Linda.

"Wen Lola, pabpabasulen dak manen nga siyak kano ti nagiala ti kwarta ni Tita idjay bag na!"(Opo Lola! Pinapasala nanaman nila ako daw nanguha nung pera ni tita doon sa bag niya!") sabi ko naman sa kaniya na naiinis.

"Bakit kasi pinagtitiisan mo pa ding tumira dyan kahit ginaganyan ka na nila?" sabi sa akin ni Aling Linda na nag-aalala.

"Lola, uray kayat ko man nga umalis kanyada, awan met lang papanak"("Lola, kahit gustuhin ko mna na umalis sa kanila, wala rin lang kasi akong pupuntahan") sabi ko sa kaniya sa malungkot na tono.

"Sakto! Agbirbirok kami di baro nga katulong idjay pagtabtrabahuak! Itugot ka laengen idjay. Pero? Kasano ti pinag-aadal mo?"("Sakto! Naghahanap kami ng bagong Yaya doon sa pinagtatrabahuan ko! Isama nalang kita doon. Pero? Paano yung pag-aaral mo?") takang tanong sa akin ni Lola.

"Lola, ammom nga di ko intuluyen ti pinagcollege ko. Mabainak kenni Tito ta nagdakkel gamin ti tuition, su nga haanak laengen timmuluyen"("Lola, alam mo naman na hindi ko na itinuloy ang pagcollege. Nahihiya na ako kay Tito kasi ang laki ng tuition, kaya hindi ko na din itinuloy") pagpapaliwanag ko sa kaniya. Pumasok naman kami sa loob ng bahay.

"Sige, sige, madamdamma umalis tayon ta dapat tunubigat adjay tayon"("Sige, sige, maya-maya aalis na tayo kasi bukas dapat andoon na tayo") sabi sa akin ni Aling Linda

"Sige Lola, anya gayam pagsakayan ta?"("Sige Lola, ano palang sasakyan natin?") takang tanong ko sa kaniya.

*tok tok tok!*

May narinig akong katok sa pintuan ni Lola Linda, pinagbuksan niya ito at nakita ko nanaman yung hilaw na Englisherong Hilaw pinaghahampas ko kagabi.

"Hello Lola!" sabay yakap kay Aling Linda. "Are you ready na ba Lola? We're going  back na" sabi netong Englisherong Hilaw na ito, English english pa daming alam.

"Yes 'nak, sandali lang kunin ko lang gamit ko sa taas, upo ka muna diyan saglit". Sabi naman ni Aling Linda at dumiretso na sa taas ng bahay niya. Naiwan kaming dalawa rito sa salas. Nakatingin lang ako sa kaniya, tapos siya nakatingin lang doon sa hagdan kung saan pumunta si Aling Linda.

"Ang awkward" bulong ko sa hangin. Maya-maya pa ay bumaba na din si Aling Linda galing sa taas bitbit ang ilan sa mga gamit niya.

"Tara na 'nak, ay oo nga pala, isasama ko doon si Kevin ipapaalam ko nalang kay Madam na may nakuha na akong kasambahay" sabi naman ni Aling Linda sa hilaw na ito

"You mean Lola, na you'll take him there?" sabi naman nitong isa.

" Yes 'nak, tara na Kevin, andiyan naman na mga gamit mo diba?" tanong sa akin ni Aling Linda.

"Wen Lola"("Opo Lola") sabi ko naman sa kaniya, pinatay niya na muna ang mga ilaw at isinara ang pintuan, nauna na nga yung Englisherong Hilaw na iyon sa kotse niya. Matapos isara ni Aling Linda ang pintuan sa harap ay tuluyan na din kaming lumapit doon sa kotse.

"Kevin, idjay ka sango, ittuyak laengen likuden. Ikabil mo metten ti gamgamit mo idtoy likod"("Kevin doon ka sa harap, dito nalang ako sa likod. Ilagay mo na din yung mga gamit mo dito sa likod") sabi sa akin ni Aling Linda.

"Wen Lola"(" Opo Lola") sabi ko naman sabay bigay sa kaniya ng mga gamit ko. Dumiretso na nga ako sa kabilang pintuan ng sasakyan. Hinahanap ko kung paano iyon buksan. Pasensiya na walang ganito rito sa probinsiya. 

Nagulat na lamang ako nang kusang nagbukas ito mag-isa. Kahit gulat ay hinila ko na rin ang pintuan ng sasakyan. Umupo muna ako. Hinihintay kong paandarin niya na yung sasakyan. Malipas ang ilang minuto ay hindi pa din umaandar ang sasakyan, tumingin ako sa kaniya.

"Can you put the seatbelt first? Geez!" sabi sa akin nitong Hilaw na Englisherong ito.

"Ahh, sorry di ko kasi alam" sabi ko sa kaniya. First time ko makasakay sa ganito noh!Kuliglig lang ang alam ko atsaka pasagad.

A/N:"Pasagad" is yung may kalabaw tas parang may hila-hila siya na parang pwedeng sakyan sa likod basta, tagalog ba yung pasagad? Comment nga kayo dito kung anong tawag niyo sa ganito. Thanks.

Hinanap ko yung seatbelt na sinasabi nito. Nagulat ako kasi bigla siyang lumapit sa akin. Biglang may nagkarera sa loob ko. 

Matangos na ilong na medyo may pagkacute. Yung mata niya na kahit 'di ko masyadong maaninag kasi medyo madilim na, nakikita ko pa rin ang pagkabrown nito. Yung labi niya sobrang lambot tignan.

*click*

A/N:Tunog yan ng seatbelt grrrrr!

Nilalagay niya lang pala yung seatbelt na sinasabi niya. Akala ko naman kung ano na. Pinihit na nga niya ang susi at pinaandar na ang kotse. 'Di pa din ako makaget over sa nangyari kanina. 'Di ko alam bigla na lang akong inantok kaya pinikit ko nalang ang mata ko.

"Kasanno laengen ti kastoy nga biag aya!"("Paano nalang ang ganitong buhay nako!")

^^^^^^^^^^^^^^^^

Chapter 5 will be published soon! Kaunting antay lang mga KaBEKS. Ingat kayo parati! Huwag kayong magkakasakit! Laview all!

-Corexalee-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro