Beks 18: Nigagawa Mo?
Mahalagang Paalala:
Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.
~
Kevin's POV
"Yung kamay mo, geez!" sabi niya ulit sa akin. Eto na eto na, baka mamaya halikan mo talaga ako eh, mahirap na pero why not? Ende joke lang.
"Araaaayy!" daing ko namang sabi sa kaniya nang ibuhos niya yung alcohol sa daliri ko.
"Why didn't you, argh! You, I don't know what to do with you anymore," sabi niya naman.
"Masakit!" sabi ko naman sa kaniya at hinugot yung kamay ko. "Dahan-dahan lang kasi!
"Anong ginagawa niyong dalawa?!"nagulat naman kami nang biglang pumasok si Yeshua dito sa kwarto ni Harold.
"A-a-ah ano, kasi, uhmm," nauutal na sabi ko naman sa kaniya, hindi ko din alam kung anong sasabihin ko.
"I'm just cleaning his wound Baby Yeshi, why did you come here?" paliwanag naman nitong katabi ko.
"Oh, I thought ano! Hehehe" sabi niya naman habang namumua yung pisngi at tenga niya.
"You thought what?" nagtataka namang tanong niya sa kapatid niya.
"Stop calling baby na sabi, kuya naman," naiinis na sabi naman ni Yeshi sa kapatid niya. "I thought na ano, you two have some, you know," sabi niya naman habang pinagdidikit niya yung dalawa niyang hintuturo niyang daliri.
"Oh my god baby, where did you get that thought?" takang tanong naman ni Harold sa kapatid niya.
"Because you know kuya, I was passing by sa kwarto mo, and then I heard "masakit dahan-dahan lang" and I thought you two are doing that" paliwanag niya namang sabi.
"Where did you learn th-."
"Sige na kuya byee!" dali-dali namang lumabas si Yeshi sa kwarto at narinig kong sinara na niya yung pintuan. Nagkatitigan nalang kaming dalawa nitong kasama ko. Tinuloy niya nalang ang pag gamot sa sugat ko.
Matapos ang ilang minuto ay nilagyan na niya ng betadine.
"Next time, be careful!" sabi niya, sabay higpit sa paglalagay ng band-aid sa daliri ko.
"Masakit nga!" napasigaw ako dahil ang sakit pa rin nung sugat ko.
"Oo na, oo na, okay na? pwede na ako lumabas? Baka hinahanap na ako ni Aling Linda," tanong ko naman sa kaniya, nakatanggap na lamang ako ng isang tango sa kaniya, bumalik naman na siya sa banyo dala-dala yung medkit na kinuha niya kanina.
Lalabas na sana ako kaso may nakalimutan akong sabihin sa kaniya, nakakahiya naman diba kung hindi ako magpapasalamat? Kaya naman hinintay ko muna siyang lumabas ng banyo.
Ilang minuto na akong naghihhintay dito sa kwarto niya, kaya naman nag-isip ko munang maglibot-libot, maluwang yung kwarto niya, pati yung higaan niya malaki at malambot yun kutson.
May flat screen na tv dito sa loob, tapos sa gilid naman merong sofa. Mayroon ding pintuan dito, di ko alam kung anong meron doon, kumpleto na dito sa loob ng kwarto niya eh, akala mo condo.
Napakatagal naman sa banyo, parang magbabalik lang ng medkit eh, saang lupalop niya pa ba sa loob ng banyo kinuha iyon at napakatagal niya nanaman.
Nabuburyo na ako dito sa higaan niya, kung katukin ko nalang kaya? Wag nalang hintayin ko nalang siya, baka naligo siya? Kaya ang tagal? Ewan ko.
Jusko, anong oras nanaman at hindi pa din siya lumalabas, katukin ko nalang kaya? Tumayo na ako dito sa kama at lumapit doon sa banyo, kakatukin ko na sana yung pintuan ng biglang buukas yung pinto.
Jusssskkoooooo! Yung mata ko talaga, hindi na virgin! Bigla akong tumalikod dahil sa nakita ko.
"I thought you're going to leave?, why are you still here?" rinig ko namang sabi niya.
"A-ahh, a-ano k-kasi" nauutal kong sabi sa kaniya bakit hindi ko masabi?
"What?" sabi niya ulit, naramdaman ko naman na dadaan siya sa gilid ko kaya naman umusod ako ng konti para makadaan siya. Dumaan nga siya sa gilid ko at dumiretso sa cabinet niya na siya rin mismong nasa harap ko.
Nangunguha siya ng damit niya, gusto kong tumalikod pero ayaw ng katawan ko, naestatwa na ako dito sa kinatatayuan ko habang pinapanuod lang siyang nangunguha ng damit.
Napatitig naman ako sa almusal de pandesal niyang abs! jusko! May tumutulo pang tubig mula sa leeg niya papunta sa dibdib niya na mas lalong hindi ko kinakaya. Nang matapos siyang naguha ng damit niya ay humarap naman siya sa akin.
"What are you going to say?" sabi niya naman sa akin, naeewan nanaman ako jusko. Tumigin nalang a ko sa ibang direksyon, baka sabihin pa niya na nakatitig ako sa ano niya.
"Hindi nga ba?" sabi naman ng aking maduming konsensiya. Ewan ko sayo konsensiya.
"A-ah-ano, hmmm, thank you," nauutal na sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko alam kung nakatingin siya sa akin kasi sa ibang direksiyon talaga ako nakatingin.
"Thank you for what?" nagtatakang tanong niya naman sa akin.
"Sa ano, rito," sabi ko naman sa kaniya sabay angat ng daliri ko na ginamot niya kanina. "Sige alis na ako" sabi ko naman sa kaniya at dumiretso na sa pintuan para lumabas, baka hinahanap na ako ni Aling Lin.
Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa kusina, nadatnan ko naman dito sina kuya Enan at Hiro na nag-uusap.
"Oh Kevin ayos ka na? Narinig namin kay Aling Lin kanina na nasugat ka, ayos ka na ba?" nagtataka namang tanong sa akin ni Kuya Hiro.
"Opo kuya, 'wag na kayo mag-alala," sabi ko naman sa kaniya at pinakita yung sugat ko na nakaband-aid na. "Malayo sa bituka," natatawang sabi ko naman sa kanila.
"Nakita niyo si Lola Linda?" tanong ko naman sa kanilang dalawa. Nalaman ko naman na nasa likod daw siya sa may swimming pool.
Nagpaalam naman na ako sa kanilang dalawa at dali-daling pumunta sa likod, bakit hindi ko alam na may swimming pool dito sa likod ng mansion? Hindi rin kasi ako napapadpad doon kaya hindi ko din alam. Ang palagi ko lang nakikita doon ay yung gazeebo doon.
Nadatnan ko naman dito si Aling Lin kasama si Ate Pepay at Inday habang tumutulong dito sa paghahalaman sa may bandang gilid ng swimming pool. Lumapit naman ako agad sa kaniya.
"Oh, apo san ka galing? Kanina pa kita hinahanap, ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong naman sa akin ni Aling Lin.
"Opo, malayo sa bituka," natatawang sabi ko naman sa kaniya.
"Oh siya, siya, siya, bawal ka munang maglupa, lupa baka mapasukan ng kung ano yang sugat mo, diligan mo nalang yung halaman doon sa hardin," utos niya naman sa akin, tumango ako bilang sagot.
Naglakad naman na ako papunta roon. Makalipas ng ilang minuto ay nandito na ako sa bungad ng hardin, ang tataas kasi ng mga kung ano mang tawag sa punong ito na makikita ko sa mga maze, puno nga ba ito? ewan.
Naglakad naman ako papasok dito at pumunta sa pinakadulo nitong mala maze na hardin na ito, akala mo pumapasok ako sa isang botanical garden na punong puno ng mga halaman, o kaya naman parang kagubatan dahil sa takip na mga baging sa taas.
Nang makarating sa gitna ay nakita ko nanaman itong mga naggagandahang bulaklak dito, kaya naman ang ginawa ko ay umikot-ikot ako at dinama ang paligid.
"What are you doing?" napatigil naman ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses, akala ko ay mag-isa ko lang dito. Umikot naman ako para makita kung saan nanggaling yung boses na iyon, nagulat ako nang makita ko si Sir Hans dito.
"Ahh inutusan po ako ni Aling Lin na diligan yung mga halaman dito, kayo po Sir anong ginagawa niyo dito?" tanong ko naman sa kaniya.
"Nothing, do what you have been told, don't mind me," sabi niya naman sa akin.
"Sige po Sir," sagot ko naman sa kaniya,kaya naman hinanap ko kung nasaan yung hose dito, nandoon lang pala sa gilid, binuksan ko naman yung gripo at nag-umpisa ng magdilig ng mga halaman.
Habang nagdidilig ako ay hindi ako mapakali dahil nararamdaman kong nakatingin sa akin si Sir Hans, ang weird sa feeling. Kaya naman tumingin din ako sa direksiyon niya. Nananatiling nakatingin pa din siya sa akin, ano kayang iniisip neto?
Ang weird nakatingin pa din siya sa akin, kaya naman ako na ang pumutol sa titigan naming dalawa. Tinuloy ko nalang itong ginagawa ko at iniisip kong wala siya dito.
"I can't take this anymore" rinig ko namang sabi niya at may naririnig naman akong yabag ng mga paa na papalapit sa akin. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hilain, bakit ba ang hilig manghila ng magkapatid na ito.
"Wait lang Sir nakabukas pa yung gripo," sabi ko naman sa kaniya at umalis sa pagkakahawak niya sa akin, sinara ko naman yung gripo at inayos yung hose, bumalik naman ako sa pwesto niya, kinuha ko yung isa niyang kamay at ibinalik sa posisyong pagkakahawak niya sa akin kanina.
"Oh sige Sir hilain mo na ako," nagulat naman ako at hindi naman siya bumitaw at hinila nga ako, pumasok kami sa loob ng mansion at dumiretso sa Maid Supplies room.
"Go, change yourself," sabi niya naman sa akin na ipinagtataka ko. Napagtanto ko na meron pa palang bakas ng dugo yung uniform ko.
"After that, come see me in my office," sabi niya naman sabay alis. Ano nanaman kayang iuutos niya? Tinanggal ko na itong puting tela sa aking bewang at pinalitan ko naman ito ng bago.
Nang matapos magpalit ay dumiretso na ako sa office niya, kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko naman siyang busy sa ginagawa niya sa lamesahan niya.
"The usual," rinig ko namang sabi niya. Yumuko naman ako at lumabas ulit ng opisina niya, hapon na magkakape ka pa?
Dumiretso na ako sa kusina at nadatnan ko dito si Kuya Hiro ng mag-isa.
"Oh kuya mag-isa mo lang?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Ahh, may kinuha lang si Enan sa quarters, ikaw napadpad ka rito?" tanong niya naman sa akin.
"Ahh, magtitimpla ng kape," sagot ko naman sa tanong niya.
"Para kanino?" takang tanong niya naman sa akin.
"Kay Sir Hans" sabi ko naman sa kaniya sabay kuha nung kape sa may kabinet.
"Ahh sige, punta lang akong pantry saglit" sabi naman niya sa akin. Pumunta naman na siya sa pantry, itinuloy ko nalang itong pagtitimpla ko ng kape, nang matapos na ako ay hindi pa rin bumabalik si Kuya Hiro kaya naman umalis na ako sa kusina at dumiretso na sa opisina ni Sir Hans.
Kumatok muna ako bago pumasok, nakasubsob lang siya sa ginagawa niya at 'di man lang ako tinapunan ng tingin at pumasok nalang ako. Nilapag ko naman yung kape sa tabi niya.
Yumuko nalang ako para magpaalam na aalis na ako, wala naman na akong narinig na salita mula sa kaniya kaya lumabas na ako doon.
Anong oras na rin pala at malapit na maghapunan at nakalimutan ko rin kumain kanina kaya medyo nagugutom na ako. Dumiretso muna ako sa pantry para kumuha ng tinapay, nagugutom na talaga ako.
Nadatnan ko naman sila Kuya Enan,Hiro at Ate Jinky na nagluluto dito sa kusina, oo nga pala malapit na maghapunan. Hindi naman nila ako napansin na dumiretso sa pantry kaya pinabayaan ko nalang, pagkapasok ko dito ay hinanap ko agad yung tinapay, nagugutom na talaga ako.
Kung tatanungin niyo ako kung okay lang manguha ng pagkaindito sa pantrty ay okay lang, basta wag lang daw mangunguha ng marami. Binuksan ko yung cabinet at nanguha ng tinapay, sila kuya Enan din gumawa ng mga tinapay dito.
Nang matapos kumain ay lumabas na ako ng pantry. Tumulong naman na ako magkarga ng mga putahe sa mga de-kariton na nakikita mo sa mga mamahaling restaurant. Nang matapos ay tumulong na rin akong magpasok ng mga plato sa loob ng dining room.
Pumasok naman na yung magpamilya at nagtataka ako kung bakit wala si Baklang Niko at si Sir Hans, baka nandoon pa siya sa office niya nagmumukmok nanaman mag-isa. Nagsi-upuan na nga sila at nag-umpisang kumain. Okay na din siguro na wala yung baklang iyon at baka papulutin nanaman ako ng bubog.
Ang awkward pakinggan yung mga nagkakalansingang kutsara at tinidor na kumukuskos sa babasaging plato. Napakatahimik, walang may gustong magsalita.
"Lola, where's Kuya Niko and Kuya Hans?" pagbabasag naman sa katahimikang nangyayari dito sa loob ng hapagkainan. Namiss ko tuloy yung maingay na bangayan namin tuwing kumakain kami sa Pangasinan, yung nag-aagawan pa kami ni Joshua ng ulam, hayss. Kahit naman may hinanakit ako sa kanila ay namimiss ko pa rin sila.
"I don't know apo, maybe they're outside, running some errands," sagot naman ni Madam Celia sa tanong ni Yeshi.
"Okay Lola," sagot naman ni Yeshi, pagkatapos nun ay nabalutan nanaman ng katahimikan itong silid na ito. Tumayo naman na si Harold at lumabas, sumunod naman na si Madam. Ang dami-daming niluluto pero halos hindi naman nauubos lahat.
"Tara na po kain na tayo!" masiglang sabi naman ni Yeshi. Nagulat naman ako at nagsi-upuan na silang lahat at nagsikuhaan na ng mga plato, kakain kami dito?
"Sissy, sit here beside me!" tawag naman ni Yeshi sa akin, hindi ko pa rin alam kung naong nangyayari pero lumapit nalang ako sa kaniya, umupo naman na ako sa may tabi niyang upuan at pinaglapit niya ito para makatabi ko siya.
Nakita ko namang pumasok sila Kuya Enan, Hiro at Jinky sa may pintuan papuntang kusina. Ano ba talagang nangyayari?
"Oh, mga ate at kuya alam niyo na ang sasabihin niyo ha? Yung sinabi ko sa inyo ha? 1, 2, 3!" bilang naman ni Yeshi.
"Welcome Kevin!" gulat naman akong sabay sabay na sigaw nila, ako naman ay nagtataka pa rin kung anong meron.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ko naman sa kanila, wala talaga akong alam sa nangyayari.
"Welcome Kuya Kevin! I organized this para sa welcome party mo!" rinig ko namang sabi ni Yeshi na nasa tabi ko lang. Hindi ko alam kung bakit may paganito sila sa akin.
"Salamat sa pagwelcome!" tanging sambit ko na lamang dahil naiiyak ako.
"Bring out the cake!" utos naman ni Yeshi. Kasambahay lang naman ako pero bakit may pa ganito sila. Nagulat naman ako at may dala-dalang cake si Kuya Hiro at papunta siya dito sa kinaroroonan ko.
"Halla, bakit may pa ganito pa?" naiiyak ko namang sabi sa kanila. Nagvivideo si Yeshi kung anong nangyayari.
"Sana magsama pa tayo ng mas matagal!" Sabi naman ni Ate Pepay at nagtawanan naman silang lahat.
"Maraming salamat talaga at may paganito pa kayo, naiiyak ako" sabi ko naman at nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko.
"Hipan mo na yung candle sissy!" sabi naman ni Yeshi, hinipan ko naman yung kandila kahit umiiyak pa rin ak.
"Oh tara kain na tayo" sabi ulit ni Yeshi at nagsikuha na sila ng mga plato nila, habang kumakain ay hindi mawala-wala ang ingay sa paligid. May mga nagtatawanan, nagtsitsismisan at kung anu-ano pa. Sana palagi nalang ganito kasaya dito. Nanguha naman ako nung cake, natatakam ako kasi may strawberry doon sa taas niya at mukhang strawberry din yung lasa ng cake.
"mmmmm! Ti-imassen!" ("mmmmm! Ang sarap!")
~
Ingat kayo parati mga people!
-Corexalee-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro