Beks 13: All Around Beki!
Mahalagang Paalala:
Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.
~
Kevin's POV
"Now, the term Appliqué is derived from the latin word "applicare" which means to join or attach, now tell me where does this techniques usually used for?" tanong naman nung history teacher namin sa harap. Habang ako nakatingin lang ako dito sa bintana, nagmumuni-muni, iniisip ko pa din yung nakita ko kagabing MALAKI!
"Mr. Estevan," bat ang laki nun? Grabe sobrang laki. Kagabi ko pa talaga iyon iniisip at hindi ako nakatulog ng maayos dahil doon.
"Mr. Estevan," binabagabag pa rin ako nung malaki na iyon hanggang ngayon. Hindi ko siya maalis sa isipan ko. Ginulo ko naman buhok ko at sinabunutan ang sarili.
"Mr. Kevin Estevan!" nagulat naman ako nang biglang sumigaw itong propesor namin sa history na nandito na pala sa harap ko.
"What's bothering you my child?" tanong naman sa akin nitong propesor namin. Napahagikgik naman itong mga kaklase ko, yung Englisherong Hilaw kasi na iyon!.
"Yung malaki po Sir, este A-ano po yung tanong s-sir?" nauutal ko namang sabi sa kaniya.
"Where does the "appliqué technique" usually used for?" tanong naman niya sa akin.
"As you said earlier Sir, that the term appliqué comes to a greek word "applicare" means to join. Usually Sir, this technique is used for patching holes or to strengthen areas the are that has been torn or worn. Now, it is widely used for making artful techniques that can be seen in blankets and quilts," sagot ko naman sa kaniya, ano ka ngayon sir, basic.
"Then, can you state some applications of Appliqué?" dagdag niyang tanong, ano ba naman itong si Sir, tanong ng tanong may iniisip pa ako eh.
"In my vast knowledge Sir, I know only two of them," sagot ko naman sa kaniya habang nakatingin sa blackboard.
"Then can you say it in front of the class?" sabi niya naman sa akin.
"The one I know is the decorative one, sometimes you can see this now in ready-made patches or you can make your own, you can apply every single type of stitch options to make your own design, all you need is patience and hard-work" sagot ko naman sa kaniya.
"And the other one is?" tanong niya ulit.
"The other one is the Raw-edge applique, this is the basic style of applique, where you can usually finish for just minutes because it is not complicated and sophisticated," sagot ko ulit sa kaniya.
"It seems that you know all of stuff Mr. Estevan, but can you tell us what are you daydreaming earlier while staring at the window?" tanong naman nitong propesor na ito, natawa naman itong mga kaklase ko.
Bakit Sir? Gusto mo din malaman yung MALAKI na nakita ko kagabi?, umupo na lamang ako dahil sa atensyong nakuha ko mula sa mga kaklase ko. Si Sir kasi chismoso.
-----
*riiiiinngggggg!!*
Natapos naman ang klase at nakatulala pa rin ako sa bintana.
"Uyy Kevs"
"Baks!" sabi naman nitong ni Cyan sa tabi ko, pero nakatitig pa rin ako sa bintana.
"Keeeevvvsss!" sabi niya naman sa akin habang niyuyugyog niya ako nang pagkalakas-lakas.
"Dahan-dahan lang bakla baka makalas ako ng wala sa oras!" sabi ko naman sa kaniya at tumigil naman na siya.
"Saan ka maglalunch?" tanong niya naman sa akin, naalala ko tuloy yung sinabi ng Englisherong Hilaw na iyon kanina habang papunta kami dito.
-FLASHBACK-
"Later at lunch time, see me at the Music Club" utos niya naman sa akin.
"Bakit?" tanong ko naman sa kaniya.
"Get our lunch later the West Wing," sabi niya naman sa akin. Tama ba narinig ko? Our? So kasama ako?
"Pwede mo naman ipadeliver eh," sabi ko naman sa kaniya.
"No more buts, you're the one going to get it and don't let any stranger help you to carry them," sabi niya naman sa akin, hindi na rin ako nakasagot dahil malapit na kami sa campus.
-PRESENT-
"Sa may malaki este doon sa Music Club, bakit?" takang tanong ko naman sa kaniya. Nakita ko naman na nanlaki ang mga mata niya dahil sa aking sinabi.
"Ehhhhh?! Seryoso?!" gulat niya namang tanong sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Kilala mo naman na siguro si Harold diba? Tapos yung tatlong lalaki na naghahanap sayo kahapon," sabi niya naman sa akin.
"Oo, bakit?" tanong ko ulit.
"Pwedeng sumama?" tanong naman niya sa akin, wala naman sinabi yung Englisherong Hilaw na iyon na bawal eh.
"Bakit?" tanong ko ulit sa kaniya kahit alam ko na kung bakit.
"Bastaa, sige na please" sabi niya naman sa akin sabay kapit sa braso ko.
"Lalandiin mo lang yung may reglang Six na iyon eh" pang-aasar ko naman sa kaniya. Nakita ko namang namumula yung pisngi at tenga niya.
"H-hindi n-noh! A-ano lang k-kasi," nauutal niya namang sabi at nag-iiwas pa ng tingin sa akin.
"Sus! itong baklang 'to! Landede! tara na," sabi ko naman sa kaniya at hinila ko na siya pababa. Dumiretso naman na kami sa Music Club, saan ba yung Music Club na iyon? Malapit din lang ba sa Music Room kahapon?
"Ah ano Cy, alam mo kung saan yung Music Club? Hehehe" tanong ko naman sa kaniya.
"Edi kung hindi mo ako sinama baka kung saan-saan ka nanaman nakarating," sabi niya naman sa akin habang umiiling.
Pinangunahan niya kung saan kami pupunta, at tama nga ang hula ko na medyo may kalapitan nga sa Music Room, mas una mo nga lang madadaanan itong club.
Pinagtitinginan naman kami ng mga tao rito, mga member din siguro ng club. Nagulat ako nang makita ko dito si Erick, lumapit naman siya dito palapit sa amin. Nagulat ako nang yakapin niya si Cyan, itong bakla na ito jowa niya pala ito. Bumitaw naman siya sa kaniyang pagkakayakap sabay kaway sa akin.
Pinandilatan ko lamang sila ng mata. Eh? Magjowa ba sila?
"Naku Baks! Kung ano man yang nasa isip mo itigil mo na," suway naman sa akin ni Cyan. Tinuro ko naman silang dalawa at pinagdidikit ko yung dalawang hintuturo kong daliri na pinapahiwatig ko sa kaniya na kung silang dalawa ba.
"Naku hindi, pinsan ko to si Erick, ay Erick si Kevin pala," pakilala naman sa akin ni Cyan sa akin.
"Yes I know him" sabi niya naman kay Cyan.
"Ha? Kailan pa kayo magkakilala?" tanong naman sa kaniya ni Cyan
"Kahapon lang," sagot niya naman. Nagulat naman ako nang may biglang umakbay sa akin.
"Kevin! Hanap ka na ni Bossing," si Third pala ito akala ko naman kung sino.
"Nasaan ba siya?" tanong ko naman sa kaniya.
"Nandoon siya sa Rehearsal Room," sabi niya naman sa akin.
"Sige, ano uhm punta muna ako ng rehearsal room, hinahanap na ako ni Harold," sabi ko naman sa kanilang dalawa.
"Sama ako Baks!" sabi naman ni Cyan. Nagpaalam na kami kay Erick na mauna na kaming dalawa. Dumiretso na nga kami sa loob, sinamahan naman kami ni Third kung nasaan yung rehearsal room. Nandito lang naman siya sa mismong club. Binuksan na nga ni Third iyong pintuan.
"Why are you late?" tanong naman sa akin nitong Englisherong Hilaw na ito.
"Ang layo kaya ng Music Club doon sa last subject ko," sabi ko naman sa kaniya.
"At sino naman itong kasama mo?" tanong naman sa akin ni Third. Ay oo nga pala kasama ko itong baklang ito.
"Ah si Cyan friend ko, siguro naman hindi ko na kayo ipapakilala?" sabi ko naman sa kanila na ikinatawa lang ni Third.
"Here's the money, go get it," sabi naman sa akin nitong Englisherong Hilaw na ito. Lumapit naman ako sa kaniya para kunin yung pera.
"Saan mo nanaman inorder? Baka mamaya kung saan-saan nanaman ako pumuntang stall," sabi ko naman sa kaniya.
"At the Kiss and Pepe stall. Also, tell ate Kissy to add extra ice for the drinks," utos niya naman sa akin.
"Wala na?" tanong ko naman sa kaniya. Hindi naman na siya sumagot, sarap bigwasan hayst!
"Tara na Beks," sabi ko naman kay Cyan at lumabas na nga kami sa rehearsal room.
"Teka nga Baks" pagpigil naman sa akin ni Cyan sa paglalakad.
"Uhmm, ano si Harold," ginaya niya naman yung ginawa ko kanina na pinagdidikit niya yung dalawa niyang hintuturo.
"Baliw! ano ba yang pinag-iisip mo, baklang to!" sabi ko naman sa kaniya.
"Eh bakit ano, anong meron ba sa inyong dalawa?" takang tanong naman niya sa akin. Tumingin naman ako sapaligid at tinignan na baka makarinig at ipagkalat pa sa buong campus.
"Ano kasi Baks, P.A. ako nung Englisherong Hilaw na iyon," bulong ko naman sa kaniya. Pagkalayo ko naman ay nakita kong nagulat siya sa aking sinabi kaya naman nanlaki ang mga mata niya.
"P.A? You mean like persona assistanté?" nagtatakang tanong niya naman sa akin.
"Yes," maiksing sagot ko naman sa kaniya.
"You mean si Harold?" tanong niya ulit. Isang tango na lang ang binigay ko sa kaniya bilang sagot.
"Ahhh! Kaya pala palagi kayo magka-." Tinakpan ko naman agad yung bunganga niya na baka may makarinig, mamaya ipatapon ako sa Ilog Pasig ng Englisherong Hilaw na iyon eh.
"Shhhhh! Baka may makarinig," pagsita ko naman sa kaniya.
"Tara na kukunin ko pa yung ini-utos niya sa akin, mamaya bigwasan ako nun eh," dagdag na sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko man lang natanong kung gusto niya sumama pero sumunod naman siya. Pumunta na nga kami sa West Wing at hinanap ang stall ng Kiss and Pepe.
Medyo nasa bandang gitna ito at wala masyadong taong nakapila dito. Nang kami na ay sinabi ko ang nakapangalan kay order at sinabi ko na rin kay ate Kissy pa dagdagan ng extra ice for drinks na naalala kong inutos sa akin ng Englisherong Hilaw na iyon.
Nakita ko naman ang halos sampung dosenang packlunch na siyang ikinagulat ko. Papakainin niya ba lahat ng nasa club?
"Ang dami naman niyan Baks, anong gagawin niya diyan?" takang tanong naman sa akin ng baklang ito.
"4,455 lahat" sabi naman sa akin ni Ate Kissy at inabot sa kaniya yung perang pambayad. Kinuha ko naman yung sukli.
"Di ko alam, papakainin niya siguro lahat ng nasa Music Club" sabi ko na lamang sa kaniya bilang sagot.
Binitbit ko naman na itong mga dala ko. Tinulungan naman ako ni Cyan kaya hindi naman ganoon kabigat. Pinapahirapan talaga ako ng Englisherong Hilaw na ito.
Nahiya naman ako kay Cyan kasi sa kaniya pa ako nagpasama at hindi pa kami naglalunch, baka gutom na itong baklang ito.
Sumakay na kami sa isa sa mga School Cart dito sa West Wing. Umalis na kami at pagkalipas ng ilang minuto ay nandito na kami sa East Wing. Hindi niya nalang kasi ipadelivery, nakakahalata na ako ha. Kung alam ko rin an meron palang sasakyan para umikot dito sa campus e'di sana sumakay ako diba? Salamat Erick!
Bumalik naman na kami sa Music Club at dumiretso sa Rehearsal Room. Nilapag naman namin yung mga dala namin dito sa lamesang nandito sa loob.
"Bakit ang dami mong inorder?" takang tanong ko naman sa kaniya.
"Hey you three," sabi niya naman sa tatlong kaibigan niya. Lumingon naman yung tatlo sa pwesto niya.
"Help me distribute those," sabi niya naman sa mga ito. Nagsitayuan na nga sila at binitbit na nga nila yung mga dala namin kanina.
"Also, help them," utos niya naman sa akin. Tumango na lamang ako bilang isang sagot at lumabas naman na kaming dalawa ni Cyan. Sumunod naman siya at lumapit doon sa mga nagkukumpulang tao.
Nag-uumpisa na nga sila sa pagbibigay ng pagkain sa mga tao dito. Sinabihan naman ako ni Cyan na puntahan niya lang si Erick at baka di pa naglunch. Nanguha naman siya ng isa at inumin. Nag-umpisa na din akong magbigay sa mga taong nandito.
"Bago ka lang dito?" takang tanong naman sa aki nitong isang lalaking ito nang maiabot ko sa kaniya yung inumin niya.
"Ah, hindi tumutulong lang," sagot ko naman sa kaniya.
"Ay ganun ba," sabi niya naman sabay tawa. Natawa din tuloy ako.
"Anong nakakatawa?" tanong ko naman sa kaniya.
"Ah wa-"
"Those who are finished getting their food, you can now back in your area!" rinig ko namang sigaw nitong Englisherong Hilaw na ito. Tinignan ko naman siya, nagtitigan lang kaming dalawa, hindi ko malaman kung anong iniisip niya.
Ako na yung umiwas ng tingin baka bigla niya nalang ako bigwasan nito ng wala sa oras. Nagpatuloy naman na ako sa pagbibigay ng pagkain.
Matapos ang ilang minuto ay wala nang pumipila. Nakita ko namang pabalik na dito si Cyan.
"Gutom na ako Baks," bulong niya naman sa akin.
"Wait paalam na ako, tapos lunch na tayo," sabi ko naman sa kaniya.
"Harold, may ipapagawa ka pa?" tanong ko naman sa kaniya. Hindi naman siya sumagot kaya wala naman na siguro. Nagpaalam na ako sa tatlong ito at nagbabalak nang pumunta ng canteen.
"Where are you going?" tanong naman sa akin ng Englisherong Hilaw na ito.
"Sa canteen nagugutom na ako pati itong kasama ko," sabi ko naman sa kaniya.
"Come, hmmmmmmmm. Haist!" dinig ko namang sabi niya pero wala akong naintindihan. Naglakad naman na siya pabalik doon sa Rehearsal Room. Ano ba iyong sinasabi niya kanina? Wala talaga akong naintindihan.
"Sabi niya, sumabay ka na raw sa amin, isama mo na rin yung kaibigan mo" sabi naman sa akin ni Third, yun ba yung ibig sabihin nun? Wala talaga aong naintindihan.
Bumalik na nga kami sa Reheasal Room at nakita ko namang naka-upo na si Harold at tila ba may hinihintay. Umupo na rin kami at nanguha na ng pagkain. Walang nagsasalita sa amin ni isa kaya nagpatuloy nalang kami sa pagkain. Itong katabi ko naman hindi mapakali, sa harap niya kasi naka-upo si Six, malanding nilalang.
Nang matapos kumain ay nagpaalam na kami sa kanila na mag-uumpisa na yung susunod naming klase. Wala nanaman akong sagot na natanggap sa Englisherong Hilaw na iyon. Kaya umalis na kami at bumalik na sa klase.
-----
*riiing* *riiing*
Nang matapos ang klase ay nagpaalam na sa akin si Cyan na mauuna na daw siya. Tumango na lamang ako bilang sagot at umalis naman na siya, may date siguro ang bakla.
Bumaba na ako mula sa 3rd Floor, habang may inaayos ako sa bag ko ay may isang kotse na huminto sa harap ko. Dahan-dahan namang bumaba yung bintana nung kotse. Si Cullen pala ito, akala ko naman kung sino.
"Uuwi ka na?" tanong niya naman sa akin. Tumango na lamang ako.
"May magsusundo ba sa'yo?" tanong niya ulit.
"Di ko alam," sagot ko naman sa kaniya.
"Tara sakay ka na, hatid na kita," pag-aalok niya naman sa akin. Ano nanamang trip nitong Cullen na ito?
"A-ano kasi uhmmm,"
"He's coming with me," rinig ko namang may nagsalita sa likod ko, hinila niya naman ako at kinaladkad papunta ng parking lot.
"Ano bang trip mo?" tanong ko naman sa Englisherong Hilaw na ito.
""Wag kang kung kani-kanino sumasama!" sigaw niya naman. May sasabihin pa sana ako pero napa-urong yung dila ko. Bigla akong natakot sa kaniya. Marunong naman pala magtagalog to eh.
"B-bakit k-kailangang sumigaw?" naluluha ko namang sabi sa kaniya, ito ang unang pagkakataon na nagalit siya ng ganito. Isinuot ko naman na yung seatbelt na ipinagtataka ko na nailagay ko naman.
Pinaandar niya na ang kotse at lumabas na ng campus. Hindi naman masyadong matraffic kahit hapon na. Binaybay niya ang daan papuntang mansion, pauwi na kami.
Napakatahimik sa loob ng kotse, sobrang awkward. Hindi ko alam gagawin ko, talon na kaya ako palabas ng kotse? Nakarating naman na kami sa main gate ng subdivision at nakita ko nanaman si Kuyang Guard.
Binuksan na yung gate at nagpatuloy lang siya sa pagdrive. Makalipas ng ilang minuto ay nandito na kami sa mansion, dumiretso naman kami sa parking basement.
Tinanggal niya naman iyong seatbelt ko na siyang ikinagulat ko. Alam niya sigurong di ko nanaman matatanggal. Nang matanggal niya ay wala ni isang bumaba sa amin ng kotse.
Bubuksan ko na sana yung pintuan nang bigla siyang nagsalita
"Sorry" dinig kong sabi niya na siyang ipinagtataka ko. Bakit naman siya nagsosorry? Wala naman siyang kasalanan na alam ko. Kaya tinignan ko na lamang siya at binigyan ko siya ng tingin na "nagtataka look".
"I'm sorry if I yelled at you earlier," sabi niya sabay labas ng kotse. Ay iyon ba, akala ko naman kung ano. Okay lang iyon, ano nanaman ba kasing tumatakbo sa isipan nito.
Bumaba na din ako sa kotse at dumiretso sa gilid ng mansion, nagulat naman ako nang may biglang yumakap sa likod ko.
"Sisssyyyy! I miss you very much" rinig ko namang sabi ng taong nasa likod ko, si Yeshi lang pala. Humarap naman ako sa kaniya at pinisil yung pisngi niya.
"Ka-uuwi mo lang?" tanong ko naman sa kaniya.
"Nope, kanina pa ako nandito. I'm waiting sayo kanina doon sa quarters pero hindi ka pa bumabalik. Kaya naman, I went back sa kitchen to get some water. Then, I saw you na kadadaan lang. So, I surprised you!" naeexcite na pagpapaliwanag niya naman sa akin.
"Sige, sige, sige, I miss you too. Alam kong may homeworks ka kaya tapusin mo na iyon," sabi ko naman sa kaniya.
"Kaya nga I'm waiting for you eh, kasi I need some help," sabi niya naman sa akin sabay nagpapacute.
"Sige, sige, magpalit lang ako," sabi ko naman sa kaniya.
"Yey, thank you Sissssy! Maasahan ka talaga! Buti nalang Nay Lin, make you punta here sa amin" sabi niya naman sa akin.
"So kelan pa ako naging all-around yaya? Taga-linis, tagapagbantay at kung anu-ano pa, kulang nalang magluto na din ako, buti nalang may mga cook sila dito" sabi ko naman sa aking sarili.
Nagpaalam naman na ako kay Yeshi na magpapalit muna ako. Bumalik naman na siya sa loob.
"Anya metten" ("Ano ba iyan")
~
Ingat kayo mga KaBEKS!
-Corexalee-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro