Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Beks 11: Ako Nanaman?!

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

"Jusko Kuyang Guard, saan ka ba lupalop ng mundo nakatira at hindi mo alam ang GLC? Ganda Lang Card, kaya sige na kuya papasukin mo na ako please" pagpupumilit ko pa ding sabi sa kaniya.

"Hindi nga pwede, kapag wala kang Card Pass," sabi niya ulit. Bumalik na siya doon sa outpost niya at sinara ang gate.

"Kuyaaaa! Papasukin mo na kasi ako," sigaw ko habang niyuyugyog ko itong gate. "Kuyaaa!" nagulat naman ako nang may malakas na ilaw ang nagmumula sa likuran ko.

"Kuyaaaa!" tuloy ko pa ring sigaw habang niyuyugyog yung gate

"Sisirain ko itong gate!" sigaw ko ulit kay Kuyang Guard

"Kung masira mo," pang-aasar niya ring sabi.

"What's the problem here?" nagulat naman ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Kayo po pala Sir Hans," sabi naman ni Kuyang Guard sa taong nasa likod ko, si Sir Hans pala yung nasa kotse?

"What's the commotion here?" tanong naman ni Sir Hans dito kay Kuyang Guard.

"Eto po kasing isang ito Sir nagpupumilit na pumasok sa loob pero wala naman maipakitang Card Pass" sagot naman ni Kuyang Guard sa tanong niya.

"Don't worry, he's with me" sabi niya naman kay Kuyang Guard.

"Hop on," sabi naman sa akin ni Sir Hans, nauna na nga siya pumasok doon sa loob ng kotse niya.

"Kuyang Guard!" tawag ko naman sa kaniya nang pabalik na siya sa outpost.

"Sabi ko kasi sayo GLC nalang ang gagamitin ko eh, hmp, tandaan mo itong magandang mukha na ito ha," sabi ko naman sa kaniya sabay turo sa mukha ko.

*beep* 

"Ayy uke!" gulat ko namang untag dahil sa busina ng kotse mula sa likod ko. Nagmadali akong pumasok doon sa loob ng kotse, baka bungguin ako neto ng wala sa oras, mahirap na.

Pinaandar niya na nga ang sasakyan, binuksan naman ang gate at pumasok na siya, ang awkward ng paligid, gustuhin koman siyang kausapin ay nahihiya naman ako kasi napagalitan niya ako kahapon. 

Nakarating naman kami sa mansion ng walang naganap na usapan, binuksan ko itong pinto at bumaba na rin ako, nandito kami ngayon sa parking area.

"S-salamat po Sir" nauutal kong sabi sa kaniya, kahit naman nahihiya ako sa kaniya syempre kailangan ko pa rin magpasalamat. 

Nakatanggap naman ako ng isang tango mula sa kaniya. Dumaan na ako rito sa gilid ng mansion, alangan namang papasok pa ako sa harap. Naglalakad ako papuntang quarters at nakita ko naman si Aling Linda na papuntang kusina. Niyakap ko naman siya.

"Oh, kamusta ang unang araw?" tanong niya naman sa akin.

"Okay naman po 'La" sabi ko naman sa kaniya sabay mano.

"Sige, sige, papasok na ako sa loob," sabi niya naman sa akin, tumango na lamang ako bilang sagot. Dumiretso na rin ako sa quarters, nadatnan ko namang nanunuod sa tv itong si Kuya Hiro sa salas.

"Oh Kuya Hiro, off mo na?" tanong ko naman sa kaniya.

"Maaga lang ako nag-out kasi wala naman nang ginagawa, pero nandoon naman si Enan at Jinky sa kusina," pagpapaliwanag niya naman sa akin.

"Jinky?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Ahh, hindi mo pa pala siya nakikita ano? Siya yung kasama naming cook na nakatoka naman sa pang gabi," sabi niya naman sa akin.

"Ahh,okay okay," sagot ko na lamang sa kaniya. Pumasok naman ako sa kwarto at inayos itong mga gamit ko, pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas ako ng kwarto.

"Kuya, nasaan sila Natoy?" tanong ko naman sa kaniya.

"Ah, kasama niya yung ibang trabahador, nandoon sila sa taas nag-iinuman" paliwanag niya naman sa akin.

"Ayy pwede pala yun dito?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Oo, pwede naman, wag lang palagi. Syempre onti lang din, pampatulog lang kasi may mga trabaho pa iyong mga 'yun bukas" paliwanag niya ulit.

"Kumain ka na pala?" umiling naman ako bilang sagot "May niluto ako kanina, nasa ref, ipainit mo nalang," sabi niya naman sa akin.

"Sige Kuya" pumunta naman ako sa kusina at tinignan kung anong niluto niya. Adoboo! Kain nga muna ako.

Nagsandok na ako ng kanin at umupo na sa lamesa,tama ba iyon? Uupo ako sa lamesa? Parang ang weird, ay basta ganun. Habang kumakain ay nakita ko namang bumaba si Natoy galing sa taas, alangan namang galing sa baba? Papunta siya dito sa kusina, nang makita niya ako ay kumaway naman siya, binuksan niya ang ref at naglabas ng yelo. Bumalik naman na siya sa taas.

Nang matapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko.

"Kevin, hanap ka ni Aling Lin" tawag naman sa akin ni Kuya Hiro na nasa salas. Pumunta ako ng salas at nakita kong naka-upo doon si Aling Linda.

"Bakit La?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Ayy ito pala yung uniform mo" sabi niya sa akin sabay abot sa akin ng damit na nakatiklop. Tinanggalko ito sa pagkakatiklop niya at nagulat ako sa nakita ko. Uniform ko ito?!

"Pfft!" narinig ko namang pigil na tumawa si Kuya Hiro.

"Seryoso La? Susuotin ko ito?" takang tanong ko naman sa kaniya. Paano ba naman kasi ito, akala mo bistidang itim na may puting white laces at headband na puti.

"Seryoso Lola?" takang tanong ko ulit sa kaniya. Hindi na napigilan ni Kuya Hiro na tumawa kaya natawa na din si Aling Linda.

"Oo apo, kasambahay ka, kaya dapat ganyan ang uniform mo, wala namang ibang kasambahay rito na lalaki bukod sa iyo, kaya wala ring special na uniform para sa iyo, kaya naman ayan na rin ang susuotin mo" sabi niya naman sa akin.

"Jusko Lola, ginawa niyo pa akong babae, pero keri lang, wait sukatin ko lang" sabi ko naman sa kaniya, pumasok ako sa kwarto at dito ko ito sinuot. Nahihiya naman akong lumabas kasi hindi ko alam kung anong itsura ko, mukha siguro akong ewan.

Nahihiya man akong lumabas ay lumabas pa din ako, nakita ko sa dalawa ang pagkagulat sa kanilang mga mata.

"Sabi ko na mukha akong ewan eh, magpapalit na ako" sabi ko naman sa kanila at akmang papasok na ulit sa loob ng kwarto para magpalit.

"Uyyy! Ang ganda!" rinig ko namang sabi ni Kuya Hiro.

"Ang ganda mo apo! Akala ko ibang tao yung lumabas sa kwarto!" mangha niya namang sabi.

"Weh? Baka naman chinacharot charot niyo lang ako ha?" sabi ko naman sa kanila.

"Hindi nga, tumingin ka pa roon sa salamin"sabi niya sa akin sabay turo doon sa salamin na nakadikit sa may pader. Lumapit naman ako doon para tignan ang sarili.

Pinikit ko muna ang mata ko para surprise ganern! Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko.

"Ako ba ito?" takang tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko kung gaano kaganda ang damit na ito, bumagay siya sa aking kulay ng balat. Babaihan na ba ako nito?

"Ayy 'tsaka pala apo, buong araw pala ang trabaho, mali yung nasabi ko sayo" sabi niya naman sa akin.

"Anong buong araw?" takang tanong ko naman sa kaniya habang tinitignan ko pa din yung sarili ko sa salamin.

"Kasi magka-iba ang oras ng kasambahay, sa chef at trabahador," sabi niya ulit.

"Eh ano pala La?" takang tanong ko sabay humarap ako sa kaniya.

"Buong araw ang duty natin, pero depende kung ano ang sinabi sa iyo ni Madam. Ano bang pinag-usapan niyo?" tanong niya naman sa akin

"Sabado at Linggo lang daw ako 'La," sagot ko naman sa kaniya.

"Hindi niya sinabi na pati sa gabi?" tanong niya ulit.

"Wala naman po," sagot ko naman sa kaniya.

"Naku apo, magtrabaho ka rin sa gabi, nakakahiya kay Madam, pero syempre kapag wala ka lang ginagawa" sabi niya naman sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.

"Pero sigurado ka ba Lola na susuotin ko 'to, pwede bang hindi nalang?" tanong ko naman sa kaniya habang nakatingin pa rin sa salamin. Bagay talaga sa akin, pero nakakahiya namang maglakad ako sa loob ng mansion na suot ito ano.

"Ikaw bahala Apo, pero sa ngayon ay iyan muna ang gamitin mo, punta tayo sa patahian sa susunod para masukatan ka ng uniform," sagot niya naman sa tanong ko. 

Nagulat naman ako nang biglang may nagyayabagang mga paa pababa sa hagdan. Nakita ko rito sina Natoy maging sa ilan naming kasama rito sa quarters at naghahabulan. Natigil naman sila sa paghahabulan nang suwayin sila ni Aling Linda.

Napatingin naman sila sa akin, nakita ko rin na sumunod si Kuya Ricky sa kanila na siya ring galing din sa taas.

"Oh Kevin! Babaeng-babae ang datingan ha," sabi sa akin ni Kuya Ricky nang makalapit na siya sa puwesto namin.

"Grabe pre, may chix ka palang kasama sa kwarto mo ha," sabi ni Kuya Kim kay Natoy sabay tusok sa kaniyang tagiliran. Silang dalawa ni Natoy yung naghahabulan kanina.

"Pinagsasabi neto!" sabi niya kay Kim sabay batok dito. Naghabulan ulit silang dalawa papuntang taas. Pinagsasabi nung mga iyon. 

Nagtawanan naman kami sa kanilang pinaggagawa. Sinabi rin ni Aling Linda sa akin ang ilan sa mga bagay na pwede kong gawin at hindi ko pwede gawin kapag nasa loob ng mansion. Isa na rito ay ang pagpasok sa mga kwarto rito ng walang paalam o pahintulot na pumasok.

Grabe kakaumpisa ko pa lang dito may nagawa na pala agad akong mali, pasensya na po Madam.

*tok* *tok* 

Napatigil naman kami sa aming pinag-uusapan nang biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ko naman iyong pinto at nakita ko rito si Kuya Jace.

"Pinapatawag ka ni Sir Harold, Kevin" sabi niya naman sa akin. Nakuuu! Yung Englisherong Hilaw na iyon!

Nyametten!(ano ba yan!)

~

Short update lang din kasi may magpaparamdam mamaya!Kimmy lang. Ingat kayo parati!

-Corexalee-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro