Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Beks 12: Sis! MALAKI!

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar o pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

"Pinagsasabi neto!" sabi niya kay Kim sabay batok dito. Naghabulan ulit silang dalawa papuntang taas. Pinagsasabi nung mga iyon.

Nagtawanan naman kami sa kanilang pinaggagawa. Sinabi rin ni Aling Linda sa akin ang ilan sa mga bagay na pwede kong gawin at hindi ko pwede gawin kapag nasa loob ng mansion. Isa na rito ay ang pagpasok sa mga kwarto rito ng walang paalam o pahintulot na pumasok.

Grabe kakaumpisa ko pa lang dito may nagawa na pala agad akong mali, pasensya na po Madam.

*tok* *tok*

Napatigil naman kami sa aming pinag-uusapan nang biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ko naman iyong pinto at nakita ko rito si Kuya Jace.

"Pinapatawag ka ni Sir Harold, Kevin," sabi niya naman sa akin. Nakuuu! Yung Englisherong Hilaw na iyon!

"Nasaan po pala siya Kuya Jace?" tanong ko naman sa kaniya.

"Nandoon siya sa kwarto niya Kevin, kaya kung maaari ay pumunta ka na," sagot niya naman sa tanong ko.

"Sige po," sabi ko sa kaniya at umalis naman na siya. Sinara ko naman yung pinto.

"Bakit daw?" tanong sa akin ni Aling Linda.

"Tawag daw ako ng Englisherong Hil- este ni Sir Harold," sagot ko naman sa kaniya.

"Oh aba gayak na, baka mapagalitan ka pa, sasama na rin ako sayo papasok sa mansion," sabi naman sa akin ni Aling Linda. Nagpaalam na kami kay Kuya Hiro na pupunta muna sa mansion. Jusko maliligaw nanaman ako mamaya. 

Nakita ko naman dito si Kuya Enan sa kusina, pero pinagtataka ko bakit mag-isa niya lang? Akala ko ba may kasama siya? Yung Jinky ba 'yun?

"Ano yang suot mo Kevin? pfft," sabi niya naman sa akin habang nagpipigil ng tawa. Naalala ko na suot ko pa pala itong uniform, ni hindi man lang ako nakapagpalit.

"Heh! Pangit ba?" tanong ko naman sa kaniya sabay ikot na akala mo isang disney princess, yung alipin sa palasyo ganon.

"Hindi naman, bagay nga sayo eh. Saan ka pala pupunta?" tanong naman sa akin ni Kuya Enan nang mapadaan kami sa kusina.

"Ah, pinapatawag daw ako ni Sir Harold," sagot ko naman sa kaniya. "Bakit mag-isa mo lang Kuya Enan? Sabi ni Kuya Hiro may kasama ka raw?  Ano na ulit pangalan niya? Jinky? " nagtatakang tanong ko naman sa kaniya.

"Sinong naghahanap sa isang magandang nilalang na kagaya ko?" isang sigaw na umalingawngaw dito sa kusina.

"Sino 'yun?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Ahh, si Jinky 'yun, may inaayos sa pantry," sagot naman niya sa tanong ko. May biglang lumabas na babae doon sa isa sa mga pintuan dito sa kusina, roon siguro yung pantry. Aba palaban, akala mo model.

Naglalakad naman siya papunta dito sa amin, aba! Bongga! Super Model! Pak! Pak! Ganern!

"May naghahanap sa akin?" sabay hawi niya ng buhok.

"Ahh Kevin, eto pala si Jinky," pagpapakilala ni Kuya Enan sa akin nitong kasama niya na kararating lang.

"Hello po, nice to meet you po," sabi ko naman sa kaniya at nakipagkamayan naman siya sa akin.

"Naririnig ko ang maganda kong pangalan anong meron?" tanong niya naman.

"Ahh, wala lang po, nasabi kasi ni Kuya Hiro kanina na may kasama daw si Kuya Enan dito, kayo po pala yun" sabi ko naman sa kaniya.

"Hmm? Mabuti naman at sinabi niya yung pangalan ko ng maayos, yung baklang iyon, kung anu-ano pinagtatawag sa akin," sabi niya naman sa akin na siyang ikinagulat ko.

"Ayy bakit naman po?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Hay naku, 'di lang niya kasi matanggap na ako ang gusto ni Baby ko Enan at hindi siya dahil wala siyang petchay kagaya ko, diba babe?" sabi niya naman sa akin sabay yakap kay Kuya Enan na akala mo isang koala.

 Nakita ko naman na medyo hindi komportable si Kuya Enan nang yakapin siya ng Jinky na ito. Isang ngiti na lamang ang kaniyang naitugon bilang sagot sa sinabi ng babaeng ito.

"Sige po pala, baka pagalitan pa ako pag nagtagal ako rito" sabi ko naman sa kanila at nagpaalam na. Dumiretso naman kami ni Aling Linda sa may hagdan papuntang ikalawang palapag ng mansion.

"Nandoon yung kwarto niya sa may gawing kanan yung pulang pintuan" sabi sa akin ni Aling Linda.

"E-Ehh? Akala ko ba Lola sasamahan mo ako" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Isasampay ko pa yung labahin, ikaw na pumunta, ikaw lang naman ang hinahanap," paliwanag naman niya sa akin.

"Ehh, anyametten,"("Ehh, ano ba yan") pagmamaktol kong sabi sabay akyat na sa ikalawang palapag nitong mansion. 

Sa may kanan daw, kanan, Kevin wag maliligaw ha, binaybay ko ang mga intuan dito sa may gawing kanan.

Pula? Pula ba yung sinabi niya kanina? Pula, pula, pulang pinto, ayun! Nakita ko na ang pulang pintuan na tinutukoy ni Aling Linda at ito na siguro iyon. Dahan-dahan ko namang binuksan iyon. Sinilip ko kung may tao sa loob

"What the f*ck!" 

"Sorry, sorry!" tanging sabi ko na lamang at napasandal dito sa pintuan , bakit ba kasi ang hilig kong magbukas ng pintun ng hindi kumakatok.

OMG! My virgin eyes! Ano ba iyong nakita ko sa loob, pero infairness ang tambok nung pwet niya! Ano ba itong pinagsasabi ko erase,erase! Wala akong nakita, wala, wala!

Napasandal naman ako sa pinto habang nagtatakip pa rin ng mukha. Ano ba itong pinaggagawa ko sa buhay.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas yung pintuan sa likod ko, syempre nakasandal ako mula rito edi ang lagay, sasalampak ang pwet ko sa sahig. Napapikit na lamang ako sa mangyayari. 

Nakahawak pa rin ako sa mukha ko habang dahan-dahang natutumba palikod. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi ko maramdaman na nahulog ako? Bat hindi ko pa din nararamdaman na bumagsak yung pwet ko sa sahig? 

May nararamdaman naman ako na parang may kamay na naka-alalay sa likod ko. Dahan-dahan ko namang inalis ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa mukha ko at dahan-dahang binuksan ang mga mata ko, nakabungad sa akin ang mukha ni Harold. Nagtititigan lang kaming dalawa, hindi ko alam kung bakit hindi niya pa rin ako binibitawan.

"A-a-ano w-wala a-a-akong n-nakita" nauutal-utal na sabi ko naman sa kaniya. Nagulat naman ako ng dahan-dahan niyang nilalapit ang kaniyang mukha palapit sa akin. 

Napapatingin na lamang ako sa kaniyang labi na kay pula. Heto na ba? Mahabaging diwata ng mga bakla?

Napapikit na lang ako dahil sa hindi ko alam ang aking gagawin. Ano ba itong ginagawa ko?  Katawan ko, gumalaw ka! 'Wag kang malandi!

Lumipas na ang ilang segundo nang wala pa ring mga labi ang nakalapat sa akin, bigla ko namang binuksan ang mga mata ko, nakita ko na bigla siyang ngumiti ng nakakaloko.

Tawa siya ng tawa na parang nababaliw. Nagulat naman ang buong sistema ko nang bigla niyang tanggalin ang kaniyang mga kamay na nakasuporta sa likod ko. 

Isang malaking pagkakamali. Bago pa man lumapat ang katawan ko sa sahig ay bigla naman akong napakapit sa kakarampot na telang nakatapis sa kaniyang bewang. Nagkatinginan kaming dalawa nang bigla siyang napatigil sa pagtawa, napatingin naman siya sa kaniyang ibaba.

MALAKII! SIS!! MALAKI! O-M-G!

Bigla niya namang kinuha yung tuwalya na hawak ko. Ako naman na nagulat pa rin sa nangyari ay nanlalaki pa rin ang mata ko sa aking nakita. 

Muli niyang itinapis ang twalya sa kaniyang beywang at bigla ako hinila patayo, hindi ko alam kung paano niya ako naitayo. 

Tumingin muna siya sa labas, tumingin sa kaliwa't kanan na akala mo'y tatawid ng kalsada, at isinara ang pinto.

Nilock niya ang pinto at lumayo roon. Dumiretso siya sa kaniyang aparador para manguha ng kaniyang susuotin. 

Nagulat naman ako sa ginagawa niya dahil akala mo ay walang nangyari, meron nga ba?

Nananatiling nakatitig pa rin ako sa kaniya na akala mo wala lang sa kaniya yung nangyari. Pwes! sa akin meron, MALAKI! Malaki ang nakita ko kanina, Malaki yung twalya! Ano ba yang nasa isip mo. Pero SIS! MALAKI talaga!

"B-bakit m-mo raw p-pala ako p-pinapatawag?" nauutal na tanong ko naman sa kaniya. Salamat naman at may lakas pa ako ng loob magtanong.

"G-get my laundry basket and tell Yaya Pepay to wash it," sabi niya naman sa akin at hinanap ko agad yung laundry basket niya para makalabas na ako agad dito, naeewan ako sa sarili ko. 

Nahanap ko naman yung laundry basket niya rito sa banyo. May nakita akong watawat ng Pilipinas, alam niyo na yung ano ,hehe, basta kulay blue. Isinilid ko naman ito sa ilalim, iww hinawakan ko yuuuunn! Ano kayang amoy nun? Nakakacurious.

Lumabas naman ako ng banyo bitbit yung basket na puro labahan niya. Nakita ko namang naka boxer lang siya.

"What are you wearing?" takang tanong niya naman sa akin.

"Uniform, hindi ba obvious?" sagot ko naman sa kaniya, naiinis lang ako kasi ang galing niyang umakting na parang walang nangyari kanina. Wala naman na akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Palabas na sana ako ng pinto nanag bigla siyang magsalita.

"Oh I forgot, before you leave, can you please clean the bathroom" sabi niya sabay salampak sa higaan niya. Kaya bumalik ulit ako sa banyo para maglinis.

"Nasaan naman ang mga pang-linis dito?" nagtataka ko namang tanong sa sarili ko, hinalughog ko na lahat ng sulok dito pero wala talaga, kaya lumabas muna ako ng banyo. 

Nakita ko naman siyang nagcecellphone lang habang nakahiga, ni hindi man lang nagtapon ng tingin sa akin. Bumaba muna ako saglit habang dala-dala itong basket. Nakita ko naman dito si Ate Pepay sa may salas naglilinis.

"Ate Peps, labhan mo raw itong mga ito sabi ng Englisherong Hilaw este ni Sir Harold" sabi ko naman sa kaniya.

"Sige bunso, tapusin ko lang ito," sabi niya naman sa akin

"Ay Ate Peps saan pala rito yung mga gamit para sa panglinis sa banyo?" tanong ko naman sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin

"Ano yang suot mo?" takang tanong niya sa akin

"Uniform ko raw," sagot ko naman sa kaniya.

"Bat ang unfair, bagay sayo, ang linis mo pa tignan, tapos ako mukha akong inalila ng ilang taon. Huhu," sabi niya naman sabay waring naiyak, tumawa naman kaming dalawa.

"Ahh, wala ka pa palang gamit," dagdag niyang sabi niya sa akin "Nandoon lahat sa Maid's Supply Room lahat, hintayin mo ako saglit at samahan na kita," sabi niya sa akin.

Tinapos naman na ni Ate Pepay yung nililinis niya sa salas kanina, dumiretso naman kami sa Laundry Room at ibinaba itong dala ko tapos pumunta naman kami sa Maid's Supply Room, nandito lang pala lahat!

"Wala ka pang belt" sabi niya sa akin sabay may dinukot siya na parang tela sa karton.

"Belt?" akang tanong ko naman sa kaniya. Tinuro niya naman yung nasa bewang niya na belt na merong mga pagsabitan, ahh, yung parang paglalagyan ng mga spray, basahan pamunas at kung anu-ano pa.

Sinuot ko naman itong inabot niyang belt sa akin, kumuha na rin siya ng mga gamit at isinuksok sa belt ko, kinuha ko na rin yung mga gagamitin ko sa paglilinis ng banyo.

Bumalik ako sa taas at tinahak ang daan papunta sa kwarto ng Englisherong Hilaw na ito. Nakita ko naman ng natutulog na itong Englisherong Hilaw na ito. Napakahimbing ng tulog niya, naghihilik na nga eh.

Pumunta na nga ako ng banyo para maglinis.

Scrub, Scrub , Scrub three times a week! Ano raw? Kumakanta naman ako dito habang naglilinis ng banyo.

Makalipas ng ilang minuto ay natapos na din akong maglinis ng banyo. Lumabas na ako banyo, nakita ko namang mahimbing pa din ang tulog ng lalaking ito. Mukha lang mabait kapag tulog.

"Nakalukat pay dagdagitoy silaw,"("Nakabukas pa itong mga ilaw") bulong ko sa aking sarili. Kaya hinanap ko ang switch ng ilaw at pinatay, pinatay ko na rin itong lalaki na ito, syempre joken lang, baka bigla akong maglaho sa mundo eh, hehe.

Pinatay ko na rin itong lampara sa gilid ng higaan niya, nagulat naman ako nang may humawak sa kamay ko.

"P-please turn on the lights" sabi naman nitong Englisherong Hilaw na ito.

"Akala ko ba tulog ka na, kaya pinatay ko na" sabi ko naman sa kaniya. Bigla niya naman akong niyakap

"P-please" sabi niya pa rin, nagulat naman ako na parang bumibigat yung paghinga niya.

"Kalma, kalma," sabi ko naman sa kaniya at binuksan ulit itong lampara sa gilid niya. 

Makalipas ang ilang segundo ay kumalma naman na siya. Tinanggal na niya ang pagkakayakap niya sa akin. 

Napagtanto niya siguro na bigla niya nalang akong niyakap, bumalik naman siya sa kaniyang pagkakahiga at nagtaklob ng kumot.

"Please don't tell anyone what you saw," rinig ko namang sabi niya.

Lumayo naman na ako sa higaan niya at kinuha ang mga gamit na ginamit ko kanina sa paglilinis ng banyo. Sinara ko na ang pintuan at bumaba na. 

Pumunta muna ako sa Maid's Supply para ibalik itong mga gamit na kinuha ko. Sinabit ko na rin itong belt dito.

Lumabas na ako roon at sumilip saglit sa Laundry Room, nakita ko naman dito si Ate Pepay na nilalabas niya na yung nilabhan niya sa washing machine. Balak ko sana siyang tanungin kung anong nangyari kanina sa Englisherong Hilaw na iyon? Takot kaya siya sa dilim?

"Ate Pepay balik na ako sa quarters may pasok pa ako bukas eh," sabi ko nalang sa kaniya at pinili kong hindi pag-usapan yung nangyari kanina.

"Sige Kevin, tulog na ha?" sabi niya naman sa akin. Isang tango na lamang ang binigay ko sa kaniya bilang sagot. 

Napadaan naman ako sa kusina at nadatnan kong si Ate Jinky nalang ang nandito. Tinanong ko naman siya kung nasaan na si Kuya Enan at sinabi niya naman sa akin na pumunta na raw ng quarters kasi tapos na raw yung shift niya. 

Nagpaalam na din ako sa kaniya na babalik na rin ako sa quarters namin, naglakad ako papunta roon. Malamang alangan namang lumipad ako? Split o tumbling? Okay waley.

Nakita ko naman sila Kuya Enan at Hiro dito sa salas nanunuod ng TV, nagpaalam naman na ako sa kanilang dalawa na mauna na ako sa kanilang dalawa na matutulog na ako dahil may pasok pa ako bukas.

Pagpasok ko naman ng kwarto ay nakita ko naman na natutulog na si Natoy sa taas, hinubad ko na ga itong uniform ko tsaka isinampay dito sa likod ng pintuan. Humiga na din ako sa higaan ko.

"Mahabaging Diyosa ng mga Bakla, naway makalimutan ko sana bukas ang MALAKI kong nakita kanina, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin iyon, baka naman po ay bigyan niyo na ako ng Jowa, ano po kayang feeling nun? Syempre sayo na din Papa God, Salamat sa araw na ito dahil wala lang nabubuhay pa rin ako hanggang ngayon, sana ay gabayan mo ako bukas maging sa mga susunod pang araw, AMEN."  bulong ko sa aking sarili sabay pinagdikit ang mga palad ko.

~

Sa tingin niyo guys, ano kaya iyong malaki na iyon? Haha. Ingat kayo parati! Mwa


-Corexalee-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro