Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Beks 19: Kiss Be With You

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

"Sumaiyo ang panginoon," sabi ni Father sa harap.

"At sumainyo rin," sabay-sabay naman naming tugon sa mga nandito sa loob ng simbahan. Maaga kami rito ngayon sa simbahan, kasama ko si Aling Linda at Yeshi, mamamalengke kami mamaya.

Naka-ugalian na raw nila na magsimba tuwing Linggo, minsan daw mas marami silang ibang kasama pero ngayon aapat lang kami, kasama si Kuya Robert.

Hindi rin ako mapakali dito sa inuupuan ko dahil dito sa katabi ko, nakuu! Kalma lang Kevin nasa simbahan ka, maghunos dili ka, kalmahan mo lang yang pwet mo.

Hindi talaga ako mapakali kasi kanina pa titig ng titig sa akin itong katabi kong ito, oo na alam kong maganda ako, pero wag mo naman akong titigan ng ganyan!

"Magbigay po tayo ng kapayapaan sa isa't isa," sabi naman ni Father sa harap.

"Peace be with you," sabi ko naman at yumuko sa harap ng altar, nagkatinginan din kami nila Yeshi at Aling Linda kaya nagbatian na rin kaming tatlo, napatingin naman ako dito sa katabi ko, nakakhiya naman kung di ko babatiin.

Pagkaharap ko ay saktong nakaharap din siya sa akin, ewan ko ba kung nabibingi ako sa sinabi niya o baka guni-guni ko lang.

"Kiss be with you," rinig kong sabi niya. Anong hanash nitong katabi ko? Alam niyang nasa simbahan, kiss be with you, kiss be with you ka riyan, mamaya ka lang sa labas, charot!

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang misa at nagpapalakpakan na kaming lahat. Lumabas na kaming tatlo nina Yeshi at Aling Lin, kanina ko pa hinahanap yung lalaking nakatabi ko kanina, bigla kasi siyang nawala. Ewan, pabayaan ko na nga lang.

"Oh, sasama ka pa ba sa palengke nak?" tanong ni Aling Lin kay Yeshi.

"Yes po Nay, pupunta rin po ba si Sissy? Sissy sasama ka?" sabay tingin niya sa akin.

"Oo, para naman may katulong si Lola Lin sa pagbubuhat," sagot ko naman sa tanong niya. Kaya naman pumasok na kami sa parang market pero ang loob din pala nito ay mga nagdidikitang pwesto ng paninda ng mga gulay, prutas at kung anu-ano pa.

"Oh, apo bibigyan kita ng listahan ng ibang bibilhin isama mo si Yeshi" sabi naman sa akin ni Lola Lin sabay abot ng listahan.

"Puro prutas lang yan, nandiyan na din kung ilang kilo ang bawat prutas, kaya mo naman na siguro bitbitin?" tanong niya ulit sa akin.

"Kaya naman siguro La, pero sinong kasama mo magbibitbit?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Wag mo akong alalahanin at dalawang pwesto lang ang pupuntahan ko, papakuha ko nalang mamaya kay Robert kung saan yung pwesto ng mga pinagkuhanan ko" sagot niya naman sa tanong ko.

"Oh sige La, ako na bahala dito sa kasama ko," paalam ko naman kay Aling Lin.

"Sige sige, pagkatapos niyo mamili punta na agad kayo sa sasakyan ha, ah oo nga pala ito ang pera, at hanapin mo yung pwesto ni Kuya niyo Jepjep" sabi niya ulit, tumango na amang kamig dalawa bilang tugon, binasa ko naman kung anong meron dito sa listahan.

"Mansanas, grapes, pinya, mangga, hmmm," bulong ko sa aking sarili habang binabasa ang mga nakasulat dito sa listahan, napakahaba naman nito, saan kaya ito.

Hinila ko naman na itong kasama ko at pumunta na sa pwesto ng mga prutas. Saan ba yung pwesto nung Jepjep na iyon.

Kanina pa ako patingin-tingin sa mga karatula sa taas pero wala pa din akong nakikitang Jepjep, itong kasama ko naman nakasunod lang sa akin, baka mawala mahirap na.

Makalipas ang ilang minuto ay nahanap ko din yung pwestong kanina ko pa hinahanap, medyo nasa dulo-dulong pwesto pala siya at medyo kalakihan, di katulad ng iba na halos pare-pareho lang ang suat ng pwestong pinagtitindahan nila. JepJep's Prutasan sabi sa karatula sa taas.

"Hello, po magandang umaga po," sabi ko naman sa medyo katandaang lalaking nagbabantay dito.

"Kevin?!" sigaw na siyang kinagulat ko.

"Manong Jeff?! Sika ba dayta?! ("Kuya Jeff?! Ikaw ba 'yan?!") gulat ko ding tanong sa kaniya. Hala, si Kuya Jeff nga, paano siya nandito?

"Sika gayam dayta Kevin, di ka nabigbig!" ("Ikaw pala iyan Kein hindi kita nakilala") sabi niya naman sa akin, Si Kuya Jeff, siya yung kasama ni Tito nung nakita niya ako dati sa likod ng truck nila.

"Apay aradtoy ka?, birbiruken na ka ni Tito mo, Limmayas ka kano?, pinaggigiyanam ngay?" (Bakit nandito ka? Hinahanap ka ni Tito mo, lumayas ka raw? Saan ka tumutuloy ngayon?") sabi niya naman sa akin na siyang ikinagulat ko. Hinahanap pala ako ni Tito? At lumayas? Yung mag-inang iyon talaga!

"Ahh, basta manong, haan mo laaengen ibagbaga kenyada nga aradtuyak, ken kadwak met ni Lola Lin nga napan idtoy, agtabtrabahu-ak idtoy" ("Ahh, basta kuya, 'wag mo nalang sabihin sa kanila na nandito ako, kasama ko naman si Lola Lin na pumunta rito, nagtatrabaho ako rito") paliwanag ko naman sa kaniya, sinabi ko nalang na lumayas ako para wala nang gulo pang mangyari, mukhang maayos naman na sila na wala ako doon eh.

"Apay gayam aradtoy ka?" ("Ba't pala nandito ka?") tanong niya naman sa akin.

"Ayy wen gayam, gumatangak kano ti prutprutas kunana ni Lola Lin, aradtoy diay listaan ani," ("Ayy oo nga pala, pinapabili pala ako ni Lola Lin ng mga prutas, ito yung listahan oh") sabi ko naman sa kaniya sabay abot nung listahan sa kaniya.

"Sino gayam ta kadwam?" ("Sino pala iyang kasama mo?") takang tanong niya sa akin sabay nguso sa katabi ko.

"Ayy, ni Yeshi manong, apo ti amok," (" Ayy, si Yeshi kuya, apo ng amo ko") paiwanag ko naman sa kaniya at sabay siniko ko naman itong katabi ko.

"Ayy hello po, magandang umaga," bati naman nitong katabi ko.

"Ian, heto ang listahan, pumasok ka sa loob, at kumuha ka kung ilan ang sabi dyan sa listahan" sabi ni Kuya Jeff dito sa lalaking parang namumukhaan ko.

Hinawakan, ko naman ito sa pulsuhan na siyang ikinatigil niya. Parang kilala ko talaga siya.

"Kiss be with you" narinig kong sabi niya na siyang nagpa-estatwa dito sa kinatatayuan ko. Bago ko pa man siya mahampas ay nawala na siya sa paningin ko, pumasok na siya sa loob. Lagot ka sa akin mamaya.

"Manong, sino dadiay?" (" Kuya, sino iyon?") takang tanong ko naman sa kaniya, nakita ko naman sa Yeshi na naghihintay lang doon sa pwestong pinagtatayuan niya kanina pa. Kaya naman tiawag ko siya para lumapit sa akin.

"Dim bigbigen? Sa bagay, halos mano nga tawen kayo nga haan nga agkitkittan, ub-ubbing kayo pay lang," ("Di mo na kilala? Sa bagay, halos ilang taon na kayong hindi nagkikita, mga bata pa kayo nun eh,") sabi niya naman sa akin.

"Ha? Hakdog?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Ha? ha? nga hakdog mo ta rupam, ni Ian dadiay, diay kaay-ayam mo idi da Joshua" ("Ha, ha? nga, hakdog mo mukha mo, Si Ian yun, yung kalaro mo rati nila Joshua,") paliwanag niya namang sabi. Ah! Naalala ko na! Siya ba yung batang maitim na palagi kong nakakalaro ng bahay-bahayan? Luto-lutuan? Tapos taya-tayaan? Syempre hindi kami nagkasal-kasalan, bawal iyon, kasi ang alam ko kinasal sila ni Diana nung mga bata pa kami. Ako yung ginawa nilang pari, pwede pala iyon? Ang ganda ko namang pari?

Siya rin yung batang ang hilig umakyat sa puno ng mangga namin sa likod. Tapos sa tuwing inaaway ako ni Joshua.

Grabe hindi ko man lang siya namukhaan, ikaw ba naman halos ilang taon mo nang hindi nakita, tapos sasabihan ka ng "kiss be with you" syempre sinong hindi magugulat doon aber?

Hindi ko rin siya namukhaan kasi medyo ang puti na niya ngayon, naiinis pa nga ako dati kapag kinakasal siya kay Diane at hindi sa akin. Kaya ang ending kay Mark ako palagi naipapareha, eh palagi ako inaaway nun nung mga bata pa kami. Natigil lang nun nasa highschool na kami, ewan ko kung anong nangyari, basta nagkaganon.

May crush kasi ako sa kaniya nung mga bata pa kami, nakakagulat lang na sa kadami-daming lugar at panahon dito pa talaga kami nagkita.

"Pa," rinig ko namang sabi ni Ian pagkalapit niya sa tatay niya, sabay abot ng mga plastic na siguro'y pinamili namin, napakadami jusko.

"Maawit mo daytoy aya? Nakadagdagsen ni" ("Mabuhat mo kaya ito? ang bigat oh") sabi niya sa akin sabay angat ng mga plastic na nagsisilakihan.

"Ah maawit ko dayta manong, ay diay bayad na gayam," ("Ah mabuhat ko yan kuya, ay yung bayad nga pala,") sabi ko naman sa kaniya sabay abot ko sa kaniya ng pera. Kinuha ko naman na yung plastic, bigla kong naibagsk sa sahig kasi sobrang bigat. Jusko naalala ko mahina nga pala itong kamay ko sa pagbubuhat.

Winagwag ko naman yung braso ko, nagulat siguro kasi ang bigat talaga, pero pinagtataka ko, pwede pala gulatin yung braso?

"Nak, tulungan mo na, dalhin mo yung basket doon na may gulong sa loob," sabi naman ni kuya Jeff kay Ian, pumasok naman na siya sa loob, makalipas ang ilang minuto ay may bitbit na itong parang maleta na ewan.

Lumapit naman si Ian sa akin at kinuha itong mga pinamili namin sabay lagay sa basket. Tinutulungan ko naman siyang ilagay yung mga pinamili namin sa basket.

Nagulat ako ng bigla niyang nahawakan yung kamay ko, nagkatinginan naman kaming dalawa, bakit ang pogi niya pa rin? Kiss kita dyan eh, char!

Binawi ko naman yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya, biglang nag-init yung mukha ko dahil sa nangyari. Pinabayaan ko nalang siyang ilagay iyon sa basket, tutal iyon na rin naman yung huli.

"Samahan mo na palabas," sabi naman ni Kuya Jeff kay Ian. Tumango naman siya bilang sagot. Nag paalam naman na ako kay kuya Jeff na mauna na kami, pinaalala ko sa kaniya na wag nalang sambitin na nandirito ako.

Lumabas naman na kaming tatlo sa palengke, nasa unahan ako at katabi si Yeshi. Si Ian naman ay nasa likod lang namin, hila-hila yung basket.

"Musta na?" tanong naman sa akin ni Ian na nasa likod.

"A-ah, okay lang naman, ikaw ba?" sagot ko naman sa tanong niya. Tumingin naman ako sa likod ko para makuha yung mukha niya. Naglalakad na kami kung saan pinarking ni kuya Robert yung sasakyan.

"Eto, okay lang naman," sagot niya naman sa tanong ko. Matapos nun ay wala nang nagsalita pa sa aming dalawa, natatanaw ko naman na yung sasakyan.

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin kami dito, tinulungan naman kami ni kuya Robert iagay yung mga pinamili namin sa likod ng kotse.

Napansin ko na wala pa rin si Aling Lin, kaya tinanong ko si kuya Robert kung nasaan si Aling Lin. Sabi niya may kinuha lang daw saglit. Matapos magkarga ay sinara na ni Kuya Robert yung compartment.

"A-ah, Ian, salamat ha," pagpapasalamat na sabi ko naman sa kaniya.

"Ano ka ba, parang wala tayong pinagsamahan, haha," sabi niya naman sa akin sabay tawa.

"Sige, salamat ulit ha," tanging sabi ko na lamang sa kaniya na siyang ikinatango niya.

"Sige, sa susunod ulit, kiss be with you," sabi niya ulit sabay takbo palayo.

"Aba loko to ah!" tanging sambit ko sa kaniya bago ko pa man siya mahampas. Naku! Gigil niya ako. Nakita ko naman palapit na dito si Aling Linda at may bitbit na bag.

Sumakay naman na kami at umalis na rito. Binaybay naman namin ang daan papuntang mansion. Dumiretso naman kami sa parking at tinulungan kami ni Kuya Robert ipasok lahat ng pinamili sa pantry.

Nadatnan ko naman sila kuya Enan at Hiro na nandito sa kusina, nagluluto na sila para mamaya sa pananghalian. Ang tagal pala namin sa palengke?

Hindi ko pa pala nasasabi kay Aling Lin na si Kuya Jeff pala yung pinuntahan ko kanina, siguro kaya niya ako inutusan doon para makita kong nanduon siya, ewan ko ba kay Aling Lin, napaka.

-Flashforward-

Hapon na at nandito pa din ako sa Maze Garden na sinabi sa akin ni Yeshi kung anong tawag nila rito. Nagdidilig lang ng mga halaman at nagwawalis ng mga dahon. Gusto ko sana gupitan itong mga damo rito kaso hindi ko naman alam gamitin yung lawn mower na nandito, baka masira ko pa, mahirap na.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na din ako sa loob para makpaglinis ng opisina ni Sir Hans na siyang ibinilin niya sa akin kanina, hindi daw kasi siya basta-basta nagpapasok doon ng kung sino para maglinis, baka raw magulo yung mga ginagawa niya roon sa lamesa niya.

Kaya naman kumatok muna ako bago pumasok, sinilip ko muna kung may tao sa loob, pero wala naman siya.

Sinara ko naman yung pintuan at nag-umpisang maglinis. Inuna ko muna rito sa may mini salas dito sa loob, pagpag dito, pagpag doon, pagpagin mo ako, char.

Sinunod ko naman yung lamesa niya na siyang pinagtatrabahuan niya rito. Hindi ko na ginalaw yung mga papel papel na nandito sa loob na siyang bilin niya kanina.

Habang naglilinis ay may nakita naman akong picture frame dito sa gilid, kinuha ko naman ito para tingnan.

Halla! Ang kyut naman ni Harold dito! Hindi halata ngayon! Bale may apat na lalaki na magkakapatid dito, Si Sir Hans, yung maliit naman si Harold, tapos si Baklang Niko, apat pala silang lalaking magkakapatid? Sino itong isa? Abay malay ko.

Binaba ko naman itong picture frame at kinuha yung isa, mga magulang siguro ito ni Sir Hans, siya ba yung pinakapanganay? Ewan ko, hindi ko naman natanong sa kanila rati.

Tapos may nakita naman akong picture sa kabilang gilid ng lamesahan, si Sir Hans at isang babae, baka asawa niya? May asawa na pala si Sir Hans? O baka girlfriend niya lang ewan. Binaba ko nalang yung picture frame at nagpatuloy na sa paglilinis.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako sa paglilinis dito sa loob ng opisina niya. Lumabas na ako at sinara ko na ang pintuan. Paglabas ko ay nakita ko si Baklang Niko na papunta sa opisina ni Madam Celia. Balasiyajan. 

Naggabi na at maghahapunan na, tumulong ako sa pag-aayos ng lamesa, pero ang siyang pinagtataka ko ay bakit si Yeshi lang ang nandirito sa hapag. Tinanong ko naman si Aling Lin kung bakit wala yung iba.

"Ah, si Madam, merong lakad kasama si Niko, habang yung dalawa ay nasa labas daw, masanay ka na nak, ganit talaga dito minsan, si Yeshi lang ang naiiwan dito sa bahay, kaya mas madalas kami ang kasama niya" paliwanag naman sa akin ni Aling Linda. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Please samahan niyo na ako kumain," sabi naman ni Yeshi sabay nguso. Jusko ito talagang batang ito, napakacuute! Nagsitinginan naman silang lahat kay Aling Linda. Ewan ko kung bakit sila tumingin sa kaniya.

"Oh, siya, siya, siya samahan na nating kumain, wala naman ang magkakapatid," sabi ni Aling Linda na siyang nagpangiti sa mga kasambahay na nandito sa loob. Kaya naman napuno nanaman ng tawanan itong buong dining area dahil sa ingay ng tawa nila.

Nang matapos kumain ay nagligpit na kami. Yung ibang kasambahay ang nagpresentang maghugas habang ang iba naman ay mas piniling magpahinga. Kaya naman sumama ako sa likod para maghugas ng mga pinagkainan, hindi daw pala sila naghuhugas ng plato sa kusina kapag sila kapag kumain silang lahat sa loob, halos limang beses sa isang linggo sila kumakain sa loob kapag gabi, lalo na't wala sina madam at ang iba pa, at si Yeshi lamang ang nandito sa mansion.

Habang naghuhugas ng plato ang nag-uusap namin kami tungkl sa mga bagay-bagay dito sa mansion. Mga tsismis dito sa subdivision namin.

"Uyy alam niyo ba? Si Maria?" sabi ni Ate Inna.

"Oh?" tugon naman ni Ate Inday sa sinabi niya. "Yung kasambahay doon sa harap na bahay?" dagdag ulit niya.

"Nabuntis!" sabi niya naman na siyang ikinagulat nitong mga kasama ko dito.

"Halla, sinong nakabuntis?" takang tanong naman ni Ate Inday kay Inna.

"Yung trabahador daw nila doon, jusko! Tinatanggi raw nung lalaki na may namamagitan sa kanilang dalawa!" nanggigil na sabi ni Ate Inna.

"Bakit naman daw? Ayaw niyang panagutan yung bata?" takang tanong ni Ate Shapi. (Shapipi ko char!)

"Oo jusko! Nanggigil talaga ako sa lalaking iyon! Gagawa-gawa ng milagro hindi alam kung paano humawak ng responsibilidad jusko, dapat ginagawa sa ganiyang lalaki pinuputulan ng ulo sa baba!" sigaw naman ni Ate Inna sabay hawak sa kutsilyo at wari'y may pinutol na kung ano sa hangin.

"Tama! Dapat ginagawa sa ganiyan pinuputulan!" pagsang-ayon naman na sabi ni Ate Inday.

"Tara, dumulong tayo kay Masarap-py Tulpo!" sabi niya naman sabay angat ng kamay niya.

"Sige!" tugon naman nung dalawa sabay taas din nung kamay nila. Napatingin naman silang tatlo sa akin.

"Putulin!" sigaw ko at sabay taas ng isa kong kamay.

"Putuliin!!" sigaw ulit naming apat, nagkatinginan naman kaing apat at nagsitawanan ng dahil sa nangyari.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami sa paghuhugas ng plato, bumalik na sila sa loob ng mansion, habang ako naman ay, dumiretso na sa quarters.

Wala naman akong nadatnang tao dito sa salas kaya nama'y dumiretso na ako sa loob ng kwarto, wala din dito si Natoy, baka nandoon sila sa taas.

Kinuha ko na ang twalya ko at lumabas ng kwarto, dumiretso naman ako sa banyo bitbit ang gagamitin ko sa pagligo.

Matapos ang ilang minuto ay nagpalit na rin ako rito sa loob at lumabas, dumiretso naman ako sa kwarto. Bahala si Natoy, basta matutulog na ako.

Hihiga na sana ako nang bigla kong naalala na nakabukas pa pala yung ilaw doon sa opisina ni Sir Hans, jusko, ang ulyanin ko talaga.

Kaya naman bumalik ako sa loob ng mansion at dumiretso sa opisina ni Sir Hans, tama nga ako nakabukas pa yung mga ilaw. Sinara ko lahat ng ilaw maliban sa lampara niya dito sa lamesa.

Lumabas na ako at sinara ang pintuan, pabalik na sana ako sa quarters nang maalala kong kumuha ng tinapay sa pantry.

Dumiretso muna ako sa kusina at pumunta ng pantry, naghanap ako ng tinapay na pwedeng papalamanan, medyo nagugutom ako, kahit isang tinapay lang siguro.

Nang makakuha na ako ng tinapay ay lumabas na ako ng pantry at dumiretso sa lababo, hinanap ko kung nasaan yung peanut butter, may nakita lang ako dito nung kelan eh.

"Adinno na ngayen hays!" ("Saan na iyon hays!") bulong ko sa aking sarili.

*Blooogsh*

"Ay peanut butter!" sigaw ko nang may narinig akong kumalabog kung saan. Nahulog ko pa tuloy yung tinapay na hawak ko. Pwede naman kasi ilapag muna bakit ko ba kasi hinahawakan.

Kaya naman ako, kahit natatakot akong pumunta kung saan man iyon, dahil una, mag-isa ko lang, pangalawa, halos nakapatay na lahat ng ilaw dito sa mansion, pangatlo matatakutin akong tao at huli, baka kung ano yun.

Dahan-dahan akong naglakad papunta kung saan ko narinig yung kalabog na iyon, baka mamaya magnanakaw na pala hindi namin alam. Pero imposible makapasok iyon dito.

Medyo madilim na dito papuntang parking lot, nakapatay kasi ang ilaw dito, nagulat naman ako ng may nasagi yung paa ko, hindi ko maaninag kung ano ito, nagulat naman ako nang biglang may kumapit sa paa ko.

"Santaportishima ay na apo, pakawanan dak! Ukinnana met!"

~

Ingat kayo parati! Mwa!

-Corexalee-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro