Beks 15: Jaloussy!
Mahalagang Paalala:
Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.
~
Kevin's POV
Magtatatlong araw na akong walang matinong tulog dahil sa pag-uutos sa akin ni Sir Hans na magtimpla ng kape, ba't 'di nalang kasi niya ipatimpla sa iba.?Ang rason niya daw kasi, masarap daw yung timpla ko, yung timpla ko nga ba o ako? Joke lang.
Eto isa pa, gabi-gabi nagpapaturo si Yeshi sa akin at nilabhan ko yung punda ng unan at kumot kagabi nung Englisherong Hilaw na iyon, grabe ang bigat. Buti nalang may malaking washing at doon ko nalang nilagay at pinabayaang gawin ang trabaho niya. Siya na bahala maghirap, 'wag lang ako.
Tapos, palagi nalang akong pumupuntang West Wing para manguha ng tanghalian namin. Medyo nasanay naman ako at palagi kong kasama si Cyan, sinama ko nga si Faye kahapon, ewan ko kung bakit parang galit na galit si Harold na sinama ko siya kahapon.
Okay lang naman, wala namang nangyaring masama pero ang weird nung atmosphere, di ako relate kung anong ganap. Tapos nalaman ko din kay Faye kahapon na naging sila pala ni Harold. Kunwari hindi ako nagulat, kaya naman pala pag-uwi namin kahapon hindi niya ako pinapansin. Mahahalata ko naman na may gusto siyang sabihin eh, kaso pinili niya nalang ata hindi nagsalita. Bahala siya dyan.
Di naman sa nag-iinarte ako pero parang ganoon na nga, pero mas okay naman na siguro yung ganito kaysa roon kila Tito, ako talaga lahat gagawa ng gawaing bahay, nakakapagod.
Inaantok ako na ewan ngayon kahit may klase pa. Parang gusto ko lang matulog maghapon, last minor subject naman na ito at malapit na ring magbell.
*riiiiiiiiiiinngg!*
"Baks, sino kasabay mong uuwi?" tanong naman sa akin nitong si Cyan habang nagliligpit ako ng gamit ko.
"As usual," sabi ko naman sa kaniya, alam na niya kung sinong tinutukoy ko.
"Sayang naman, dinner sana tayo kaso naalala ko super busy ka pala," sabi niya naman sa akin.
"Alam mo na, yaya duties," sabi ko sa kaniya tapos sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko.
"Sana oll Baks! Ano kayang feeling ng maging isang katulong super gwapo na kagaya niya?" sabi niya naman sa akin at nagdedaydreaming ang Bakla.
"Sinong gwapo?" tanong ko naman sa kaniya.
"Ayy, ang bakla indenial, sus, ayaw pa umamin,may gusto ka sa kaniy-," takip ko naman sa bibig niya at pinutol yung sasabihin niya.
"Ano ba yan Bakla! Kung anu-anong pinagsasabi mo," sabi ko naman sa kaniya.
"Tara na nga," dagdag na sabi ko naamn sa kaniya at hinila na siya pababa ng building. Nagpaalam naman na sa akin si Cyan na magdidinner pa daw silang dalawa ni Erick kasama yung mga magulang niya. Sayang gusto ko pa man din sanang mameet yung parents niya.
"Nagbuntog met ni Harold, apo me," ("Ang tagal ni Harold, ano ba yan,") bulong ko sa aking sarili.
Makalipas ang ilang minuto ay nakikita ko na mula dito yung kotse ni Harold, pero nagtataka ako kung bakit huminto pa siya. Nagulat ako nang makita kong may sinakay na babae itong si Harold.
Papunta naman na siya dito, pero sino naman yung kasama niyang babae? Huminto naman yung kotse sa harapan ko at binaba niya yung bintana ng kotse niya.
"Just wait outside the campus, I have some errands to do first" sabi niya naman sa akin. Tumango na lamang ako bilang sagot. Sinara niya na ulit yung bintana at pinaandar niya na yung kotse palabas ng campus.
Lumabas na rin ako ng campus, pwede naman na kasi akong umuwi nang mag-isa eh, napagalitan ata nung hindi niya ako sinabay pauwi nung Lunes.
Naghanap naman ako dito ng pwedeng pagtambayan, at swerte ko na din dahil may waiting shed dito sa labas ng campus. Kaso nakakahiya umupo kasi walang tao doon, at baka pagtinginan lang ako ng tao.
Tumayo nalang ako malapit dito sa waiting shed at kunwari may hinihintay lan. Meron nga pala talaga akong hinihintay. Di ko pa din nasusuot yung uniform, sabagay kahapon pala dapat iyon susuotin kaso nakalimutan ko mag-uniform, kaya ang labas ako lang ang nakacivilian, understandble naman yung reason ko.
Makalipas ang halos kalahating oras ay hindi ko pa rin nakikita yung kotse ni Harold, kanina pa ako palinga-linga na parang timang dito malapit sa waiting shed.
Nakikita ko naman na kumukulimlim ang langit, mukhang uulan pa yata. Nasaan na ba kasi siya? Alas sais na ng hapon oh, napakatagal!
Baka nagcheck-in pa sila sa hotel jusko! Malilintikan talaga sa akin yang Harold na iyan. Bakit naman siya malilintikan sa akin? Feeling jowa ako? Ano ba itong iniisip ko.
Syempre yaya niya ako, pag may masamang nangyari sa kaniya dyan kasalanan ko pa, diba? Ganon yun diba?
Naramdaman ko naman na tumatalsik na yung laway ko dito kakahintay sa kaniya, charot! Nararamdaman ko na pumapatak na ang ambon, mabuti nang sumilong na ako sa waiting shed. Para saan pa nga ba ito kung hindi ako sisilong?
Pagka-upo ko ay saktong bumuhos ang napakalakas na ulan. Anong oras na jusko wala pa din siya. Makalipas ang ilang minuto ay may humintong kotse dito sa may tapat ng waiting shed, hindi ko maaninag kung kaninong kotse ito dahil sa ulan at medyo padilim na rin kasi.
May bumaba naman mula rito, tumakbo siya papunta rito sa waiting shed, bakit hindi nalang din kasi siya sa loob ng kotse tumambay at kailangang pumunta pa siya dito sa waiting shed.
"Oh nandito ka pa?" tanong naman sa akin nitong si Cullen. Siya yung nandoon sa loob ng kotse kanina.
"May hinihintay ako eh, napakatagal," sabi ko naman sa kaniya. Bigla naman akong gininaw, medyo malaks yung hangin, napayakap nalang ako sa sarili ko dahil sa lamig, nasaan na ba kasi siya? Napakatagal naman oo!
Tumango na lamang siya bilang sagot.
"Ba't ikaw nandito ka pa?" tanong ko naman sa kaniya. Ewan ko kung narinig niya kasi ang ingay ng bubong ng waiting shed na ito.
"Kasi nandito ka pa," may sinasabi siya pero hindi ko talaga marinig.
"Ha?" nabibingi ko namang tanong sa kaniya kasi wala talaga akong marinig.
"Sabi ko, nasira kasi yung aircon nung kotse nakakasuffocate sa loob papaayos ko sana naabutan na ako ng ulan," lumapit naman siya sa tenga ko.
"Ahh," napatango na lamang ako sa sinabi niya.
Mabuti na lang at may upuan dito, pinagtataka ko pa rin kung bakit 'di pa rin nagbubukas yung mga ilaw rito sa waiting shed. May ilaw naman dito, baka may switch?
Umupo na lang ako at nilalamig pa rin, nasaan na ba kasi si Harold? Giniginaw na ako rito, mahamog na rin yung kalsada. Umupo rin itong si Cullen sa tabi ko. Nagulat naman ako nang tanggalin niya yung suot niyang jacket. Sinakbay niya naman ito sa likod ko.
Tinanggal ko naman yung jacket sa likod ko. Binalik ko naman sa kaniya yung jacket, nakakahiya naman edi siya na naman yung nilamig.
"Nilalamig ka oh, isuot mo nalang yang jacket," sabi niya naman sa akin.
"Nakakahiya, tignan mo oh nilalamig ka din," sabi ko naman sa kaniya.
"Okay lang ako, kesa naman lamigin ka," sabi niya naman sa akin, tapos may nakita akong usok mula sa bibig niya. Nasa Baguio ka sis?! Kakeleg naman itong si Cullen.
Kaya ang ginawa ko nilapit ko siya sa akin at shinare ko yung jacket. Medyo malaki naman ito kaya nagkasya naman kaming dalawa kahit papaano. Hindi ko makita yung mukha niya kasi nga madilim na. Alas siete na ata ng gabi. Napakatagal ni Harold jusko, napakatagal niyang anuhin yung babae, hmmp.
Ano ba itong iniisip ko, nagulat naman ako nang biglang nagbukas yung ilaw jusko. Aatakihin ako sa puso neto. Nakakagulat kang ilaw ka.
Nakikita ko na yung mukha nitong katabi ko at sa tingin ko hindi siya mapakali. Ang likot naman ng pwet neto. Nakita ko naman na namumula yung tenga at pisngi niya. Pinakiramdaman ko naman yung leeg niya gamit yung kamay ko. Nilayo niya yung leeg niya sa akin. Mas lalo siyang namula, kaya naman hinila ko siya at sinapo kung nilalagnat ito.
"Hindi ka naman mainit, bakit ka namumula?" nagtataka ko namang tanong sa kaniya.
"W-wala" sabi niya naman sa akin sabay lingon sa gilid, balakajan.
Anong oras na pero wala pa rin si Harold. Umuulan pa rin, malakas pa rin yung ulan 'di pa rin tumitigil. Medyo 'di na ako nilalamig, laking salamat talaga kay Cullen.
"Thank you," sabi ko naman sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin at ngumiti. Ayun usap-usap lang kaming dalawa. Nagulat ako nang biglang lumiwanag yung langit, alam ko na kasunod nito, kaya naman tinakpan ko na agad yung tenga ko.
*guurrruuooddd!*
Kahit na tinapan ko yung tenga ko ay natatakot pa din ako. Simula pa nung bata ako takot na talaga ako sa kulog at kidlat, nakakagulat lang kasi. Ewan ko rin kung bakit.
Napapikit nalang ako. Napakapit na lang ako bigla rito sa katabi ko.Nang maya-maya'y nawala na rin yung gulat ko ay muli kong binuksan ang aking mga mata. Medyo tumila naman na yung ulan pero meron pa rin.
Di ko namalayan na nakayakap pala ako dito sa katabi ko, akala ko ba napakapit lang, grabehan sa kapit ha! Bigla na lang akong napabitaw, pero nagulat ako nang yakapin niya akong muli. Anong trip nitong Cullen na ito. Takot din ba siya sa kulog at kidlat? Nakakatuwa naman akala ko ako lang yung takot sa ganon, pero sa tingin ko marami naman.
Niyakap ko nalang din siya para mabawasan yung takot niya kahit papaano. Umalis naman na siya sa pagkakayakap niya sa akin at bigla akong hinalikan. Nagulat ang buong sistema ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Makalipas naman ng ilang segundo ay umalis naman na siya sa pagkakahalik sa akin at tumingin sa ibang direksyon. May sayad ba sa utak ito?
May narinig naman ako na kumalabog sa kung saan. Tinignan ko naman yung paligid para malaman kung saan yun nanggaling.
Tumingin naman ako sa likod, may nakikita ako malapit dito sa waiting shed na nakatayo. Pinanliitan ko naman ito nang mata para makita kung sino ito. Nang maaninag siya ng aking mata'y tinanggal ko agad yung jacket at lumapit sa kaniya.
"Anong ginagawa mo riyan? Nababasa ka na ng ulan oh," sabi ko naman sa kaniya at pinulot itong payong na nasa sahig dala niya ata. Tinitignan niya lang ako, ano nanaman bang meron sa taong ito?
Kumaway naman na ako kay Cullen na aalis na ako, ano ba iyong iniisip ni Cullen jusko baka nakita nitong ni Harold Jusko!
Kumaway naman siya pabalik. Pinayungan ko naman itong si Harold, medyo malaki naman itong payong at kasya kami, pero bakit ba kasi ang tangkad nitong nilalang na ito.
Pasensiya naman daw at maliit lang ako, binuksan ko naman itong pintuan ng kotse malapit sa driver seat at binuksan at pinapasok na si Harold, umikot naman ako pabalik sa katabi niyang upuan.
Sinara ko na yung payong at dali-daling pumasok sa loob. Pagka-upo ko pa lang ay sinigawan niya agad ako.
"Why didn't you go home?!" sigaw niya naman sa akin. Ay so kasalanan ko pa?
"Baki-."
"That's why you didn't go home ha?!" naputol naman yung sasabihin ko nang magsalita ulit siya. Ano bang pinagsasabi nitong taong ito?
"Ano ba-."
"You didn't go home because of that guy?! Why?" pagpuputol niya ulit sa sasabihin ko.
"You're having sex with him huh?!" dagdag niya pang sabi. Anong sex sex, pasexsekan kita ng papel jan eh. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit sa akin at pinipilit niya akong halikan. Tinutulak ko naman siya, pero sadyang napakalakas niya. Tumigil naman siya.
"Is this what you want?!" sigaw niya pa ring sabi sa akin. Naiyak nalang ako sa sinabi niya. Nagulat ako nang masampal ko siya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko siya sinampal, may sariling utak ata itong mga kamay ko at nasampal ko siya.
"Ikaw ang nagsabi sa akin na maghintay ako dito! Oo alam ko bakla ako pero hindi ako kaladkaring bakla na gaya ng inaakala mo! Kung ano man yung nakita mo kanina nagulat lang din ako! Siya yung nauna!" sigaw ko ring sabi sa kaniya habang patuloy sa pag-iyak. Di ko na napigilan yung sarili ko at naiyak nalang ako. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa taong ito.
"Ano?! Bakit hindi ka makapagsalita?! Nabilaukan ka? Inumin moyung tubig ulan doon sa labas!" dagdag kong sabi sa kaniya. Nakita ko namang inayos niya yung sarili niya at parang pinagsisisihan niya yung ginawa niya. Pinaandar niya nalang yung kotse at umalis na kami. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako nang maramdaman kong huminto yung sasakyan. Dinilat ko naman itong mga mata ko. Nakita ko namang palapit siya dito sa upuan ko, tatanggalin niya siguro yung seatbelt ko. Pinigilan ko naman siya at ako ang nagtanggal ng seatbelt ko. Aba! Natanggal, bumaba agad ako ng kotse at hindi ko na siya nilingon pa.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako galit sa kaniya, diba dapat galit ako kasi, alam niyo na. Siguro onti lang? Na maling akala lang pala siya, at maling pag-iisip sa nakita niya kanina sa amin ni Cullen, yung Cullen kasi na iyon, sarap sakalin.
Dumaan na ako sa gilid nitong mansion mula sa parking basement. Di ko alam kung bumaba na ba siya o hindi, nagpatuloy lang ako sa paglalakad, nakita naman ako ni Aling Linda na pabalik na sa quarters.
"Oh bakit ngayon ka lang Apo?" tanong naman sa akin ni Aling Linda.
"Ah wala Lola,may pinuntahan pa kasi ako, tapos ayon umulan, natagalan umuwi," pagpapalusot na sabi ko namang sagot sa kaniya.
"Oh bakit namumula iyang mata mo? umiyak ka ba?" tanong niya naman sa akin.
"Ahh hindi La, ammom metten agtudtudo ket agkimkimat ken aggurgurruod tattay," ("alam mo naman naulan kanina edi kumikidlat at kumukulog kanina") palusot ko namang sabi sa kaniya. Mukha namang napaniwala ko siya. Kaya hinalikan ko na siya sa pisngi at nagpaalam na magbibihis na at magtatrabaho na.
"Oh Harold nak, nandito na pala si Kevin,diba hinahanap mo siya kanina?" rinig ko namang sabi ni Aling Linda.
"Keviiin!" rinig ko namang tawag sa akin ni Aling Linda.
"No Nay, it's okay na," rinig ko namang sabi nitong Harold na ito. Humarap naman ako sa kanila at nagtataka wari. Yumuko nalang ako at umalis na. Makapagpalit na nga lang.
Wala namang pasok bukas kaya okay lang siguro na kahit anong oras ako magising, pero unang araw ko bukas sa trabaho talaga. Ano kayang gagawin ko tuwing umagang walang pasok?
"Hayst, kabusor" ("Hayst, kainis")
~
-Corexalee
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro