Beks 16:Lagot ka Sizt!
Mahalagang Paalala:
Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.
~
Kevin's POV
"Oh Harold nak, nandito na pala si Kevin, diba hinahanap mo siya kanina?" rinig ko namang sabi ni Aling Linda.
"Keviiin!" rinig ko namang tawag sa akin ni Aling Linda.
"No Nay, it's okay na," rinig ko namang sabi nitong Harold na ito. Humarap naman ako sa kanila at nagtataka wari. Yumuko nalang ako at umalis na. Makapagpalit na nga.
Wala namang klase bukas, pero unang araw ko naman dito sa mansion magtatrabaho. As in yung buong araw na trabaho
Pumasok na nga ako sa quarters. Walang tao sa salas na siyang ipinagtataka ko. Nasaan naman kaya silang lahat? Napakadaming nakatira dito tapos ni isa wala akong nadatnan. Baka nasa taas nanaman silang lahat.
Pumunta na nga ako sa kwarto para makapagpalit ng uniform. Nang matapos ay lumabas na ako sa kwarto at sumaglit paitaas, hindi pa pala ako nakakapunta dito.
Umakyat naman ako sa ikalawang palapag, puro kwarto lang naman nandito. Naglakad-lakad lang ako, nang palapit na ako sa balkonahe ay unti-onti kong naririnig yung mga boses nila.
Sabi ko na nga ba at nandito silang lahat. Sumilip lang ako dito mula sa pintuan, nakikita ko na nagkakasiyahan sila at nagkukwentuhan. Kumatok naman ako para makakuha ng atensyon.
"Magandang Gabi!" bati ko naman sa kanilang lahat. Nakita ko naman si Kuya Hiro at Enan na magkatabi. Ayiiee sana oll.
"Oh tara tagay!" sabi naman nitong si Kuya Ken sabay angat ng bote ng alak.
"Pass muna kuya, alam niyong 'di naman ako nainom eh. 'tsaka may trabaho pa ako" paliwanag ko naman sa kaniya.
"Next time ha!" sabi naman sa akin nitong si Kuya Ken, ngumiti na lamang ako at tumango. Kahit di naman talaga ako umiinom. Lumapit naman sa akin itong si Natoy at inakbayan ako, naamoy ko na iyong alak.
"Isang palakpak para sa pinakamaganda nating lalaking kasambahay!" sigaw naman ni Natoy at nagsipalakpakan naman sila at nagsitawanan.
"Isang palakpak para kay Kevin kasi masipag siya!" sigaw niya ulit nagsihiyawan naman itong mga lalaking ito, jusko.
"Isang palakpak na may kasamang sigawan para kay Kevin kasi," napatigil siya, nag-isip siya kung anong pwedeng idugtong.
"Kasi?" sabay naman na tanong ng mga lalaking ito.
"Kasi? Hmmmmm" napakamot nalang siya sa ulo niya. "Basta palakpak nalang kayo!" sabi naman nitong naka-akbay sa akin. Natatawa nalang ako sa kanila. Nagsitawanan naman sila kasi ang likot-likot ni Natoy. Kung anu-anong pinagsasabi.
"Edi hindi na si Hiro yung pinakamagandang lalaki dito sa quarters?" takang tanong naman nitong si Andrei sabay kamot ng ulo. Halata mong lasing na itong mga ito.
"Anong masasabi mo Hiro?" tanong naman nitong si Kuya Kim kay Hiro, at tinapat sa bunganga niya yung bote ng alak na wari'y mikropono.
"Kailan pa kasi ako naging maganda?" naiinis na sabi naman ni Kuya Hiro.
"Ahh basta, anong masasabi mo?" ulit na tanong ni Kuya Kim.
"Aba, hindi naman ako aangal kasi maganda naman talaga itong si Kevin," paliwanag na sabi niya.
"Pero ikaw pa din pinakamaganda sa paningin ko," biglang hirit naman ni Kuya Enan sa sinabi ni Kuya Hiro. Namula naman yung pisngi ni Kuya Hiro. Malande!
"Oh mga tropapips, alis na tayo, sabi kasi inom hindi landian," pabiro naman na sabi ni Kuya Kim. Tumayo na silang lahat at wari'y aalis.
"Respeto naman sa walang jowa pre," sabi naman ni Kuya Kim.
"Wala naman akong jowa pre," sabi naman ni Kuya Enan at nagtawanan nalang sila. Nakakatuwa talaga sila tingnan.
"Sige na po, mauna na ako," paalam ko namang sabi sa kanila.
"Basta sa susunod haa!" paalala ulit ni Kuya Kim.
"Oo kuya hays," sabi ko nalang sabay tawa. Bumaba na nga ako at lumabas na ng quarters. Medyo nahihilo ako ewan.
Dumiretso naman ako sa kusina at nakita ko dito si Ate Jinky. Ayun, nagkamustahan lang kaming dalawa. Malapit na rin palang mag end-shift itong si Ate Jinky kaya nagliligpit na siya dito sa kusina.
Nagpaalam naman na ako sa kaniya na pupunta pa ako sa laundry baka nandoon si Aling Lin.
Nadatnan ko naman siya doon na nagsasalamsam ng mga damit na galing sa washing. Kasama niya si Ate Pepay at Ate Inday.
"Teh" tawag ni Ate Inday kay Pepay. "Ba't ganito yung pakiramdam ko, feeling ko may biglaan uuwi bukas na ayaw nating nandito?" sabi niya naman at wari ay nanginig sa takot.
"Wag mo sabihing," sabi naman ni Ate Pepay kay ate Inday at nagtinginan lang sila at nagsilakihan yung mga mata nila.
"Sinong uuwi bukas Ate Pips?" takang tanong ko naman sa kaniya. Nagulat naman sila na bigla akong nagsasalita dito. Hindi siguro nila alam na kanina pa ako nandito sa pintuan nakikinig sa mga usapan nila.
Lumingon naman sa kaliwa't kanan itong si Ate Inday na akala mo'y tatawid lang ng kalsada. Wala ka sa pedestrian ate!
"Baka uuwi si Sir Niko bukas," pabulong naman na sabi nito sa akin.
"Kailangang bumulong teh?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Oo, kailangan baka may makarinig sa atin mahirap na," paliwanang naman niyang sabi sa akin.
"Bakit naman?" tanong ko ulit.
"Basta, shhhh!" sabi niya naamn sa akin at nilagay niya yung hintuturo niyang daliri sa kaniyang bibig na para bang sinasabi niya na tumahimik ako.
"Ayy sino pala yung uuwi bukas ate? Sinong Sir Niko?" takang tanong ko naman kay Ate Pepay.
"Basta bunso, pag nakita mo nalang siya ikaw na bahala mag describe ha?" sagot niya naman sa akin, parang sasabihin lang eh.
Si Ate Pepay talaga. Nagulat naman kami nang may biglang kumatok. Si Kuya Jace pala.
"Kevin, pinapatawag ka ng madam sa opisina niya" sabi naman sa akin ni Kuya Jace.
"Sige po," nagpaalam naman na ako sa mga kasama ko dito sa laundry area at dumiretso na sa opisina ni madam kasama si Kuya Eyah.
Binuksan niya na yung pintuan at pumasok na kaming dalawa. Nakita ko naman si madam na nasa lamesa niya, napakaganda pa rin talaga niya kahit may katandaan niya.
"Magandang Gabi po Mami Cil," sabi ko naman sa kaniya sabay upo dito sa may upuan sa harap ng lamesa niya.
"Good Evening din apo, let's sit there," sabi niya naman sa akin at dumiretso naman siya papunta sa may center table dito. Umupo naman kaming dalawa sa sofa na nandito.
Bale magkaharapan kaming dalawa. Kinakabahan ako kung anong sasabihin sa akin nitong si Madam.
"So how's the first week sa pagbabantay apo ko?" tanong naman sa akin ni madam.
"Okay lang naman po," tanging sambit ko sa kaniya. Mahirap magsabi dito ng kung anu-ano baka ipatapon ako nung Englisherong Hilaw na iyon sa Ilog Pasig.
"Well, anu-ano naman ang ginagawa niya sa campus," tanong niya ulit. Interview ba ito madam? Di ako prepared.
"As usual po, may practice sa mga kabandmates niya, tapos mukhang nag-aaral naman po siya ng mabuti," sagot ko naman sa kaniya.
"Is he bothering you?" tanong niya ulit sa akin. Opo madam! Ginugulo niya ang aking isipan at ang aking puso kung sino ba sa kanila ang mahal ko, ende charot lang.
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina, hindi naman ako nagrereklamo sa pag-uutos niya sa akin sa campus, syempre sino ba ako para magreklamo? Remember Kevin, yaya ka niya.
"Hindi naman po Mami, mabait naman po siya sa akin, 'tsaka halos sabay po kami maglunch palagi, okay naman po kami," paliwanag ko naman sa kaniya. Tapos ayon nag-usap lang kami ng nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay.
"Sige po Mami, Good Night na po sa inyo," sabi niya naman sa akin nang magpaalam na siya para umakyat na at mamahinga. Bago ako lumabas ay ipinagbilin niya muna sa akin na linisan yung lamesa niya.
Nang matapos maglinis ay lumabas na rin ako. Sinara ko na iyong pintuan at tuluyan nang nakalabas sa opisina niya. Babalik na sana ako sa laundry room pero nakita ko naman itong si Sir Hans na nasa labas ng opisina niya at nakatayo dito sa gilid. May hinihintay ata.
Naglakad naman ako palapit sa akniya upang bumati ng magandang gabi.
"Napakatagal mo! I'm waiting for you for almost an hour here, make me some coffee," sabi niya naman na para bang naiinis na ewan.
"Ngayon na sir?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"No, bukas pa, syempre ngayon na! Move!" sabi niya naman sa akin, eto na eto na gagalaw na nga eh, nang wawarfreak ka talaga noh! Ende charot lang.
Bumalik na nga siya sa opisina niya at nagmadali naman akong nagtungong kusina para magtimpla ng kape. Hinanap ko iyong pinagtataguan ko ng kape dito, Great Taste!
"Great Taste white caramel na merong sweet hmm hmmm~" kanta ko naman habang nagtitimpla ng kape. Parang gusto ko rin magkape. Kanina pa kasi sumasakit ulo ko, simula nung maka-uwi ako.
Nilagay ko na nga sa tray itong kape at dumiretso na sa opisina ni Sir Hans. Kumatok muna ako bago pumasok. Pagkalapit ko sa lamesa niya ay inilapag ko na yung kape niya. Yumuko muna ako para magpaalam. Palabas na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"You don't have classes tomorrow right? Stay here," pag-utos niya naman sa akin, stay here? Saan sir sa puso mo charot! Medyo gumagaan na yung loob ko sa kaniya at hindi na rin ako natatakot na gaya nung unang araw ko rito.
"Sit there at the sofa," sabi niya naman sa akin. Pumunta na nga ako sa sofa at umupo. Ay oo nga pala! Hindi ko pa nasasabi, alam niyo ba itong si Sir Hans, nagpapatimpla ng kape pero isang higop lang ata ginagawa niya, I mean parang tinitikman niya lang yung kape, tapos mamaya magrereklamo na siya kasi malamig na yung kape niya kaya magpapatimpla ulit ng bago, so weird.
Makalipas ang ilang minuto ay medyo nawala na rin yung sakit ng ulo ko, medyo inaantok na ako.
"Coffee," rinig ko namang sabi niya, kaya naman lumapit ako doon para kunin yung tasa niya.
Tignan niyo hindi niya ata ito ginalaw, buhos ko sa kaniya ito eh. Pumunta ulit ako sa kusina para magtimpla ng kape nagtimpla na rin ako ng para sa akin. Bakit siya lang ba pwede magkape?
Bumalik na nga ako sa opisina niya, kumatok muna ako bago pumasok. Nilapag ko na yung kape sa tabi niya, at bumalik naman ako sa pwesto ko. Hindi ba siya giniginaw dito sa loob? Akala mo nasa north pole kami dahil sa lamig.
Medyo makapal na itong uniform ko pero nilalamig pa rin ako, 'tsaka bakit ba palaging nakasuit itong si Sir Hans eh nandito lang naman siya sa mansion.
Ininom ko na din itong kapeng tinimpla ko.Hmmm, sarap.
Nang matapos kong uminom ay di ko alam kung bakit inaantok ako, kelan pa naging pampatulog ang kape?
"Coffee," sabi niya nanaman. Kaya kinuha ko ulit yung baso niya at bumalik sa kusina.
nang matapos magtimpla ay bumalik na ako sa opisina niya at binigay na sa kaniya yung kape, bumalik naman na ako sa pwesto ko.
Ba't ako inaantok! Gusto ko sana magpaalam na sa kaniya na babalik na ako sa quarters para matulog kaso baka pagalitan ako nito. Matulog nalang kaya ao dito sa sofa, magigising naman siguro ako kapag uutusan ako nito.
Humiga na nga ako sa sofa na inuupuan ko at umidlip. Naka-idlip na nga ako.
Makalipas ang ilang minuto ay may nararamdaman akong presensiyang palapit sa akin, kinumutan niya ata ako. Kung sino ka man salamat! Mamamatay na ata ako sa lamig.
Nang magising naman ako sa pagkaka-idlip ko ay wala na si Sir Hans sa lamesa niya, lumabas na siya? Kaya naman nag-unat muna ako ng kamay ko at bumangon na. May nagkumot nga talaga sa akin, baka siya naglagay.
Nagulat naman ako nang may kumatok sa pintuan, kaya naman dali-dali kong inayos itong sofa at lumapit sa pintuan.Nagulat naman ako na si Ate Pepay lang pala ito.
"Oh bunso, nandito ka lang pala ang aga mo naman magising para maglinis?" tanong niya naman sa akin.
"Ha ate? Anong oras na ba?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Mag-aalas sais na ng umaga, hindi ko na pala kailngang maglinis sa loob, nakalinis ka na ba rito?" Tanong niya naman sa akin, hindi lang pala idlip iyon?! Nakatulog na pala ako?! Jusko Kevin nakakahiya ka, tinulugan mo yung amo mo.
"A-ah oo ate m-malinis na dito sa loob hehehe kunin ko lang yung ginamit ko," pagpapalusot ko naman sa kaniya, kahit di ko pa talaga nalilinisan. Ayokong isipin niya na natulog ako rito, baka ano pang masabi niya.
"Sige, sige, bilisan mo jan at maglilinis pa sa harap, may biglang uuwi," sabi niya naman sa akin, tumango na lamang ako. Malinis naman dito sa loob, at ayoko naman galawin itong mga papel na papel na nadito na degabundok ang taas. Kinuha ko na lamang yung tasa at nilagay sa tray. Lumabas naman na akosa opisina ni Sir Hans.
Dumiretso agad ako sa harap matapos kong hugasan yung tasa. Nakita ko naman sila rito na nagmamadali lahat na maglinis, kaya naman kumuha na rin ako ng walis at nag-umpisa na ring maglinis.
Halos di naman magka-undagaga itong mga kasambahay na ito, ano bang meron?
"Nanjan na yung kotse niya!" rinig ko namang sigaw ng isang kasambahay, nagsipilahan naman silang lahat sa gilid at sumama na rin ako. Mabuti na lamang at nahakot na kanina yung mga winalis.
May kotse naman na huminto dito sa harap ng mansion. Nagsiyukuan naman itong mga ito na siya namang ginaya ko. Nagbukas na yung pintuan ng kotse sa likod, iniluwa naman nito ang isang lalaki, hindi ko makita nang maayos yung mukha niya nang dahil nga sa nakayuko ako.
Naglakad naman na siya sa papasok ng mansion. Gusto ko talaga makita yung mukha niya kaya naman inangat ko yung ulo ko. Napatigil naman siya sa paglalakad.
"You!" bigla niya nalang sambit. Humarap naman siya dito sa puwesto ko kaya naman dali-dali kong binaba ulit yung ulo ko.
"Sino ka para iangat ang ulo mo?!" rinig ko namang sigaw niya. "Hey I'm talking to you!" sabi niya ulit, sino ba yung tinutukoy niya. Lumapit naman siya sa harap ko at nakita ko naman ang pares ng sapatos sa harapan ko.
~
-Corexalee-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro