Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Beks 10: Abugh! Malande!

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

"Tara na," sabi naman nung isa. Nagtinginan yung dalawa niyang kasama sabay lapit sa akin. Hinawakan nila ako sa braso at pinipilit ako paalisin sa kina-uupuan ko.

"Sandali lang kasi, kumakain pa ako!" sabi ko naman sa kanila. "Uyy Faye, Cyan, baka naman tulong?" pagtawag ko sa kanilang dalawa.

"Can you please don't touch my friend? You're hurting him," sabi naman ni Faye sabay tapik sa kamay netong dalawang lalaki, si Cyan naman nakatitig lang dito sa lalaking nakahawak sa pulsuhan ko, tinanggal naman nila ang pagkakahawak niya sa akin.

"'Pag hindi ka raw pumunta agad lagot ka sa kaniya," pagbabanta naman nung isa pa niyang kasama na siyang nakahawak sa aking pulsuhan kanina.

"Eto na, eto na, papunta na nga eh," sabi ko naman sa kaniya at isinukbit ang aking bag.

Sumunod na lamang ako sa kanila ng maayos, hndi ko alam kung saan nila ako dadalhin, jusko! Eto na ba iyon? Dito na ba mabibinyagan ang perlas ng aking silanganan?, Jusko wag naman sana.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Basta sumunod ka nalang" sabi naman sa akin ng masungit na ito. Sa tuwing dumadaan kami sa matataong lugar ay napapatingin din sila sa akin,hindi ko rin alam kung bakit.

"Teka, teka" sabi ko sabay hinto sa paglalakad. "Paano ako makakasigurado na sa kaniya niyo ako dadalhin aber?" takang tanong ko naman sa kanila.

"Hindi mo ba kami kilala?" tanong naman nung lalaki sa harapan na nangunguna sa paglalakad.

"Hindi, sino nga ba kayo? Mamaya kung saan niyo ako dalhin, mahirap na," sabi ko naman sa kanila at niyakap ang aking sarili.

"Okay here's the deal, una pinapatawag ka lang ni Harold, pangalawa, no need to introduce ourselves, pangatlo, Kapag hindi ka pumunta talagang malilintikan ka sa kaniya. Gets?" sabi naman nitong masungit na ito.

"Jusko? Kahit man lang pangalan niyo? Atsaka bakit ba ang sungit neto, meron ka ba ngayon?" pang-aasar na sabi ko sa kaniya

"What!?" sigaw niyang sabi sa akin.

"Kasi ang sungit, sungit nireregla ka? Babaihan ka ba?" tanong ko ulit sa kaniya.

"You!" sabi niya sabay lapit sa akin na akmang susuntukin ako.

"Kalma lang pre, baka malintikan ka rin kay Harold eh," sabi naman nitong isa.

"Mahirap ba kasi sabihin yung mga pangalan niyo? Papakilala lang naman eh, pag may nangyaring masama sa akin edi alam ko yung mga pangalan na sasabihin ko," sabi ko naman sa kanila.

"My name's Third" sabi naman nung lalaking nang-awat sa isa kanina.

"The guy na nakaaway mo kanina was Six" tinignan ko naman ito, mukha pa ring galit sa akin.

"The other one is Lian" sabi niya naman,tinignan ko naman ito and I smell something, Achooo! May paminta. Durog kaya ito o buo?

"Ano, okay na?" sabi naman ni Six.

"Shall we proceed then?" tanong naman ni Third sa akin. Tumango na lamang ako bilang sagot. Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad. Nagulat ako ng papunta kami sa Music Room, ano namang gagawin namin dito? May naririnig naman akong kumakanta nang buksan ni Third yung pintuan.

*Natutulalaaaa, Natulala sa 'yong ganda,

Ang puso ko'y, nakuha mo na.

Ano baaaa, ang iyong ginawa,

Hindi ko maintindihan ang –*

Tumigil naman yung Englisherong Hilaw sa pagkanta, medyo nagulat lang ako kasi kumakanta pala ito, at napakaganda ng boses, nakakakilig. Ha? Ano bang sinasabi ko? Erase, erase.

"Pre, nandito na yung pinapahanap mo" sabi ni Third.

"Sige Pre, I just want to clarify things from him, you guys can now leave," pag-utos niya naman sa tatlo niyang kasama.

"Sige," sabi naman ni Third at lumabas na nga silang tatlo.

"Where have you been? I'm starving, fetch me something," sabi naman nitong Englisherong Hilaw na ito.

"Ano namang kinalaman ko sa pagkagutom mo?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"You're going to ask me that?" tanong niya rin sa akin "As far as i'm aware, you're my personal maid? My Lola hired you to take orders from me, so whether you like it or not, you'll obey me," sabi niya naman sa akin ng may pagbabanta. Ito ba yung sinasabi niya na you'll face hell? Sa tingin ko hindi naman, at nakalimutan kong Yaya niya pala ako.

"Anong maipaglilingkod ko, Mahal na Prinsipe?" sabi ko naman sa kaniya sabay bow wari.

"Get the food I ordered at the West Wing Canteen" sabi niya sabay abot sa akin ng limang-libo.

"Masusunod po," sabi ko naman sa kaniya sabay talikod, napa-irap na lang ako sa hangin.

"Also tell them to get inside," dagdag niya pang utos. Humarap ulit ako sa kaniya, at tumango na lamang. Lumabas na nga ako.

"Pasok na raw kayong tatlo," sabi ko naman sa kanilang tatlo na nakatayo lang dito sa labas na akala mo mga guard. Pumunta na nga ako sa West Wing Canteen, grabe sa West Wing talaga? Pwede naman na dito sa canteen dito sa East. Bakit sa West pa. Alam niyang ang layo nun dito. Naglakad naman ako papuntang West Wing, ang init Jusko!

Makalipas ng sampung minutong paglalakad ay nakarating na rin ako sa West Wing. Jusko, napakaraming food stalls dito, saan naman kaya iyon nag-order, may sapak ata sa utak iyon eh, hindi ba naman sinabi sa akin kung saan ko kukunin.

"Uhmm,excuse me po, meron po bang nagpa-order dito na nakapangalan kay Harold Montero?" tanong ko dito sa isa sa mga Food Stal dito, umiling naman siya bilang sagot.

"Ah, sige salamat po" nagtanong pa ako sa mga stalls dito, bakit sa East Canteen walang ganito? Walang stalls, unfair. Matapos ng halos limang minutong pagtatanong ay nahanap ko na yung stall na pinag-orderan niya.

"Uhmmm excuse me po, meron po bang nag-order dito na nakapangalan kay Harold Montero?" tanong ko naman kay ate gurl na nagtitinda.

"Meron po, wait lang," nilabas niya yung mga inorder nung Englisherong Hilaw na iyon. Nagulat lang ako kasi napakarami akala mo magpapakain ng halos bente katao.

"4,255 po lahat" inabot ko naman sa kaniya yung pera na inabot sa akin kanina, ano ba itong inorder niya? Ginto? Napakamahal naman ng pagkain dito.

"Here's the change po, Thank You" sabi naman si akin ni Ate Gurl. Tumango na lamang ako bilang sagot.

Lumabas na nga ako ng canteen, grabe ang dami kong dala, akala mo namalengke ako ng pagkain para sa isang linggo. Napakabigat jusko. Naglalakad na nga ako palabas pero ang bigat talaga nitong dala ko.

"Need help?" nagulat naman ako ng may nagsalita sa likod ko kaya nilingon ko naman ito. Pogi, oemji so Pogi!

"A-ah hindi o-okay lang ako, hehe," sabi ko naman sa kaniya.

"Mukhang mabigat yang dala mo, saan ka ba pupunta?" tanong naman sa akin nitong napakagwapong nilalang na ito.

"Doon pa ako sa East Wing, pinapakuha lang itong inorder dito," sabi ko naman sa kaniya.

"Maglalakad ka lang?" tanong niya naman sa akin. Tumango nalang ako bilang sagot.

"I'll give you a lift, wait lang kunin ko lang yung kotse ko," sabi niya naman sa akin. Sasabihin ko sanang hindi na kaso bigla nalang siyang umalis eh, 'tsaka pabayaan mo na, nagmamagandang-loob na nga yung tao eh. 

Makalipas ng dalawang minuto may huminto sa harap ko na kotse. Bumaba siya rito at lumapit sa akin.

"Lagay na natin sa likod yang dala mo," sabi niya naman sa akin at inilagay na namin sa likod yung mga dala ko. Umupo naman ako sa harap, umupo na rin siya sa drivers seat.

"Yung seatbelt mo?" sabi niya naman sa akin.

"Malapit lang naman eh," sabi ko naman sa kaniya. Ang totoo lang ay hindi ko pa rin talaga alam kung paanoi magkabit neto, practice nga ako next time. Nagulat naman ako nang lumapit siya sa akin.

"Anong gagawin mo?!" gulat kong tanong sa kaniya.

"Yung seatbelt mo nga," sabi niya naman sa akin at nilagay niya nga yung seatbelt ko. Pinaandar niya na nga yung sasakyan at umalis na kami. 

Makalipas ng halos tatlong minutong pagmamaneho niya ay nandito na kami sa East Wing. Pinatay niya na makina at lumabas. Tatayo na rin sana ako kaso naalala ko hindi ko alam tanggalin itong seatbelt na ito, nakaka-inis, hindi ganito yung seatbelt sa sasakyan nung Englisherong Hilaw na iyon. Sinilip niya naman ako mula sa likod, ilalabas niya na sana yung mga pagkain, tinignan ko naman siya saka ngumiti. Natawa nalang siya.

"Help"

Naintindihan niya ata yung gusto kong sabihin kaya binuksan niya yung pintuan dito sa tabi ko sabay lumapit sa akin, My Gahd! Naglapit yung mga mukha namin. May sinasabi siya habang tinatanggal yung seatbelt ko na hindi ko naman naintindihan. Ang paru-paro sa loob ng aking tiyan! Jusko, napakapogi talaga nito. Nagtitigan lang kaming dalawa. 

"Ah, a-ano natanggal ko na," sabi niya naman.

"ah o-oo," lumabas na nga ako ng sasakyan at kinuha na namin yung pagkain sa likod, inabot niya naman sa akin yung iba.

"Thank You ha," sabi ko naman sa kaniya habang bitbit itong mga plastic na dala ko.

"Sumakay na ako sayo, pero hindi ko pa alam pangalan mo, hahaha" sabi ko naman sa kaniya, 'tsaka ko lamang napagtanto yung sinabi ko, Sumakay?! Ako sa kaniya?!.

"Ha?" nagtatakang tanong niya naman.

"A-ano sabi ko hindi ko pa alam pangalan mo, ikaw na nga itong nag-alok sa akin na makisakay," pagpapaliwanag ko naman sa kaniya

"Erick" sabi niya naman sa akin.

"Kevin" sabi ko naman sa kaniya, gusto ko man makipagkamay, kaso ang dami kong dala.

"Need help na dalhin iyan?" pag-aalok niyang muli.

"Ah, hindi kaya ko na, nakakahiya naman sa'yo, hahaha" sabi ko na lamang habang natatawa.

"Sige Kevin, I'll see you when I see you," sabi niya naman sa akin.

"Sige, salamat ulit!" sabi ko naman sa kaniya. Bumalik na siya sa loob ng sasakyan niya at umalis na. Pumunta na ako roon sa Music Room, bago ko pa man buksan yung pintuan eh biglang lumabas si Third.

"Oh, ano yang dala mo?" takang tanong niya sa akin.

"Ahh, yung pina-order ni Harold," sabi ko naman sa kaniya.

"Bakit hindi niya nalang pinadeliver dito?" takang tanong niya naman sa akin. Aba! Pwede palang ipadeliver, pinagloloko talaga ako ng Englisherong Hilaw na iyon

Pumasok na nga ako sa loob at inilapag ko na sa lamesa itong mga pinapakuha nitong Englisherong Hilaw na ito.

"Nandito na yung pinapakuha mo," sabi ko naman sa kaniya sabay abot ng barya sa kaniya. Wala naman siyang sinabi. Nagsilapitan yung mga kasama niya para kumain.

"May iuutos ka pa ba?" tanong ko naman sa kaniya. Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kaya lumabas na ako. Pupunta na ako sa susunod na subject ko.

"Wait," rinig kong sigaw mula sa likod ko, alam ko kung kaninong boses iyon kaya nilingon ko siya.

"May iuutos ka pa ba?" tanong ko ulit sa kaniya.

"I'm not going to drop you off home, I have to go somewhere, and also you have to accompany yourself to go to the mall to buy your things" sabi niya naman sa akin, tumango naman ako bilang sagot. Lumapit naman siya sa akin at may ibinulong.

"And also, don't tell anyone that you're my personal maid, understand?" bulong na utos niya naman sa akin.

"Eh, ano palang sasabihin ko?" takang tanong ko sa kaniya.

"Tell them you're my cousin" sabi niya naman sa akin. Tumango na rin lang ulit ako bilang sagot. Paalis na sana ako nang magsalita ulit siya.

"Sino yung kasama mo kanina?" hinarap ko naman siya dahil sa tanong niya, nakatingin siya sa ibang direksyon na siyang ipinagtataka ko, nakita niyang kasama ko si Erick kanina? Weird.

"Ah, wala nakilala ko lang doon sa canteen kanina, sinabay lang ako," sabi ko naman sa kaniya. 

Bumalik naman na siya sa loob ng walang sinasabi. Pumunta na rin ako sa susunod kong subject, nagugutom tuloy ako, hindi ko man lang naubos yung pagkain ko kanina. 

makalipas ng ilan pang subjects ay hapon na, napatingin naman ako sa orasan at saktong alas-sais na ng hapon. Pagabi na rin pala.

"Gurl, may pupuntahan ka pa ba mamaya?" tanong naman sa akin ni Cyan.

"Punta lang ako ng mall, bibili ng gamit," sabi ko naman sa kaniya.

"Sakto papunta rin ako there, gusto mo sabay ka na? Ayy wait baka may service ka?" tanong niya naman sa akin.

"Wala naman, Sige sabay nalang ako sayo," sabi ko naman sa kaniya. Nakakahiya naman tumanggi 'tsaka hindi ko rin kasi alam kung saan yung mall nila rito. Baka maligaw nanaman ako. 

Bumaba na nga kaming dalawa ni Cyan at hinintay yung service niya. Makalipas ng ilang minuto ay nandito na yung service niya. Pinagbuksan naman siya ng pintuan ng driver niya sa likod, pumasok na rin ako.

Makalipas ng tatlumpong minuto ay nandito na kami, medyo traffic kasi, medyo malapit lang pala sa campus.

"Hindi na kita masasamahan ha, kameet-up ko kasi yung pinsan ko. Pero don't worry, next time na pupunta tayo, I'll accompany you," sabi niya naman sa akin.

"Okay lang ano ka ba, salamat pala ha," sabi ko naman sa kaniya. Dumiretso naman sila sa parking at pumasok na ako sa loob. 

Hinanap ko naman dito kung saan pwede mamili ng mga gamit sa school. Matapos ng ilang minutong paghahanap ay nahanap ko na rin ang National Book Store, pumasok na ako roon at kinuha ang mga gamit na kakailanganin ko para sa sketching at kung anu-ano pa na gagamitin ko. Buti nalang at medyo pamilyar ako sa loob.

Makalipas ng ilang minuto ay lumapit na ako sa counter para magbayad.

"5,789 po lahat sir" sabi niya sa akin, inabot ko naman sa kaniya yung anim na libo. Nahihiya akong gamitin yung card na binigay sa akin ni Madam Celia.

Kinuha ko na yung mga binili ko at dumiretso naman ako sa, ano na bang pangalan ulit nun, basta yung pagbibilhan ng uniform. Nahanap ko naman yung pagbibilhan ko ng uniform.

"Good Day Sir, ano pong hanap nila?" tanong naman sa akin nitong Sales Lady na ito,

"Uniform po," sagot ko naman sa tanong niya.

"For college po ba? Saang school?" tanong niya ulit.

"Sa MUOMA Int. po," sagot ko naman sa kaniya. Sinundan ko naman siya kung saan siya pumunta at nakita ko nga yung uniform na hinahanap ko. Ang ganda talaga ng uniform naming FD.

Pumasok kami sa isa sa mga kwarto rito at sinukatan ako. Matapos ako makuhaan ng sukat ay lumabas na ako at lumapit sa cashier. 

"Magkano po yung uniform?" tanong ko naman sa kahera.

"18,999 po" sabi niya sa akin na siyang ikinagulat ko, ano ba yang uniform, ginto? Jusko. Dahil nga sa kailangan ko talaga itong uniform, itong black card na binigay sa akin ni Madam kanina ang iniabot ko. Nagulat naman itong kahera sa iniabot ko.

May binigay naman na paper bag sa akin itong isang sales lady. Mabuti nalang at sa Lunes ko lang susuotin itong uniform. Nakakalula ba naman kasi yung presyo.

"Thank You po Sir, please come again," sabi naman sa akin nung sales lady kanina. Tumango nalang ako bilang sagot. 

Lumabas naman na ako ng mall, ngayon anong gagawin ko? Paano naman ako uuwi? Taxi? Magtataxi nalang siguro ako, nagtawag nga ako ng taxi at sinabi ko na sa "12 Red Villa, Subdivision". Mabuti nalang at nakalagay sa likod ng ID ko yung address nila madam, kung hindi ay baka hindi ako makakauwi.

Makalipas ng ilang minuto ay nandito na nga kami sa main gate ng villa. Hinarangan naman kami ng guard dito.

"Excuse me po, may pass po ba kayo?" tanong naman sa akin nitong isang guard.

"Pass?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Yes po Card Pass" sabi naman sa akin nitong guard.

"Ay sandali lang po, eto po kuya bayad" sabay abot ko naman kay manong driver ng bayad ko. Bumaba na nga ako ng taxi. Kinausap ko naman itong si Kuyang Guard.

-

"Kuya, ilang beses ko bang uulitin na doon nga ako nakatira! Giguel mo ako kuyang guard," inis na sabi ko sa kaniya.

"Nasaan nga kasi yung Card Pass mo?" ulit niyang tanong.

"Wala nga akong ganoon Kuya!" inis na sabi ko sa kaniya.

"Eh, kung ganoon, edi hindi ka pwedeng pumasok, lahat ng tao rito may Card Pass kung wala kang ganon hindi ka pwedeng pumasok," sabi niya ulit sa akin.

"Kuya guard 'tong mukhang ito 'di mo kilala?" sabi ko sa kaniya sabay turo sa mukha ko "Bawal ba iyong GLC dito?" sabi ko naman sa kaniya.

"GLC?" takang tanong naman ni Kuyang Guard.

"Jusko Kuyang Guard, saan ka ba lupalop ng mundo nakatira at hindi mo alam ang GLC? Ganda Lang Card, kaya sige na kuya papasukin mo na ako please," pagpupumilit ko pa ring sabi sa kaniya.

"Hindi nga pwede, papatawag kita sa pulis," sabi niya ulit. Bumalik na siya roon sa outpost niya at isinara ang gate.

"Kuyaaaa! Papasukin mo na kasi ako," sigaw ko habang niyuyugyog ko itong gate. "Kuyaaa!" nagulat naman ako nang may malakas na ilaw ang nagmumula sa likuran ko.

"Kuyaaaa!" pasigaw na tawag ko ulit kay Kuyang Guard.

"What's the problem here?"

~


-Corexalee-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro